webnovel

Crumpled Paper

Sa bawat pahina ay mayroong taglay na abentura Mga nakakubling lihim sa katiting na patak ng pluma Walang boses man kung tumuklas sa nasaksihang istorya Idadala, aayusin para sa nagkagulong pamilya Pamilya lamang ba o pati ang mundong wala ng tama? Isang maling gawi, puso't buhay ay handa nang kumawala Sandigan ma'y matigas, rurupok din 'pag wala ng pag-asa Hahayaan bang gugusot ang magandang nakakubling tadhana? Kapag umibig ka sa taliwas ang pananampalataya Halos lahat ay tututol, pati ang nakaraang lumuluha Talunaryo ng alaala'y hindi pa rin nawawala Bawat tamis ay nawawasak na parang isang hibla Maaayos pa ba ang lahat kung sa una ay para nang isinumpa? Karampot ng papel Karampot ng tadhana Katiting ng pawis Papatak lahat ang luha Sa mga matang pagod na Titiisin pa ba ang pagdurusa?

Kristinnn · Politique et sciences sociales
Pas assez d’évaluations
34 Chs

Walis at basahan (3.7)

"Tell me, ano ba ang aming gagawin dito Uncle Jazzib?" nakaawang ang kaniyang labing nakatingin sa akin ngayon nang magtanong ako sa kaniya.

Kasalukuyan na kaming naglalakad sa sulok-sulok nitong barko kung saan kami maglilinis mamaya.

Mabuti nga lang at mahigit tatlumpong tagapaglinis ang aming makakasama ngayon at nakatitiyak akong mas mapadali itong aming gagawing trabaho.

"Hindi ko alam na may mapupulot ka pang salitang Ingles diyan sa dila mo" walang emosyon ko siyang tinitigan.

"Kusa lang pong lumabas eh" hinawakan niya ang aking ulo at mas ginulo pa ang aking masyadong magulong buhok.

"Nasaan po ba ang mga kasangkapang aming gagamitin sa paglilinis, bakit hindi niyo kami binigyan?" tanong sa kaniya ni Akari na nakasunod lamang sa amin.

"Hindi naman kayo kasali sa paglilinis, uutusan niyo lang sila ng uutusan" napangiwi ako nang marinig ito.

"Parang hindi naman siguro maayos iyon Uncle. Baka isipin nilang masyado kaming tamad dahil puro lang kami utos"

Malalim siyang napabuga ng hangin bago magsalita. "Sige, kayo na ang bahala kung nais niyo rin silang tulungan. Basta siguraduhin niyo lang na malilinisan niyo itong buong barko" napatango ako sa sinabi niya.

"Nasaan na ba sila?" nagtatakang tanong ni Akari habang may pakamot-kamot pa ng ulo.

"Nasa hall, puntahan niyo nalang dun dahil naghihintay na sila sa inyo" akma na sana siyang aalis nang may sabihin na naman siya sa amin. "Huwag niyo na pala isali ang dining room sa paglilinis dahil mayroon namang mga serbidorang naglilinis doon"

Nagtataka akong nilingon si Akari nang nagngingiti siya sa aking nakatingin.

"Ayusin niyo ang trabaho ha, ayoko ng marumi. Alam mo na iyon Khalil" tanging tango na lamang ang aking naitugon sa kaniya dahil hindi pa rin ako tinatantanan ng mga titig nitong si Akari.

Hinintay muna naming makaalis si Uncle Jazzib bago kami nagsimulang maglakad sa taas kung saan namin makikita ang hall.

Nakikita ko ngayon na masyadong busy si Uncle Jazzib sa kaniyang mga gawain dito sa sarili niyang barko, papaano pa kaya kapag tuluyan na nga itong maglalayag?

Hindi na ba siya natutulog kapag ganoon?

Baka ay mayroon pa siyang ibang mga assistant para samahan siyang paandarin itong barko.

Bigla kong naisipan si Papa.

Hindi ko pa rin siya nakikita ngayon, talaga bang mahirap ang mag-ayos ng mga malalaking makina nitong barko?

Labis akong napailing sa aking mga naging katanungan.

"Nanghihinayang ka ba Khalil?" masama ko siyang tinitigan.

"Ano na naman ba ang sinasabi mo diyan?" hindi pa rin naaalis ang ngiti sa kaniyang labi.

"Nanghihinayang ka ba sa kaalamang hindi natin malilinisan ang dining room?" napasinghap ako nang sabihin niya ito.

"Baka ikaw ang nanghihinayang, nalulumbay ka na ba talaga sa presensiya ni Ebonna?" agad siyang nag-iwas ng tingin sa akin.

Ang ingay-ingay kasi.

Napangiti ako nang bigla siyang napatahimik.

Labis akong nagpapasalamat na hanggang sa makarating kami dito sa hall ay hindi na siya muling nag-ingay, sa wakas at nakaramdam ulit ako ng kaunting kapayapaan.

Hindi pa sana ako papasok sa loob dahil sa ako'y nahihiya subalit wala namang magbabago kapag tutunganga lang kami rito sa labas kung kaya pilit nalang kaming pumasok kahit pa nakakaramdam kami ng hiya ngayon.

Laking gulat ko nalang nung biglang bumungad sa amin ang napakaingay na mga binatilyo sa loob.

Kasalukuyan silang nagbabatuhan ng mga basahan at mga walis, batid kong lahat sila ay mga lalaking sa pananaw ko ay kaedad lang rin namin ni Akari.

Agad na tumahimik ang buong paligid nang mamatyagan nilang mariin namin silang tinititigan.

Dali-dali nilang pinulot ang nakakalat na mga panglinis matapos ay nakayukong tumayo sa gilid habang hawak-hawak ang mga kagamitan.

Katulad din namin ay mayroon din silang mga name tag sa kanilang kasuotan kung kaya't hindi na kami mahihirapang tawagin sila.

Mariin kong tinitigan si Akari na ngayon ay nakatitig na rin sa akin, hinihintay ko na lamang ngayon kung kailan siya magsasalita sa kanilang harapan.

Subalit bigla niya akong sinenyasan na ako na ang maguutos sa kanila.

Malakas akong napabuga ng hangin bago sila hinarap, papaano namin sila mababantayan gayong kayrami nilang lahat?

Malakas akong napatikhim habang sinusuri sila.

Kailangan kong ipakita sa kanila ang maawtoridad kong pagkatao upang mas madisiplina ko sila ng maayos.

Ramdam ko kasing matitigas ang kanilang mga ulo.

"Kumain na ba kayong lahat?" hindi ko alam kung bakit pinandilatan ako ni Akari nang itanong ko iyon.

Tiningnan ko silang lahat subalit ilan lamang sa kanila ang tumango.

Natatakot ba sila sa amin?

"Sisimulan natin ang paglilinis dito sa unang palapag, hindi ko kayo ipapangkat-pangkat kung saang palapag kayo maglilinis dahil mas madali kapag magtutulungan tayong linisin ang bawat bahagi ng barko. Ang mayroong dala-dalang basahan ay magpunas na at ang mayroong mga dalang walis naman ay magwalis na. Alam niyo naman siguro kung ano ang purpose ng mga dala ninyo ano? Ayoko ng mga maiingay kapag nagsimula na tayong maglinis, pagkatapos ay magpapahinga lamang kayo kapag nagbigay na ako ng oras. Huwag kayong magsitumpukan sa iisang lugar lamang dahil malawak naman itong barko ng Kapitan kaya bakit naman kayo magsisiksikan? Kung nais niyong uminom ng tubig ay ipagpaalam niyo lang dito kay Akari, naintindihan?" nanatili lamang silang nakatungo sa amin.

Malakas akong napabuga. "Hindi yata kayo nakikinig eh" nakita ko ang bahagyang pagsimangot ng iba sa kanila.

"Ayoko nang magsalita pa kung hindi lang rin naman kayo makikinig, mas mabuti pa kung aagahan natin ang pagtatrabaho para mas maaga tayong matatapos" lahat sila ay napatango at isa-isa nang lumabas dito sa hall.

Agad kong naaninagan ang kaiksihan ng kanilang pagtatrabaho, tila nasasanay na silang maging aktibo sa paglilinis nitong barko.

Napalanghap ako ng hangin matapos ay kinuha ang basahan at walis sa gilid nitong hall.

Maigi kong sinuri si Akari na kasalukuyang nakatunganga lamang sa akin. "Hindi ka pa ba kikilos diyan?" agad niyang inalis ang tingin sa akin at kinuha rin ang bakanteng basahan.

"Saan ba ako magsisimulang maglinis?" tanong niya sa akin.

"Bantayan mo ang mga naglilinis dun sa swimming pool, siguraduhin mong magiging malinis ang kinalalabasan ha. Doon ako magbabantay sa lounge" napatango siya sa akin matapos ay lumabas na dito sa hall.

Mayroon ding ibang mga tagapaglinis na naiwan dito para maglinis kaya't pinayuhan ko muna sila kung ano pa ang gagawin dito bago ako dumiretso sa lounge.

Nang tuluyan na akong makarating dito ay biglaang bumungad sa akin ang iba pang mga tagapaglinis na walang imik na naglilinis.

Hindi naman pala sila mahirap pagsabihan.