webnovel

CHAPTER ELEVEN

PILIT siyang kinukumbinsi ni Cole na mag-file ng case against sa lalaking namantala sa kanya ngunit kagaya ng una ay sinabi niyang hindi na. Hindi naman niya kasi alam kung na saan na ang lalaking iyon. Naglaho ito ng parang bula. Wala din naman pupuntahan ang kaso niya kahit anong gawin niya. Ayaw na niyang ilaan ang oras sa taong gumawa ng masama sa kanya. She is trying to move on.

Hinayaan naman siya ng kaibigan kahit kitang-kita niya ang galit nito at kagustuhan na bigyan siya ng hustisya. Nagpapasalamat siya at nariyan si Cole sa tabi niya. Lagi na itong pumupunta sa cake shop niya. Madalas na itong pumupunta para sunduin siya, lalo na kapag gabi na sila nagsasara. Sinabi niya din kasi rito na hindi niya kayang sumakay ng taxi. Nagkaphobia siya dahil sa nangyari. Cole volunteer to pick her up in the morning and in the night. Minsan na itong nakita ni Kurt pero wala naman sinabi ang dating nobyo.

"Ma'am Marie, kami na po rito," sabi ng assistant niyang si Jasmine.

Natigil siya sa ginagawa at napalingon sa kanyang assistant. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Cole na nakatayo sa tabi nito at may hawak na plastic bag.

"Hello. I brought lunch. Want to eat with me?" May ngiti ang labing tanong nito.

Napangiti naman siya at binitawan ang hawak na icing spatula. Pinunasan niya muna ang kamay bago lumapit sa kaibigan.

"Anong binili mo?" tanong niya.

"I brought you favorite. Fried chicken and spaghetti."

Naglakad sila palabas ng kitchen. Madalas ay sa opisina niya sila kumakain dalawa. Masaya siya kapag kasama si Cole. Hindi niya alam pero gumagaan ang pakiramdam niya kapag nakikita ito. At kapag hindi naman ay hinahanap niya si Cole. Minsan nga ay tinawagan niya ito dahil nais niyang marinig ang boses ng kaibigan bago matulog. Para bang kompleto ang araw niya kapag nakikita at nakakausap ito. Hindi niya alam kung bakit ganoon siya sa kaibigan, marahil ay dahil sinabi niya rito ang totoong nangyari sa kanya. Naging sandalan niya ito ng mga sandaling iyon. He is really her best friend. At tinutupad naman ni Cole ang pangako nito na hindi siya hahayaan na mag-isa.

Papasok na sana sila sa opisina niya ng may narinig silang tumawag sa kanya. Nakita niya si Kurt na nakatayo hindi kalayuan sa kanila.

"Marie, can we talk? Please!" Nagmamaka-awa ang mga mata ni Kurt na nakatingin sa kanya.

Napatingin siya kay Cole. Walang emosyon ang mga mata nito. Walang araw yatang hindi pumupunta sa cake shop niya si Kurt at naghihintay na ka-usapin niya. Madalas lang itong nakatingin sa kanya at kay Cole. Ngayon lang ulit ito naglakas loob nalapitan siya at kausapin. Muli siyang napatingin sa dating nobyo.

"Okay." Napatingin siya kay Cole. "Ka-usapin ko lang siya. After this sasamahan kita kumain."

Napatingin sa kanya si Cole. Wala paring emosyon ang mga mata nito. "Okay," sagot nito at hinalikan siya sa noo.

Bigla siyang natigilan sa ginawa ng kaibigan. Nagulat siya sa ginawa nitong paghalik sa kanya. Nakita niya naman ang sakit sa mga mata ni Kurt. Hindi niya iyon pinansin, hindi siya pwedeng maging marupok ng mga sandaling iyon. Nang makapasok sa office niya si Cole ay lumapit siya kay Kurt.

"Doon tayo." Itinuro niya ang isang mesa na malayo sa costumer. Tumungo naman si Kurt.

Na-una na siyang lumakad. Alam niyang nakasunod sa kanya si Kurt. Pinaghila pa siya nito ng upuan. Magalang siyang yumuko at umupo.

"Thank you."

Nakita niyang may sumilay na ngiti sa labi ni Kurt. Umupo naman ito sa kabilang bahagi ng mesa.

"May gusto ka bang inumin?" May bahid ng pagkailang ang boses ni Kurt.

"Ano bang gusto mong pag-usapan?" tanong niya sa walang emosyong boses. Nais niyang palakpakan ang sarili ng mga sandaling iyon.

Nakita niya ang pag-guhit ng sakit sa mga mata ni Kurt. Yumuko din ito. Nakaramdam siya ng awa sa dating nobyo. Yumuko din siya at huminga ng malalim.

"Bakit ka pa ba nandito, Kurt? Sinabi ko naman sa'yo, di ba. Hindi na ako babalik sa'yo. Kalimutan mo na--"

"Bakit ang dali mong sabihin na kalimutan kita?" Putol ni Kurt ang iba pa niyang sasabihin. "Bakit ang bilis mong makalimot, Marie? Sabihin mo sa akin, ganoon na lang ba kadali sa iyo na kalimutan ang pagmamahalan natin? Alam mo kung gaano kita kamahal. Kaya kong gawin ang lahat para sa i--"

"Kurt, stop. Wag mo ang pahirapan pa ang sarili mo. Haya--"

"Paano ko nga iyon gagawin kung mahal na mahal pa rin kita? Paano ko iyon gagawin kung ikaw ang sinisigaw nitong puso ko?" Tuluyan pumatak ang mga luha ni Kurt. "Marie..." Hinawakan ni Kurt ang kamay niya na nakapatung sa mesa.

"Please! Come back to me. I will take care of you this time. Hindi na kita hahayaan mag-isa. Wag mo lang akong iwan, Marie." Yumuko si Kurt at mariing hinalikan ang kanyang palad. "Gagawin ko lahat bumalik ka lang sa akin. Hilingin mo lahat, kahit ano basta bumalik ka lang sa buhay ko." Umangat ng mukha ni Kurt.

Umagos ang mga luha nito sa pisngi. "Nais mo bang iwan ko ang trabaho ko? Gagawin ko, Marie. Nandiyan naman ang kompanya ni Daddy. Kaya kong manatili dito sa Pilipinas kung iyan ang nais mo. Sabihin mo lang. Gagawin ko." Tumayo si Kurt at lumapit sa kanya. At walang pag-alinlangan itong lumahod sa harap niya. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Napasinghap ang mga tao sa paligid namin na nakasaksi sa ginawa ni Kurt.

"Kurt, tumayo ka." Hinawakan niya sa magkabilang braso si Kurt at pilit itong pinapatayo.

Umiling ito. "Hindi ako tatayo, Marie. Sagutin mo muna ang tanong ko." May kinuha ito sa likod ng bulsa nito.

Ngunit bago pa nito tuluyan makuha iyon ay may taong humawak sa braso ni Kurt. Pareho kaming napatingin sa taong iyon. Nakita niyang ang seryusong mukha ni Cole.

"Cole..." Banggit niya sa pangalan ng kaibigan.

"Marie said STOP. You should obey her. Hindi mo na dapat pinipilit ang sarili mo sa taong ayaw na sa'yo." Mariing sabi ni Cole. Nakatitig lang ito sa mga mata ni Kurt habang sinasabi iyon.

Gumalaw ang panga ng dating nobyo. Tumayo ito at ipinantayan ang sarili kay Cole. "Bumalik ka na pala. Nandito ka na naman ba para guluhin ang relasyon namin ni Marie. Hindi ka pa ba nagsasawa na isiksik iyang sarili mo sa buhay ng taong tinuturing ka lang na isang kaibigan." Ngumisi si Kurt.

Nakita niya ang pagdilim ng mukha ni Cole sa sinabi ni Kurt. Bigla nitong hinawakan sa kwelyo ng dating kasintahan. Napatayo siya para pigilan ang dalawa.

"Ano bang ginagawa niyo? Tumigil nga kayo?" Sigaw niya at hinawakan ang braso ni Cole.

"Oh! Ako pa ngayon ang sumisiksik sa buhay ng bestfriend ko? Hindi ba ikaw iyon, pinipilit mong bumalik sa buhay ni Clara kahit na ayaw niya na. You two already broke up. Bakit hindi mo na lang pakawalan ang kaibigan ko?" Sigaw ni Cole.

"Para ano? Para ikaw naman ang pumalit sa pwesto ko." Pinakawalan ni Kurt si Cole. "Hindi ako isang kagaya mo, Lincoln Aries. Hindi ko sasaktan ang taong mahal ko para lang maging akin siya."

Ngumisi si Lincoln. "Sa'yo pa talaga nagmula ang mga salitang iyan, Kurt Adam. Hindi ba nasasaktan si Clara sa ginagawa mo ngayon. You forcing her to come back to you even she doesn't want you anymore. Hindi mo ba napapansin na nahihirapan din siya dahil sa'yo. Nasasaktan si Clara ng dahil sa ginagawa mong gago ka."

"Cole, please!" Pigil niya sa kaibigan. Hinawakan niya ito sa braso.

"Mahal pa rin ako ni Marie. Alam kung nasasaktan din siya ngayon dahil...."

"Wag mong ipagkamali ang awa sa pagmamahal, Kurt. Magkaiba ang dalawang iyon. At alam mo kung anong nararamdaman ni Clara para sa iyo ngayon." Malamig na sabi ni Lincoln.

Hindi nakapagsalita si Kurt. Alam niya na nakatingin sa kanya ang binata ng mga sandaling iyon. Alam niyang nasasaktan ito ng mga sandaling iyon at hindi niya kayang makita ang emosyong iyon na nakarehistro sa mukha nito. Humawak siya sa braso ni Cole.

"Tama na please." Mahina pero may diing sabi niya. Pumatak ang mga luha niya. Dahil sa katangahan niya ay may nasasaktan siya ng mga sandaling iyon.

Hindi niya alam kung tama bang hiniwalayan niya si Kurt at ilihim dito ang totoo ngunit wala na siyang magagawa pa. Pinili niya ito kaya naman kailangan niyang panindigan.

Tumigil naman ang dalawa at napatingin sa kanya.

"Umalis ka na Kurt, please!"

"Marie..." Hindi makapaniwalang bigkas ni Kurt sa pangalan niya.

"Hayaan mo na ako. Palayain mo na ako." Tanging nasabi niya bago tumakbo pa-alis doon at pumasok sa office niya. Narinig niya pa ang pagsigaw ng dalawang lalaki.

Napasandal siya sa pintuan ng kanyang opisina at doon umiyak. Bakit ba hindi niya magawang sumaya ng tuluyan? Bakit napakahirap makamit ang nais niyang magbagong buhay?

Lumapit siya sa kanyang mesa at doon ay napa-upo. Umiyak siya ng umiyak. Nais niyang matapos na ang paghihirap na nararanasan niya. Nais na niyang magkaroon ng kapayapaan sa buhay niya.

"It's alright, Clara. I'm here. Narito ako para sa'yo." Bulong ni Cole at yumakap mula sa kanyang likuran. Hindi niya manlang namalayan na pumasok ito ng kanyang opisina.

Lalo siyang napa-iyak sa sinabi ni Cole. Humarap siya sa kaibigan, nasa mukha nito ang lungkot na nararamdaman para sa kanya.

"Cole...." Yumakap siya ng mahigpit sa kaibigan. Nagpapasalamat siya at nariyan ang kanyang kaibigan, may tao siyang masasandalan.

"ANONG kinakain mo?" tanong ni Cole.

Nakasalubong ang kilay na tumingin siya sa kaibigan. Muli siyang napatingin sa kinakain. Ice cream with banana at may kasamang ketchup pa. Iyon ang madalas niyang kainin nitong huli. Hindi niya alam ngunit sobrang nasasarapan siya sa kinakain. Minsan nga ay iyong niluluto niyang cake ay nilalagyan niya ng ketchup. Noong nakaraang araw ay na abutan siya ni Jasmine na iyon ang kinakain na tanghalian, tumakbo ito na nasusuka. They find her eating hobbit weird.

"You want." Ipinakita niya ang kinakain dito.

Lumapit si Cole at tiningnan ang laman ng ice cream bucket. Nanlaki ang mga mata nito at napatakip ng ilong. "What is that?"

"Ice Cream with banana." Masayang sagot niya at kumain niyon.

Nagulat si Cole sa pagsubo niya at napatakip ng bibig. Para itong nasusuka.

"What's wrong, Cole?"

"It's gross, Clara. And that red one is ketchup, right?"

"Yes!"

"Oh my gosh!" Tumakbo si Cole sa restroom sa loob ng opisina niya at narinig niyang nagsuka ito doon.

Napasimangot siya sa ginawa ng kaibigan. "What's wrong with my food? Ang sarap kaya." tumayo siya sa upuan at lumapit sa plastic na dala ni Cole.

Nagningning ang mga mata niya ng makita ang dala nitong pagkain. Agad niya iyong kinuha sa plastic at binuksan. Ngunit napasimangot siya ng makita ang kulay ng spaghetti. Hindi iyon kasing pula ng nais niya. Nabuhay ang iritasyon na nararamdaman niya. Isinara niya iyon at itinapon sa basurahang naroroon.

"Bakit mo tinapon ang pagkain?" tanong ni Cole na kalalabas lang ng restroom.

"Ayaw ko ng pagkaing dala mo. Hindi siya ganoon kapula." Inis niyang sabi at inirapan ang kaibigan. Bumalik siya sa dating upuan at kinain ang kanina ay kinakain.

Nakakailang subo na siya ng biglang kunin iyon ni Cole.

"It's gross, Clara. Baka biglang sumakit ang tiyan mo dahil sa kinakain mo."

"Ano ba, Cole?" Kinuha niya sa kaibigan ang kanyang pagkain ngunit agad iyong iniiwas ng kaibigan.

"Stop it, Clara. Hindi mo ba nakikita itong kinakain mo? Hindi mo ba na amoy? Hindi ka ba nandidiri?"

"Why should I? Ang sarap kaya, Cole. Try it."

"No!" Tinapon ni Cole ang ice cream bucket sa basurahan.

Nanlaki ang mga mata niya. "What did you do? My ice creams." lumapit siya sa basurahan at kinuha dito ang tinapon na ice cream. Na-iiyak na tiningnan niya iyon. Natapon ang buong ice cream sa basurahan.

Nakaramdam siya ng lungkot habang nakatingin sa ice cream niya. Unti-unting pumatak ang mga luha. Umangat siya ng tingin at galit na tinitigan ang kaibigan.

"Clara..." Napaatras si Cole.

Tumayo siya at galit na sinugod ang kaibigan. "You wasted my ice cream. Hindi mo alam kung gaano iyon kasarap. I hate you. I hate you."

Nagulat naman si Cole sa ginawa niya. Hinawakan nito ang dalawa niyang braso para pigilan sa pagsundok. Umiiyak siya habang sinusuntok ang kaibigan.

"Clara, it's just a food. I will buy you--"

"No!!! Umalis ka sa harap ko. Ayaw kitang makita. Hindi mo alam kung anong tinapon mo. Umalis ka sa harap ko. Alis!!! Umalis ka." Tinulak niya palabas ng opisina niya si Cole. "Ayaw na kitang makita. Wag ka ng magpapakita sa akin." Sigaw niya bago ito pinagbagsakan ng pinto.

Napaupo siya at napasandal sa pinto. Patuloy siya pag-iyak. Sinaktan ni Cole ang damdamin niya dahil sa ginawa nito. Bakit naman kasi ginawa niya iyon?

NAGPUPUNAS ng mesa si Marie ng bumukas ang pinto ng shop. Nakita niyang pumasok si Kurt at napatingin sa kanya. Gumuhit naman ang pagkagulat sa kanyang mga mata. Ilang linggo na ba hindi nagpakita sa kanya si Kurt. Simula noong nagkaroon ito ng pagtatalo kay Cole ay hindi na ito pumupunta ng kanyang cake shop.

Yumuko lang si Kurt at ngumiti ng pahagya sa kanya. Sinundan naman niya ito ng tingin ng pumunta ito sa isang sulok. Something new to Kurt. Natanggap na ba nito na wala na sila. Bigla siyang napahawak sa kanyang puso ng may naramdaman doon na munting kirot. Ngunit wala na siyang karapatan na masaktan dahil dito. Pinakawalan niya ito at kailangan niyang harapin ang consequences ng mga desisyong ginawa niya.

Nakita niyang lalapit na sana ang isa niyang staff para kunin ang order ni Kurt ng agad niya itong pinigilan.

"Ako na, Alice." Kinuha niya ang menu book dito.

"Sige po ma'am."

Lumapit siya kay Kurt. Walang emosyon itong tumingin sa kanya.

"Good afternoon sir." Inilapag niya ang menu sa harap nito.

Instead of picking up the menu ay tumayo ito at may sinalubong. Napaatras siya ng makita itong niyakap ang babaeng kakapasok lang ng cake shop niya.

"Hello. Kamusta ka na?" tanong ni Kurt na puno ng galak ang boses.

"I'm good, Kurt." Kitang-kita niya ang ningning sa mga mata ng babae.

"That's good to hear. Tara." Hinawakan ni Kurt sa siko ang babae at giniya palapit sa mesa kung saan siya nakatayo.

Nagtagpo ang tingin nila ni Kurt ngunit agad din itong nag-iwas ng tingin. Wala pa rin emosyon ang mga mata nito. Inalalayan nito ang babaeng makaupo bago ito umupo. Sinundan niya nang tingin ang bawat galaw ni Kurt. Napatulala na lang siya. Bakit ganoon? Bakit may ibang damdamin siyang nararamdaman ng mga sandaling iyon?

"Miss.." tawag ng babae sa kanya.

Napakurap siya at napatingin sa babae. "Yes."

"Can I have a menu?" tanong ng babae at nakataas ang isang kilay nito.

"Yes. Of course. Wait for a minute ma'am," sagot niya.

"Don't get another one." Pigil ni Kurt na agad niyang ikinatingin dito. Akala niya ay nakatingin din ito sa kanya ngunit hindi pala. "I will order for you."

"Really? Okay." Sumandal ang babae sa upuan. "Siguro naman alam mo ang gusto ko. Lagi tayong magkasama sa mga project outside Philippines. I bet you already know what I like."

Napalunok siya dahil sa narinig. Pakiramdam niya ay may bumara sa lalamunan niya.

"Ya. I know what you like." Tumingin na si Kurt sa menu.

"You are making me blush, Kurt." Malanding sabi ng babae.

Napahigpit ang hawak niya sa laylayan ng damit niya. Hindi niya kilala ang babae ngunit base sa sinasabi nito ay kasama nito sa trabaho ang dating kasintahan. Kahit minsan ay walang ipinakilala sa kanya ang binata na katrabaho. Huminga siya ng malalim. Hindi niya pwedeng ipakita kay Kurt na naiinis siya ng mga sandaling iyon.

"We want one slice of chocolate cake and strawberry shake. One dark coffee for me."

"Is that all, Sir?" She put up her fake smile.

"Yes. That's all." Tumingin sa kanya si Kurt.

Ngumiti siya at yumuko bago umalis sa harap ng dalawa. Naglakad siya papunta sa cake display ng makaramdam nang pagkahilo. Bigla siyang napahawak sa mesang nadaanan. Napansin iyon ni Alice.

"Ma'am Marie!" Agad itong lumapit sa kanya at hinawakan siya sa braso. "Okay lang po kayo, Ma'am?"

"I-i'm okay." Pinilit niyang tumayo ng tuwid ngunit nakaramdam ulit siya nang pagkahilo.

"Ma'am Marie, iba na po ito. Noong isang araw pa po kayo nahihilo." Hindi maitago ni Alice ang pag-aalala sa kanya.

"I'm fine, Alice. Pa..."

"What happen?" Tanong ni Kurt na hindi niya namalayan na lumapit. Agad siya nitong hinawakan sa braso at inalalayang maupo sa upuan na naroroon.

"Naku, Sir Kurt! Noong isang araw pa po nahihilo iyang si Ma'am Marie. Sinabihan na po namin siya na kami na lang dito sa shop at magpahinga na lang siya sa bahay ngunit ayaw naman niya." Sumbong ni Alice.

"Alice, sabi ko naman sa'yo okay lang ako." Pinilit niyang tumayo ngunit bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo at ilang saglit pa ay nandilim ang kanyang paligid.

Ang huli niyang narinig ay ang malakas na pagsigaw ni Alice at pagsalo sa kanya ng isang matigas ng bisig.

NAGISING siya dahil sa ingay na naririnig. Marahan niyang inimulat ang mga mata at napatingin sa paligid. Nakita niyang nakatayo sa isang sulok si Kurt at may kausap sa kabilang linya. Natigil lang ito ng makitang nagising na siya.

"I call you later." Inilagay nito sa bulsa ng pantalon nito ang hawak na phone.

Pinilit naman niyang bumangon para maka-upo. Nang mapansin ni Kurt na hirap siya ay agad itong lumapit para tulungan siya. Walang imikan sa pagitan nila. Inayos ni Kurt ang unan sa likuran niya para may masandalan siya.

"Kamusta pakiramdam mo?" tanong ni Kurt.

"I'm fine. Hindi mo na dapat ako sinugod sa ospital," sabi niya sa binata.

"Why shouldn't I?" May bahid ng galit ang boses nito.

"Simpleng pagkahilo lang naman ito. Tingnan mo--"

"Hindi iyan simpleng hilo lang, Marie. Ilang araw ka na daw nahihilo. At sa ayaw at sa gusto mo, hihintayin natin ang doctor. Kailangan natin malaman kung anong sakit mo." Matigas na sabi ni Kurt.

Hindi siya umimik. Napayuko lang siya. Alam niyang kailangan niyang malaman kung bakit nagkakaganoon siya. Tama din naman ito. Hindi normal iyong nararamdaman niyang hilo. Nabasag lang ang katahimikan sa pagitan nila ng pumasok ang doctor.

"Hello. Kamusta naman ang pasyente?" tanong ng doctor.

"I'm good, Doc," sagot niya.

Lumapit sa kanila ang doctor. Umupo naman si Kurt sa may tabi niya. Nakita niyang ngumiti ang doctor sa ginawa ni Kurt.

"Doc, ano pong sakit ng girlfriend ko?" tanong ni Kurt na puno ng pag-aalala.

"Congratulation, Hijo. Magiging tatay ka na." Masayang balita ng doctor sa kanila.