webnovel

CHAPTER 3

Maaga akong pumasok ngayon sa opisina. Papasok palang sa building ay binati na agad ako ng security guard, gayundin ang mga empleyado na nadaraanan ko habang papunta ako sa aking opisina. Tinugon ko naman ang kanilang pagbati.

"Good morning Sir Earl, mayroon po kayong meeting ng alas otso y media with Sir Miguel and Sir Daniel regading po sa new venture niyo.," sabi ng aking sekretarya ng makarating na ako sa aking opisina.

Masyadong hectic ang schedule ko ngayon, ang daming meeting na kailangan kong i-attend. Sanay naman na ako sa ganitong sitwasyon bilang CEO ng sarili kong kompanya, ang AvCOn Constrcution Company. Ilang taon na rin mula nang maitatag ko ito. Hindi naman ako pinilit ni Daddy na i-manage ang family business namin, andoon ang aking kapatid na si Carlos na katuwang niya sa pagpapatakbo nito.

Sa totoo lang hindi naging madali ang lahat sa akin noong nag-uumpisa pa lang ang kompanya ko. Marami akong mga naging failures, akala ko nga hindi ako magtatagumpay. Mabuti na lamang at ginabayan ako ni Daddy noong nag-uumpisa pa lang din ako.

Busy ako sa pagbabasa ng mga papeles sa ibabaw ng mesa ko nang dumating ang dalawa kong kaibigan. Tsk, syempre as usual, makiki-kape sila dito at manggugulo.

"Dude, kumusta na pala ang preparation ng kasal niyo ni Caroline?," tanong ng kaibigan kong si Daniel habang umuupo sa sofa ng aking opisina. "Sigurado ka na ba talaga na magpapakasal ka na sa kanya?" dagdag pa nito.

Si Daniel Antonio Montefalco, kaibigan ko mula high school. Guwapo din ang isang ito at siyempre mayaman. Kaya naman habulin ng mga babae, pero minsan nagdududa ako kung bakla ba ito. Wala kasi siyang pinapansin sa lahat ng mga ito. Faithful daw siya, pero wala namang maipakilala na girlfriend sa amin.

Sumunod naman sa kanya si Miguel. "Wow dude, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal ka na talaga. At syempre dahil diyan, kami na ang bahala sa stag party mo."

Siya naman ang playboy sa aming tatlo, si Joshua Miguel Gaballer. Lahat ng babaeng magpapansin sa kanya pinapatulan nito. Kaya naman binabakuran ko ng todo ang kapatid kong si Claire, crush kasi siya ng kapatid ko. Mahirap na baka maibilang pa sa koleksiyon ang prinsesa namin.

Ayon kay Miguel, dapat may show para masaya ang stag party. Naku alam ko na yang mga ganyan at saka for his benefit talaga yun kaya yan ang plano niya eh. Well, wala naman masama hindi naman ako gagawa ng kalokohan, baka mamaya hindi pa ako pakasalan ni Caroline.

"Hi hon", bati ni Caroline habang papasok ng opisina ko at tumuloy sa akin at hinalikan ako sa labi. Malambing ko namang tinugon ang halik niya. Sanay na ako na minsan naso-sorpresa na lang ako dahil bigla siyang pupunta sa opisina.

"Ehem, andito kami ha," biglang singit ni Daniel. Nakakunot ang noo nito na parang hindi gusto ang ginagawa namin. Naiinggit siguro ang kaibigan ko. Natawa na lang ako sa naisip.

"Oh hi, Daniel and Miguel." Nakangiting bati ni Caroline sa kanila. She's sweet talaga at isa yan sa mga nagustuhan ko sa kanya.

Nginitian naman siya ng mga kaibigan ko at binati rin. Minsan nagtataka ako sa tingin sa kanya ni Daniel, para kasing may iba kapag tinitignan niya si Caroline. Pero ayokong mag-isip at magduda, hindi naman siguro ako tatalunin ng kaibigan ko.

Nang matapos ako sa mga papeles na kailangang pirmahan ay umalis na kami ni Caroline para makipag-meeting sa aming wedding coordinator. Ipa-finalize na kasi ang lahat dahil three weeks from now ay ikakasal na kami.

Sumabay na rin sa amin ang dalawa ni Miguel at Daniel. Nagtaka ako dahil paglingon ko ay nakita ko si Daniel na parang may seryosong sinasabi kay Caroline. Pinagkibit balikat ko na lamang ito.

Naging maayos naman ang pag-uusap namin at ng wedding coordinator. All set na araw na lang ng kasal ang hihintayin namin.

"Let's eat muna Hon, di pa pala ako nagla-lunch," sabi ko kay Caroline. Sa dami kasi ng kailangan kong tapusin kanina hindi pala ako nakapag-lunch tapos dumating pa yung dalawa.

"Hon, dapat hindi ka nagpapalipas ng gutom ha," malamabing na sagot ng girlfriend ko at hinalikan ako sa pisngi. So sweet, I really love her.

Naalala ko noong ipinakilala siya sa akin ng ama niya na si Ronaldo Abad. He is one of the board member of my father's company. Noong una wala naman akong ibang naramadaman sa kanya. Nagandahan ako sa kanya siyempre hindi naman maiiwasan yun kasi wala namang lalaki ang hindi hahanga kay Caroline. Hanggang sa lagi siyang sinasama ng daddy niya sa tuwing may event sa company ni daddy. Dahil doon nagkakilala kami ng lubusan at kinalaunan ay nagustuhan ko na rin siya.

Mahigit isang taon na ang relasyon namin at dahil kinukulit na kami nina daddy lalo na ni Tito Ronaldo na magpakasal ay napagpasyahan ko ng mag-proposed sa kanya. Gusto naman siya ng aking pamilya except kay Claire, sabi niya hindi niya feel si Caroline. Ang kapatid ko talagang yon, hindi bale in time siguradong magkakasundo din sila.

Napabaling ako kay Caroline nang tumunog ang cellphone nito. Nakita kong binasa niya ang message at nakita kong namula siya at napakagat sa labi. Shit! Ano ba yung message na yun.

"Who is it Hon?"tanong ko sa kanya. Naiinis ako sa nakitang reaksiyon niya nang mabasa niya ang message.

Tumikhim muna si Caroline bago sumagot sa akin. Sinabi niyang ng daddy niya ang nagtext. Parang hindi naman ako kumbinsido pero may tiwala ako sa kanya kaya inalis ko na lang sa isipan maling naiisip. Ayoko din na mag-away kami dahil ako rin naman ang manunuyo.

Andito na kami ngayon sa isang Japanese restaurant. Pinagbuksan ko siya ng pinto ng sasakyan ko at pumasok na kami sa restaurant.

May mga ikinukuwento ako sa kanya tungkol sa mga nakakatawang nangyari sa opisina. Sinabi ko din na ini-invite kami ni mommy na sa mansiyon naming mag-dinner. Ngunit napansin ko na wala sa akin ang atensiyon niya. Madalas iyang nakatingin sa cellphone at nagti text.

"Earl!, oi Caroline," si Daniel kakadating lang. Nagkataon na dito din pala siya kakain. Wala naman siyang kasama. Inaya siya ni Caroline na sa table na lang naming din kumain.

Actually ayoko sana eh kasi kumbaga parang gusto ko sana na kami lang muna ni Caroline. Kaya lang wala na rin naman akong magagawa nakaupo na eh. Ang kaninang busy sa cellphone na si Caroline ay naging masaya ang aura at nakikipagkwentuhan kay Daniel.

Matiim ko silang tinignan at hindi ko gusto ang nakikita at nararamdaman ko.

- MeChA883 -