webnovel

Cloud Girl (TAGALOG)

Habang tumatagal, dumadami ang nagpapakilalang mga 'Hero' sa bansa, at kasabay din nito ang pag dami rin ng mga nagpapanggap lamang na gumagawa ng kabutihan. Dahilan para maalarma ang karamihan na tama pa ba itong pagdami na ito o hindi. Ngayong nahahati ang opinyon ng karamihan kung ang mga hero ba na to ay lumalaban para sa kabutihan, o para lang sa kanilang personal na interes, o para mailagay ang batas sa sarili nilang kamay, dadating ang panibagong grupo para magbigay ng matinding hamon sa mga hero natin. Maaasahan ba natin sila? O dapat natin silang katakutan? Samahan natin si Cloud Girl at ang tropa sa panibago nyang hamon ngayong Season 3!

Webnovel_Phrygian · Urbain
Pas assez d’évaluations
35 Chs

Chapter 30 - Time To Shine!

Ngayong meron ng policy dito sa NCR na ipapahuli lahat ng makikita at magpapakilalang superhero, napapa-isip ako ngayon ng kung anong gagawin ko, para mapigilan sina Badman, Barako, Mio, Raider, at Wave. Mainit pa naman ang mata ng lahat saamin ngayon, lalo na saakin.

Kaninang umaga, naibalita sa TV na dinakip na ng mga pulis si Master Chef pati yung ibang hero na magsisimula palang sana ng mga career nila. Basta makita nilang naka costume, huli agad eh. Pero sabi 1 to 2 Months daw yung pagkakakulong if ever na mahuli. Pero yung criminal record… yun yung ekis na part.

Turning 20 palang ako ngayong 2019, and pag ako nahuli… yari ako kina Mommy neto. Tapos ang pagiging hero ko at yung pangarap ko na maging teacher.

..

Ngayong sabado... hindi makakapunta si Rouser para i-train ako kaya nag-volunteer na si Kuya Benjo na sila daw ni Yaya magturo saakin ngayon ng mga basics. They recommend na i-try ko daw yung kick boxing.

"May mga alam pala kayo sa ganto Ya, at Kuya Benjo?" –Ako (Claudine/Cloud Girl)

"Nung bata pa kasi nag-taekwondo lessons ako, pero mas maraming alam yang Kuya Benjo mo" –Yaya Atria

"Bago kasi ako kunin ni Madam bilang personal driver ng pamilya, dati akong sundalo pero nagpa-dismiss ako ng maaga dahil ayaw talaga ng asawa ko na nasa Bicol ngayon na magsundalo ako, kaya eto. Buti kinuha ako ni Madam" –Kuya Benjo

..

..

..

..

..

Sa kabilang banda, habang nagpapagaling pa si Rouser at si Cloud Girl naman ay tinetraining. Tinipon naman ni Badman ang kaniyang lumalaki na grupo para sa kanilang susunod na hakbang. At meron itong magandang balita.

Sa isang abandonadong warehouse sa Pasig…

"Maligayang pagdating mga kapatid sa munting salo-salo na to… syempre ako nga pala si Badman! Bawal ako magpakilala sa tunay kong pangalan kasi 'sUpErHerO aKoo eHh', putangina… Ngayon, pag-uusapan natin kung ano na ang sunod nating ganap.

Sasamantalahin natin ang pagkakataon ngayong kontra na mismo ang kapulisan sa mga 'Hero' na iyan, wala na sila ngayong pinagkaiba satin kaya wala tayo ganong ipag-aalala.

Sa magandang balita, dumating na yung supply natin ng shabu na nasa 500k ang halaga, at mga bago nating baril smuggled galing China, para kung sakaling mapapalaban tayo sa mga pulis, mapapalagan natin sila.

Ngayon dito na tayo sa pinaka paksa natin ngayong hapon! Bukas… oo gago bukas agad, sasalakayin natin yung 'Mansion' ni Armando De Luna Sr., kilala yan ng marami… milyonaryo sya, madaming sasakyan, may kapit sa mga pulitiko, at higit sa lahat… diring diri siya sating mga mahihirap.

Bukas natin ipapakita sa kanya, at sa kanila… ang ganti nating mga mahihirap, laban sa mga yayamanin na yan!

HINDI NA TAYO PAPAYAG PA NA LAGI NILA TAYONG INAAPI!!

HINDI NA TAYO PAPAYAG NA SILA LANG NA MAYAYAMAN ANG UMAANGAT HABANG TAYONG MAHIHIRAP AY PILIT NILANG NILULUBOG!! KULANG NALANG MAGPAKAMATAY TAYO…

Totoo ba… na patas ang systema ng batas dito sa bansa natin?!! Sagot!!" –Badman

LAHAT: "Hindi!"

"HINDI DIBA?! BUKAS… MASASAKSIHAN NILA ANG PAGSALAKAY NATIN, LAHAT NG ARI-ARIAN NILA AY NANAKAWIN NATIN, AT GAGAWIN NATIN SILANG MGA HOSTAGE! AT SAKA NATIN SILA SISINGILIN NG DALAWANG MILYON

Ayos ba ang plano?! Syempre umaasa ako ng malaki sa tulong nyo… di ko kakayanin mag-isa to" –Badman

..

Nang matapos na sya magsalita ay may isang babae na dumaan sa main door at mukang nahuli ito sa kanilang pagpupulong…

"At ikaw namang nahuling dumating?! Teka kasapi ba natin to? Sino nag-imbita sayo dito?!" –Badman

"Kasama ko po iyan… magpakilala ka" –Goon

"Ako po si Odette Piloton… tulad nyo po, galing rin po ako sa mahirap na pamilya, at minsan na din kaming ginago ng mga mayayaman na yan! Kaya papatayin natin sila!!" –Odette

Humanga si Badman sa galit na nilabas nya "Woah!! Haha! Kalmahan mo lang bata, pero tama ka… papatayin natin yang mga mayayaman at matataas na taong yan! Yung ginagamit nila yung kapangyarihan nila para manlaglag ng kapwa nilang hindi nila ka-lebel!"

"Sasama po ako sainyo bukas! Kahit na, babae po ako… makikipag-laban po ako!!" –Odette

"Walang problema iha, wag ka lang gagawa ng katangahan", nang mapatitig si Badman kay Odette ay may bigla syang pagtataka,

"Teka, nagkita na ba tayo dati?!" –Badman

"Hindi pa po"

"Pero parang… alam mo yun? O baka kamuka mo lang yung naiisip ko, di ako sigurado. O sya, aasahan ko kayo bukas nung kaibigan mo"

"Opo"

Habang patungo na si Odette sa kaibigan nito, nakatingin pa din sa kanya si Badman at iniisip nya pa din kung nagkita naba sila noon, parang may naramdaman siyang kakaiba nang makausap nya ito…

"Kakaiba ang pakiramdam ko sa babaeng yan, kayong dalawa… bantayan nyo yan" –Badman

"Opo boss!" –Goons

..

..

..

..

..

Sabado ng hapon, balik kina Claudine…

"Ya… siguro naman, nabalitaan mo na kahapon noh?" –Ako (Claudine/Cloud Girl)

"Oo, kaya lay-low ka muna nyan… di rin naman magtatagal yang utos na yan" –Yaya Atria

Binuksan ni Kuya Benjo yung TV para manood ng balita habang nagmemeryenda kaming tatlo, at sakto hero-controversy news nanaman.

"SENATOR XAVIER DELA VEGA, HINDI TUTOL SA PAGHULI SA MGA NAGPAPAKILALANG 'SUPERHERO' NG BANSA" –News Headline

Wow, unexpected to ah… siguro kaya sya nagpahayag nyan kasi…

"HINDI AKO MAKAKAPAYAG NA BASTA-BASTA NILANG HUHULIHIN SI CLOUD GIRL, KASI YANG BATANG IYAN SHE SAVED MY LIFE NUNG ONCE AKONG PAGTANGKAANG PATAYIN NUNG CABLE BLADE. I'M THE LIVING PROOF NOH, NA HINDI SYA TULAD NG BINIBINTANG NYO SA IBANG HERO DYAN. ETO PARA KAY CLOUD GIRL NOH… IPAGPATULOY MO LANG YANG GINAGAWA MO, KASI NANINIWALA AKO SAYO NA TALAGANG WALA KANG IBANG HINANGAD KUNDI GAWIN ANG TAMA AT NARARAPAT, INSPIRASYON KA PARA SAMING LAHAT, AT KUNG HULIHIN KA MAN NG MGA PULIS, AKO ANG BAHALA SAYO IHA"

Yes, yun na nga, may utang na loob siya saakin… pero bat ako lang yung nabanggit nyang nagligtas sa buhay nya, dalawa kami nun ni Rouser eh.

Then habang nagfe-facebook ako, syempre usap-usapan pa nga din yung pagiging illegal ng mga hero. Di talaga maiiwasan na meron talagang mamba-bash satin kahit wala naman tayong kasalanan talaga sa kanila, pero may mga disagree din. Natawa ako dito sa isang meme na nakita ko, 'Wag muna kayo mag-suot ng plain white na jacket kung ayaw nyong makulong', syempre… white jacket? Matic na ako yan…

Tapos dumagdag pa nga tong recent statement ni Senator Dela Vega na nagpapakita sya ng support saakin, kay nauso bigla yung #ProtectCloudGirl

Sa totoo lang, hindi ko na alam kung matatakot ba ako na baka i-consider as a criminal, or wag dapat kasi nasa akin ang sympathy ng karamihan at ni Senator Dela Vega, parang iboboto ko talaga nyan si Senator hehehe 😊

..

..

..

..

..

De Luna Residence, Sunday @3:49AM

"Napatay na po namin yung guard ng subdivision, at pinagsisira na po namin lahat ng monitor para mawalan ng bisa yung cctv camera" –Goon

"Mamaya, kailangan pa din natin sirain ang lahat ng iyon… eto na ang mansion ni De Luna, papatayin natin yung mga papatay satin. Pero kikidnapin natin sya, yung asawa at anak nyang lalaki, tapos kayo na bahala mag-nakaw sa iba pa" –Badman

"Okay boss!" –Odette

"Dito ka lang Odette, aabangan nyo kami dito. Kayo ang magtatanggol sa mga sasakyan natin dito" –Badman

"Ako lang po ba?" –Odette

"Kayong dalawa, samahan nyo sya…" sinamahan nung dalawang tauhan ni Badman si Odette, yung dalawa nyang sinabihan kahapon pagkatapos nung meeting nila.

Mataas ang pader ng Mansion nina De Luna at kinailangan nilang maghanda ng dalawang foldable na hagdan, nang maka-akyat ang isa sa kanila ay agad nitong binaril yung mga asong natutulog. Hindi ito basta-basta maririnig dahil naka-silencer ang baril nito, kinuha at tinago nina Odette yung ginamit nyang hagdan papaakyat sa bakod. Nang maka-baba na sa loob yung tauhan nya, binuksan nito ang gate para makapasok ang buong grupo nya at si Badman mismo. Armado silang lahat ng malalakas na baril, at mga naka-bulletproof vest.

"Isarado nyo ulit yang gate, para di halatang nakalusot na tayo" –Badman

Dahan-dahan silang nagsipasok sa mansion… agad hinanap nina Badman yung mga kwarto, habang yung iba naman, naka-toka para hanapin yung vault na naglalaman daw ng pera. Di pa gaanong nakakapag hiwalay yung grupo nila ay agad silang nakita ng isang bantay doon at inalarma nya yung iba pang nasa bahay!

"Ah gago ka ha!!" agad na binaril ni Badman yung nakakita sa kanila,

"Punyeta, sira agad plano natin! Bilisan na natin!, patayin nyo silang lahat na makikita nyo maliban sa tatlong kikidnapin natin!" utos ni Badman sa mga kasamahan nya

Pinagbabaril nila yung mga kasambahay at iba pang nakita nila doon, paraan nila para maiwasan na din ang pagtawag ng mga ito sa mga kapulisan.

Nahanap agad ni Badman ang pakay nyang si Armando De Luna Sr., at ang ibang kapamilya nito na nanginginig sa takot…

"Mwhehehehehe! ARMANDO!! Good morning pala sainyo nina misis at kay Junior!" –Badman

"DEMONYO KA!! AT ANONG BANG GUSTO MO?! HA!! Wag mong idadamay ang pamilya ko dito kung may atraso ako sayo!!" –Armando

Tinutukan isa-isa ng mga kasamahan nya silang tatlo sa ulo…

"ANONG WAG KO SILA IDAMAY?! Nung pinasunog mo yung tinitirahan namin para patayuan ng market mong di mabenta kinaawaan mo ba kami?! Kami ng pamilya ko?! Lahat kaming mahirap na naninirahan don, sinira mo buhay namin!! Ngayon mo sabihing wag ko sila idadamay…

SAGOT!!!!!!!!!"

"Wag mong idadamay ang asawa at anak ko!! Wala silang kinalaman dito!"

"Sige, pero sa isang kondisyon… ituro mo saamin ang vault mo, buksan mo, pagkatapos nyan… palalayain na namin kayong tatlo 😊" –Badman

Agad binalutan ng sako sa ulo yung asawa at anak ni Armando at dala-dala ito ng mga kasamahan nya… habang si Armando naman ay patungo na sa vault nito para buksan. Nakita nya ang lahat ng kasamahan nya sa bahay ay patay na at nagkalat ang dugo sa buong paligid. Binuksan ni Armando ang vault at naglalaman ito ng mahigit 23 Million Pesos. Hindi na nagdalawang isip pa ang grupo na kunin ito.

"Palayaan mo na ang mag-ina ko… yan na, nakuha mo na lahat ng kailangan mo"

"Para sa nagawa mong kasamaan, putangina mo kulang pa to mwhehehehe!!" –Badman

"Pero may usapan—!!" maging si Armando ay kinidnap na din nila…

"Magdalawang grupo ulit tayo, yung iba kunin nyo na lahat ng pwede manakaw dyan, habang kami naman, dadalhin na namin to sa sasakyan natin" –Badman

Tuwang tuwa yung mga kasamahan nya ng pinayagan nya na ito na magnakaw na ng kanya-kanya. Isa sa mga goons ay nakita yung isang katulong na patay na, hawak nito ang cellphone nya, at nang matingnan nya ito, agad nyang sinabihan yung mga kasama nya at maging si Badman na palabas palang ng pintuan.

"Boss kailangan na nating umalis! May isang nakatawag sa kanila sa mga pulis, pupuntahan nila tayo nyan dito" –Goons

"Bilisan nyo dyan mga gago!!

"Low-profile lang muna tayo, wag tayo masyadong pahalata na tumakas tayo, total sira naman lahat ng computer sa guard house kaya di gagana CCTV nila" –Badman

..

Hindi na gaanong nakapag-nakaw pa yung iba at sumunod nalang ito sa utos ni Badman na umalis na agad. Nilock nila ang gate sa labas at pasimple lang umalis sa subdivision sa oras na 4:21 AM. Nakasalubong pa nila yung sasakyan ng mga pulis na patungo sa bahay nila Armando pero di sila nahalata dahil low-profile lang sila.

Sa huli ay nagwagi sina Badman at ang kanyang grupo sa kanilang misyon na makapag-higanti sa tulad ni Armando De Luna Sr. na isang makapangyarihang tao.

"Hindi tayo lugi sa 23 Million na nakuha natin, bukas na natin pag-uusapan yung susunod nating hakbang"

Tiningnan ni Badman si Odette sa malayo at mukang malalim ang iniisip ng babae…

"Odette, simula na to ng paghihiganti natin… bat parang hindi ka masaya ngayon?" –Badman

"Gusto ko rin maghiganti…" –Odette

"Pansin ko nga… hindi na nila tayo mapipigilan ngayon. Mapa gobyerno man yan o mga superhero…" –Badman

Napangiti si Odette sa sinabi nyang iyon…

..

..

..

..

..

"Humanda kayong lahat sakin!" –Odette

Yow!! Phrygian nga po pala ito! salamat sa walang sawang pag-suporta sa story kong ito. Magpaka-safe muna tayo sa mga tahanan natin habang naka-quarantine tayo dahil sa banta ng COVID19, nawa'y sana maging okay na ang lahat. Ingat po palagi ha :)

Webnovel_Phrygiancreators' thoughts