webnovel

Cloud Girl (TAGALOG)

Habang tumatagal, dumadami ang nagpapakilalang mga 'Hero' sa bansa, at kasabay din nito ang pag dami rin ng mga nagpapanggap lamang na gumagawa ng kabutihan. Dahilan para maalarma ang karamihan na tama pa ba itong pagdami na ito o hindi. Ngayong nahahati ang opinyon ng karamihan kung ang mga hero ba na to ay lumalaban para sa kabutihan, o para lang sa kanilang personal na interes, o para mailagay ang batas sa sarili nilang kamay, dadating ang panibagong grupo para magbigay ng matinding hamon sa mga hero natin. Maaasahan ba natin sila? O dapat natin silang katakutan? Samahan natin si Cloud Girl at ang tropa sa panibago nyang hamon ngayong Season 3!

Webnovel_Phrygian · Urbain
Pas assez d’évaluations
35 Chs

Chapter 17 - Abduction

Bago matapos ang taon, madaming pangyayari ang naganap na may kinalaman sa mga kinikilalang 'Superhero' at sa tinatawag na 'Supervillain' na si Cable Blade. Lagi sila nasa balita, mula sa naganap na nakawan sa Jewelry shop sa SM Marikina, hanggang sa naganap na pagsabog sa isang apartment sa QC…

Maraming tao ang sang-ayon at natuwa dahil sa kanilang katapangan, at may mga tao ding tinuturing na vigilante sina Cloud Girl at Rouser dahil sa kanilang aksyon na pangunguna sa mga trabaho ng mga pulis.

Si Cable Blade, siya naman ngayon ang kasalukuyang most wanted sa NCR. Kasalukuyan syang nagtatago at pinaghahahanap ng pulisya, meron nang 1.5M na patong sa kanya, sa makakapagturo kung nasaan o makakahuli sa kaniya.

..

..

..

..

..

Sa Daanghari, Navotas

Tahimik na namumuhay ang pamilya nina Jethro Esteban, kasama ang kaniyang live-in partner at ang anak nilang magdadalawang taon pa lamang sa isang maliit na bahay na binigay sa kanila ng magulang ng kinakasama nila. Isa hamak lamang na gwardya si Jethro, at wala siyang muwang sa isang katangian na meron sya.

"Jethro may pera ka pa ba dyan?! Kailangan nating dalhin baby natin sa hospital, antaas ng lagnat nya!" Nagpapanic na banggit ni Janice, asawa nya.

"Teka saglit! May natitira pa akong pera dito, sana sapat na to" –Jethro

Kakauwi nya lang galing trabaho nang madatnan nya ang kalagayan ng kanilang anak. Kaya himbis na makapag-pahinga, dinala nila ang baby nila pinaka-malapit na health center para mapatingnan sa mga nurse, pero agad rin silang napalipat sa hospital dahil sarado ang health center.

"Mapapagastos tayo ng malaki dito Janice" –Jethro

"Bat kasi ambaba ng sweldo mo lagi eh! Wala ka na ba talaga dyan?" –Janice

"Eto na sana dapat budget nating pamilya sa linggong to, bat kasi di mo inaalagaan anak natin" –Jethro

"Ako nga lang nag-aalaga sa kanya! Wag mokong sabihan ng ganyan, wala ka namang naitutulong talaga!" –Janice

"Kaya nga ako nagtatrabaho eh, Janice naman…" –Jethro

"Bilang gwardya? Yun lang kaya mo?!" –Janice

"Pinipilit kong gumawa ng paraan para mabuhay ko kayo" –Jethro

Tumigil ang kanilang pagtatalo nang ipaalam sa kanila ng doctor na merong sakit na dengue ang kanilang anak.

"San aabot tong 1500 ko? Kulang na kulang tong pera ko para maipagamot anak natin" –Jethro

"Pano yan?!"

Pareho na silang nawawalan ng pag-asa dahil sa taas ng presyo ng aabutin para maipagamot ang kanilang anak. Napa-contact na si Janice sa mga kamag-anak nya para sa suportang pinansyal, ganun din si Jethro. Sa kabilang banda, wala silang kamalay-malay na meron palang nagmamasid sa kanila.

..

"Nasundan na po namin sila Sir, naandito po kami sa hospital ngayon. Gagawin na po ba namin?" –Tracker

"Wag muna, antayin nyo syang lumabas, saka ipapaliwag ko sainyo yung plano ko. Di nya tayo matatanggihan, pero humanda kayo kung sakaling mag-laban sya" –Boss

"Sige boss"

Tinawagan ni 'Boss' ang kaniyang 'Boss' para ipaalam ang kasalukuyang balita tungkol sa kanilang operasyon.

"Boss Carlos, si Ka-Roger to… nasa hospital na yung pinapadakip mo saamin, nasundan na sila ng mga tauhan ko" –Roger

"Mabuti naman, gusto ng boss natin na madakip nyo agad sya, pag-ngayon nyo sya maihahatid dito, mas malaki ang ibabayad nya sainyo" –Carlos

"Teka kala ko ikaw yung pinaka boss? May mas boss pa pala amputa?" –Roger

"Ako lang tong kanang kamay nya, at pinaghanap nya ako ng eksperto sa mga gantong bagay" –Carlos

"Kami yun syempre, basta Boss Carlos kami na ang bahala…" –Roger

"Wag kayo magpadalos-dalos, hindi pangkaraniwan yang pakay nyo. Sige maya mo na ako tawagin at may aasikasuhin pa ako" –Carlos

"Sige Boss!" –Roger

"Tawagin mo nalang akong Vanguard" –Carlos

"Hah Van Guard? Gwardya ka ng L300?" –Roger

"Hindi ako nakikipag-gaguhan, baka ipabawi ko pa sa boss natin yung ibabayad sainyo" –Carlos

"Biro lang naman Boss! Este Boss… Vanguard, sige po mag-iingat po kami" –Roger

..

..

..

..

..

Naka-admit na ang anak nina Jethro at Janice sa hospital. Habang binabantayan ni Janice ang kanilang may sakit na anak, inutusan nya saglit si Jethro para kunin na yung perang ipinadala sa kanila ng kaniyang tita mula probinsya.

Lumabas si Jethro nang makasalubong nya ang isang lalaking nurse, hinahanap nito ang kanilang anak at naituro naman nya naman. For follow up checkup lang daw kaya inalam. Nang makalabas na si Jethro sa hospital, sinundan sya ng ilang kalalakihan, humanap sila ng tamang tiyempo para tawagin sya…

"Jethro Esteban…"

Napalingon ito nang tawagin ng hindi nya kilalang tao ang kaniyang pangalan… "Sino ka?!"

"Ako si Rogelio… at andito kami dahil kailangan ka ng Boss ko" –Roger

Nagtaka bigla si Jethro sa mga pinagsasabi ng misteryosong si Rogelio… "Teka sinong Boss yan saka anong kailangan nyo saakin ha?!"

"Hindi rin namin alam, saka di nga rin namin alam kung bakit ikaw eh. Pero kailangan mong sumama saamin, dahil kung hindi…" inabot ng isang tauhan nya yung cellphone nya… "Ipapapatay ko sa kasamahan ko sa loob ng hospital yung mag-ina mo"

"WAG?!! WAG NYO SILANG IDADAMAY?!! TEKA NYO BA AKO KAILANGAN! BAT KAILANGAN MADAMAY YUNG PAMILYA KO DITO?!!"

"Hindi sila madadamay kung sasama ka saamin ngayon din. Mamili ka Jethro… Sasama ka? O mamatay sila?" banta ni Rogelio

Nang makita nilang naghanda ng kamao si Jethro bigla ding napakapit sa mga baril nila yung mga tauhan ni Rogelio. Wala syang takot kay Jethro dahil alam nyang nasa kanya ang alas.

"Okay… Sige na, patayin mo na yung—" biglang sinuntok ni Jethro si Rogelio na sa sobrang lakas, napatalsik nya ito ng sampung metro, saka sya kinuyog ng mga kasamahan nito. Sinubukang labanan lahat to ni Jethro pero di nya kinaya yung dami ng kasama nya. Nang makabangon ulit si Rogelio, agad nyang pina-sako ang ulo ni Jethro at saka tinusukan ito ng pampatulog at nang mawalan sya ng malay, agad na nila itong isinakay sa kanilang puting van.

Nasa loob na sila ng kanilang sasakyan habang inaantay nila yung isa pang kasama nila na nasa loob ng hospital

"Napatay mo ba yung mag-ina nya?!" tinawagan muli ni Rogelio yung espiya nya

"Hindi po boss! Hinahabol ako ng mga—" mukang nabigo yung tauhan ni Rogelio sa binigay na utos sa kanya

"Ano?!!!" biglang naputol ang pagtawag nya "PUTANGINANG TANGA-TANGA YAN!! NAGPAHULI SYA SA MGA NAANDON SA LOOB!!" galit na galit si Rogelio sa kapalpakan na kanyang nalaman.

"Takas na ba tayo boss?!"

"Hindi pa… aantayin natin sya. Gusto ko sya makausap" –Rogelio

"Boss parang iba yang tinutukoy mo ha?"

"Dapat makatakas sya dyan sa hospital na yan, alam nya namang naandito tayo kaya iba ang dadaanan nyan"

Mabuti nalang nakahabol yung inside man nila sa kanila, natakasan nya yung mga guard sa hospital. Pero ang akala nya ay ligtas na sya.

"Salamat Boss inantay nyok—" agad syang pinagsasapak ni Rogelio hanggang sa halos mawalan na sya ng malay, "Tangina ka, sabi ko sayo patayin mo yung asawa at anak nya! Hindi magpahuli ka sa mga tao doon! RAAAAAAAAAAAAAA!!"

Nakatakas ang grupo nina Rogelio, dala-dala ang pakay nila habang walang kamalay-malay ang mag-ina ni Jethro.

"Ano bang nangyari bat parang nagkaroon ng gulo dito, nakatulog ako eh? Nuh meron?" –Janice

"May killer daw umano dito na nakapasok sa hospital, buti nalang nakaligtas tayo" –Ale

"Ammm… yung asawa ko po nay dumating na ba? Inutusan ko yun kumuha ng pera eh" –Janice

"Wala pa, di pa dumadating"

"San na kaya yun?"

Sa kabilang banda habang nasa byahe na ang grupo ni Rogelio, inutusan nya yung mga tauhan nya na kunin lahat ng gamit na meron si Jethro. Yung iilan nyang Valid ID, pera, at phone nya ay kinuha nila. Nang mag-dial ang asawa nya, tinapon ni Rogelio sa kalsada phone nya para hindi na ito ma-contact pang muli.

"Bakit ba pinakidnap satin tong guard na to? Wala naman tong kapera-pera eh"

"Di ko rin alam talaga kung bakit, ang alam ko lang babayaran nila tayo ng malaki" –Rogelio

"Nung boss mo boss Roger?"

"Oo… kaya lahat gagawin para magka-pera tayo, pero muntik na mawala yung pagkakataon na yun dahil sa palpak na kasama natin"

"Oo nga boss! Patayin na natin yang bobo na yan!"

"May naisip akong magandang gawin sa bobong yan…"

..

..

..

Pinadiretso ni Rogelio ang sinasakyan nila sa isang liblib na lugar at nagtungo sila sa magubat na parte nito, dinala nila yung kasamahan nilang nagpahamak sa kanila para bigyang leksyon ni Rogelio…

"Ahhhhhhkkkk… patawarin moko boss Roger wag mokong—" sinikmuraan sya ng isa nyang kasamahan at napaluhod nalang ito.

Tinutukan agad ni Rogelio ang kanyang palpak na tauhan ng baril sa noo nya "walang lugar sa mundong to ang mga katulad mong palpak at mahina"

"Hindi ka magwawagi Rogelio… tangina mo, tandaan mo yan!!!"

"Lagi ako magwawagi… di ako pumapalpak. Alam mo yan, alam nyong lahat yan diba?!"

"Hindi pumapalpak ang grupo ko, di ko alam kung bat kita naisali dito iho… kaya papatayin na kita at walang makaka-alala sayo…"

At saka binaril ni Rogelio ang palpak nyang kasamahan sa ulo, "amina yung bolo, palalabasin nating si Jethro Esteban yung pinaslang natin…"

"Boss anong balak nyo dyan sa bolo?"

"Pupugutan natin sya ng ulo at susunugin natin, ang ititira lang natin na ebidensya, etong mga valid ID na hawak natin" sa muka ng mga kasamahan nya parang hindi sila sang-ayon sa gustong gawin ni Rogelio. Parang hindi nila masikmura yung kabrutalan na ginawa nya. Hindi nalang sila napatingin habang ginagawa nya ito, wala naman silang magawa dahil sa takot nilang gawin din sa kanila ng boss nila yung ginawa nya sa kasamahan nyang pumalpak.

"Okay na siguro yan Boss… pwede na tayong umalis neto diba?

"Oo, nagtext na din sakin yung employer natin… Vanguard daw pangalan eh, nasa Makati daw sya, inaantay nya tayo doon." –Rogelio

"Tara na… nang mabayaran na tayo…"

"Bahala na mga tao makatagpo sa taong yan, mangangamoy nalang sya dyan… tara na!"

..

..

..

..

..

Unti-unting nagkamalay si Jethro nang makita nya ang sarili nya na nakatali habang nakahandusay sya sa lapag. Nasa warehouse sila, tanaw nya sa malayo na nag-uusap ang nangkidnap sa kanya na si Rogelio at mga kasamahan nya, at isang lalaking naka-amerikana ang damit na mukang businessman at meron din syang mga kasamahan.

Hindi rinig ni Jethro ang usapan nila, at dahil wala sa kanya yung atensyon nila, sinubukan nyang makatayo kahit naka-lubid ang kamay at paa nya. Wala na syang ibang maisip na paraan kundi tumalon-talon na lang pero…

"Saglit lang Jethro Esteban?!" kinagulat ng lahat ng pinakita ni Vanguard sa kanila yung kapangyarihan nya, kinulong nya si Jethro sa loob ng kanyang force field at pinalutang nya ito.

"Hindi ka makakatakas…" at saka nawala ang force field na nagkukulong sa kanya na kanya namang kinahulog sa gitna nila.

"Ahhhhhhkkkk… arayyyyy!" naghihinagpis sa sakit si Jethro nun

"Boss… may kapangyarihan pala sya!" kinagulat ng isa sa mga kasamahan ni Rogelio

"Kilala nyo ako, wala akong kinakatakutan… kahit politiko pa yan o merong kapangyarihan, kumbaga ganyang kapangyarihan na pang pelikula lang" –Rogelio

"Ano bang meron ha?! Bat nyoko hinuli? Ano bang meron sakin ha!!!! Sumagot kayo!!!" hanggang ngayon, wala paring alam si Jethro kung anong kailangan nila sa kanya

"Kailangan namin ang kapangyarihan mo Jethro…" –Vanguard

..

..

..

..

..

"May-may kapangyarihan yang sekyu nya yan?! Pero paanong?!" –Rogelio