webnovel

Classroom of Special Abilities

Ang Lancaster Prime Academy ay isang pribadong paaralan, ayon sa kaalaman ng karamihan, ngunit sa katunayan ay isa itong paraalan ng mga batang nabiyayaan ng kakaibang mga abilidad. Sa paaralang ito, kailangan mong bayaran ang sarili mong tuition at 'renta' sa dorm na tinutuluyan ninyo. Makakaipon ka ng pera sa pamamagitan ng pakikipag-duel sa mga nagsisidatingang senti-monsters kada buwan. Sa paaralan din na ito ay may nagaganap na 'Academic Ranking' na kung saan nagpapalit palit ng ranggo ang bawat section tuwing mid-term exams. Pero hindi isang normal na classroom ang napapaloob sa L.P.A dahil ang mga estudyante dito ay kakaiba sa lahat. Genre : Fantasy / Romance / Action / Adventure Language : Tagalog / English Started: April 15, 2021 Ended : -- This book is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is entirely coincidental. ALL RIGHTS RESERVED. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

Cocomelon · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
6 Chs

CLASS ROOKIE - 01

—↠⨪._- Classroom of Special Abilities ↞৲–—¬»

CHAPTER TWO

–MARINE'S POV–

——Hanggang ngayon ay namamangha padin ako sa sinabi ni Terra. Alam na kaya ito ni Mint? So ibig sabihin, isa sa mga ancestors namin ang pinagkatiwalaan ng 'nakatataas' na 'yon. Hindi ko tuloy maiwasan na magtaka. Sino kaya sa mga magulang namin ang may gift na tulad namin?

"Oh there you are, Ms. Cavelry right? Call me Sir Mason, Ako ang Normal Physical Education teacher ng Lancaster Prime" Pagpapakilala ng kararating na lalaki. Hindi ko mapagkakailang maitsura ang teacher na ito, sa tingin ko nga ay baka nasa mid-20's palang siya. Matangkad at may brown na buhok na naka messy style pero bumagay naman sakanya.

"I see, Just call me Marine po"

Iginaya na ako nito papunta sa magiging room ko. Halong kaba at excitement ang nararamdaman ko dahil bukod kay Mint ay ngayon nalang ulit ako makakasalamuha ng kapwa ko gifted.

Kanina din ay naexplain na ni Terra ang curriculum dito sa Lancaster Prime

Hindi kami magkaklase ni Mint dahil nilagay ako sa Class R-1 o Rookie 1. Pero hindi din permanente ang pagiging section 1 namin.

Kada quarterly exam ay may nagaganap na Academic Ranking bawat section. Ipagsasama sama ang total scores ng bawat estudyante sa bawat section na n aka-assign sa isang subject na master nila at kung anong Section ang may pinakamataas na Total Score ay ang magiging Section 1 o Class R-1, ang pangalawang mataas ay magiging Section 2 o Class R-2 and so on. Nakahabol pa ako sa First Grading kaya panigurado ay wala pang nangyayaring Academic Ranking, nilagay lang ang mga estudyante sa kasalukuyan nilang section dahil sa indibidwal na grado na nakuha nila nung nakaraang taon. Kung nasa Section 1 ako, panigurado ay matatalino ang mga magiging kaklase ko. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan. Nagaganap ang Academic Ranking kada Mid-term exams.

Nabigyan na din pala ako ng dorm at nailagay ko na ang mga gamit ko doon, hindi ko pa naaayos dahil excited na din ako pumasok agad. May roommate daw ako pero malamang ay nagkakla se pa ito

Nandito palang kami sa labas ng room ay dinig ko na ang mga tawanan at kasiyahan ng mga tao sa loob. Napangiti ako, mukhang masaya ang mapabilang dito.

Binuksan ni Sir Mason ang pinto at parehas kaming pumasok na ikinatahimik nila. Lahat ng atensyon ay nasa akin ngayon kaya medyo kinabahan ako.

"Anong kalokohan nanaman 'yan Cavelry? Bihis babae ka na ngayon?" Iritadong sabi ng isang lalaking may Orange Blonde na buhok. Nagtaka naman ako sa sinabi nito pero medyo natawa naman nang marealize kong si Mint ang tinutukoy niya

"It's because I am a girl" I said politely while smiling sweetly.

"ulol ka, sinong pinagloloko mo, lumabas ka na nga, bumalik ka na sa section mo" Sabi naman ng isang lalaking may purong blonde na buhok

"Stop being rude Class R-1. She's a transfer student from Intellect High" Pagsuway ni Sir Mason na ikina-behave nung dalawang lalaki

Sinenyasan ako ni Sir na magpakilala kaya tumikhim muna ako bago humarap ng nakangiti.

"Hi, My name is Ocean Marine Cavelry and I think that you've mistaken me as my twin brother River Mint Cavelry. You can call me Marine"

Lahat sila napasinghap

"May kapatid pala si Mint?"

"May isa pang Cavelry?" Tanong pa ng isa. Sasagutin ko na sana siya nang may maramdaman akong may humawak ng marahan sa nakapponytail kong buhok. Pagtalikod ko ay nakita ko roon ang isang lalaking pula ang buhok at bahagyang nakangisi saakin.

"Same features, same hair, same eyes...but different smell" He said while sniffing my hair. Napalunok ako. Teleportation ba ang ability nito at nakapunta siya agad dito? Well, he's weird.

"Stop it Verif she's weirded by you" Sabat naman ng isang babaeng nakapig tails at itim ang buhok. Mind reader?

"I apologize My Sweet Lady, I'll behave now" Bulong nito sa tenga ko atsaka naglaho, maya-maya pa ay nakita ko nalang ito na prenteng nakade-kwatro sa bandang likod at bahagyang nakangisi saakin. Nakalagay din ang dalawa niyang kamay sa bulsa

"W-what's your ability?" Nahihiyang tanong ng isang babae maiksi ang buhok. Itinaas pa nito ang kaniyang kanang kamay

"You'll know someday" Tanging sabi ko at nginitian siya

"May boyfriend ka na?" Pahabol pa ng lalaking blue ang buhok sa harapan. Tiningnan ko ito at nakitang tinataas-baba ang kaniyng dalawang kilay. I mentally rolled my eyes

"Wala"

"You can get to know her once the class ended, Marine you can seat here at the front" Sabat ni Sir Mason at iginaya ako sa upuan katabi ng lalaking nagtanong kung may boyfriend na ako. Tch.

"Hey there pretty lady, The name's Thayne Clastrey. Wind manipulator, cool right? But my whole existence is cooler tho " He said seductively. He's a flirt, no doubt

"Sure. I'm Marine" Sagot ko naman habang nakatingin sa blackboard

"What a wonderful name for a wonderful lady, How old a-

"Mr. Clastrey, mind paying attention in my class?" Taas kilay na sabat ni Sir. Napatahimik naman ang isa at napaupo ng maayos, I silently laugh.

Napatingin ako sa kabilang gilid at nakita ang babaeng may seryosong mukha. Medyo nagulat ako nang tumingin din ito saakin, ang akala ko ay tatarayan niya ako pero ay nginitian niya ako ng maliit.

"I'm Marlow nice to meet you Marine" She said formally

"Y-yeah nice to meet you"

Hindi na ako nagsalita pa at nagfocus nalamang sa klase.

***

Napa-unat ako ng marinig ang pagtunog ng bell

"Next week na dadating yung mga senti-monsters, buti nalang, ubos na pera ko eh" Dinig kong sabi ng isang babae.

Right. Other than mastering our abilities and learning, this school is teaching us how to be independent. Kami mismo ang magbabayad ng tuition at renta sa dorm dito. Sa unang pagpasok mo ay bibigyan ka ng allowance na 10,000,000 leaves which serves as our yearly allowance. Nasa iyo kung paano mo iyon matitipid, pero doon din namin makukuha ang monthly tuition na ipangbabayad pati na din pala ang dorm.

Mayroon namang paraan para maka earn kami ng pera. Iyon ay ang pakikipag duel sa mga nagsisidatingang senti-monsters every month. Kada isang senti-monster ay may katumbas na halaga sa pera na magsisilbing premyo ng makakapatay. Pwede kang makipaglaban sa kahit ilan mo gusto, pero tatlong araw lamang ang itinatagal ng mga senti-monsters na iyon at pagkatapos ng tatlong araw ay kailangan muling maghantay ng isang buwan para makakita ng pera sa pakikipag duel.

Binigay na sakin ni Terra ang yearly allowance ko. Chineck ko ang pad, at nakitang 2,000,000 leaves nalamang ang natira dahil nagbayad ako ng renta at tuition kanina, nag-grocery na din ako.

5,000,000 leaves ang tuition dito at kailangan din naming bayaran ang dorm sa halagang 2,000,000 leaves. Naisip ko na gawin ang 50-30-20 technique. Ang 50% na makukuha ko ay ipangbabayad ko sa tuition at dorm, ang 30% ay para sa mga pagkain at iba ko pang pangangailangan habang ang 20% na tira ay para sa savings. In case na maubusan ako ng pera ay may extra pa ako.

Itinabi ko na ang tira kong 2,000,000 leaves para sa ipon dahil kumpleto na ako sa gamit at nakapagbayad na, ang dapat ko nalang gawin ay hantayin na magsidatingan ang senti-monsters, duel, and take the reward money.

I wonder kung ilang leaves pa ang natira kay Mint. Knowing that boy, bibilhin niya ang kahit anong madapuan ng kaniyang mata.

"Hey! Marine right? I'm Yuhen Nice to meet you! Gusto mong sumabay ng lunch saamin?" Napatingin ako sa lalaking lumapit saakin. This time ay kulay brown ang buhok nito at may yellow na mata. Maamo ang itsura niya at mukha namang approachable.

"Hi Yuhen, Su-

Naputol ang sasabihin ko nang may umakbay saaking lalaki. Pagkaamoy ko ng pabango nito ay napaikot nalamang ako ng mata

"Saamin siya sasabay" Mint bluntly said

"Sainyo? Cavelry, she's our classmate and it would be wrong to see her with your stupid team"

"What's wrong with that? She's my sister anyway. Let's go munchy" Mint said using the nickname he got me

"I told you to stop calling me that! And pwedeng next time nalang? I still want to get to know my classmates"

Napabuga ng hangin si Mint at bagot na tumingin kay Yuhen na nanatili ang ngiti sa labi

"Ugh Fine! Basta wag ka papa-brainwash ha! Oh baon mo!" Sabi nito at lumapit na sa isang grupo, kasama si Carbitch pagkatapos iabot sakin ang isang lunchbox. How sweet~

"You really do look like each other" Puna ni Yuhen

"Yep, so. Where's the cafeteria?" Nagtaka naman ako ng mahina itong tumawa

"We don't have cafeteria here Marine. Merong grocery shop, mini mall pero walang cafeteria" Sabi nito

"So..."

"We don't buy foods here to eat lunch, we make them"

That's why. Buti nalang at tinuruan ako ni Mama magluto kahit papaano nung buhay pa siya. Marunong naman ako magprito-prito, mag-init, magluto ng noodles, pancit canton pero hanggang doon lang ang kaya ko. Makakasurvive naman siguro ako sa ganon diba?

Mama....

"Oh, so where are we gonna eat?" Tanong kong muli

"We know a place"

Hinawakan ako nito sa palapulsuhan at hinila sa kung saan. Namamangha ako sa mga nadadaanan namin. Medyo mapuno ang lugar kaya sariwa lagi ang hangin. Marami din ang mga magagandang spot na pwedeng pagtambayan.

Maya-maya lang ay nakita na namin sa di kalayuan ang mga kaibigan ni Yuhen. Ang nakilala ko lang doon ay si Thayne the blue headed, si Marlow na seatmate ko din at ang lalaking pula ang buhok na palaging naka-ngisi.

"Yo Margarine! Tara! Eat with us" Masiglang paanyaya ni Thayne. The blue-headed flirt.

"It's Marine, not Margarine" Bungad ko

"Sounds the same to me" He shrugged

"Hey there sweet lady" Seriously. What's with all those nicknames?

"Hi, would you mind if I join you?" Sabi ko nalang

"Of course not, it's an honor to have a Cavelry to eat with us other than that Minty Mint" Sambit ni Marlow at ngumiti saakin. They all seems approachable naman, maliban sa isang period head na sa tingin ko ay parang loko-loko din.

I opened my lunch box at bumungad sakin ang isang masarap na lasagna at sa tabi nito ay may pizza din. Mint made this? Well, I'm not surprised since saaming dalawa ay siya ang mas marunong magluto.

"So, bakit ngayon ka lang nakaenroll dito?" Panimula ni Yuhen

"Oh, I can't see myself leaving my old school, pero napilitan din akong lumipat dahil sa aksidenteng nangyari"

"Can I ask what kind of accident happened?" The black headed girl asked.

"Nawalan ako ng control sa ability ko" I said casually as if it's not a big deal. Natahimik sila ng ilang Segundo bago muling nagsalita si Yuhen

"What's your ability?"

"You'll know someday"

"Woosh pa-mysterious ang peg. Well, I like mysterious girls" Sambit ni Thayne at kumindat pa saakin.

"It's actually weird seeing a girl version of Mint" Puna ng pulang buhok

"Oh right, how rude of me. The name's Verif, Sweet Lady" Ngnitian ko na lang ito at napabuga ng hangin. Sweet lady, sweet lady, tch.

Pagkatapos kong kumain ay tiningnan ko ang kabuuan ng lugar. Ito ang parte na may mas maraming puno at mga bulaklak, sa tingin ko ay ito ang mini garden ng Lancaster Prime. I like the vibe that surrounds the area.

"Nga pala, next week na ang dating ng mga senti. Ginaganahan tuloy akong makipagpustahan sa mga taga R-2" Thayne said then placed his both arms on the back of his head

"I'm in! Let's challenge them" Dagdag pa ni Verif

"Ikaw Margarine? Makikipag-duel ka?" Thayne asked

"Duh, Of Course, money"

"Welp, gotta tell the airheads 'bout the bet" Yuhen said

Class R-1 and Class R-2. Ito na yung palaging kinukuwento saakin ni Mint na rivals, both in academics and in trainings. Itong dalawang section lang daw ang nagpapapalit palit ng section, pero ang kadalasan na napupunta sa first section ay ang Class namin.

Naexcite tuloy ako bigla sa dadating na Mid-term exam.

~~~