webnovel

Chaotic Love

Everyone thought that Liam, the famous student of BSU is living a perfect life. He's good-looking, smart, and can afford things he want in life. One day, one person would come into his life and sees the darkness in Liam's eyes - Jerard. BSU SERIES 3

Penelophie · Politique et sciences sociales
Pas assez d’évaluations
16 Chs

Chapter 9

It was lunch time when Liam was patiently waiting outside our room. Nakita ko kung paano mabali ang leeg ng mga kaklase ko.

"Tara?" Anyaya ko sa kanya. Mukha kasing kanina pa siya naghihintay sa akin.

Halos matumba ako mula sa pagkakatayo ng hawakan ni Liam ang mukha ko. He squinted his eyes while staring at my face.

"Are you sick?" Kunot-noo niyang tanong sa akin.

Narinig ko rin ang ipit na tili nina Ella. I gulped while I'm trying to avoid his gaze.

"Bakit ka namumula?" His voice was laced with worried.

Halos mapatalon ako ng marinig ang maliit na boses ni Ella.

Umiling-iling pa ito sa amin. "Malapit na yan mamatay...sa kilig." Humalakhak ito.

Binitiwan na ni Liam ang mukha ko saka umiling. Hindi rin maalis ang ngiti sa mga labi nito.

"Wow ha! Puro ba libro ang kasama mo at hindi mo alam kung bakit namumula ako?" I spat at him.

He shook his head. A smile was still plastered on his face.

"Now I know." He shrugged his shoulders.

Nagpaalam na kami kina Ella. Doon daw kasi kami kakain sa Mags Pares. Hindi na rin naman ako tumanggi pa.

Tahimik kaming sumakay sa jeep. Kitang-kita ko kung paano siya tingnan ng mga pasahero roon. He is just so handsome. Papasa itong model kung sakali.

"KKB ba tayo?" I whispered at him.

Masama niya akong tiningnan. "I don't let my girl pay."

Narinig kong tumikhim ang babaeng nasa harap namin. Tinaasan ko na lang ito ng kilay. Sorry ka na lang mars. Akin 'to e.

"Why are you giggling?" Inosente kong nilingon si Liam. He raised his eyebrow on me.

I bit my lower lip and shook my head. Dumapo ang kanyang kamay sa hita ko. Buti na lang at washday ngayon. Babaeng-babae ang baklang 'to!

I wore a mom's jeans paired with a black highcut converse shoes and white fitted crop top shirt. Laking pasasalamat ko talaga na ginawa ako ng Diyos na parang babae. At least, hindi ako mukhang baklang maton.

Liam is wearing a light blue slim fit jeans paired with black shirt and his usual vans shoes. Pogi talaga.

"Tabi na lang po." Pumara na si Liam. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko.

My heart jumped big time. It almost fell...right exactly on Liam. Hindi niya na bitiwan pa ang kamay ko hanggang sa pagpasok namin sa Mags Pares.

Maliit lang naman ang eatery. Pinili ko ang two-seater table sa gitna. Tanaw na tanaw namin dito ang mga dumadaang sasakyan.

Masyadong magulo. Masyadong maingay. Hindi ko lubos maintindihan kung bakit sa gitna ng gulo at ingay na 'to, payapa ako.

"Are you available on Saturday?" My eyes widened because of his sudden question. Saglit akong nag-isip kung ano bang meron sa Sabado.

"Wala naman akong gagawin sa Sabado. Bakit?" Ngumisi ito sa akin.

Now, I'm curious. What's with Saturday ba? God! Nagiging conyo na rin ako!

Tahimik na nilapag ng waitress ang order namin. Nginitian ito ni Liam. Hay naku! Kaya maraming nagkakandarapa sa kanya e. Masyadong gentleman!

"Thank you po." He politely said.

Natakam ako ng makita ang beef pares sa harap ko. Sa facebook ko lang to nasisilayan. Namamahalan kasi ako sa eatery na 'to. Pambili ko na kayang lip tint ang isang pares dito.

"Jerard..." My eyes went on him. He was smiling while he's holding his phone. Nakatapat iyon sa akin. "Smile."

In an instant, I think I just showed my genuine kind of smile. The one who's holding nothing but happiness. No fears, doubts, insecurities, and regrets in life. Just happiness.

"I think I had captured the most beautiful picture." Mabilis na namula ang mukha ko dahil sa sinabi niyang iyon.

Nakakahiya! Baka isipin niyang patay na patay ako sa kanya! Pero totoo naman...patay na patay na ata talaga ako sa kanya.

"Sus! Nambola pa!" He let out a laugh.

Umiling na lang ako saka kami nagsimula ng kumain. Pasimple ko siyang tinitingnan habang kumakain. Grabe naman! Hindi ko akalain na may ginawang gantong tao si Lord. Lahat naman sinalo na e.

Gwapo. Mayaman. Matalino. Sporty. Kaya daming umiissue sa amin kasi hindi nila matanggap na ako ang bet nito.

But we never talked about 'us.' Sometimes, I don't even want to ask about it. What matters the most is our every moment...together. I feel like I should seize it.

Kuntento na ako sa ganitong mga bagay. Ibang klase sa pakiramdam ang pahalagahan ka. Ang itrato bilang isang babae.

Hinatid pa ako ni Liam sa tapat ng room namin. Sabi ko naman sa kanyang wag na dahil nasa kabilang dako ang CEA building ngunit masyado siyang mapilit.

"See you on Saturday, okay?" Maamo niyang tanong sa akin.

I bit my cheeks inside just so I could stop myself from smiling...too much.

Tumango ako sa kanya. "Yes...on Saturday."

He smiled. "Good. Study well, Jerard."

Magsasalita pa sana ako ngunit narinig na namin ang tikhim ng mga kaibigan ko. Panira talaga ng moment 'tong mga 'to.

Rose started poking me while smiling. Ella pursed her lips while looking at me. Charm was just in all smiles. Kala mo naman commercial model ng colgate.

"Saya ng lovelife ah?" Pasimple akong kiniliti ni Rose kaya naman halos mapatalon ako sa aking kinakatayuan.

"Inggit ka ba, Rose?" Panunuya ko sa kanya.

"Sus! Sa una lang naman yan masaya." She bitterly said that made us laugh.

"Pano ba 'yan, Rose. Sa ating apat ikaw na lang ang walang bibi ah?" Panggagatong naman ni Ella.

Si Ella kasi in a long term relationship sa kanyang jowa. Three years na rin ata sila.

Si Charm naman in a happy relationship with Dale. Kahit in denial pa 'to na hindi pa naman sila official ay pinangunahan na namin. Doon din naman 'yon papunta e.

Ako naman...in a unknown relationship with Liam. Unknown kasi hindi naman namin alam kung ano ba talaga kami. Masayang harutan lang...pero walang label. Uso naman 'yon ngayon diba?

Kaso maraming namumulto dahil doon e. Liam isn't making me feel bad at all. I feel like I should stop wanting for more. I have Liam with me.

"Studies first muna ako." Halos mandiri naman kami matapos marinig iyon galing sa kanya.

Studies first daw pero laging tulog sa klase. Naku! Scammer din 'to e.

"Malay naman natin sa future, ako unang mabuntis, diba?" Biro niya.

"Tingnan natin. Pupusta ko sarili ko right after graduation." Mayabang na saad ni Ella.

Sana sa acads na lang sila competitive. Wag sa ganito.