webnovel

Ceo's temporary wife

Loui3sa · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
4 Chs

PROLOGUE

Papunta ako ngayon sa pinaka malapit na pasyalan dito sa amin, ng bigla kong makasalubong ang isa sa mga ka Batch mate ko nung high school slash bestfriend ko.

"Amara! Amara!" kaagad naman iyon nakaagaw ng attensyon ko.

"Ay jenna ikaw pala, by the way kamusta na kayo ng boyfriend mo?"

"Ah eh medyo nag katampuhan lang kami pero siguro pag binilhan nya na ko ng milktea, prutas tapos ng burger at fries mag babati na kami nun. Alam mo naman marupok ako hindi ba?"

Hayayay alam kong dakilang marupok itong si jenna, sa katunayan nga yung kasintahan nyang tinutukoy na si jerome e ang nag iisang boyfriend nya lang. Every time kase na may gagawing kasalanan si jerome, mag tatampo lang si jenna then later on marupok na ulit.

Kaya ayon kahit 100x pa mag loko si jerome e ayos lang sa kanya, in love daw kase sya e hays. Kaya natatakot ako sa inlove inlove na yan e.

"Oh nga pala bat di ka umattend sa reunion natin last year ?" di kaagad ako nakapag salita ng itang nya iyon sa akin.

"Inatake nanaman kase si papa ng stroke, kaya di ako nakapunta namroblema din kase ako sa mga bayarin kaya ayun nawala sa isip ko yung reunion." tango lang ang ibinigay sa akin ni jenna.

"Pero di bali pupunta ko sa reunion natin this week wag kang mag alala."

"Hala inday sabay na tayong pumunta dun sa venue, alam mo naman andun yung mga higad mong bestfriends diba? And alam mo din na kagalit ko sila dahil sa ginawa nila sayo many years ago." ano ba yan binalik nanaman ni jenna yun.

"Opo, sige na kailangan ko ng mag pasa nitong requirements sa aapplyan kong trabaho. Yaan mo sa unang sahod ko ililibre din kita."

"Ay bet ko yan inday, sige mauna na ko baka naghihintay na sila arvic sa bahay." and yes may dalawa ng anak si jenna tapos ako tamang hanap lang ng kachat sa tinder, telegram and other hanapan ng jowa.

Oh ngayon ko lang naalala na ngayon pala yung huling bili ko ng gamot kay papa, kailangan ko nanaman mag ipon para sa another medicines and checkups nya.

Nakatapos naman ako ng college sa kursong bachelor of science in tourism management kaso dahil nga sa sabay sabay na problema, nag give up nalang ako sa pag fliflight attendant at sakto naman nag hahanap ng bagong secretary ang De omaña empire.

De omaña empire ay isang company kung saan sila ang tumutulong sa mahihirap o may kaya, na makapag hanap buhay muli. At ang bali-balita ay terror daw at masungit ang ceo ng companyang ito, malambot lamang ang puso nya sa mga taong natutulungan at tinutulungan nito.

"Amara inhale" anya ko sa sarili at huminga ng malalim.

"Exhale, kaya ko to ako pa ba. Para sa gamot ni papa at para sa tuition ni bunso."

"Fighting lang!"

"De omaña empire be ready cause Amara laong is here." anya ko at kaagad na ngang pumasok sa loob ng company.

Sa una ay di mo aakalaing isa itong komanya, dahil sa makikintab at magagarang palamuti nito duon. Ng ibaling ko ang tingin ko sa aking kanan ay kaagad kong nakita ang escalator na ang nasa gitna niyon ay isang tubig na umaalon alon.

Sa sobrang mangha ko sa mga palamuti duon ay nakalimutan ko na kung ano nga ba ang pakay ko dito, buti na lamang at dumating ang ibang empleyado at mag aapply ng trabaho. Kaya na man dali dali akong sumunod sa isa sa kanila, narinig ko din ng bahagya ang usapan ng dalawa kong katabi.

"Hala dai balita ko dumating na daw si Mr. De omaña?" sabi nung babaeng naka skirt above the knee tapos color white.

"Ay oo daw dai balita ko galit na galit ang fafa mo, usap usapan din kase dito sa kompanya yung hiwalayang naganap sa kanilang dalawa ng kasintahan nyang si Ms. Mangaron."

"Sabagay sino ba kaseng tatagal sa ugali nyang mas masahol pa sa dragon? Hindi ba?"

"Oo nga true ka dyan bes." napatigil lang ang usapan nila ng biglang bumukas ang pinto ng kompanya at nag sihilera na ang ibang empleyado.

Buti na lang at di narinig ng manager tong dalawang to kundi ay naku baka wala na tong mga trabaho at baka nasigawan pa ng wala sa oras, mga tsismosa kase e hay naku.

"Mr. Miler please clear all of my agendas this week, may mas importante pa kong pupuntahan kesa sa mga yan." Yun na ata si Mr. De omaña, nakakaba naman shet.

Nang pasakay na ng elevator si Mr. De omaña, ay isa isa muna syang tumingin saming mga mag aapply at empleyado ng biglang napatigil ang tingin nya sa akin sabay ngisi.

May binulong muna sya sa sekretarya nya at tango lamang ang sagot ng sektarya nya.

"Miss please proceed to the 18th floor and go to the ceo's office." inosente ko syang tinignan, tinanong ko pa sa katabi ko kung ako yung kinakausap ni mr. Miller

"Huh? Baket daw po?"

"Miss makinig at sumunod ka nalang, kung ayaw mong sayo ibuhos ni Mr. De omaña ang galit nya." napalunok kaagad ako sa sinabi nyang iyon kaya sinunod ko nalang ang daang tinatahak nya.

Ano ba yan ang saya kanina ng araw ko tapos, sakin lang lang ibubuhos ng ceo yung galit nya? No no no baka maubos ang beauty ko at baka wala na kong maakit na papa de asukal no.

Ng makarating na ko sa 18 floor ay may babae akong nakasalubong kaya naman, kaagad ako nag tanong sakanya kung nasan ang ceo's office. Tinuro nya lang sakin ang gawing kaliwa na medyo katapat ng elevator.

Nang makita ko iyon, ay napansin ko na kaagad ang tinted glass door nito. Kaya hula ko ay nakikita nya ko mula sa labas, huminga muna ako ng malalim at pinakalma ang sarili bago pumasok sa loob.

Kumatok muna ako ng tatlong beses dahil yun ang tinuro saakin ni Mr. Miller bago ako sumakay ng elevator.

"Come in" malamig na anya nito kaya kaagad akong pumasok, dahil sa pag mamadali kong iyon ay nadulas pa ko.

"What happen?" anya nya ng mapansin nakasubasob ako sa sahig.

" Ah wala lang to sir nakikipag besohan lang ako sa sahig."

"Huh?"

"Winewelcome lang po ako ng sahig sir."

"Miss ako ba'y pinag loloko mo?!"

"Ah hindi sir." anya ko at dali dali ng inilapag sa lamesa nya ang aking requirements.

Tinignan nya lang ito saglit at nag salita ng muli.

" Ms. Laong can u be my wife?"

-

-

-

-

-

-

-

Please support me guys thank you.. Happy Tuesday : )