webnovel

Ceo's temporary wife

Loui3sa · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
4 Chs

CHAPTER 2

Kaagad akong nagpunta sa ospital na sinabi sakin ni dhanikha. Isinawalang bahala ko na ang pag tingin kung sino ang aking nababanga.

Ang nasa isip ko lang ng mga oras na iyon ay ang kalusugan ni papa, hindi oa sya pwedeng mawala. Masyado pang maaga, di pa nga kami nakakamove on sa pag kakamatay ni lola Juana.

Tapos susunod na sya? Wag muna please lang.

Pagkapasok na pag kapasok ko sa ospital na yun ay naabutan ko agad si dhanikha na nasa labas ng emergency room, kaagad ko syang yinakap dahil pawang takot na takot ang mga mata niya.

" Ano nga ba kaseng nangyare kay papa?" anya ko habang hinahaplos ang kanyang buhok.

"Papasok na po kase dapat ako nun, tapos lumabas lang po ko saglit kasi bibili po sana ako ng pandesal para may umagahan na kami bago ka pa umuwi." naiiyak na anya nya but still she managed to talk straight.

"And then what happen?" kalmadong tanong ko.

"Tapos po pagkauwing pag kauwi ko, e naabutan ko si papa sa sahig natin tapos n-nan-ngingisay s-sya a-ate.." dun na humagul-gol ng iyak si dhanikha, at sa tingin ko ay natrauma pa tong si dhanikha.

Every time kase na inaatake si papa, e ako lang yung nakakakita. Pero yung ngayon iba na e.

I'm still hoping na sana gumaling na si papa. Kahit pa ibenta ko yung atay ko, gumaling lang talaga sya.

Ilang linggo na ang nakalilipas at nailabas ko na den si papa pero kailangang kailangan na talaga nyang maoperahan sa lalong madaling panahon, ang kulit naman kase ni papa e sabi ng bawal kumain ng maaalat kain pa den ng kain ng kain.

Buti na lang pumayag ako dun sa alok nung bago kong boss, kaso pano naman kung may mahal na kong iba ano yun magpapanggap pa den ako? Aish kase naman e! Hayaan mo na nga atleast naipagamot ko na si papa.

"Good morning ma'am!" magiliw na bati sakin ng guard nang makatapak ako sa kompanya ni Mr. Omaña ,hanggang ngayon kinakabahan pa din ako.

"Magandang araw po kuya!" bati ko pabalik sakanya. Ang rude naman kase kung diko sya babatiin pabalik.

Ngumiti naman sya kaya pumasok na ko sa loob. Pag kapasok na pagkapason ko ay sumalubong na sakin ang isang nakakabinging ingay, siguro ay dahil sa busy sila sa trabaho and bawal den naman kase mag ingay sa working hours no.

Baka masesante pa sila ng wala sa oras, para pa namang dragon si Mr. Omaña di nga lang apoy binubuga.

Anyways lumapit na ko dun sa receptionist bago napadako yung tingin ko sa tatlong magkakatabing elevator. Inexplain na sakin ng receptionist yung use ng tatlong elevator.

Yung nasa gitna is yung private elevator which is si Mr. De Omaña lang ang pwedeng sumakay, the elevator on the left side ay konektado sa lahat ng floors maliban sa floor ni Mr. De Omaña.

And take notte yung private elevator nun e may pa code code pang nalalaman, yung asa right side na elevator naman ay may code den pero iba iba just like sa code dun sa elevator ni Mr. De Omaña. Dun naman sa right side na elevator na yun is yun yung mag dadala sayo papunta sa lobby or sa labas ng office ni Mr. De Omaña.

Unlike dun sa private elevator nya na deretso na agad mismo sa loob ng office nya, yun nga lang yung receptionist lang yung may alam nun tsaka si Mr. De Omaña pero kung binigyan ka naman nya ng permission to get the code. Of course ibibigay agad sayo iyon ng receptionist.

"Ang shala nung code ha! Parang inayon lang sa date ng birthday ko tsaka yung initials ng name ko." anya ko sa aking sarili, namangha pa nga ko ng makita ko yung loob ng right side elevator.

May pa mini tv pa kase sya sa loob tas parang ang lawak lawak nya din tignan, sa right side kung saan ako nakatayo e natatanaw ko yung malaking glass na makikita mo yung buong lugar dito na malapit sa kompanya.

Sa side naman niyon ay may single na chair and may ready to surve ng kape, juice or tea. I think ganto yung trabaho ng mga nag seserve kay gerard, oh well di ko naman na problema kung ayun yung trabaho nila. Mas gusto ko pang problemahin yung pang paopera ni papa.

Kaya nga ko nandito para magpaadvance salary no, kahit wala na kong matanggap sa exact date ng sahod ko. Kinakabahan pa den ako no baka kase biglang dumating yung lola nya or di kaya kamag anak nya tas di man lang ako nakapag ayos.

Although maganda naman ako kahit walang makeup, natural na morena ang kulay ng aking balat, medyo pinkish na mga labi na hugis puso, kilay na di na kailangan pang guhitan para masabing may kilay dahil nakaayos na ito at shempre di papakabog yung kulay chokolate kong  mga mata na may mahahaba at makapal na pilik mata.

Kunting lagay lamang ng powder at liptint ay namumukadkad na ang aking kagandahan, parang pilipina'ng pilipina talaga.

Maayos din naman akong manamik pero di ako mahilig makisabay sa uso, di din naman pang manang ang aking pormahan kaya masasabi kong simple lang ito. May taas ako na 5'3 si dhanikha naman ay 4'11, pero mas mukha pa kong bunso sa kanya.

Nabalik lang ako sa reyalidad ng bigla akong kinalabit ng receptionist ang pangalan nya nga pala ay savrina pero mas prefer nya ang rina.

Mabait naman sya at tansya ko ay nasa 5'1 ang height nya, may mahaba syang buhok na abot hanggang sa kanyang balakang. Samantalang ang buhok ko ay abot hanggang dibdib ko lamang, but it doesn't matter ang importante ay important.

"Maam gising!" nagulat naman ako dahil duon napatalon pa nga ko sa sobrang gulat e.

"Huh?! Ano yun?! Ano yun?!" tarantang tanong ko na ikinatawa nya ng bahagya, para kase tong sira ang hilig manggulat ang siomai siopao rice naman e.

Tukhim ako dahilan para mapatigil sya sa pag tawa, "Ah eh kase maam kanina pa po kayo nag dadaydream. Di ko nga lang masabi kase parang ang ganda nung panaginip mo habang tulog." anya sabay tawa na sapat lang para kaming dalawa ang makarinig.

Dun lang din ako kumalma e.

"Ay another thing maam kaya kita ginising ay dahil malapit na po tayo sa floor ni Mr. De Omaña." tinanguan ko na lang sya duon.

Di ko masyado na pansin yung buong office nya or yung floor ng office nya nung unang araw na mag aapply sana ako. Kaya siguro ngayon ako namamangha dito, tsaka dun ata kami pumasok ni Mr. Miller sa private elevator di ko lang napansin.

Nang nasa floor na kami ni Mr. Omaña ay kaagad na tumunog ang elevator, nagulat nga lang ako kase hindi na lumabas dun si rina pero sinabi naman nya na di na daw nya kailangan pumasok or umapak mismo sa floor ni sir.

Edi pumayag na din ako pero sa totoo lang kinakabahan ako ng sobra. As in parang nasa langit na yun kaba ko, kase naman si sir e. Pagiging employee lang naman nya yung dapat  iaapply ko bat naging asawa nya ko!

Anyways, bubuksan ko na sana ang pinto ni sir ng bigla itong bumukas mag isa. Bumukas sya hindi dahil pinapagalaw siya ng isang makina, kundi ay dahil may isang magandang ginang ang lumabas mula ruon.

The lady smirk at me. "Oh! so my dear son. Is she your wife?" tanong ng ginang sabay turo sa akin.

Ako naman ay kanina pa kinakabahan kaya kanina pa ko lunok ng lunok, bahagya na din akong yumuko para matago ang hiya.

Ilang minutong hindi sumagot si sir kaya naman nagulat ako ng umoo sya sa ginang. Akala ko pa naman makakahinga na ko pero di pa pala.

" So tell me about yourself dear." anya ng ginang habang naka taas ang kanyang isang kilay. Nangiginig may sinagot ko sya.

"Hi Madam! I'm Amara lian Laong, 25 years of old. May nakababata po kong kapatid which is si Dhanikha at tatay na lang po ang meron kami."

" Where's your mother?" may bahid ng pag aalalang tanong nya.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. "My mother already die after giving birth to my younger sister." after nun ay sinabi ko na din yung mga hobbies ko ang everything pero yung masyadong personal ay di ko na sinama no.

Kasalukuyan akong umiinom ng juice na gawa ni rina nang biglang may nag salita.

" I like you. "

.

.

.

.

.

.

Medyo long pero short update HAHAHA!

-peudaizy