webnovel

CAUGHT IN HIS TRAP

"Ibibigay ko ang lahat ng nakasanayan mo, ang lahat ng gusto mo. Pinapangako kong higit pa ang kaya kong ibigay sa iyo."

jadeatienza · Urbain
Pas assez d’évaluations
28 Chs

Skipped

Chapter 17. Skipped

MULA nang malaman ni Heizen ang tungkol sa planadong pagbagsak na ginawa sa kanya ni Fina ay hindi siya gumawa ng aksyon. Hindi niya rin sinabi ang nalaman maging kay Ali dahil ayaw niyang mahati ang atensyon nito. Naalala niya ang pag-uusap nilang dalawa tatlong buwan bago umalis ang huli sa bansa.

"I don't want to go," Ali voiced out his thoughts to her. Matapos kasi ng promotional tour ng Eclipse sa Cebu ay magfo-focus na ang mga ito sa iilang Asian countries.

"I don't believe you."

"I don't want to go anymore."

"It is your passion, Ali, your dream. Kaya hindi ako naniniwalang iyan talaga ang gusto mong mangyari," she replied knowingly.

"But you're slowly drifting away."

Nangunot ang noo niya. "I am not. I'm still your personal assistant."

Nagtangis ang bagang nito. "Go with me, then."

"Ali," she groaned to protest. "You know I can't. I'm still going to study."

He frustratingly looked at her. "You're always at my boss' office whenever we go to the company. Kung minsa'y nagkikita pa kayo nang hindi ko alam."

"How did you know?"

"He told me."

"What did he tell you?" Kinabahang tanong niya.

Dumaan ang sakit sa mga mata nito.

"Ano ba'ng sinabi niya sa iyo?" she asked again.

"So it's true..." he stated, feeling real blue.

Nagtatakang tiningnan niya ito't bahagyang nakakunot pa rin ang kanyang noo.

"What are you talking about?"

"I hope you'd be happy."

"Of course..." Sasaya siyang talaga kapag nabawi na niya ang dapat ay para sa kanya.

ALI became distant after that talk, even when they already headed overseas, he didn't say goodbye to her. She just saw a note with a delicate handwriting: Be happy, my princess.

She sighed, driving her thoughts away. She must focus in her studies. Kasisimula pa lang ng semestre at alam niyang mahabang panahon pa ang gugugulin niya.

Rexton told her they'd help her slowly. Hindi pa niya alam ang plano ng mga ito pero nasisiguro niyang magtatagumpay sila. Why, they have the one of the best lawyers in the field. They all have the evidences needed and such. Go signal na lang niya ang hinihintay ng mga ito pero hindi pa niya alam kung kakayanin niya. Her mental health regarding the corporate world wasn't that stable.

"Mag-aaral muna ako para buo na ang loob kong pakiharapan ang lahat."

Nakauunawang tumango si Atty. Hipolito.

She also underwent different sessions on how to overcome her trauma. Tama nga si Ali, kailangan niya ng tulong ng mga eksperto dahil matinding stress at trauma ang dinulot sa kanya ng mga pangyayari noon.

Eclipse, on the other hand, became really successful. Sa loob ng isang taon ay nakapagtayo ng ang mga ito ng pangalan sa industriya. Kabilaan ang guestings, promotions at tours ang pinuntahan na mga ito at naghakot din ng mga parangal sa mga Year-End Music Awards sa iba't ibang bahagi ng Asya.

For the next year, Eclipse focused mainly overseas. Isa o dalawang beses lang yatang bumalik ang mga ito sa Pilipinas para sa concert or fan meetings. Pero ang alam niya'y nagkaroon din naman ng maikling bakasyon ang mga myembro, base sa inaabangan niyang schedule ng mga ito na posted ng kumpanyang humahawak dito sa social networking sites.

But Ali never came home for her.

Hindi niya namalayang lumipas na ang mga taon. Mabuti na lamang ay naging abala siya sa pag-aaral.

"Hija, ayaw mo bang mag-dorm na lang? Or studio-type apartment? Or you can just stay in a condo at Nievieras', regalo namin iyon kay Ali kung sakaling magpakasal siya," tanong ni Dra. Aliana sa kanya. Inalok nito ang condo unit ng mga ito sa isang high-rise condominium malapit sa pinapasukan niyang University.

"Okay lang po, Ma'am," tanggi niya. Kung para sa magiging pamilya ni Ali iyon, parang hindi naman angkop na tirhan niya.

"But you're tired on your travel everyday. Laging kulang ang tulog mo," pag-aalala nito.

"Nakukumpleto naman po ang tulog ko sa biyahe," katwiran niya.

"Pero iba pa rin iyong tuluy-tuloy, anak," bulalas nito. "Lalo na ngayon, fourth year ka na, magiging mas abala ka na sa pag-aaral mo," komento nito. Kaybilis ng panahon. Parang kailan lang noong nangangapa siya sa kurso, ngayo'y may mga natutunan na siya at masasabing handa na siyang bawiin ang lahat.

"Ma'am, maraming salamat po sa labis na pag-alala sa akin pero nakakahiya po kung pati titirhan ko, ipo-provide n'yo pa."

Saglit na natigilan ang ginang. Hinuhuli nito ang kanyang mga mata. "Are you waiting for my son?"

Napasinghap siya at napatuwid ng upo. Nasa sunlounger sila malapit sa pool at kumakain ng breakfast. Si Lola Elizabeth nama'y gustong sa kwarto na kumain ng agahan kaya dinalhan niya ito ng pagkain kanina. Hindi naman sa pagmamayabang pero marami na siyang natutunang gawaing-bahay, pati na sa pagluluto. Biro nga ni Manang Rica ay pwede na nga magpakasal dahil marunong na siya sa mga household activities.

Nabalik ang isipan niya sa tanong ni doktora.

"Hindi po, Ma'am. Abala naman po ang anak ninyo."

"Please just call me 'tita'."

She pouted. Hindi yata siya masasanay na tawagin itong tita lalo pa't humigit-kumulang limang taon na niya itong tinatawag na "Ma'am".

Pero aaminin niya, natumbok nito ang dahilan kung bakit ayaw niyang umalis sa mansyon. Hindi dahil sa maganda ang buhay niya roon, kundi dahil baka umuwi bigla si Ali. Tatlong Pasko na itong wala kaya umasa siyang uuwi ito ng Bagong-Taon. Pero hindi, walang Ali na umuwi. Pati ang pamilya nito'y malungkot na rin. Noong unang taon ay si Ali lamang ang wala. Nang sumunod ay hindi rin nakauwi ang haligi at ang nakababatang Quijano, ngayo'y si Ali lamang ulit ang wala ang salu-salo.

Ramdam na ramdam niya ang kalungkutan sa malaking mansyon na iyon. Kung wala nga lang silang mga naninilbihan doon ay nasisiguro niyang walang kabuhay-buhay ang magiging dating niyon.

"Heize...?"

Muli ay bumaling siya sa ginang.

"Mukhang malayo ang iniisip mo."

"Pasensya na po."

Ngumiti lang ito. "Accept my offer. Mas mapapadali sa iyo kung doon ka na sa condo titira."

"Pag-iisipan ko po."

"Don't think of it. Tanggapin mo na."

"Sige po, pero sa isang kondisyon," lakas-loob niyang sambit.

"Hindi niyo na po ako suswelduhan kasi hindi na ako makakapagsilbi sa inyo."

"But you'll be like the caretaker at the condo..." Saglit itong natigilan at tumango. "Okay, sige. Pumapayag na ako."

Pero parang ganoon din dahil nang sumunod na buwan ay may pumasok na pera sa bank account niya, magta-tatlong linggo na rin mula nang lumipat siya sa may kalakihang condo. She called Dra. Aliana to ask why did she receive her salary.

"Oh, that's not your salary, hija. Allowance mo iyan kasi scholar kita."

Wow! Kaya pala hindi na kumontra ang ginang noong sabihin niyang putulin na nito ang pagbibigay ng sweldo sa kanya...

While studying, she worked part time under one of Atty. Hipolito's Law Offices. Ang alam niya'y my isa pang may-ari roon pero hindi niya pa nakilala si Atty. Velizario. Abala raw ito sa pagha-handle ng private matters sa probinsya.

Dahil marunong naman sa household chores ay pinilit niyang mag-janitress sa Law office kahit pa nga ayaw nito noong una. Rexton dela Costa even offered her to become his secretary that she immediately declined. Alam niya kasing hindi naman niya mapaninindigan ang pagiging sekretarya nito dahil abala siya sa pag-aaral. Fourth year na siya sa susunod na semestre at ilang sandali na lamang ay makakamtan na niya ang pinaka-aasam-asam na degree.

Nasa opisina siya ni Rexton dahil pinag-uusapan nila ang pasya niya nang bumukas ang pinto at niluwa niyon ang mga bultong pamilyar sa kanya.

"Surprise, Boss!" hiyaw ng mga myembro ng Eclipse. "Happy Halloween!" bati ng mga ito.

Halloween on January?

"Mga luku-luko. Bakit kayo nandito? Ang sabi ko'y magsipagbakasyon kayo." Naiiling na komento nito sa mga bagong dating. Nagsilapit ang mga ito kay Rexton at kinuyog ang huli. Because they cleared the way, she saw a very familiar built vividly, making her heart skipped a beat.