webnovel

Chapter 9

Chapter 9

"BAKIT NGAYON ka lang, Olcea? Saan ka galing?" bungad agad sa kaniya ng kaniyang Ama nang makarating siya sa kanilang bahay.

Pagod na pagod siyang binalingan ito ng atensyon. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa tanong nito o maiinis. Ganito na lamang ba parati ang tanong na sasalubong sa kaniya? Hindi na niya makayanan pa.

"Ama, dumaan lang po kami ni Adeva sa isang kainan doon sa bayan kanina. Huwag po kayong mag-alala. Wala po sa aming nangyaring masama."

Dumiretso siya sa kusina saka kumuha ng isang basong tubig mula sa refrigerator. Nilagok niya iyon ng sunod-sunod at hindi pinansin ang mga pinagsasabi ng kaniyang Ama.

"Alam kong nagsisinungaling ka, Olcea. Nagkita kami ni Connor kanina at sinabi niya sa akin ang patuloy na paglapit sa `yo ni Oddyseus, totoo ba iyon?"

Inilapag niya sa mesa ang basong kaniyang ininuman saka tinitigan ang kaniyang ama na parang pagod na pagod. Pagod na pagod na talaga siya sa pagpapaintindi rito na hindi masama si Oddyseus.

"Sino po ba ang paniniwalaan niyo? Ang lalaking iyon na walang ginawa kundi ang siraan si Oddy sa `yo? O, ako na anak mo na nagsasabi sa 'yo ng totoo?"

Sa matinding galit at inis ng kaniyang ama napagbuhatan siya nito ng kamay na siyang dahilan kung bakit lumisa ang kaniyang panga. Namanhid ang kanan niyang pisngi at uminit iyon. Agad siyang napahawak sa pisnging sinampal ng kaniyang Ama.

Tumulo ang namuong luha sa kaniyang mga mata nang titigan niya ito nang puno ng pagtataka. Kaya pala siyang saktan nito para lang sa lalaking kahit na kailan hindi niya magugustuhan.

"A–anak, h–hindi ko sinasadya. P–pasensya na. Patawarin mo ako," hinging paumanhin nito agad sa kaniya nang mahismasmasan mula sa pagkakasampal sa kaniya.

Lumayo siya rito, at dumistansya nang lapitan siya ulit nito. Umiling-iling siya. Hindi siya makapaniwalang nagawa siya nitong sampalin. Tagaktak ang mga luha mula sa kaniyang mga mata. Ang sakit-sakit ng dibdib niya ngayon. Napagbuhatan siya ng kamay ng sariling ama.

"A–anak, Olcea," muling tawag nito sa kaniya.

"H–huwag kang lumapit sa akin, Ama. Nagawa niyo akong sampalin dahil lang kay Connor? Baka nakakalimutan mo, Ama. Hindi ko gustong masakal sa lalaking iyon! At baka nakakalimutan mong ang tinatamasa nilang kayamanan ngayon ay galing sa atin. At hindi ako makakapayag na ganoon-ganoon na lamang. Hindi ako papaapi sa kanila, dahil sa simula't sapol. Sa atin ang lupang nakapangalan sa kanila. At isa pa, kung ayaw niyo kay Oddyseus, ayaw ko rin sa Connor mo!"

Akma na sana siyang aakyat sa hagdan papunta sa kaniyang silid sa itaas nang marinig niyang magsimulang magsalita ang kaniyang Ama. Biglang lumambot ang kaniyang puso sa sinabi nito, pero hindi niya pinahalata. Baka iyon na naman ang dahilan para gamitin nito, at tuluyan na siyang pumayag na makasal kay Connor.

Hindi siya makakapayag na mangyari `yun. Connor is not her type, mas gustuhin pa niyang makasal sa isang tulad ni Oddyseus. Mas sigurado siyang sa mabuting kamay siya.

"Alam mo naman anak na ang tanging paraan lamang para mabawi natin mula sa mga Esvares ang lupa natin, ay ang pagpapakasal mo kay Connor. Iyon ang hinihingi nilang kondisyon anak, kung hindi ka magpapakasal sa kaniya. Tuluyan nang mawawala sa atin ang lupa. Sayang ang pagod at lakas namin ng iyong Ina kung hindi ka magpapakasal kay Connor," puno ng simpatya ang boses nito na parang ano man na oras luluhod na ito sa kaniyang harapan, pumayag lamang siya.

Walang emosyon siyang tumingala sa kisame ng kanilang bahay. Pinipigilan ang mga luhang nagbabadya na namang pumatak mula sa kaniyang mga mata.

"Kung andito lang sana si Ina. Hinding-hindi ito mangyayari, kung hindi lang sana siya nabaril ng araw na iyon, hindi ito mangyayari, kung andito lang sana siya hindi malalagay sa panganib ang buhay ko. At walang kasalang magaganap.."

Hindi na niya sinayang ang oras at umakyat na siya sa kaniyang silid saka isinara ito ng malakas.

Sumalampak siya ng upo sa kaniyang kama saka doon ibinuhos ang lahat ng luhang pinipigilan niya kanina sa ibaba. Gusto niyang sumigaw sa mga oras na ito ngunit hindi niya magawa. Baka marinig siya ng kaniyang Ama.

Napatitig siya sa picture frame ng kaniyang Ina na si Romana, kasama ang ama niyang si Agno. Hinimas niya ang litrato ng kaniyang Ina saka ulit siya napahagulhol sa iyak. Niyakap niya ang picture frame na iyon nang napakahigpit.

"Ina, kung andito ka lang sana. Hindi ito nangyayari sa amin ni Ama Agno. Bakit ka kasi nabaril ng araw na iyon? Bakit?"

When she was fifteen years old, nasaksihan niya kung paano nagkagulo sa mismong panamahay nila noon. Kung paano nabaril ang kaniyang Ina ng isang pulis na sumugod sa kanila para iligtas sila mula sa magnanakaw, pero sa halip na iligtas sila nito, pero napahamak pa ang kaniyang Ina.

Sa mga oras na sanang iyon, masasabi na niyang ligtas na sila pero hindi nangyari. Namali sa pagbaril ang pulis, kung kaya't ang Ina niya ang natamaan. Mismo sa puso nito natamaan na siyang naging dahilan kung bakit dead on the spot ito. Hindi na nahabol sa hospital, kundi sa kanilang dating bahay na lamang ito nalagutan ng hininga.

Sa dating bahay na siyang pagmamay-ari na ngayon ng pamilya ni Connor Esvares. Sa kasakiman, ginawa lahat ng pamilyang Esvares ang iba't ibang paraan para lang makuha sa kanila ang lupa. Inangkin at inari na.

Ginamit ng mga ito ang mga panahong lugmok na lugmok sa kalungkutan ang kaniyang Ama na si Agno. Ginawa ng mga ito ang lahat para lang mapalubog ang kaniyang ama sa utang, at bilang kabayaran ay ang ibenta ang kanilang lupa.

Doon na nga tuluyan nagbago sa kaniya ang lahat. Ibenenta ng kaniyang ama ang lupa bilang kabayaran sa utang nito sa mga Esvares. Kung kaya't ngayon, namumuhay na lamang silang simple ng kaniyang ama.

Pero mukhang guguluhin ulit iyong muli ng mga Esvares. Kahit na anong mangyari, hinding-hindi siya magpapakasal kay Connor. Hindi solusyon ang pagpapakasal para mabawi ang lupang nawala sa kanila.

Marami pang paraan, at balang araw mababawi rin niya ang kanilang lupa mula sa mga Esvares. Pinapangako niya iyon.

Sa ngayon, kailangan niya munang umisip ng paraan kung paano niya muling makakausap si Oddyseus. Hindi siya makakapayag na ganoon na lamang ang mangyayari sa kaniya at kay Oddyseus.

Kung kailangan niyang ipaglaban ito mula sa kaniyang Ama, kay Connor at sa mga taong mapang-lait. Ipaglalaban niya ito hanggang sa kaniyang kamatayan.

Mahal na niya si Oddyseus, noon pa. Noong iligtas siya nito mula sa kagubatan ng gabing iyon na naligaw siya.