webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · Histoire
Pas assez d’évaluations
98 Chs

XL

Juliet

Simbahan.

Maraming mga taong nakaputi.

Sa dulo ng altar ay naghihintay ang isang lalaki.

At ang lalaking iyon ay si Angelito Custodio... nakabarong at naka-ayos mula ulo hanggang paa. Binigyan niya ako ng isang maaliwalas na ngiti bago ilahad ang kamay niya.

Napailing-iling ako at napasandal sa punong nasa tabi ko. Sa harap ko ay naroon si Angelito Custodio na nakangiting pinagmamasdan ang pagamutang pinaghirapan niya.

Mukhang hindi niya napansin na napakapit na ako sa puno dahil sa biglaang pagkahilo pero nang makabalik na ako sa huwisyo ay tumayo na rin agad ako nang maayos at patuloy lang siyang pinagmasdan.

Anong ibig sabihin ng biglang nakita ko ngayon-ngayon lang?

Naalala ko dati na bigla kong nakita si Niño na duguan kasama ang iba pang mga sundalo at sabi ni Caden ay pwedeng nakikita ko ang hinaharap dahil 'yun ang kahahantungan at huling sandali ni Niño pero ano naman ang ibig sabihin ng nakita ko ngayon?

Humarap sa akin si Angelito Custodio na may ngiti pa rin sa mga labi. Biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin dahilan para marahang mahawi ang ilang hibla ng buhok niya at ewan ko ba kung bakit parang may kakaiba akong naramdaman.

Hindi ko maexplain kung kaba ba o excitement o iba pang feeling pero basta kakaiba.

"Maaari ko na bang malaman ang iyong kasagutan?" Tanong ni Angelito kaya nabalik ang atensyon ko sa kaniya.

"A-Ah... pinayagan naman ako nila Ama kaya—"

"Binibining Juliet—"

Sabay kaming napalingon ni Angelito Custodio sa biglang sumulpot na tumawag sa pangalan ko at nakita si Andong na mukhang nakakita ng multo.

"A-Ah... a-ano–ano..." Saad ni Andong na mukhang nadistract nang bongga na nakalimutan niya ang sasabihin niya. Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at kay Angelito Custodio habang hinahanap ang salitang susunod niyang babanggitin.

"Ano 'yon, Kapitan Hernandez?" Tanong ni Angelito.

"Maaari ko bang kausapin si Binibining Juliet dahil may importante akong kailangang sabihin sa kaniya?" Sagot ni Andong kaya lumingon sa akin si Angelito.

Lumapit naman ako kay Andong at medyo lumayo kami kay Angelito.

"Nais kang makita ni Niño, binibini." Bulong ni Andong at nang marinig ko palang ang pangalang Niño ay nagtatalon na sa tuwa at excitement ang puso ko.

Agad akong lumapit kay Angelito.

"Pasensiya na, ginoo pero kailangan ko nang umalis." Paalam ko at nagmamadaling umalis at nilead naman ako ni Andong.

Nakarating kami sa labas at sumakay sa karwahe na hindi ko alam kung kanino. May tiwala naman ako kay Andong at kasama ko naman siya kaya hindi ako nagdalawang isip sumakay.

"Nasaan ba siya? Hindi ba siya pumunta sa opening—este—pagbubukas ng pagamutan ni Ginoong Angelito?" Tanong ko kay Andong.

"Dumalo kami kanina binibini ngunit nais makipagkita ni Niño sa ibang lugar." Sagot ni Andong.

Hindi na ako sumagot at titingin nalang sana sa bintana nang makuha ang atensyon ko ng isang papel na medyo naupuan ko. Kinuha ko naman 'to at nakita ang cursive na sulat-kamay na 'Juan Hernando Hernandez' sa labas ng nakafold na papel kaya inabot ko kay Andong.

Nakita kong napangiti siya slight bago abutin ang sulat at ipasok sa bulsa niya.

"Galing sa jowa mo?" Pang-aasar ko pero napakunot ang noo niya nang marinig 'yung sinabi ko.

Omygosh wala pa palang term na jowa sa panahong 'to!

"Este—kasintahan mo?" Bawi ko at natawa naman siya.

"Liham ito ng aking kapatid na si Emilia, binibini." Sagot niya kaya napatangu-tango nalang ako.

Mukha tuloy akong malisyosong palaka na inasar pang jowakels niya 'yung kapatid niya huhu. Pero teka! Bakit ganun nalang siya makangiti? Hmm...

"Eh bakit abot tenga 'yang ngiti mo nang makita 'yung liham?" Pang-iintriga ko sa kaniya kaya mas lalo siyang natawa.

"Umiibig na kasi ang kapatid ko kaya naman natatawa ako sa mga liham na ipinapadala niya sa akin kahit na nandito naman na ako sa San Sebastian." Sagot niya at kinuha 'yung sulat na pinasok niya kanina sa bulsa niya at binuklat 'yun.

"Sinabi niya rito na huwag kong pababayaan ang lalaking napupusuan niya kung nais ko pang umuwi sa aming tahanan." Natatawang sabi ni Andong at mukhang tawang-tawa nga siya sa asal ng kapatid niya.

"Ganito ba talaga kayong mga kababaihan kung umibig?" Tanong ni Andong at tinabi na ulit ang papel.

"Ah! Teka, usapang pag-ibig... nanliligaw ba sa iyo si Angelito, binibini?" Tanong ni Andong na mukhang naiintriga.

"Hindi ah! Gusto lang niya akong makatrabaho." Sagot ko.

"Ah... nag-aral ka nga pala ng medisina sa Inglatera." Patangu-tangong saad ni Andong.

Hindi nagtagal at tumigil na rin ang kalesa at binaba lang ako ni Andong at umalis na rin.

Tumingin-tingin ako sa paligid habang hinahanap si Niño nang biglang may magtakip sa mga mata ko gamit ang kamay niya kaya naman agad kong hinawakan nang mahigpit ang wrist niya atsaka 'yon pinilipit pagkaharap ko sa kaniya.

Nagulat ako nang makita si Niño na panay ang 'aray' dahil sa pagpilipit ko sa braso niya kaya agad ko siyang binitawan.

"OMG! I-I'm sorry! Okay ka lang ba?" Natarantang tanong ko pero patuloy lang siya sa pag-inda sa sakit ng braso niya.

"Iisipin ko nalang na humihingi ka ng paumanhin." Sabi niya na bakas pa rin ang sakit na iniinda.

"Oo nga pala, paumanhin. Akala ko kasi kidnapper—este—dudukutin ako kaya... ayun. Pasensiya na talaga." Sorry ko pero mukhang masakit talaga 'yung nagawa ko na hindi pa niya ako magawang tignan.

"Nakakatakot ka palang sorpresahin, binibini." Nasabi niya habang hinihimas ang wrist niya na napilipit ko huhu.

Shocks total turn off ang lolo niyo sa akin ngayon waaaah! Juliet naman kasi masyadong nerbyosa eh!

Kinuha ko ang pagkaputi-puti kong panyo sa bulsa ng saya ko at kinuha ang braso ni Niño na kinagulat pa niya at mukhang nag-alangan pa siyang ibigay sa akin 'yung braso niya dahil baka masaktan na naman siya.

Umupo kami sa ilalim ng isang malaking puno na tinuro niya na pwedeng pag-stayan. Ginawa kong bandage ang panyo ko at binalot 'yon nang maayos sa wrist niya na napilipit ko at baka lumala pa 'pag nagalaw ulit nang bongga.

Nagulat ako nang pagkatapos kong balutin 'yung wrist niya eh nadatnan ko siyang nakangiting nakatitig sa akin.

"Bakit?" Tanong ko at inalis na ang pagkakahawak sa wrist niya.

"Ang daya." Saad niya habang nakatingin sa panyo kong nakabalot sa wrist niya kaya napataas ang isang kilay ko.

"Anong madaya?"

"Kapag nasaktan mo ako, maaari mo akong gamutin upang mapagaan ang sakit na aking iniinda ngunit kapag ako ang nakasakit sa'yo . . ." Itinaas niya ang tingin niya sa akin dahilan para magtama ulit ang mga tingin namin.

"Wala akong ibang magagawa kundi humingi ng tawad."

Hindi ko alam pero parang double meaning 'yung sinabi niya? I mean hindi ko gets paano naging double meaning pero parang may hidden message doon sa sinabi niya na gusto niyang iparating sa akin. May hugot ang lolo niyo!

Hindi ko alam ang isasagot ko kaya pinutol ko ang eye contact namin. Napatingin ako sa puno na pinagsisilungan namin at narealize kung gaano kalaki 'to.

"Molave ang punong ito. Isa sa pinakamatibay na puno na ginagamit sa paggawa ng mga kabahayan at pati na rin simbahan." Sabi ni Niño na mukhang nahalatang napansin ko kung gaano kalaki 'yung puno.

"Oo nga pala, binibini... bago ang lahat, kung magbibigay ako sa iyo ng regalo, ano ang nais mong matanggap?" Tanong niya at bakas sa mukha niyang interesado talaga siya sa isasagot ko.

Hmm... tinatanong ba dapat 'yung reregaluhan mo kapag magreregalo ka? Hindi ba dapat surprise 'yun?

Anyway, naghihintay siya ng sagot eh.

"Kahit ano basta 'yung magtatagal. 'Yung tipong kahit ilang taon na ang lumipas, pwede ko pa ring makita at masasabi kong, 'ah... kay Niño galing 'to' yung ganun." Sagot ko.

Napatangu-tango naman siya at nagulat ako nang bigla siyang tumayo at kumuha ng kutsilyo sa bulsa niya at nagsimulang magcarve sa puno. Gamit niya ang kaliwang kamay niya dahil nakabalot sa panyo ko ang kanan niyang kamay at mukhang masakit pa rin galawin at mukhang medyo hirap din siya sa kaliwa pero tuloy pa rin siya sa ginagawa niya.

"Huy! Anong ginagawa mo? Vandalism 'yan!" Saway ko sa kaniya pero bahagya lang siyang natawa at patuloy lang sa pag-ukit sa puno.

"Hindi ko alam ang ibig sabihin ng bandalisim ngunit kung ang nais mong sabihin ay tumigil ako sa ginagawa ko ay huli na ang lahat." Natatawang sabi niya at lumingon sa akin atsaka nagbigay daan para makita ko 'yung inukit niya.

"Dahil naukit ko na ang iyong pangalan sa pinakamatandang punong nandito." Ngiti niya at nakita ko nga ang pangalan kong nakaukit sa puno.

May saltik din talaga 'tong heneral na 'to eh.

"Baliw ka ba? Paano kapag may makakita niyan?" Natatawang tanong ko dahil 'di ko na talaga gets kung high ba 'to o nadamay 'yung utak nang mabalian ng wrist eh.

"Tingin mo ba'y kung sinu-sino lang ang nakakapunta rito? Sa likod ito ng aming hacienda at sigurado akong walang ibang nakakaalam sa lugar na ito kundi ako, si Fernan, at si Andong." Aniya.

Ayan na naman tayo sa silang tatlo lang ang nakakaalam eh. Pero sabagay, kung private property nga 'to ay posibleng walang ibang nakakaalam ng lugar na 'to.

"Alam mo bang nabasa ko ang Romeo y Julieta ni Shakespeare noong sampung taong gulang ako?" Tanong niya.

"Hindi." Sagot ko pero tuloy lang siya sa sinasabi niya.

"Doon ba hango ang iyong pangalan, binibini? Sa Julieta?" Tanong niya na para bang sinusuri ako at magiging sagot ko.

"Si Shakespeare ay isang Ingles, heneral at ang orihinal na pamagat ng akdang 'yon ay 'Romeo and Juliet' kaya ang Julieta ang hango sa pangalan ko." Sagot ko.

Napatangu-tango naman si Niño na para bang na-enlighten siya. Aalis ko na sana ulit ang tingin ko sa kaniya nang bigla siyang magbuntong-hininga.

"Bakit? May problema ba?" Tanong ko.

"Kung gayon ay kailangan mo ng Romeo, binibini." Sagot niya sabay natawa kaya pinanliitan ko siya ng mga mata. May saltik nga talaga 'to, pinag t-tripan ako.

"Maganda ang dulang iyon. Tungkol sa pamilya, lipunan . . . at pag-ibig." Tingin niya sa akin.

"Maganda pero masyado pa silang bata." Sagot ko.

"Kung sabagay, dieciséis lamang si Juliet sa El Trágica Historia de Romeus y Juliet ni Brooke at trece sa Romeo y Julieta ni Shakespeare pero binibini... pinapakita lamang nito na walang edad ang pag-ibig." Sagot niya at woah, alam niyang sa akda ni Brooke nakabase 'yung Romeo and Juliet? Iba rin ang bookworm level ng lolo niyo!

"Ano ang paborito mong linya mula sa dula, binibini?" Excited na tanong ni Niño na parang tuwang-tuwa siya sa topic namin ngayon.

"Wala naman." Sagot ko. "Ikaw? Meron ka ba?"

"Porque nunca fue una historia más lamentable que esta de Juliet y su Romeo." Saad niya na nakapagpakunot sa noo ko dahil wala akong naintindihan sa sinabi niya.

"Sapagkat ito ay hindi kailanman isang trahedya kundi kuwento ni Juliet at ng kaniyang Romeo." Translate niya at somehow... naalala ko 'yung exact line na 'yan na sinabi ng prinsipe sa play ni Shakespeare.

"For never was a story of more woe... than this of Juliet and her Romeo."

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts