webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · Histoire
Pas assez d’évaluations
98 Chs

VI

Maghapong hinintay ng binatang heneral lumabas ang dalagang napupusuan kahit pa pista ng bayan at halos lahat ng tao'y nagsasaya sa plaza ngunit magta-takipsilim na at hindi pa rin niya ito muling nasisilayan.

"Niño!" pabulong na sigaw ni Fernan na nasa ilalim ng puno sa loob ng Hacienda Cordova, sa tapat mismo ng mansiyon ng pamilya.

"Mag ga-gabi na't ilang oras lang ang pakiusap ko sa kakilala ko rito sa hacienda! Baka makaladkad tayo palabas sa lagay na ito, mukha tayong mga espiyang nagmamanman sa kuta ng kalaban!" sabi pa ni Fernan at tumayo na.

"Hayaan mo na ang kaibigan natin, Fernan. Alam mo rin namang hindi susuko 'yan hangga't hindi nasisilayan ang tala ng kaniyang buhay." Akbay ng isang matangkad na lalaking naka-uniporme rin at ikinumpas ang kamay sa kalangitan upang ilarawan ang talang tinutukoy niya. Matangos ang ilong ng binatang ito at halata sa kaniyang maputlang balat ang dugong Kastila. Itim ang kaniyang buhok na nakaayos sa loob ng suot na banig na sumbrero.

"Ngunit ngayo'y araw ng pista! Andong, hindi ba't mas mainam na tumingin nalang ng mga naggagandahang dilag ngayon sa plaza?" sabi pa ni Fernan, hiningkayat ang kaibigan sa pamamagitan ng pagbanggit ng 'naggagandahang dilag.' Palibhasa'y mautak kaya't ginagamit ang kahinaan ng sariling kaibigan.

Naengganyo naman si Andong kaya't dahan-dahan siyang lumapit sa kaibigan, nagbabakasakaling mabago ang isip ng heneral.

"N-Niño, may punto ang kaibigan natin at... sa tingin ko... mas marami pa ang mas magagandang dilag na naroon kaysa—"

"Andong! Ayun na siya!" tuwang-tuwang sigaw ni Niño at hinila ang mga kaibigan.

Sabay-sabay naman nilang pinagmasdan ang dalagang nasa asotea ng malaking tahanan. Napanganga si Andong at nahubad ang sumbrero't inilagay ito sa kaniyang dibdib.

"Magaling ka talagang pumili, Niño." nasambit ni Hernando habang titig na titig sa dalaga at nabatukan naman siya ng kaibigan.

"Ako ang manliligaw, Andong. Baka nakakalimutan mo." banta ni Niño at tinawanan na lamang siya ng mga kaibigan.

"Teka nga, bakit hindi ko nakita sa handaan kahapon itong Binibing Cordova na ito? Mga magulang kayo." kunot-noong tanong ni Hernando at humarap kay Fernan.

"Lalo ka na, Fernan. Hinayaan mo lang maunahan ako ni Niño." May pagtatampo pa sa tono ng binata.

Natatawang napailing nalang si Fernan.

"Kasalanan pa ba naming abala ka roon sa mga dalagang taga-Maynila? Atsaka sa barko palang, nakita k—" Natigilan sandali si Fernan atsaka nagsalita ulit.

"Sa barko pauwi rito sa San Sebastian unang nakita ni Niño si Binibining Juliet. Siya ang kinukuwento niya sayo pagkatapos ng sayawan sa barko kahapon."

"Halika na!" masiglang tawag ni Niño sa mga kaibigan at nagsipagkuhaan naman sila ng kanilang instrumento kahit pa napapailing-iling. Ibang klase ang tama ni Niño sa dalagang ito.

Pagdating nila sa tapat ng asotea kung nasaan ang dalaga kanina ay wala na ito. Gayumpaman, nagsimula na silang tumugtog na dahilan ng pagsilabasan ng mga tagapagsilbi ng mga Cordova.

Nang magsimula nang tumugtog ng gitara sina Fernan at Hernando ay kumanta na si Niño.

"Nahanap na ngang ligaya

Sa piling mo, o kay gandang dalaga

Ikaw ang nasa isip araw man o gabi

Hindi na nga maikukubli🎶~~"

Lumabas sa asotea ang kuya ng dalagang hinaharana, si Caden Cordova. Inasahan ng mga binatang lalabas na rin ang hinaharana ngunit nabigo sila. Gayumpayan ay nagpatuloy sila sa panghaharana.

"Pagbigyan ang pag-ibig na iaalay

Sayo'y ayaw na ngang mawalay

Hiling sana'y dinggin ng kalangitan

Ibigay ka—" tuloy pa ni Niño ngunit agad na natigilan nang buhusan sila ng tubig.

Napatingala nalang ulit sila sa asotea pagkatapos nilang mabuhusan ng tubig at nakita si Caden Cordova na may hawak na napakalaking batsa na wala nang lamang tubig dahil naibuhos na sa kanila. Tinaktak pa ng binata ang natitirang latak ng tubig mula sa batsa sa mga binatang nasa ibaba atsaka tuluyang pumasok sa loob.

"Anak ng—! Naligo naman ako kaninang umaga!" reklamo ni Hernando at pinagpagan ang sarili.

Napakamot nalang sa ulo si Fernan dahil sa kanilang sinapit. Umuwi silang mga mukhang basang sisiw at laman ng usapan sa buong bayan.

Sa kabilang dako, ang dalagang hinintay nila mula bukang liwayway hanggang magtakipsilim ay walang iba kundi ang dalagang nagmula sa kasalukuyan, si Juliet.

¤¤¤

Juliet

Pagkagising ko, nasa harap ko sina... sino nga ba sil—napabalikwas ako ng bangon at napahawak sa ulo kong sobrang sakit. Nananaginip pa rin ba ako? O totoo nga ang lahat?

Bakit nandito 'yung mga babaeng— napatingin ako sa damit ko at nakitang naka baro't saya ako.

Naka baro't saya pa rin ako. So... hindi panaginip na bumalik ako sa 1800s... ang panaginip ay 'yung panaginip lang na napunta ako sa 1800s. Nanaginip ako na nagising ako at nasa present pa rin ako pero ngayon...

Nagulat sina Adelina at Manang Felicitas nang sampalin ko ang sarili ko. Napa-sign of the cross sila at nang lumingon ako sa kanila mukhang nagulat sila pareho. May binulong si Manang Felicitas kay Adelina at nagmamadaling lumabas ng kwarto si Adelina.

"A-Anong taon—este—petsa na po?" tanong ko.

"Unang araw po ng Hunyo, Señorita." sagot niya. Mukhang cautious sa akin.

Shocks naman, paano ko itatanong kung anong taon na? Magmumukha akong weirdo kapag nagtanong ako kung anong taon na huhu.

"Mukhang napagod po kayo sa byahe, Señorita." sabi ni Manang kaya napa what-are-you-talking-about look ako sa kaniya.

"Mag a-alas sais na po ng gabi, Señorita. Halos dalawampung oras po kayong tulog." sagot ni Manang Felicitas kaya nanlaki ang mga mata ko. Sakto namang pumasok si Caden.

"Ako na po ang bahala rito." sabi ni Caden at lumabas na nga si Manang Felicitas.

Napahawak ako sa pillar ng kamang kinauupuan ko nang maramdaman kong nasusuka ako.

"Unang beses kong magsama ng tao sa pagbyahe kaya mukhang ito ang mga side effects. Hindi maayos ang pahinga mo kahapon dahil umidlip ka lang kaya't bumawi ang katawan mo sa pahinga. Pasensya na't hindi ko alam kung ano ang pwedeng gawin para mapagaan ang nararamdaman mo." sabi ni Caden.

Sinenyasan ko naman siyang okay lang pero hindi talaga ako okay.

Natanaw ko ang pintuan na para sa terrace kaya tumayo ako kahit nahihilo ako at lumabas incase masuka ako. Pagkalabas na pagkalabas ko, sinalubong ako ng malamig at sariwang hangin. Sigurado akong sariwa 'to dahil sa panahong 'to, wala pang air pollution. Nawala naman ang sama ng pakiramdam ko.

Napatingin ako sa paligid. Nasa second floor ako ng mansion ng mga Cordova, sa may terrace at kitang-kita ko ang malawak na Hacienda Cordova. Napakalawak ng mga taniman at ang dami-daming mga puno. Ano na kaya 'to sa present? Ganito pa rin kaya kasagana ang mga halaman?

Pagkatapos kong pagmasdan ang kalikasang hindi pa nasisira ng mga tao sa panahong 'to ay pumasok na ako sa loob at umupo ulit sa kama.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Caden kaya tumangu-tango ako.

Maya-maya, nakarinig kami ng ingay mula sa labas ng terrace kaya tatayo sana ako para lumabas pero pinigilan ako ni Caden.

"Ako na." sabi niya at lumabas.

Pagkabukas ni Caden ng pinto, medyo luminaw 'yung ingay at feeling ko may nagkakantahan sa baba dahil nakarinig ako ng tunog ng gitara.

Pumasok si Caden sa loob at lumabas ng kwarto at bumalik na may dalang malaking planggana na may lamang tubig.

"A-Anong gagawin mo?" tanong ko.

"Magdidilig." simpleng sagot niya at tuluy-tuloy ng lakad palabas sa balcony at binuhos 'yung tubig sa baba.

Bakit hindi nalang siya bumaba kung 'yung halaman sa baba 'yung didiligan niya? Tsk. Medyo mahina rin utak ng lalaking 'to.

Pagkatapos niya itaktak 'yung last drops ng tubig mula sa planggana, pumasok na rin siya at sinara 'yung pinto.

"Ano 'yung maingay kanina?" tanong ko.

"Ah... pusa lang 'yun." sagot niya at lumabas na ng kwarto dala-dala 'yung malaking planggana.

Wow. Marunong na palang maggitara ang pusa.

Maya-maya, bumalik si Caden sa kwarto ko na may dala-dalang baro't saya.

"Mag-ayos ka't makikipista tayo." sabi niya sabay lapag ng damit sa kama.

Pista?

Napaisip ako sandali at naalala 'yung paulit-ulit na sinabi ni Caden nung nasa barko kami na gusto niyang umabot sa pista ng San Sebastian.

"Dalian mo para makaalis na rin sina Manang Felicitas at Adelina." S

sabi pa niya.

"Aalis sila? Eh kaya ko naman sarili ko kaya pwede naman na silang umalis." sagot ko at kinuha 'yung damit.

"Tungkulin nilang asikasuhin ka kaya hindi pa sila puwedeng makipagsaya sa pagdaraos ng pista hangga't hindi natatapos ang tungkulin nila sayo." sagot ni Caden kaya dinalian ko na nga para makaalis na rin sina Manang Felicitas at Adelina.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts