webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · Histoire
Pas assez d’évaluations
98 Chs

LXXXIV

Juliet

Nanatili akong nakadapa sa kama ko habang hinahayaang tumulo ang luha ko sa unan.

Buong gabi lang akong nakatingin sa kawalan habang blanko ang isipan. Wala na akong gana bumangon. Kung pwede nga lang ay ayaw ko na ring gumising. Ilang oras na akong nakahiga habang nakatingin sa kawalan pero pakiramdam ko parang habang buhay na akong nakakaramdam ng ganitong emptiness sa pagkatao ko. Ni hindi na ako makaramdam ng lungkot sa lahat ng nangyari o galit o anumang emosyon. Gusto ko nalang matapos ang lahat.

Nang mataas na ang sikat ng araw ay narinig kong may kumatok sa pintuan ng kwarto ko at narinig si Adelina. Ilang beses pa siyang kumatok pero hindi ako sumagot at nanatiling nakahiga. Ilang sandali pa'y narinig kong bumukas ang pinto.

"Binibini?" Mahinang tawag niya at sinilip ako. Mukhang nagulat siya nang makitang nakadilat ako.

"Nakahain na po ang almusal sa baba. Nandito rin po si Ginoong Angelito at sasalo sa inyong mag-agahan." Sabi niya pero iniba ko nalang ang direksyon ng tingin ko atsaka inayos ang pagkakakumot sa akin ng kumot ko.

"A--Ayos lang po ba kayo, binibini? Masama ba ang iyong pakiramdam?" Tanong ni Adelina. Tumalikod nalang ako sa kaniya at sumisiksik sa kabilang side ng kama.

"Gusto kong mapag-isa." Sagot ko at mukhang naintindihan naman niya kaya lumabas na rin siya.

Ilang oras ulit ang lumipas na hindi man lang ako nakaidlip kahit ilang segundo ay narinig ko na namang bumukas ang pinto. Naramdaman kong lumubog nang kaunti ang kama ko sa kabilang banda pero hindi na ako nag-abalang lumingon dahil amoy palang ay alam ko nang si Ina 'to.

"Juliet, my dear?" Tawag niya pero nanatili akong nakatalikod sa kaniya.

"Is there a problem?" Tanong niya pero hindi ako sumagot.

Hindi ko na rin alam kung ano ang problema. Lahat ba ng nangyayari o ako mismo? Hindi ko na alam kung anong iisipin, hindi ko na alam kung anong gagawin.

Nanatili akong walang imik. Wala talaga akong gana makipag-usap kahit na kanino. Wala akong gana gumawa ng kahit ano. Ilang minuto ring nanatili si Ina sa tabi ko bago sumuko. Hinawakan niya ang ulo ko atsaka hinalikan at lumabas na rin siya.

Ilang araw akong nagkulong sa kwarto at bumabangon lang kapag iinom o kakain onti o may iba pang gagawin at salamat sa Diyos ay hindi naman ako kinukulit ng pamilya ko hanggang ngayon. Kakalabas lang ni Adelina pagkatapos sabihin na kailangan ko raw talagang sumama sa simbahan ngayon. Ilang araw na rin naman akong hindi lumalabas ng kwarto ko kaya kailangan ko na rin sigurong lumabas kahit na labag talaga sa kalooban ko dahil katulad nga ng sinabi noon ni Caden, sa realidad, hindi hihinto ang mundo para lang sa akin. Kahit pa unti-unti na akong pinapatay sa loob ay kailangan kong kumilos at ituloy ang pakikipaglaro sa tadhana kahit pa pagod na pagod at sukung-suko na ako.

Nag-ayos nga ako at nagbihis atsaka bumaba. Pagkababa ko naman ay nandoon na pala silang lahat—Ama, Ina, at Caden na ngayon ko nalang yata ulit nakita. Naging sobrang abala siya sa negosyo pero alam ko na sa katunayan ay abala siya sa paghahanap sa mga relo na misyon niyang hanapin.

Nakita ko ang biglaang pagliwanag ng mukha ni Ina nang makita akong bumaba na kahit papaano ay nagpagaan din sa bigat na nararamdaman ko. Kahit pakiramdam ko walang-wala na ako sa loob, ang bigat pa rin sa pakiramdam ng lahat. Parang lahat ng masamang pangyayari ay hindi ko na maalis-alis sa utak at pagkatao ko at sa tuwing naaalala ko'y unti-unti akong inuubos.

Tahimik lang ang buong byahe namin papunta sa simbahan kaya doon palang alam mo nang may hindi tama. Pero kahit gano'n, tuloy lang ang lahat. Pagkarating sa simbahan ay sabay-sabay kaming pumasok pero naghiwa-hiwalay rin para gawin ang mga kailangan namin gawin. Hindi kami pumunta ngayon para magsimba. Pumunta kami dahil mangungumpisal si Ina at aasikasuhin naman ni Ama ang nalalapit na kasal.

"Kamusta ka?" Napalingon ako sa boses ni Caden at bumungad nga sa akin ang malungkot niyang mukha. Kitang-kita sa mga mata niyang may mali. Ibang-iba 'to sa mga matang nakikita ko noon nung una naming punta sa panahong 'to. Hindi na nga maganda ang nangyayari sa panahong 'to at mukhang hindi rin maganda ang nangyayari sa misyon niya. Lumapit pa siya atsaka tuluyang tumabi sa akin.

"Sinusubukan kong pakinggan ang iniisip mo kanina pero wala akong narinig." Pag-amin niya pero pinilit kong ngumiti dahil mukhang nag-aalala siya.

"Masyado akong pagod nitong mga nakaraang araw kaya siguro wala kang narinig dahil masyado akong pagod na pati utak ko ayaw nang mag-isip." Pilit na biro ko pa pero mukhang hindi effective.

"Pagod ka? Eh ngayon ka nga lang ulit lumabas ng kwarto mo." Sabat niya.

Pagod ako, Caden. Pagod na pagod na ako emotionally.

"Iyon naman pala." Sabi niya na mukhang narinig ang sinabi ko sa isip ko.

"Jul—" Agad na naputol ang sasabihin Caden nang may tumawag sa kaniya.

"Ginoong Caden!" Sabay kaming napalingon ni Caden sa tumawag sa kaniya at lumapit sa amin ang may edad nang lalaki na balbas sarado. Bumati siya sa amin at nag-usap na sila ni Caden kaya naman naglakad-lakad na ako.

Habang naglalakad-lakad sa simbahan, nakakita ako ng pinto kaya pumasok ako at nakitang hagdan lang paakyat ang nandito kaya naman umakyat ako. Matagal-tagal din akong umakyat bago nakarating sa taas. Andito pala ang kampana ng simbahan.

Sandali kong pinagmasdan ang malaking kampana atsaka napansin ang malaking bintana sa tapat nito. Dumungaw ako sa bintana at nakitang ang taas pala nito kaya matagal-tagal ang nilakad ko paakyat.

¤¤¤

Matagal na tumitig si Juliet sa lapag habang nakadungaw sa bintana. Napakaraming palaisipan ang tumakbo sa utak niya habang nakatitig siya sa nakakalulang lapag pero sa pagkakataong ito, hindi siya makaramdam ng lula kahit pa napakataas ng kinalalagyan niya.

Napatingin siya sa singsing na suot sa kaniyang palasingsingan sa kaliwang kamay. Mahigpit itong nakakapit sa kaniyang daliri. Hinawakan niya ito at muling sinubukan tanggalin ngunit hindi ito natanggal sa sikip nito kaya hinayaan na niya at ibinaling ang atensyon sa tanawing nasa kaniyang harapan.

Ilang beses siyang nag-isip—isa, dalawa, tatlo—pero lahat ay sa iisang solusyon lang nagtatapos... wakas. Gusto na niyang matapos ang lahat.

Sandali siyang pumikit at muling nag-isip ngunit sa pagkakataong ito'y hindi malutasan ng kaniyang isip ang bigat at paghihirap na nararamdaman ng kaniyang puso't buong pagkatao. Pagdilat niya'y tuluyan nang tumulo ang namumuong luha sa kaniyang mga mata. Huminga siya nang malalim atsaka tumapak sa malaking bintana. Sandali niyang pinagmasdan ang tanawing nakikita mula sa kinatatayuan niya. Nakikita niya ngayon ang kalawakan ng San Sebastian. Ang lupang binungkal at pinasimulan ng ninuno ng heneral na kailan lang nawala sakaniya.

Napapikit siya nang maalala si Niño. Ang tanging lalaking minahal niya. Ang lalaking nagmula sa panahong mahigit isang daang taon ang layo sa panahong tunay na kinabibilangan niya. Sino'ng mag-aakalang sa taong 1899 niya pa makikilala ang unang lalaking mamahalin niya nang lubos? At sino rin ang mag-aakalang sa taong 1899 din mawawala sakaniya ang batang heneral na ito?

Wala na siyang balak imulat pa ang mga mata niya bago tumalon dahil sa totoo lang... handa na siyang harapin ang kamatayan ngayon. Sa loob ng ilang araw na nagkukulong siya sa kaniyang kwarto ay nag-iisip na siya kung kaya pa ba niyang ituloy ang lahat o mas mainam na tapusin na dahil hindi na niya kaya. Sinisisi niya ang kaniyang sarili sa pagkamatay ng lalaking kaniyang minamahal pati na sa mga gulong nangyayari ngayon dahil kung hindi sana siya nangialam ay maayos pa sana ang lahat ngayon.

Sandali niyang pinakiramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Malakas ang ihip ng hangin kung saan siya nakatayo dahil mataas ito. Ilang sandali pa'y tinanggal na niya ang kaniyang pagkakakapit sa bintana at hinayaan ang sariling mahulog.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts