webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · Histoire
Pas assez d’évaluations
98 Chs

LVIII

Juliet

"Wala pa ba si Paeng?" Tanong ko.

"Puwede ba Juliet, umupo ka lang sa isang tabi dahil sa loob ng isang minuto, naka-28 beses ka nang tanong sa akin kung nandito na ba si Paeng at wala pa nga siya, Juliet! Wala pa siya!" Sagot ni Caden na nandito ngayon sa kwarto ko na mukhang nasstress na rin sa akin.

"Kumalma ka nga." Hawak niya sa magkabilang balikat ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"Paano ako kakalma? Hindi ko nga alam kung 'yun pa rin ba ang kamatayaan niya o iba na at kung iba na, paano ko malalaman? Paano ko mapipigilan?"

Kailangan kong pigilan ang pagkamatay ni Niño lalo pa't... hindi pa maganda ang naging pagkikita namin kagabi.

"Juliet, anong klaseng tao si Niño Enriquez?" Bigla niyang tanong kaya natigilan ako.

Huh? Anong 'anong klaseng tao si Niño Enriquez?' tinatanong nitong si Caden?

"Sabihin mo sa akin kung anong klaseng tao siya." Saad niya.

"Well... magaling siyang sundalo, mabait, may malasakit, gwapo, matangkad, mabango—"

"Kailangan ba siya ng mga tao?" Putol niya sa dami ng sasabihin ko.

"Ha? Ano ba 'yang tinatanong mo? Anong connect niyan sa concern ko?" Tanong ko.

"Wala naman. Iniisip ko lang ang purpose ng pagpunta mo sa panahong 'to."

Mas lalong napakunot ang noo ko.

"Anong purpose? Wala namang purpose ang pagpunta ko rito. Aksidente nga lang akong napunta rito, 'di ba?"

"You really think that accidents do happen, don't you?" Lapit niya sa akin kaya mas lalo pa akong naguluhan.

Ano bang pinagsasabi nito?

"Teka para makatulong ka naman, sabihin mo sa akin kung kailan mamamatay si Niño at paano." Sabi ko.

"Namatay siya sa gyera kasama ang mga kapwa niya sundalo."

"Kailan?" Tanong ko.

"August 5, 1899"

"August? Pero September na, Caden! Mag O-October na nga eh!"

"Ibig sabihin lang nito ay nagbago na ang nakaraan." Simpleng sagot niya.

"Ha?? Edi paano ko malalaman kung kailan siya mamamatay? Paano ko mapipigilan ang kamatayan niya?"

"Ikaw lang ang nakakaalam niyan, Juliet. Ikaw ang nanggaling sa hinaharap."

"Galing ka rin naman sa hinaharap!" Agad na sagot ko.

Umiling-iling siya. "Hindi ako normal na tao, Juliet... wala akong kinabibilangang oras at panahon."

"Ha? P-Pero... paano ko malalaman kung kailan siya mamamatay sa bagong takbo ng nakaraan?"

"Ikaw lang ang makakasagot niyan, Juliet. Ikaw lang ang may kakayahan magbago ng nakaraan."

Paano ko malalaman eh tapos na pala 'yung araw na kinatatakutan ko at iba na ang naging takbo ng mga pangyayari sa panahong 'to?

Pero teka... bakit nagbago ang nakaraan eh wala naman akong ginagawa?

"Walang ginagawa? Lahat ng kilos at mga salitang binibitawan mo rito ay nagdudulot ng pagbabago sa panahong ito, Juliet. Sinabi ko na sa'yo ito noon."

"Lahat ng... kilos at salita ko? So 'yung pagkapostpone ng kamatayan ni Niño... ako rin ang may gawa?" Tanong ko at tumangu-tango siya.

"Pero paano ko nagawa 'yun?" Tanong ko.

"Pumayag kang magpakasal sa kaniya." He simply answered.

"D-Dahil doon?" Tanong ko at tumangu-tango siya.

"Paano nangyari 'yun?" Tanong ko ulit. Naguguluhan na ako.

"Hulyo 20, 1899 ka niya niyaya magpakasal, kumalat ang balitang ikakasal siya kaya naman hindi siya ang ipinadala sa labanan kung saan siya dapat mamamatay."

"Wait, wait, so... hindi na siya pinadala sa labanan kung saan siya dapat mamamatay dahil ikakasal siya? At ako ang may gawa no'n kasi pumayag akong magpakasal sa kaniya?" Tanong ko at tumangu-tango ulit siya bilang tugon.

Woah... so ibig sabihin, naligtas ko si Niño?

Pero ano 'yung mga bagong nakikita ko? Posible bang... 'yun na ang magiging kamatayan ni Niño ngayong nagbago na ang nakaraan?

¤¤¤

"Niño! Paano si Juliet?" Tanong ni Ernesto na pinipigilang umalis ang kapatid. Inaayos ni Niño ang mga gamit na dadalhin.

"Maiintindihan niya ito. Alam niya kung anong ipinaglalaban at rason ko." Sagot ng heneral at tumayo na.

"Niño, kasal mo ngayon. Hindi puwedeng basta hindi ka nalang sumulpot." Harang sa kaniya ni Andong pero hindi natinag si Niño rito.

"Naisip mo ba kung anong mararamdaman ni Juliet kapag ginawa mo 'to?"

Natigilan si Niño sa sinabing 'yon ni Fernan. Alam ni Fernan ang kahinaan ni Niño at doon niya ito tinitira upang mabago ang isip nito.

"Sa tanong na 'bayan o sarili' ilang beses mo na bang ipinagkait sa sarili mong piliin ang mas ikabubuti mo? Kung ano ang gusto mo?" Tanong pa ni Fernan pero nanatiling walang kibo si Niño.

"Hindi kailangan ng bayang ito ang isang martyr, Niño. Kung gusto mong lumaya ang bayang ito, mabuhay ka upang ipaglaban ito dahil wala ka nang magagawa kung patay ka na kundi panoorin ang katarantaduhang nangyayari sa bansang ito mula sa kabilang buhay."

"Hindi ako susulpot sa kasal namin, Fernan. Bakit parang iba ang ipinahihiwatig mo?" Harap ni Niño sa kaibigan.

Napatingin si Ernesto kay Fernan nang mapagtanto nito ang punto ng koronel. Nakita niya itong lumaki kasama ang nakababata niyang kapatid kaya alam niyang sa tatlong magkakaibigan, si Fernan ang pinakamalalim mag-isip at hindi ito basta-basta nagsasalita nang wala siyang pinanghahawakan.

"Sa tingin ko ay dapat kang makinig kay Fernan, Niño." Saad ni Ernesto.

"Ano ba ang ibig niyong iparating?" Tanong ni Niño.

"Hindi ka man lang ba nagtataka? Araw ng kasal mo ngayon at pinapatawag ka upang palitan ang posteng iiwan ng ibang naka-destino roon. Hindi ka pinapadala sa mga labanan nitong mga nagdaang buwan dahil alam nilang ikakasal ka pero ngayon, sa mismong araw ng kasal mo ay pinatawag ka. Hindi mo man lang ba naisip na kakaiba itong mga nangyayari? At isa pa, si Guillermo ang naghatid ng balita." Sagot ni Fernan.

"Iniisip niyo bang inilalagay ako sa panganib ng sarili nating mga kababayan?" Tanong ni Niño na hindi naniniwala sa anumang lumabas sa bibig ni Fernan.

"Labis na pagtitiwala ang papatay sa'yo kung magpapatuloy kang ganito, Niño." Wika ni Fernan na nakapagpatigil sandali kay Niño.

"K-Kasamahan natin sila, Fernan. Pare-pareho tayong lumalaban para sa bayan. Sa tingin mo ba'y magagawa nila tayong ipahamak?" Sagot ng heneral.

"Nagawa nilang patayin si Luna, ano pa sa tingin mo ang hindi nila kayang gawin?" Sagot ni Fernan na ikinagitla ng heneral ngunit agad din siyang nagsalita.

"Wala pang nagpapatunay sa mga paratang na iyon, Fernan."

"Ano sa tingin mo ang ginagawa ko noong umalis ako ng San Sebastian? Sa tingin mo ba talaga'y mag-aaliw ako sa Dagupan gayong nasa gyera tayo hindi lang laban sa mga Amerikano kundi pati sa ating mga sariling kakampi?"

Napatingin sina Andong, Ernesto, at Niño kay Fernan nang marinig 'yon.

"Anong ginawa mo—" Hindi na pinatapos ni Niño ang itatanong sana ni Andong kay Fernan sapagkat ayaw nitong marinig ang isasagot ng kaibigan.

Buo na ang desisyon niya. Pupunta siya dahil ito ang tungkulin niya. Isa siyang sundalong tapat sa kaniyang tungkulin, isang sundalong tapat sa bayan. Kaya ayaw na niyang makarinig ng kahit anong makakagulo pa sa kaniyang desisyon.

"Aalis na ako." Saad niya at dire-diretsong lumabas ng kuwarto niya kung nasaan silang apat.

"O Diyos, patnubayan niyo ang aking kapatid na gawin ang mas makabubuti. Linawin niyo ang kaniyang pag-iisip na maglalayo sa kaniya sa kapahamakan." Nasabi nalang ni Ernesto.

Nagpaalam na sina Fernan at Andong sa padre atsaka sumunod kay Niño na nakasakay na sa karwaheng nagmamadaling umalis.

Sumilip si Niño sa bintana ng karwahe at nakita ang mga magulang na nasa tapat ng pintuan ng kanilang mansyon. Nang pagbaba niya kanina upang magpaalam sa kanila ay sinubukan ulit siyang pigilan ng mga ito ngunit patuloy lang siyang nagmatigas at sinabing buo na ang kaniyang desisyon.

Huminga siya nang malalim pagkasandal nang maayos sa loob ng karwahe.

Napatingin siya sa gintong singsing na nakasuot sa daliri niya sa kanang kamay. Hinawakan niya iyon atsaka inalala ang itsura ng dalagang iniibig habang sinusuot ang singsing na ito sa kaniya.

"Volveré a ti... mi amor." (I will return to you... my love.) Nakapikit na wika niya atsaka tinanaw mula sa bintana ang daan patungo sa Hacienda Cordova, kung nasaan ang dalagang kaniyang pinakamamahal.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts