webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · Histoire
Pas assez d’évaluations
98 Chs

LII

Juliet

"Juliet? Hindi ka pa ba tapos?" Rinig kong katok ni Caden mula sa labas ng kwarto ko.

Wooh! Inhale, exhale. Inhale, exhale.

Bakit ba ako kinakabahan? Hindi naman ako yung may birthday huhu.

Tinignan ko pa ulit ang pang-ipit na binigay ni Andong sa akin kahapon na nakaipit ngayon sa buhok ko at tumayo na.

Walang rason para kabahan, Juliet. Hindi ikaw ang may birthday, huwag kang feeler.

Lumabas na ako ng kwarto at sumalubong naman sa akin si Caden na nakasandal sa pader habang nakacross-arms, mukhang kanina pa naghihintay.

"Tagal ah." Sabi niya at umalis na sa pagkakasandal atsaka ako inalalayan bumaba ng hagdan. Pagkapasok namin sa karwahe ay nandoon na sila Ama at Ina.

"Did you prepare a nice gift for General Enriquez?" Nakangiting tanong ni Ina at bakas sa mukha niya ang mga katagang 'you better say yes.'

Tumangu-tango naman ako at mukhang nakahinga na nang maluwang si Ina. Gets ko naman na ayaw niyang mapahiya or something pero ayaw ko rin naman mapahiya kay Niño 'no!

Kinapa ko ang lalagyan ng singsing sa bulsa ko at nakampante na rin nang maramdaman 'to.

Pagkarating sa bahay ng mga Enriquez ay halos wala na akong madaanan na maluwag sa dami ng tao. Napakaraming naka-amerikang mga lalaki at napakarami ring kababaihan. Agad din akong nahiwalay kanila Ama, Ina, at Caden dahil may mga nakabingwit agad sa kanila pagkapasok palang namin at dahil ayaw ko namang ma-OP ay naglakad-lakad ako sa kabila ng dami ng tao.

Kasabay ng dami ng taong dinadaanan ko ay ang mga pangyayaring bigla ko nalang nakita sa utak ko. Bigla akong nahilo sa dami ng tao at kung anu-ano ang biglang pumasok sa utak ko.

Nakaputing uniporme si Nino. Nakayuko siya kasama ang mga kasamahang sundalong naka-asul na uniporme habang hawak-hawak ang mga mahahaba nilang baril at riple at kani-kaniya ng mga pagputok ng baril. Samut-saring putok ng mga baril ang umaalingawngaw sa paligid.

"Nandito ka lang pala."

Napalingon ako sa nagsalita at biglang natumba sa pagkabigla nang makita siya.

"B-Binibini, ayos ka lang ba?" Pag-alalay niya sa akin tumayo at dahil napakaraming tao ay mukhang wala namang nakapansin sa pagtumba ko sa lapag.

"A-Ayos... ayos lang." Sabi ko at bumitaw sa pagkakahawak niya sa akin.

"Patawarin mo ang paghawak ko sa iyo, nais lang sana kita tulung—"

"Ayos lang, naiintindihan ko." Sagot ko agad habang hindi inaalis ang tingin sa suot niyang puting uniporme.

Napatingin naman siya sa suot niya atsaka ibinalik ang tingin sa akin.

"Bakit, binibini? May dumi ba sa aking kasuotan? Hindi ba maganda tignan?" Tanong niya kaya agad akong napailing-iling.

Hindi, Niño. Actually ang gwapo-gwapo mo ngayon sa puting uniporme mo kaya lang... hay, kung pwede ko lang sabihin.

"Hindi, Heneral. Sa katunayan ay napakaganda mong pagmasdan ngayong gabi." Banat ko, trying hard balewalain 'yung nakita ko kani-kanina lang.

Nakita ko naman ang agad na pagpula ng mga tenga ni Niño atsaka napakamot sa ulo niya. "S-Salamat sa iyong papuri, binibin—"

"Heneral! Narito ka lang pala! Kanina ka pa hinahanap ni Rosario." Biglang sulpot ng isang payat na lalaki na may mukhang bagong-ahit na bigote. Sa likod niya ay biglang sumulpot si Rosario.

"Maligayang kaarawan, Niño." Nakangiting bati ni Rosario at naramdaman ko namang agad na umikot nang 360° ang mga mata ko nang marinig 'yung pabebe niyang boses, argh! Panira talaga 'tong mukhang homo erectus na babaeng 'to eh.

"Salamat, Binibining Rosario." Tanggap ni Niño sa pagbati niya.

"Heneral Niño! Maligayang kaarawan!" Bati ng isang medyo maliit na lalaki na mukhang mga nasa mid 40's na.

Nagpasalamat doon si Niño at ayun, nagsunud-sunod na ang mga nagsilapitan sa kaniya kaya palayo na ako nang palayo kung nasaan siya. Mukhang busy si Niño dahil birthday party nga naman niya 'to kaya naglakad na ako palayo.

"Sandali lang po, salamat sa inyong pagbati." Rinig kong sabi ni Niño kaya napalingon ako kung nasaan siya at nakita siyang naglalakad palayo sa crowd na nakapalibot sa kaniya.

"Binibining Juliet." Tawag niya kahit na nakaharap naman na ako sa kaniya. Naglakad pa siya palapit sa akin.

"Maaari ka bang sumama sa akin?" Lahad niya ng kamay niya sa harap ko.

Tatanungin ko sana kung saan kaya lang ang romantic na ng moment kaya bakit ko sisirain, 'di ba? Sumama nalang tayo!

Pinatong ko ang kamay ko sa nakalahad niyang palad na nakapagpangiti naman sa kaniya at siyempre dahil nakita ko na naman ang malalim niyang dimple ay kinilig ang lola niyo hihi!

Naglakad kami hanggang sa makaabot sa may hagdan ng mansion nila. OMG! Iaakyat ba niya ako? Anong gagawin namin? Dadalhin ba niya ako sa kwart—

"Magandang gabi sa inyo, mga ginoo, ginang, at mga binibini. Una sa lahat ay nais kong magpasalamat sa inyong pagdalo sa selebrasyon ng aking kaarawan." Simula niya at omyghad mag s-speech siya na nasa tabi niya ako? Ghad, nakakahiya!

"Taos-puso akong nagpapasalamat dahil pinili niyong samahan akong ipagdiwang ang ika-24 kong taon sa mundong ito kaysa iba niyo pang mga lakad ngayong gabi. At dahil espesyal ang araw na ito, nais ko na ring kunin ang pagkakataong ito upang ipakilala ang aking mapapangasawa, walang iba kundi ang unang dalagang bumihag sa aking puso, ang aking una at huling pag-ibig... Binibining Juliet Cordova."

Halos mabato ako sa kinatatayuan ko nang magpalakpakan 'yung mga tao habang nakatingin sa akin. Ghad! What should I do? Should I say thank you? Waaaaah! Maloloka ako sa pinaggagawa nito ni Niño eh huhu.

Maraming nakangiting nakatingin sa akin habang pumapalakpak pero may iilan din na mukhang nagulat sa sinabi ni Niño. Well, siguro naman kumalat na 'yung balita dati na ikakasal nga kami pero I guess hindi lahat nakarinig kaya may ilan pang nagulat ngayon. Grabe, hindi ko inexpect na ma-s-special mention pa ako sa speech ni Niño.

"Maaari ka bang maisayaw, binibini?"

Parang biglang tumigil ang lahat nang marinig ko ang boses na 'yon ni Niño... pati ang mga salitang 'yon.

Parang bumalik ang lahat sa pinaka-umpisa, kung saan nagsimula ang lahat. Sa barko papuntang San Sebastian, sa may sayawan. Unang araw ko sa taong ito at niyaya niya akong magsayaw.

Pinagkaiba lang ay sa pagkakataong ito, iba ang sinagot ko. Mas akma sa panahong 'to, malayo sa mundong kinagisnan ko.

"Maaari, heneral."

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts