webnovel

Burning Romance (Tagalog)

Sa Isla Tala nagsimula ang mala-roller coaster na relasyon ni Kristin kay Carlos Sejero, ang CEO ng CrowMance Publishing Company. Nakarating lang siya sa isla dahil sa trabaho at hindi sumagi sa kanyang isipan na sa huling gabi niya dito, maa-angkin ng lalake ang kanyang birheng katawan. Ano ang nararapat niyang gawin kung sa bawat gabi ng kanyang pagtulog, naiisip niya ang halik at haplos ng lalake. Kaya niya bang ibigay ang kanyang buong puso kung ang namamagitan sa kanila ay parang apoy lang, liliyab ngunit maaapula rin sa huli? ************************************************** The cover is not mine. Credits to the rightful owner.

aeyoza · Urbain
Pas assez d’évaluations
13 Chs

Prologue

Matatanaw ang napakaraming bituin at ang maliwanag na buwan sa kalangitan ng Isla Puti, na parang walang nanalasang bagyo sa loob ng isang gabi't isang araw sa lugar na ito. Gayunpaman, nanunuot parin ang lamig ng paligid. Walang sino mang gugustuhing lumabas lalo na't pasado alas-onse na ng gabi.

Ngunit sa dakong dulo ng Isla Puti, sa mismong pinagmamalaking talon ng lugar, may dalawang taong magkalapit ang mga katawan, kapwa nagpipigil sa sandaling bugso ng pagnanasa sa isa't-isa.

"Carlos, pikit mo ang mga mata mo. Medyo kita itong dibdib ko."natataranta mang sabi ni Kristin at kahit parang hindi niya na naririnig ang kanyang boses dahil sa kaba niyang nararamdaman, alam niya sa sarili niya na lumambing ang boses niya. Gusto niya mang baguhin ito, hindi na niya magagawa, ang dalangin na lang niya ay sana hindi pinagtuonan ng pansin ni Carlos ito.

"I am Kristin, I am."mababa't nagpipigil na saad ni Carlos, ngunit halatang nagtagpi-tagpi na ang salita niya, kahit hindi niya nakikita ang kahubdan ni Kristin, ramdam na ramdam niya naman ito sa kanyang katawan. He's slowly losing himself for every minute that passed. Kung hindi pa dadaan ang mga kalalakihan sa mga susunod na segundo, hindi na niya mapipigilan ang kanyang sarili.

"Pare, ilawan mo nga dun. Parang may naaaninag akong tao."

Dahil si Kristin ang nakaharap, nakita niya sa gilid ng kanyang mga mata ang papalapit ng bulto ng mga kalalakihan

"Carlos."may takot niyang tawag dito.

Tuluyang napipi si Kristin ng ilapit ni Carlos ang mukha nito sa kanya. "Hold your breath, Kristin."

Hindi na inisip ni Kristin ang mga labi nilang muntik ng magkadikit dahil kaagad niyang ginawa ang inutos nito. At mabuti na lang ginawa niya dahil nang humigpit ang yakap nito sa kanyang likod, dahan-dahan at maingat narin nitong linublob ang kanilang katawan sa tubig. Mabuti na lang at mas mabilis si Carlos kaysa sa flashlight na dumako na sa kanila.

Pinikit narin ni Kristin ang kanyang mga mata, at hindi na niya inalam kung anong nangyayari sa labas ng tubig, dahil mas pinagtuonan niya ng pansin ang gumagalaw na kamay ni Carlos.

Alam ni Carlos na mali na ang ginagawa niya ngunit mas pinipili niyang ikilos ang kamay niya para ma-abala si Kristin sa loob ng tubig. Hindi siya sigurado kung hanggang kailan sila magtatagal at kung hanggang kailan kakayanin ni Kristin.

Nagtagal pa sila ng isa pang minuto ngunit mabilis na iniahon ni Carlos ang kanyang sarili habang yakap-yakap niya si Kristin nang makita niya itong nahihirapan na.

Pareho silang naghahabol ng hininga ng malanghap na nila ang hangin. Halos nagdadampihan na ang kanilang mga labi dahil kapwa silang naghahabol ng hininga.

"Kristin, are you ok?"kapos na tanong ni Carlos.

Ilang ulit pang nagtaas-baba ang dibdib ni Kristin bago niya nahanap ang lakas niyang imulat ang kanyang mga mata. At kahit sobrang nanghihina siya talaga, nagawa niyang kurutin sa tagiliran si Carlos.

"Hindi ka nakapikit."

Muntik ng ngumiti si Carlos dahil sa naging boses ni Kristin sa kanya. Ginamit niya ang isang kamay niya upang hawiin ang buhok na tumabing sa kanang bahagi ng mukha ni Kristin.

"Hindi ko namalayan na nakabukas na pala ang mga mata ko."

Lumiit ang paningin ni Kristin kay Carlos dahil sa namimilisopo pang sagot nito sa kanya. Pero kaagad rin siyang nakaramdam ng hindi pagkakomportable dahil sa ayos nila ngayong dalawa. Kaya't tumingin na siya sa gilid upang tignan kung wala na ang mga kalalakihan.

"Carlos wala na yata sila."saad niya sabay baling niya dito. Ito naman ang lumingon kaya't nagkaroon siya ng minuto upang pagmasdan ito. Dala na siguro ng lamig, kaya't napapa-isip siya na napaka-sexy pala ng panga nito. Habang pinagmamasdan niya ang liwanag ng buwan sa mukha nito, unti-unti siyang naaakit.

"Yes, they're gone."baling na ni Carlos kay Kristin.

Bahagya namang yinuko ni Kristin ang kanyang ulo dahil kahit gabi na at imposibleng makita ni Carlos ang kanyang pamumula, nahihiya parin siyang mahuli siya nito sa kanyang pagtitig dito kanina.

"If I keep you here longer, you might catch a cold."mahinang saad ni Carlos. Ganito man ang sinabi niya, wala na siyang balak pakawalan si Kristin sa gabing ito. Lukob na lukob na siya sa init na dala ng katawan nito.

Tumango si Kristin pero sa hindi niya malamang dahilan, mabagal ang kanyang mga kamay na bumitaw sa damit ni Carlos, sinunod niyang ihiwalay ang kanyang sarili mula sa katawan nito pero muli lang siya nitong hinila palapit.

Inangat niya ang mga mata niya upang salubungin ang malalim na titig ni Carlos sa kanya. Napalunok siya ng medyo yinuko nito ang mukha nito sa kanya.

"Nilalamig ka ba?"

Mabilis siyang umiling bilang sagot sa tanong ni Carlos. Linapit na ni Carlos ang labi nito sa kanya, nag-aalinlangan kung itutuloy pa ba ang balak nito sa kanya. Hindi na niya mahintay si Carlos kaya kinawit na niya ang kanyang parehong kamay sa leeg nito. Na hindi niya alam, ito ang hudyat ni Carlos upang lasapin ang nag-aanyaya niyang labi kanina pa. Naipikit niya ang kanyang mga mata ng tuluyan ng magtagpo ang kanilang mga labi.

Mabagal at maingat naman na tinikman ni Carlos ang malambot na labi ng babaeng nasa bisig niya ngayon. Ngunit hindi rin ito nagtagal dahil sa pagnanais niyang ma-angkin ito ng buong-buo. Ginapang niya ang kanyang kamay sa malusog na dibdib ni Kristin kasabay ng paglalim ng kanyang halik sa labi nito.

"Oh....."dumaing si Kristin sa pagitan ng kanilang mga labi ni Carlos nang simulan nitong pisilin ang kanyang dibdib. Ang bawat pagdama ng kamay nito sa kanya ay naghahatid ng naiipit na kiliti mula sa kanyang puson patungo sa sentro ng kanyang pagkababae.

Hindi na nakapagpigil si Carlos nang siniksik pa lalo ni Kristin ang sarili nito sa kanya, binuhat na niya ito at-

Bugso man ito ng panandaliang pagnanais na madama ang isa't-isa, hindi na sila makaka-atras sapagkat gapos na sila ng init ng kanilang katawan.

**************************************

Disclaimer:

This is a fictional work. Names, characters, businesses, events, and incidents are all made up by the writer. Any resemblance to real people, living or deceased, or real events is simply coincidental.

**************************************

All rights are reserved. Without the writer's permission, this story or parts of it may not be reproduced in any form, stored in any retrieval system, or transmitted in any form by any means—electronic, mechanical, photocopy, recording, or otherwise.