webnovel

Meeting at the Hospital

Kinabukasan...

"Gising na ba si Jin?" nag-aalalang tanong ng manager sa mga kasamahan nya habang nagaalmusal ang mga ito sa loob ng isang kwarto sa hotel

"Ayan na pala" turo ni V, nakita ng mga ito habang papasok sa room kung nasaan sila

"Manager bakit po?" tanong nito

"Jin halika at may sasabihin ako" sabay umupo sila sa sofa "Lumabas na ang imbestigasyon at nahuli na ang suspect" deretso ang tingin ni dito

"Base sa imbestigasyon... ikaw talaga ang target na barilin"

"Ha? Ako bakit?" gulat nyang tanong

"Ha?! Ano daw?! Bakit?!" gulat at sunod-sunod na tanong ng mga kasamahan nya.

"Base sa imbestigasyon ung boyfriend ng fans mo ang naghire ng shooter, ang sabi sobrang selos sayo ang boyfriend nito kaya nung nalaman na nandito ka sa Pilipinas pinasundan ka at tinangkang patayin. Un ang confess nung nahuling shooter, ung suspect na nag-utos pinaghahanap na din ngayon." mahabang paliwanag nito, ilang sandali pa kinuha nito ang celphone sa bulsa.

"Ito nga pala ung copy ng CCTV sa mall kung nasaan nangyari ang insidente." pinakita nya ito kay Jin, nakita rin ito ng mga kaibigan nya.

"Makikita mo sa video na biglang humarang ung babae sayo kaya natakpan ka nya, habang nakapila sya papasok ng mall parang may nakita sya sa botique kaya lumapit sya kung saan ka nakatayo." bumuntong hininga ito ng malalim

"Kaya kung hindi ka naharangan ng babae malamang... patay ka na" bigla syang napatingin sa manager

"Grabe nakakakilabot naman yan" sabi ni Suga

"Kumusta na po ung babaeng nagligtas ng buhay ko?" tanong nya

"Mabuti na kalagayan nya buti sa balikat lang nya tumama ang bala at inaayos na din namin lahat ng kailangan at gagastusin nya sa ospital." paliwanag nito "Kaya mag-ingat kayong lahat, magdadagdag pa kami ng mga body guard at wag muna kayong lalabas" tumango lang ang lahat.

"Sige mauna na ako at may aasikasuhin pa kami" paalam nito, pagkalabas nito ng kwarto ay hinabol ito ni Jin.

"Manager may pakiusap po sana ako"

"Ano un?" tanong nito

"Pwede ko po bang madalaw ung babaeng nagligtas sakin?"

"Jin alam mo naman delik-"

"Sige na po bago po tayo bumalik ng Korea, gusto ko lang po syang makausap at makapagpasalamat ng personal sa kanya. Utang ko po sa kanya ang buhay ko at di po yun mapapalitan ng kahit anong material na bagay lalo na ng pera." pagsusumamo nya

Tahimik na nag-isip ang manager bakas dito ang pag-aalala bago ito huminga ng malalim.

"Sige pero sasamahan kita"

"Salamat po, maraming salamat"

Sa ospital agad na nagpunta si Jin para kumustahin si Sandy. Dahan-dahan dinilat ni Sandy ang kanyang mga mata, kulay puting kisame ang kanyang nakita lumingon sya sa kanyang tagiliran at nakita ang kanyang inang naluluha na agad lumapit sa kanya.

"N-Nasan ako Nay?" nauutal na tanong nito?

"Anak mabuti at gising ka na, andito ka sa ospital ngayon..."

"Ha? A-anong nangyari? Aray!" sigaw nito sabay hawak sa may sugat na balikat

"Anak dahan-dahan wag ka munang bumangon at kakaopera pa lang ng balikat mo" nag-aalala ang tono nito

"Bakit po?"

"Nabaril ka anak kahapon sa mall" at dun unti-unti nyang naalala ang nangyari kahapon.

"Naalala ko na po inay..."

"Sya nga pala anak may mga bisita ka..." at unti-unting lumapit ang kanyang bisita, pagkakita nya sa mga ito

"J-Jin..." gulat na usal nito