Sandy POV:
Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, ang bigat ng pakiramdam ko parang may masakit pero hindi ko alam kung ano yun
"N-Nasan ako?" nauutal kong tanong
"Anak mabuti at gising ka na, andito ka sa ospital ngayon..." nakita ko ang aking ina na lumapit sakin
"Ha? A-anong nangyari? Aray!" sigaw ko dun ko napansin ang aking sugat sa balikat
"Anak dahan-dahan wag ka munang bumangon at kakaopera pa lang ng balikat mo" opera? anong nangyari sakin? bakit ako inoperahan? sunod-sunod kong tanong sa aking isip.
"Bakit po?"
"Nabaril ka anak kahapon sa mall" at dun ko na unti-unting naalala ang nangyari sa akin kahapon.
"Naalala ko na po inay..."
"Sya nga pala anak may mga bisita ka..." dahan-dahan akong lumingon para tignan kung sino ang tinutukoy na aking ina, laking gulat ko ng makilala ko ito
"J-Jin..." pumikit-pikit pa ako dahil baka nananaginip lang ako sa aking nakita pero andun pa rin sya sa harapan ko.
Lord nagdidiliryo ba ako? tanong ko sa sarili ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala kung sino ang nasa harapan ko.
"Hi, kilala mo ako?" tanong nito, dun ko lang napagtanto na hindi ako nananaginip at totoo ang aking nakikita.
"O-Oo sinong hindi makakakilala sa inyo eh sikat na sikat kayo, BTS diba?" sabay ngiti ko, para bang nawala ang sakit sa katawan ko ng makita ko si Jin sa personal.
Hindi ko maexplain pero sobrang gwapo nito, para kang nakakita ng anghel na bumaba sa lupa.
"Yup, I just wanna say thank you for saving my life utang ko sayo ang buhay ko..." pasasalamat nito
"Ha? hindi ko maintindihan?" medyo nagulat ako sa sinabi nya, hindi pa ma-absorb ng utak ko.
"Hi Sandy I'm Mr. Shik manager ni Jin" pakilala nito at nakipagkamay sakin
"Ganito kasi un naimbestigahan na ung nangyaring pamamaril kahapon at base sa imbetigasyon si Jin talaga ang target ng shooter, nagkataon na nung babarilin sya bigla kang lumapit sa kanya kaya naharang mo ung bala at ikaw ang natamaan." lutang pa rin ang isip ko
"Nakakuha na kami ng kopya ng CCTV, habang nakapila ka papasok ng mall parang may nakita ka sa labas ng botique kaya lumapit ka sakto naman nakatayo si Jin sa tapat non" sabay abot sakin ng celphone at pinakita ang kuha ng CCTV.
"Maraming salamat sa pagligtas sa buhay ni Jin, kung ano man ang kailangan mo andito lang kami para tumulong sayo sobrang abala na ang nagawa namin sayo" hingi ng paumanhin nito sakin "wag mo na din isipin ung babayaran mo dito sa ospital inaasikaso na namin ang lahat." nakangiting paliwanag nito
"Salamat po" tanging nasabi ko dahil gulat pa rin ako sa aking mga nalaman
"Uhm... Can I get your number para naman makamusta kita paglabas mo ng ospital" tila nahihiyang nakangiting sabi sakin ni Jin, medyo nagulat ako sa sinabi nya pero sino ba naman ako para tumanggi. As if naman itetext pa ako nito pagumalis na sya dito.
"Uhm eto ung number ko..." at binigay ko CP number ko sa kanya, di pa rin ako makapaniwala at titig na titig pa rin ako sa maamo nyang mukha. Hay naku lalong nawawala ang sakit ko pagnakikita ko ang gwapo nyang mukha sobrang kinikilig ako.
"Sya nga pala may mga dala kaming fruits at sana magpagaling ka" sabi nya sa akin.
"Maraming Salamat" nakangiti ko ding sabi, wala na akong magawa kung ang ngumiti sa kanya.
"Sige mauna na kami maraming salamat uli" at nakipagkamay sya sakin, kung hindi lang masakit ang aking katawan baka nagwala na ako sa sobrang kaligayahan.
"Alis na po kami" paalam din nila sa ina ko, at tuluyan na silang lumabas ng ospital.
Naiinis ako sa sarili ko sa sobra kong starstruck nakalimutan ko man lang magpapicture sa kanya. Bigla kong naalala ang aking itsura, kasi kagagaling ko lang sa opera ni hindi ko man lang nakita ang mukha ko sa salamin nakakahiya talaga.
Sana man lang nakapagpa-autograph ako para may ebidensya ako na nakita ko sya nakakahinayang.
**************
Pagkagaling ni Jin sa ospital deretso sya kagad sa rehearsal para sa nalalapit nilang concert sa Pinas, agad naman syang kinamusta ng mga kasamahan.
"Kumusta na ung babae?" tanong ni RM
"Ok na sya naoperahan na kahapon nakabandage na lang ung balikat nya" sagot nya
"Buti naman, tara paractice na tayo" yaya ni JK kay Jin sabay akbay
Habang nakahiga si Jin sa kama iniisip pa rin nya si Sandy. Hindi nya alam kung bakit ng makita ito hindi na ito naalis sa isip nya, kahit na anong pikit ng mata nya at pilit na matulog hindi pa rin sya makatulog hanggang sa bumangon sya kumuha ng beer at ininom ito.
"Ano bang meron sayo at hindi ka na maalis sa isip ko?" tanong nya sa sarili habang nakatingin sa kawalan
Masyado bang mabilis mga guys, ano kayang iniisip ni Jin at hindi sya makatulog? wait na lang po sa next chapter