webnovel

Broken Trust | Completed

"I don't believe in promises but when you came into my life, I gambled. Eventually, natauhan akong mali pala na itinaya ko nang buong-buo ang tiwala ko sa iyo." -Jamilla Pagdating sa mga lalaki, may trust issues si Jamilla Mae Aravello dahil sa pag-iwan ng tatay niya sa kanilang pamilya noon. But when Oliver Ethan Lee came into her life, isinugal niya ang tiwala niya dahil sa pag-aakala niyang matinong lalaki si Oliver base sa isang sikat na istoryang binasa niya na isinulat nito, which entitled of I Catch Your Heart. Oliver is a famous mysterious author in the Philippines, at ang istoryang isinulat niya ay ang kinaadikan ni Jamilla. Isang istoryang totoong nangyari kay Oliver with his past girlfriend, named Angel. Naputol lang iyon dahil sa hindi inaasahan pangyayari na dahilan ng pagkamatay ng girlfriend niya. Masakit at nahirapan si Oliver para tanggapin iyon. However, when he met Jamilla. Ang kasiyahang hinahanap niya katulad noon sa past-girlfriend niya ay sa dalaga niya natagpuan. Pipilitin niyang magmahal muli at kalimutan si Angel. Bagong istorya ang isusulat niya kasama si Jamilla pero mabilis din natapos ito dahil sa maling nagawa niyang hindi niya ginustong mangyari. Dahil sa maling nagawa niya, puno ng pagsisisi ang dala-dala niya sa huli. - Follow me on Wattpad: Nick_Black02 Mas active po ako doon kaysa dito. Doon naka-published lahat ng stories ko po. :)))))

Nick_Black02 · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
71 Chs

Prologue

"I don't believe in promises but when you came into my life, I gambled. Eventually, natauhan akong mali pala na ibinigay ko nang buong-buo ang tiwala ko sa iyo." -Jamilla

-

Ako si Jamilla Mae Aravello, 16-year-old, I'm just a simple indeed person, sa pananamit, sa paglalagay ng make-up sa mukha and everything. Over thinker is my second name. Like, when a someone didn't answer my question directly, my brains thinks a lot of negativity. Isa lang naman ang rason kung bakit over thinker ako, dahil sa tiwalang takot kong ibigay sa isang tao. Kapag nagtitiwala kasi ako, iniisip ko kung deserving ba ang isang tao para mabigyan. Kaya ang pagiging over thinker ko, palaging nauuna kapag magtitiwala ako.

Mahilig akong magbasa ng mga story sa wattpad. Minsan nga, hindi ko na binubuksan 'yong mga social media accounts ko except sa wattpad app. Kumbaga, bisyo ko na ito. Mahilig din ako mag-collect ng mga libro. Sa katunayan nga, mahigit 50+ na ang mga librong meron ako.

Napatakip ako ng bibig nang bigla ako nakaramdam ng kilig sa binabasa kong libro ngayon, which is 'yong I Catch Your Heart by shadowboythatyoulove. Nasa chapter 13 pa lang ako pero hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis nakuha nito 'yong puso ko. Tama nga ang sinasabi ng mga kaibigan ko na maganda 'yong kuwento kaya hindi na rin ako magtataka kung bakit bestseller book ito this year.

Bahagya akong nainis when my phone suddenly vibrated. Gosh, istorbo naman. Hindi ko muna ito pinansin dahil sa halip, ipinagpatuloy ulit ang pagbabasa, hinihintay na baka tumigil.

Ilang minuto pa ang lumipas ngunit ayaw talaga nitong tumigil kaya napaisip ako na baka emergency. Kahit wala akong ganang sagutin 'yong tawag, kinuha ko pa rin sa ibabaw ng side table ng bed ko 'yong phone at sinagot ito. Hindi ko na tiningnan kung sino ito dahil deretsong lagay na agad sa tainga.

"Why? You're disturbi—" Napatigil ako dahil sa bigla niyang sabat.

"May booksinging daw si Shadowboythatyoulove this coming sunday!!" Based on her voice, it was my bestfriend, Claire. She is one of my friends who recommended this story to me. Lumaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi niya, dulot ng gulat.

"Luh, talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo, sa MOA gaganapin. 12 noon. So, Exact 8 Am ay dapat nandoon na tayo para mauna na agad tayo sa pila. Sige, bye na. Babalitaan ko pa si Jess about dito." Pinatay na niya 'yong tawag. Sandali akong natigilan dahil sa balitang iyon.

"Oh my gosh," I whispered.

Tumalon-talon ako sa kama ko dahil sa saya na nangingibabaw na sa akin. This is it! Mapipirmahan na no'ng favorite author ko 'yong book copy ko. Gosh. Makikita ko na rin kung sino ang author nito. Hindi na ako makapaghintay na mag-sunday na agad.

Kinuha ko 'yong libro ko at bahagyang niyakap ito.

"Malapit na, mapipirmahan ka na rin. Sa wakas!" masaya kong sambit.