webnovel

Broken Trust | Completed

"I don't believe in promises but when you came into my life, I gambled. Eventually, natauhan akong mali pala na itinaya ko nang buong-buo ang tiwala ko sa iyo." -Jamilla Pagdating sa mga lalaki, may trust issues si Jamilla Mae Aravello dahil sa pag-iwan ng tatay niya sa kanilang pamilya noon. But when Oliver Ethan Lee came into her life, isinugal niya ang tiwala niya dahil sa pag-aakala niyang matinong lalaki si Oliver base sa isang sikat na istoryang binasa niya na isinulat nito, which entitled of I Catch Your Heart. Oliver is a famous mysterious author in the Philippines, at ang istoryang isinulat niya ay ang kinaadikan ni Jamilla. Isang istoryang totoong nangyari kay Oliver with his past girlfriend, named Angel. Naputol lang iyon dahil sa hindi inaasahan pangyayari na dahilan ng pagkamatay ng girlfriend niya. Masakit at nahirapan si Oliver para tanggapin iyon. However, when he met Jamilla. Ang kasiyahang hinahanap niya katulad noon sa past-girlfriend niya ay sa dalaga niya natagpuan. Pipilitin niyang magmahal muli at kalimutan si Angel. Bagong istorya ang isusulat niya kasama si Jamilla pero mabilis din natapos ito dahil sa maling nagawa niyang hindi niya ginustong mangyari. Dahil sa maling nagawa niya, puno ng pagsisisi ang dala-dala niya sa huli. - Follow me on Wattpad: Nick_Black02 Mas active po ako doon kaysa dito. Doon naka-published lahat ng stories ko po. :)))))

Nick_Black02 · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
71 Chs

Chapter 8

Chapter 8: Jacket

"Alis na tayo," yaya ni Oliver sa akin at bigla siyang tumayo, inayos ang sarili. Nawindang ako dahil hindi pa ako tapos kumain ng fries.

"Hindi pa ako tapos kumain."

"Dalian mo, baka hinahanap ka na ng mga kaibigan mo sa school." Napatango ako dahil sa sinabi niya. Naalala kong nandoon pa pala 'yong bisikleta ko, baka magtaka sila kung bakit nandoon pa iyon pero hindi nila ako mahanap sa school, if ever na mapansin nila iyong bisikleta ko nga doon. I check out my phone if I reveice a message coming from them pero wala.

I decided to take the fries and put it on my bag. Mamaya ko na lang ipagpapatuloy ang pagkain nito kapag nasa bahay na ako. Mas gaganahan akong magbasa ng libro, kapag may kinakain ako.

"Saglit lang, C.R. lang muna ako," paalam ko. Tumango lang siya bilang tugon.

Pagkalabas ko ng C.R. napakunot ako ng noo when I notice all attention of the customers was focused on me. Mahiya-hiya akong binilisan ang paglalakad patungo sa table namin.

"Wear this," utos ni Oliver sa 'kin habang inaabot niya 'yong hawak niyang jacket. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong isuot iyon but I still have it.

"Bakit?" tanong ko.

"Basta, isuot mo na lang." Hindi ko na siya kinulit pa at isinuot na iyon. Naalala ko kasi 'yong rule no. 1 niya na bawal magreklamo sa utos niya, 'yoko nga magbayad dahil lang dito, sayang din 'yong pera ko. Nakakainis. Ang init-init ng sinag ng araw sa labas, then ipapasuot niya pa sa akin ito.

"Stupid, sa bewang mo isuot iyan." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Close tayo para murahin mo ako? Bakit ko ba kasi kailangan isuot pa 'to?"

"Hindi ka kagandahan para magreklamo. Kung anong gusto kong gawin mo, gawin mo. Sisingilin na kita kapag nagreklamo ka pa," inis niyang sabi.

Inirapan ko muna siya bago isakbit sa bewang ko 'yong jacket. Pero bago ako matapos ay nakita kong nagsimula na agad siyang maglakad palabas. Napaismid na lang ako dahil sa inis. Hindi manlang ako hinintay. Mapapasabi na lang talaga ako ng napaka-ungentlemen niya.

-

Dito niya 'ko ibinaba sa school dahil kailangan ko rin kunin 'yong bike ko para i-uwi.

When I got out from his car, I slammed the door shut. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon para magpasalamat pa sa kanya dahil sa libre niya. Nagmadali na agad akong maglakad palayo.

"Bye!" rinig kong sigaw niya mula sa loob ng kotse niya. Lumingon ako at nakita ko siyang nakasilip sa side window. Kita ko rin kung pa'no siya kumaway at ngumiti. Ngumiti rin ako sa kanya nang pilit dahil naalala ko kasama iyon sa rules pero agad ko rin iniwas ang tingin ko. Kakaiba 'yong ngiti na ibinigay niya.

Tumalikod na ako, at bahagya akong napasampal sa pisngi ko nang maramdaman kong medyo uminit ito. Rinig kong tuluyan nang nakaalis 'yong kotse niya kaya naglakad na ulit ako.

-

"Boo!" Napatalon ako sa gulat dahil biglang sumulpot si Aivin sa may likuran ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Hobby na ba niya bang gulatin ako? "Hi!"

Tinaasan ko siya ng kilay, bakit ang energetic niya? At bakit ganyan siya umakto? Akala niya, wala siyang atraso sa akin.

"Ano iyon?" iritado kong tanong ngunit hindi niya ito pinansin.

"Kaninong kotse ka bumaba?" Naalarma ako at nag-isip agad ng solusyon.

"Ano.. Sa mga kaibigan ko. Kay Claire iyon pero kasama namin si Jess. I know that you know them since they are your classmates."

"Okay." komento niya kaya nakahinga ako nang maluwag. Mabuti't madali lang i-convience itong si Aivin.

"Teka nga lang. Mabuti't naalala mo pa ako at pinansin mo pa. Wala kang paramdaman, ah," giit ko.

Napakamot siya ng ulo. "Hehe.. sorry na. May mga ginagawa kasi akong importanteng bagay."

"Gaano ba kaimportante 'yan ginagawa mo at hindi mo na ako pinapansin? Ang OA naman ng mga teacher niyo, sa amin kasi ay wala pang masyadong pinapagawa."

"Mabuti pa kayo. So, actually naandito ako para itanong sa 'yo kung may number ka ba ni Claire para sa gaga—" I cut him off. Ningitian ko siya nang nakakaloko.

"Crush mo pala kaibigan ko. Ikaw talaga," panunukso ko. "Ay, sorry. Para saan ba?" Ipinagpatuloy ko ulit ang aking paglalakad paputungo sa bike ko, nakasunod naman siya. Gusto ko na kasi talagang makauwi at makapagpahinga, dapat nga nakahiga na ako ngayon at nagbabasa na ng libro kung hindi lang ako pinigilan ni Oliver kanina.

Naging blanko ang mukha niya. "Patapusin mo muna ako, bago ka mag-react," sabi niya. "Meron kasi kaming project na gagawin, at kailangan ko ng number niya para mabilis ko siya i-contact 'pag sisimulan na namin 'yong project na 'yon," pagsasalaysay niya. Masyado akong nag-assume doon sa una niyang sinabi. Sayang, akala ko may hidden desire na siya kay Claire, kung nagkataon ay ang ang suwerte ng kaibigan ko, because our plan is already there na dapat ay si Aivin ang makapansin sa kanya.

"Ah.. Gano'n? Sige, mamaya na lang, i-tetext ko na lang sa 'yo. Empty charge na ako, eh."

"Sige!" Masaya niyang sabi at ngumiti nang malawak. Ba't parang iba 'yong feels ko doon? Kilala ko si Aivin, I know na hindi priority niya ang mga girls kasi lagi siyang naka-focus sa pag-aaral and actually, he had just said recently that it's for their project only, no other purposes. Besides, grade concious kasi ito.

Sumakay na ako ng bisikleta ko at papaandarin ko na sana ngunit may biglang tumawag sa akin ng ikinadahilan ng sobrang lalim kong paghinga. Ito na naman, Jamilla Mae Aravello, find again another reason to accomplish this one.

"Jamilla!" Ito ba talaga ang nagagawa ng tadhana at kailangan pa nila Claire at Jess pumunta rito? Gosh. Lagot na ako nito. Tiningnan ko si Aivin at bakas sa mukha niya ang pagtataka. Anak ng tinapa. Bakit kasi wrong timing pa?

"Akala ko, kayo 'yong nasa kotse kanina na black, na nagbaba kay Jamilla rito? Pero anong ginagawa niyo rito?" nagtatakang tanong ni Aivin.  Mag-hahand-gesture sana ako sa kanila na maghanap ng rason kaso itong si Claire sumabat na agad. Napa-face palm na lang ako. Bwiset. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Wala na, huli na ako.

"Ha? Blue 'yong kulay ng kotse ko and wala namang kotse si Jess. So, how do you said so that we dropped out Jamilla here? Besides, ngayon palang kaming nagkita ngayong araw." I bit my lower lip when they turned their face to me. Pareho-pareho ang mga ekspresiyon ng mga iyon at alam ko na kung anong tanong ang tumatakbo sa mga utak nila.

"B-bakit?" nauutal kong sambit.

"Sino 'yon?!" tanong ni Claire sa akin.

"At saka, kaninong jacket 'yan?" usisa naman ni Jess. Napatingin ako sa bewang ko at nakalimutang kong suot ko pa pala 'yong jacket ni Oliver. Nakalimutan kong isauli sa kanya.

"Oo nga, 'no? Hindi ko napansin, bakit parang sa lalaki iyan?" tanong din ni Aivin. My heart pounding. Maybe, this is the right time to tell them what's the truth behind of this jacket is. Gosh. Wala na akong naiisip na excuse para i-convience sila, lalo na't alam kong hindi na sila maniniwala doon.

"Ano kasi..." Deretso lang ang mga tingin nila at hinihintay lang ang sagot ko.

"Sabihin mo na kasi 'yong totoo, Jamilla," pagpupumilit sa akin ni Jess.

"Uhmm.. kaibigan ko naman kayo. Sige, gan'to kasi 'yon," paninimula ko. Natatakot kasi talaga ako sa kung ano ang magiging reaction nila. "Slave ako ni Oliver for within one week, dahil nasa kanya 'yong pinakamahalagang panyo ko. Alam niyo naman 'yong panyong tinutukoy ko, 'di ba? 'Yong laging dala-dala ko at bigay ni Lola before siyang pumanaw. Ayaw kong mawala sa akin iyon kasi may sentimental value sa amin ni Lola iyon. No choice, kundi pumayag ako kay Oliver na maging slave. Nakakainis."

Kumunot ang noo ko nang makita kong ngumiti nang malapad si Claire at sinundan din ng nakakalokong ngiti nila Jess and Aivin. Para saan iyon

"We're so proud for you!" sabi ni Claire.

"For what?"

Ningitian niya ako."Bes! You didn't imagine it? Nagbabasa ka naman yata sa Wattpad, 'di ba? Halos lahat ng story do'n is started with being slave at nagtatapos with love. So, malaki 'yong chances na mangyari rin iyon sa iyo." Gulat akong tumingin sa kanila. Sa dami-daming puwede niyang i-react o isipin ay bakit iyon pa? Ang layo ng ine-expect ko.

"Nope, hindi siya 'yong tipo na lalaki na gugustuhin ko."

"Taas ng standard mo, Bes. Sikat na author 'yong ka-close mo. Take note, siya 'yon iniidolo mo noon. Huwag mong sabihin hindi mo siya crush? Kapag iyon nagkagusto sa iyo, suwerte mo," sambit ni Jess

"Katulad ng sabi mo. Noon. Pastense. 'Yon istorya niya ang iniidolo ko, hindi siya," depensa ko. "Saka, what are you talking to? Magkakagusto siya sa akin? Bakit ganyan mga iniisip niyo? Hindi makabuluhan." 

"Oo na! Don't be too defensive. Nahahalata," sinamaan ko ng tingin si Aivin.

"Nahahalata? Sapakin kaya kita, gusto mo?" Tinawanan niya lang ako pero inirapan ko siya.

"E di, Kay Oliver din 'yan jacket na suot mo?" usisa ulit ni Jess sa jacket.

"Yes. Sabi kasi niya ay isuot ko raw, I do not know why, isinuot ko na lang."

"OMG, Umuwi ka na!" Nagtataka akong tumingin kay Claire nang pilit niya akong paandarin iyong bike ko. Bakit ba? Pero sabagay, gusto ko na rin naman umuwi. Nagpaalam na ako sa kanila at nagsimula nang paandarin itong bike ko.

Nang may naalala ako, tumigil muna ako at lumingon ulit sa kanila. "Oh, I almost forgot. Tamang-tama Aivin, kunin mo na lang 'yong number ni Claire mula sa kanya. Bye!"

Napakamot lang ng ulo si Aivin ngunit isinawalang-bahala ko na lang ito at mabilis na pinaandar itong bike ko.

-

Pagkauwi ko, humiga muna ako sa kama ko, tila parang pagod na pagod 'yong katawan ko.

Bumangon muli ako at pumunta sa banyo upang magpalit muna ng pangsuot at maipagpatuloy 'yong pagbabasa ng libro ng I Catch Your Heart na isinulat ni mokong.

Pagkahubad ko ng palda ko ay sandali akong natigilan at kinabahan. Gosh, this is can't be. This is really can't be.

"May regla ako ngayon?!"