webnovel

Broken Trust | Completed

"I don't believe in promises but when you came into my life, I gambled. Eventually, natauhan akong mali pala na itinaya ko nang buong-buo ang tiwala ko sa iyo." -Jamilla Pagdating sa mga lalaki, may trust issues si Jamilla Mae Aravello dahil sa pag-iwan ng tatay niya sa kanilang pamilya noon. But when Oliver Ethan Lee came into her life, isinugal niya ang tiwala niya dahil sa pag-aakala niyang matinong lalaki si Oliver base sa isang sikat na istoryang binasa niya na isinulat nito, which entitled of I Catch Your Heart. Oliver is a famous mysterious author in the Philippines, at ang istoryang isinulat niya ay ang kinaadikan ni Jamilla. Isang istoryang totoong nangyari kay Oliver with his past girlfriend, named Angel. Naputol lang iyon dahil sa hindi inaasahan pangyayari na dahilan ng pagkamatay ng girlfriend niya. Masakit at nahirapan si Oliver para tanggapin iyon. However, when he met Jamilla. Ang kasiyahang hinahanap niya katulad noon sa past-girlfriend niya ay sa dalaga niya natagpuan. Pipilitin niyang magmahal muli at kalimutan si Angel. Bagong istorya ang isusulat niya kasama si Jamilla pero mabilis din natapos ito dahil sa maling nagawa niyang hindi niya ginustong mangyari. Dahil sa maling nagawa niya, puno ng pagsisisi ang dala-dala niya sa huli. - Follow me on Wattpad: Nick_Black02 Mas active po ako doon kaysa dito. Doon naka-published lahat ng stories ko po. :)))))

Nick_Black02 · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
71 Chs

Chapter 53

Chapter 53: Angel's Pictures

Punyeta, huli na nang malaman kong birthday na pala ni Oliver ngayong araw. Palibhasa, hindi ko siya tinatanong masyado about his personal background kaya ayun, kung hindi pa ipinaalam sa akin ni Claire, hindi ko pa malalaman.

Puspusan ang ginawa kong 5 blueberry cupcakes, as my gift for him. Pinag-isipan ko pa ang bagay na ito because actually, I had no idea what's the material things he wanted to. I just baked a cupcakes.

Before I went to his condo, kusa akong dinala ng mga paa ko sa harap ng pinto ng bahay ni Prince at naisipan maglapag ng isang box ng cupcake with sticky note on top. Bahala na siya kung sasang-ayunan niya ang request ko, basta miss ko na rin siya.

Usap naman tayo, please?

Hindi ako sanay na may

misunderstanding tayo.

:(

-

Walang idea si Oliver na pupunta ako sa condo niya at siguro buong akala niya ay hindi ko alam na birthday niya ngayong araw. Gusto ko siyang sorpresahin. I'm all good, I just take a deep breath first before I knock on his door.

Pagkatok ko ng isang beses ay iniluwa rin siya agad ng pinto. Gulat siyang tumingin sa akin but eventually, he just smiled. Ako yata ang na-surprise dahil hindi ako kumportable sa sando niyang suot.

"Happy Birthday!"

"Naks. Alam mo?" Abot mata ang ngiti niya.

"Siyempre, ako pa."

"Salamat!" He instantly hugged me but I'm not comfortable with it, lalo na dahil simpleng sando lang ang suot niya. Nakahinga ako nang maluwag nang agad din siyang humiwalay. "Come in."

Nang pagkapasok ko, napukaw agad ng mga mata ko ang mga litratong nakakalat sa sahig ng living room niya. I feel a little confused before I recognize the girl printed on each pictures. Napalunok ako ng laway at may kung anong karayom ang tumusok sa dibdib ko.

"This is Angel, right?" Malumanay kong tanong.

"Yep." Sagot niya. "Sorry kung nakakalat. I was about to declutter all pictures of her that I collected. Huwag kang magselos, there's no issue involve on here," He kissed my forehead.

"Hindi naman ako nagseselos."

"Pero hindi nagsisinungaling ang mga mata mo," Humiwalay na siya sa akin at agad pinulot lahat ng pictures na nasa sahig at itinapon sa plastic bag na hawak niya.

Ngumiti na lang ako sa kawalan dahil okay na ako sa sagot at sa ginagawa niya ngayon, tama siya wala naman dapat akong ika-selos. Gosh, bakit ba ako nagseselos sa isang taong patay na? Na imposible nang bumalik pa.

Tumungo ako sa kusina niya at inilapag doon 'yong mga cupcakes. Umupo muna ako sa couch at pinanood siya sa ginagawa niya.

"Anong plano mo today?" I asked. Tumigil muna siya at tumingin sa akin.

"Wala. Normal na araw lang. Wala naman akong usually ginagawa kapag birthday ko."

"Really? As in, wala? Hindi mo manlang sine-celebrate kahit kakain o papasyal lang with your family? Ang boring no'n kapag wala."  

Tumawa lang siya nang mariin at nagpatuloy sa ginagawa. "Hindi ko nakakasama nang buo 'yong pamilya ko kapag birthday ko. Kung mayroon man, 'yong dalawa ko lang kapatid. Nanonood ng movie sa bahay, 'yon lang. Simple celebration. 'Yong mga magulang is always busy by doing their important things. Kaya ayun, nasanay na rin akong walang mga handaan."

"Aw, sad naman no'n," Kumento ko.

"Pero ikaw, where do you want to go today?" Right after he asked, he finally done with decluttering all Angel's pictures. Ngayon ko lang napansin na ang sobrang daming pictures pala no'n, puno ang isang plastic bag. Through that, halatang mahal na mahal niya si Angel noon. Siguro, lahat ng pictures ni Angel ay mayro—"Hey, tinatanong kita."

"Ha?" Nakatulala na pala ako sa plastic bag na hawak niya. Mabuti't tanda ko pa rin 'yong tanong niya. "Ano.. Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi naman ako 'yong may birthday."

"Kapag sinabi ko bang movie marathon lang tayo rito sa condo ko, okay lang?"

"Oo naman."

"Then, dito na nga lang tayo."

Nanonod lang kami ni Oliver ng mga local movies, nakakatuwa lang isipin na nanonood din siya ng mga romcom, though ang sabi niya ay minsan lang siyang manood ng mga ganito dahil kadalasan action ang pinapanood niya.

Kahit girlfriend na niya ako, hindi ko pa rin maiwasan ma-distract sa akbay niya ngayon. Masyadong siyang nakalapit sa akin. Gosh, ramdam ko sa balikat ko 'yong buhok niya sa kili-kiki. Bakit kasi sando lang suot niya? Hays.

We were in the middle of watching when I remembered something. "Saglit lang, kukuhanin ko lang 'yong cupcake sa lamesa," Palusot ko na rin upang makalayo sa akbay niya.

"Masarap ba iyan?" Tanong niya.

"Ewan, rushed kasi 'yong pagkakagawa ko," Ibinigay ko sa kanya 'yong isa at agad din naman niya itong tinikman.

"You know what? Hindi mo na kailangang magregalo ng ganito sa akin."

"Hindi mo manlang na-appreciate? E di, sana hindi na lang pala ako gumawa!" Padabog kong ibinalik sa kahon 'yong hawak kong cupcake. Nag-aksaya pa ako ng oras para gumawa, then hindi manlang niya na-appreciate.

"No! That's not what I want to mean for," Hindi ko siya pinansin at pilit tinututok ang atensiyon sa pinapanood. "Naku, gusto ko sanang bumanat kaso nagtampo ka na agad," Napatingin ako sa kanya at napakunot ng noo.

"Huh?"

"Sasabihin ko kasi, kahit wala ka nang regalo, makatabi't mayakap lang kita regalo na iyon ngayon araw," Unti-unting uminit ang mga pisngi ko at pilit hindi sinusubukan ngumiti. Inaamin kong kinilig ako sa banat niya ngunit ayaw kong ipahalata iyon.

"Ngingiti na iyan," He tingled my neck but I still trying not to smile.

"Ano ba!"

"Ayaw mong ngumiti?" Agad niya akong hinalikan nang mabilis sa pisngi. "Hindi ka pa ngingiti?"

"Oo na! Para-paraan ka, eh," Hindi ko napigilan ang sarili ko at napangiti na rin.

Buong maghapon lang kaming nanood, mga 4 PM nang umuwi ako sa bahay, kahit sabi kong huwag na niya akong ihatid ay nagpumilit pa rin siya.

"Thank you sa gift. Thank you for simple celebration. I love you."

"I love you, too."

"Sige, una na ako," Tuluyan na siyang naglakad papalayo.

Papasok na sana ako ng gate when I suddenly saw the box of cupcake I've gave to Prince earlier and now, he returned it to me. Nadismaya ako sa ginawa niya at mas lalo akong nadismaya nang mabasa ko 'yong reply niya.

I can't. Sorry.

Simple as that. Huminga ako nang malalim at kinuha na 'yong box. Tiningnan ko 'yong loob nito to make sure if may bawas manlang 'yong cupcake. This time, napangiti ako. May kaunting kagat ito. Okay na iyon, at least tinikman niya 'yong gawa ko.

Pumasok na ako sa bahay at inilagay sa ref 'yong cupcake, nagdadalawang-isip pa ako kung itatapon ko ba pa ito o huwag na. Eventually, I decided to keep it and for the sticky note, isinama ko 'yon sa tatlong papel na natanggap ko noon.

Napakunot ako nang noo when I compared the handwriting of Prince over the 3 pieces of paper I've received. Medyo magkapareho, hindi lang ako sigurado dahil sa kaunting reply niya kaya baka siguro nagkataon lang. It can't be real.

-

On the next day, sinabihan ako ni Oliver na hindi muna kami magkakasabay pumasok sa school dahil na-late raw ulit siya ng gising. Kahit ganoon, alam ko namang hahabol pa iyon.

Papaandarin ko na sana 'yong bisikleta ko nang saktong labas naman ni Prince mula sa bahay niya. Nagkonekta ang mga mata namin nang ilang segundo, ngumiti ako ngunit dismaya akong makitang naglakad siya nang mabilis. Walang bating 'good morning' o ngiti manlang. Blanko ang mukha. I let out a big sighed.

Throught that, alam kong iniiwasan niya ako. Ayaw kong magkaroon ng distance sa pagitan naming dalawa. Pinaandar ko nang mabilis ang bike ko at hinabol siya. Itinigil ko iyon sa harapan niya para sana pigilan siya. Gulat siyang tumingin sa akin subalit nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad. I hate the way he treats me.

"Ayaw mo ba talaga akong kausapin?"

Hindi siya lumingom bagkus nagpatuloy lang siya sa paglalakad, tila'y walang naririnig.

Did I do something wrong? Ang alam ko, siya ang may atraso sa akin ngunit bakit parang nabaligtad? Ako pa ang naghahabol sa kanya. Ano bang problema sa simpleng sabi ng sorry lang, Prince? Isang sorry lang hinihingi ko, okay na iyon sa akin. Mahirap ba iyon?