webnovel

Broken Trust | Completed

"I don't believe in promises but when you came into my life, I gambled. Eventually, natauhan akong mali pala na itinaya ko nang buong-buo ang tiwala ko sa iyo." -Jamilla Pagdating sa mga lalaki, may trust issues si Jamilla Mae Aravello dahil sa pag-iwan ng tatay niya sa kanilang pamilya noon. But when Oliver Ethan Lee came into her life, isinugal niya ang tiwala niya dahil sa pag-aakala niyang matinong lalaki si Oliver base sa isang sikat na istoryang binasa niya na isinulat nito, which entitled of I Catch Your Heart. Oliver is a famous mysterious author in the Philippines, at ang istoryang isinulat niya ay ang kinaadikan ni Jamilla. Isang istoryang totoong nangyari kay Oliver with his past girlfriend, named Angel. Naputol lang iyon dahil sa hindi inaasahan pangyayari na dahilan ng pagkamatay ng girlfriend niya. Masakit at nahirapan si Oliver para tanggapin iyon. However, when he met Jamilla. Ang kasiyahang hinahanap niya katulad noon sa past-girlfriend niya ay sa dalaga niya natagpuan. Pipilitin niyang magmahal muli at kalimutan si Angel. Bagong istorya ang isusulat niya kasama si Jamilla pero mabilis din natapos ito dahil sa maling nagawa niyang hindi niya ginustong mangyari. Dahil sa maling nagawa niya, puno ng pagsisisi ang dala-dala niya sa huli. - Follow me on Wattpad: Nick_Black02 Mas active po ako doon kaysa dito. Doon naka-published lahat ng stories ko po. :)))))

Nick_Black02 · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
71 Chs

Chapter 33

Chapter 33: His Short Tempered

"Good Morning," Nakangiting pagbati sa akin ni Oliver when I opened our gate. Umangang-umaga, siya agad ang bungad sa akin.

"Good Morning din."

"Okay ka na ba?" Tumango ako sa kanya bilang sagot. Okay na naman siguro ako dahil ayos na 'yong desisyon ko, kaya ngayon ay hindi ko na kailangan pang magpakaplastik.

"Alright, so let's go?" Sinarado ko na 'yong gate namin at nagsimula nang sumakay sa bike ko. Papaandarin ko na sana ito ngunit bigla kong nakitang lumabas si Prince mula sa gate ng bahay niya.

"Hi!"

He smiled at me, then he spoke. "Hi rin. Ang fresh ng mukha mo ngayon, ah."

"Hindi naman. Haha. Saan ka ba nag-aaral?" Pagkatapos niyang i-lock 'yong gate niya ay nagsimula na itong maglakad papalapit sa akin.

"Fildom Academy."

"Seriously? OMG. We have the same school pala. Nice." I did not easily perceive it from him by his outfit, hindi pa kasi siya nakasuot ng uniform katulad ng amin, just because maybe he is a transferee, and today is his first day.

"Ah. So, pwede pala tayo sabay na pumasok araw-araw?" Bigla niyang tanong na medyo naweirduhan ako dahil hindi ko inaasahan iyon.

"Of course? Yeah."

"What? No. Nauna ako sa iyo, 'di ba, p're? You don't even visible me over here? Sinusundo ko siya, hindi mo nakikita iyon?" Biglang sabat naman ni Oliver. Nagulat naman ako dahil sa biglang pagkaiba ng aura niya.

Pareho kaming tumingin sa kanya, napakamot na lamang ng ulo si Prince habang tumatango-tango pa ito. Grabe naman kasi itong si Oliver, eh. Ang init agad ng ulo, hindi ba pwedeng huminahon muna siya bago kumontra nang pabalang?

"Ay, oo nga pala. Next time na lang," Saad ko ngunit parang tila sinamaan lang ulit ako ng tingin ni Oliver. Akala ko, okay na. Ano bang problema niya kay Prince?

"Hmm.. Sorry, Bro, ha?" Tumingin muli siya sa akin. "Sige, Jamilla, next time."

"No more next time, Bro." Blankong sabat naman ulit ni Oliver, mas lalong kumunot ang noo ko at naisipan na kontrahin na siya para tumigil na siya sa pagiging rude niya kay Prince. Nakakahiya na. Gosh.

"Tatay ba kita? Hello, kontra ka nang kontra. Tumigil ka nga," Tumingin siya sa akin at sinamaan ako ng tingin.

"E di, d'yan ka sumabay. Bahala ka! Madapa sana kayo," Madiin niyang saad sabay agad nagsimula nang paandarin 'yong bike niya.

"Hays! Mabunggo ka rin sana!" Inirapan ko siya nang makalayo-layo na ito. "Hindi ka naman kawalan," I whispered. Akala naman niya, kapag ginawa na naman niya 'yon ay susuyuin ko na naman siya katulad no'ng ginawa ko no'ng last week. Pwes, nagkakamali na siya.

"Seloso pala boyfriend mo, pasensiya na may LQ agad kayo dahil sa akin. First day of week pa naman."

"Wait? Luh. He's not my boyfriend and he'll never be."

"Huh? I though you two already admit that you're in relationships," Naguguluhan niyang sabi ngunit tinawanan ko lang siya. "What?"

Hays, kamutikan ko nang makalimutan 'yong kumakalat na issue between me and Oliver dahil sa sobrang pag-iisip ko ng problema sa papa ko. Ngayon araw ko na pala haharapin lahat ng sasabihin o iisipin ng mga estudyante sa school. But like what I've said before, kikilos kami ni Oliver nang ordinaryo lang, no pretending will do. Sana lagyan din nila ng issue iyon at magtaka sila.

"Don't mind it, it's not true. We're just prentending that time. Basta, huwag mo na lang isipin. Private na lang 'yong reason namin."

"Ahh.. Okay, weird. Tara na, malate pa tayo."

-

We arrived on our school at exact 7 Am, naglalakad na lang kami ngayon sa hallway.

Hindi na lang ako magugulat kung bakit napakaraming mata na ang nakatingin sa amin simula no'ng pagpasok namin dito sa school. Marahil 'yong iba ay nagtataka dahil iba ang kasama ko ngayon at hindi si Oliver.

Taas noo lang ako naglalakad. I don't wanna give them attention even a glance, I just straight ahead looking on our way. Actually, first time lang ito nang wala akong nararamdaman na kaba, usually kasi ay sobrang bilis talaga ng tibok ng puso ko.

Sinamahan lang ako ni Prince hanggang sa room ko. Nagpaalam na lang ako sa kanya bago pumasok sa loob. And like what I expected, si Oliver agad ang una kong nakita habang naka-ear phone. Napansin din naman niya ang pressence ko dahil tumingin siya sa akin. I just smiled at him and waved my hand. Gusto ko siyang asarin.

"Hi," I greeted.

"Saya mo, ah." Sabi niyang nang pagkaupo ko.

"Siyempre, kasama ko si Prince kanina, eh. Hindi ako iniwan. Hindi katulad ng isa d'yan, nang-iiwan at sinumpa pa ako," Kinuha ko ang phone ko para malibang muna habang naghihintay pa ng oras. 7:30 pa naman ang start ng klase namin.

"Walang mang-iiwan kung walang mang-aagaw, okay?" Smirk niyang sagot.

"Huh?"

"Tsk. Thankful talaga ako sa advantage ng pagiging slow mo," Huling sinabi niya at itinuon ang pansin sa phone na hawak niya.

"Hindi naman sinagot 'yong tanong ko, eh," Bulong ko sa sarili ko at itinuon din ang pansin sa phone ko.

-

Lunch break na at kasalukuyan na ako naglalakad papunta sa cafeteria. Kasama ko pa rin si Oliver, hindi niya ako kinakausap o pinapansin pero ito siya at nakasunod lamang sa akin. Sobrang weirdo niya.

Pagkapasok ko sa cafeteria agad kong nakita sina Claire, Aivin at Jess na kumakain. Agad na akong umupo sa tabi ni Jess at maging si Oliver ay tumabi na rin sa akin.

"Order lang ako," Pagpapaalam ko.

"Sige."

Tumayo muli ako at lumapit na sa counter para umoder. Pagkatapos kong pumili ng bibilhin ko ay saktong nakita ko si Prince na papalapit din sa gawi ko habang may hawak ng tray ng mga pagkain niya.

"Um-oorder ka?" Tanong niya.

"Yep."

"Have you paid it already?"

"Not yet."

"Okay, then. Ako na bahalang magbayad lahat ng in-order mo."

"Hindi na. Nakakahiya naman sa 'yo."

"Hindi, okay lang. Ako naman ang nag-alok, eh."

"Sige, sala-" Pareho kaming nagulat ni Prince nang biglang dumaan sa gitna namin si Oliver. "Bastos lang?"

"Hindi, kita niyo naman may pila rito sa likod niyo at d'yan niyo pa talagang piniling maglandian. Ako pa ang bastos?" Tumingin ako sa likuran ko at tama nga siya, may pila na pala. Inirapan ko na lang siya at agad kinuha na 'yong order na kakalapag lang no'ng kahera sa lamesa, kung kaya't binayaran na ito ni Prince.

"Tara na nga, Prince. There's a someone here who can't control his tempered," Sumunod lang sa akin si Prince at inirapan ko ulit si Oliver. Gosh.

"Guys, I have a new friend," Tumingin sila sa akin bago sa katabi ko. "He's Prince Alvarez, neighbour ko." Nag-hello lang ito at isa-isa rin nagpakilala sa kanya 'yong nga kaibigan ko.

Umupo na kami. "Feel free for being hyper here, you will find the happiness with us that you're finding for. Don't worry, we will help you to escape the sadness that you had."

"Thank you," He smiled, so I gave him the same thing.

Nagsimula na kaming mag-usap ng kung-ano-ano, kasama na rin rito kung saan dating nag-aaral si Prince ngunit naputol ito nang may badabog na naglapag ng tray sa table namin kaya nakuha agad nito 'yong atensyon namin. Kunot-noo kaming tumingin sa taong iyon, si Oliver lang pala.

"Dude, anong problema?" Aivin asks him but he ignored it. Umupo na lang ito sa tabi ni Aivin at nagsimula nang kumain. Everyone starting to look at me wondering, and it made me confused. Wala akong ginagawang masama sa Mokong na iyan. Huwag silang tumingin sa akin nang ganiyan.

"What?"

"It's there any problem?" Bulong na tanong ni Jess sa akin.

"Between us? Nothing. But on him? I don't know,"

"Tsk," Ngisi ni Oliver. Narinig niya yata.

"No need to ask, Jess. It's too obvious," Sabat naman ni Claire, ngumuso-nguso pa siya bilang pagturo sa katabi ko. Tama siya, si Prince ang kinasasama ng loob ni Oliver kung bakit siya umaarte nang ganiyan.

"Ah, okay."

-

Tahimik lang kaming nagpatuloy sa pagkain. Walang nag-iingay at kung meron man ay iyon 'yong tunog ng kutsara at tinidor na tumatama sa plato, at 'yong ingay ng surroundings. Marahil, ayaw mag-ingay ng mga kaibigan ko dahil binibigyan nila ng respeto si Oliver, even he doesn't deserve it. Gosh. How rude I am?

Hindi ko mapigilan ang sarili ko para sulyapan ng tingin si Oliver. I really don't know the reason why he irritating to Prince, actually, wala naman ginagawang masama si Prince sa akin at sa kanya para umarte siya nang ganiyan.

Medyo na-a-akwardan na siguro si Prince, alam kong alam niya na siya ang issue ni Oliver kaya alam kong mas pinili niya na lang na tumahimik din para hindi na mas mainis pa ito sa kanya.

Nang magtama ang tingin namin ni Oliver, aksidente kong nailaglag 'yong kutsara ko sa sahig at agad itong kinuha para umiwas ng tingin. Nang umayos na ako ng upo, nakita kong unti-unting nilalapit sa akin ni Oliver 'yong hawak niya ng plato ng may laman na fries.

"Oh," Pag-aalok niya. Dahil favorite ko iyon at makapal ang mukha ko, I have no doubts to get it.

"Salamat," I smiled. Tumingin ako kina Claire at Jess na pasimpleng nagpipigil ng tawa. "Psh."

Lumipas pa ang ilang minuto at napansin naming tumayo na si Prince sa kinauupuan niya. Tapos na pala siyang kumain.

"I gotta go, ngayon na 'yong next class ko. Nice meeting you, Guys. Sana makasama ko ulit kayo."

"Oo naman, p're," Saad ni Aivin.

"Wait, ihahatid na kita," I offered.

"Pwede ba, p're?" Paghingi niya ng permiso kay Oliver.

"Kapag ba sinabi kong bawal, papayag ba iyan babae na 'yan?" Gulat kong sinamaan siya ng tingin. There's a something strange in him. I don't know what it is, but it's almost killed him. Kaya siguro iyon ang rason kung bakit siya ganyan ngayon.

Gusto kong malaman 'yong kakaibang iyon, so, I gonna ride on this kind of situations.

"What else do you expect? Syempre, hindi," Madiin kong sagot at napansin ko ang pagkadismaya ng mukha niya. "Tara na," Binitbit ko na 'yong bag ko at nagsimula na kaming naglakad ni Prince.

Sorry, Oliver.

-

Naglalakad na ako ngayon pabalik sa room namin. Kakalabas ko lang ng building nila Prince ngunit may agad nang humarang sa akin na lalaki.

"Hi, I'm Rafael," Pagpapakilala nito sa akin.

"Why?" Kunot-noo kong tanong.

"I have something to give you," May iniabot siya sa akin na panyo pero tiningnan ko lang ito.

"For what?"

"I don't know, but just open it and read the message inside it," Kinuha ko na lang ito mula sa kanya.

"Sa iyo 'to galing?"

"Nope, from your Mokong daw," Agad na itong tumakbo palayo sa akin kung kaya't akin nang binuksan ang itong panyo na hawak ko.

Mokong? Hindi ko na kailangan pag-isipan pa iyon dahil isang word pa lang na 'yon, there's a one name automatically comes to my mind. Wala na bang bagong gimik si Oliver? He already did this before.

Magkita tayo sa likod ng building ng Grade 9. Ngayon din.

~Oliver

"Ulit?" Bulong ko sa sarili ko at nagsimula na maglakad.

-

"Oh? Bakit?" Tulad ng inaasahan ko, nakasandal lang siya sa pader at nakapamulsa.

"Are you really want to talk to me like that? So annoying," Inis niyang sagot.

"Tatanong din ako. Are you really want to treat me like that? So annoying, too."

"Nevermind."

"Bakit ba?"

"Nothing. Gusto ko lang kitang ma-solo." Tama ba itong iniisip ko na parang nagseselos siya kay Prince?

Wala naman mawawala if I'm gonna ask him if it's true. "Selos ka?"

"Kanino?"

"Talagang hindi mo kilala kung sino?"

"Kay Prince?" Tanong niya ulit at tumango lang ako bilang sagot. "Tsk, niisip mo talaga na nagseselos ako dahil sa kanya? Wala akong karapatan para gawin iyon. Sa katunayan nga, kitang-kita naman kung sino mas lamang sa amin dalawa kaya kung iniisip mo na nagseselos ako? Wala akong paki."

"Ang dami mong satsat. Yes or no lang isasagot mo, d'yan ka na nga. Ang boring mong kausap," Nagsimula na akong maglakad ulit ngunit napatigil ako nang maramdaman kong hinawakan niya ang braso ko.

"Oo na, nagseselos na ako," Lumaki ang mga mata ko dahil sa gulat at dahan-dahan lumingon sa kanya.

"Totoo?"

"Biro lang. Tara na nga," Cold niyang sagot.

Tinaasan ko siya ng kilay pero nagsimula na itong maglakad kaya nagpatangay na lang ako sa hila niya. Minsan talaga, may pagkatarantado itong si Oliver, kaya minsan hindi ko na alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o nagbibiro lamang, eh.