webnovel

Broken Trust | Completed

"I don't believe in promises but when you came into my life, I gambled. Eventually, natauhan akong mali pala na itinaya ko nang buong-buo ang tiwala ko sa iyo." -Jamilla Pagdating sa mga lalaki, may trust issues si Jamilla Mae Aravello dahil sa pag-iwan ng tatay niya sa kanilang pamilya noon. But when Oliver Ethan Lee came into her life, isinugal niya ang tiwala niya dahil sa pag-aakala niyang matinong lalaki si Oliver base sa isang sikat na istoryang binasa niya na isinulat nito, which entitled of I Catch Your Heart. Oliver is a famous mysterious author in the Philippines, at ang istoryang isinulat niya ay ang kinaadikan ni Jamilla. Isang istoryang totoong nangyari kay Oliver with his past girlfriend, named Angel. Naputol lang iyon dahil sa hindi inaasahan pangyayari na dahilan ng pagkamatay ng girlfriend niya. Masakit at nahirapan si Oliver para tanggapin iyon. However, when he met Jamilla. Ang kasiyahang hinahanap niya katulad noon sa past-girlfriend niya ay sa dalaga niya natagpuan. Pipilitin niyang magmahal muli at kalimutan si Angel. Bagong istorya ang isusulat niya kasama si Jamilla pero mabilis din natapos ito dahil sa maling nagawa niyang hindi niya ginustong mangyari. Dahil sa maling nagawa niya, puno ng pagsisisi ang dala-dala niya sa huli. - Follow me on Wattpad: Nick_Black02 Mas active po ako doon kaysa dito. Doon naka-published lahat ng stories ko po. :)))))

Nick_Black02 · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
71 Chs

Chapter 27

Chapter 27: His Treat

Patuloy lang kami ni Oliver sa pahahanap sa mga kaibigan namin pero kahit saan sulok dito sa loob ng programa ay hindi talaga namin sila makita, I tried to contact them again and again but as usual they didn't answer it. Gosh! Asaan na ba kasi 'yong mga 'yon?! Pakiramdam ko, meron silang masamang balak na gagawin eh.

"Jamilla, almost one hour na tayo naghahanap. Nag-reply na ba sila sa 'yo?" Pagtatanong ni Oliver. Siguro'y napapagod na rin ito sa paghahanap.

"Not yet."

"Hays."

-

"Jamilla!" I immediately find who called my name. Akala ko si Claire na 'yong tumawag sa akin ngunit hindi pa rin pala. Si Messa lang pala.

"Oh hello Table! Kamusta ka na? Balita ko almost 100k subscribers na raw 'yong youtube channel mo ah. Congrats!" Nagbeso-beso muna kami nang makalapit na siya sa akin.Table ang palayaw niya sa akin kasi made by her name, na Messa ay kapag in-english ay table. See? Brainy ko talaga.

Si Table ay isang vlogger sa youtube, nakakatuwa lang makita na dati nagkukuwari lang siyang mag-vlog gamit ang phone ng Mama niya pero ngayon ay nakukuha na niya itong pagkakitaan. Isa akong taga-hanga niya, sinusubaybayan ko talaga siya simula pa lang no'n una. She is my friend here in Laguna but not totally close friend dahil tuwing may pasok lang naman kami nagkikita. Mabuti nga't binabati niya pa rin ako kahit matagal na kami hindi nagkakausap.

"OMG, kaya nga. Konti na lang malapit ko nang makuha 'yong silver play button. OMG! Sana makuha ko na 'yon this year, but before talking about that, say hi to my vlog first!" Tulad ng utos niya ay nag-hi ako sa camera niya na hawak niya at kumaway. Hindi ko talaga ine-expect na dati ko lang na kaibigan ay ngayon ay unti-unti nang sumisikat.

"Table. Please, Don't forget me after you reach your goals ha? Baka kung kailan nasa itaas ka na ay ma-who you-who you mo na lang ako." Pabiro kong sabi sa kanya.

Bahagya siyang sumimangot bago nagsalita. "Of course not. Ikaw nga, sikat na. Samantalang ako, nagsisimula pa lang. Ikaw dapat ang hindi makalimot."

"Huh?"

"Jowa mo 'yong famous na Author 'di ba? Bongga mo nga kasi nasa top 5 trending kayo sa twitter and ikaw naman ang nasa top 8 trending no'n last-last week pero ngayon nawala na ulit. Alam mo ba 'yon?"

"Hindi eh. Hindi ko na binubuksan 'yong mga accounts ko." Sagot ko sa kanya. Hays, trending na pala ako nang hindi ko manlang nalalaman. Bakit kaya ako umabot sa gano'n? Dahil lang kay Oliver? Porket lagi lang kami magkasama ay mag-te-trending agad ako? Sabagay, every move you make, everyone give it an issues, lalo na't sa isang sikat na author pa ako nadikit. Dinaig ko pa ang mga artista para mapapunta sa spots na gano'n eh.

"Meron akong tanong na gusto kong malaman 'yong tunay na sagot na mismong manggagaling sa iyo ha." Seryoso niyang sabi.

"Ano?" Matawang-tawa kong tanong sa kanya na medyo peke. Weird. Kinakabahan naman ako sa kanya eh.

"Boyfriend mo talaga si Oliver?"

"Yes, I'm his boyfriend and she is my girlfriend." Biglang singit na sagot ni Oliver sabay akbay sa balikat ko ulit. Jusko. Nakaka-two points na siyang umakbay sa akin ngayon ah.

Ngumiti lang ako kay Messa. This is just a pretending that he is my boyfriend for this night kaya okay lang sa akin na tawagin niya ako ng ganoon and besides wala naman akong issue do'n but I can't control myself to feel disgusting. Ang weird kasing pakinggan na sinabi niyang girlfriend niya ako at boyfriend ko siya. Hindi niyo ako masisisi, kasi first time ko lang makarinig na tawagin ako ng gano'n.

Pero nakakainis lang, nagpapanggap lang kami pero wala sa usapan na pwede niya akong akbayan. Gosh!

"O.M.G. And'yan ka pala?" Gulat na tanong ni Messa. Hindi niya yata napansin si Oliver na kasama ko ito dahil hindi siya natatamaan ng liwanag. "OMG! Say hi to my vlog! OMG talaga, hindi ko alam na kasama ka pala ni Jamilla ngayon." Kumaway lang si Oliver sa Camera na hawak ni Messa.

"OMG! You heard it guys? Totoo nga 'yong issues!" Saad niya habang nakaharap sa camera niya. Halata sa mukha niya na hindi siya makapaniwala. "Date niyo yata 'tong ginagawa niyo eh, sorry guys sa abala. Sige, I gotta go!" Aalis na sana siya ngunit pinigilan ko muna.

"Wait! Have you seen Aivin and his friends?"

"Yeah, nag-usap pa kasi kami ni Aivin kanina pero pagkatapos no'n ay parang may tinataguan sila kasi ang bilis ng takbo nila palabas dito."

"Sige, salamat." Ngumiti lang siya sa akin at naglakad na papalayo.

Bwiset! Bwiset talaga! Ito na nga ba ang sinasabi kong masamang balak nila eh. Hindi nakakatuwa! Lagot sila sa akin 'pag nakita ko man sila mamaya.

"Hindi natin makikita 'yong mga kaibigan mong ayaw talagang magpakita. So? Saan na tayo pupunta ngayon?" Tanong niya habang nakaakbay pa rin sa akin. Naiilang na tuloy ako.

"E di uuwi na." Saad ko at nagsimula nang maglakad kaya natanggal na niya 'yong kamay niya sa balikat ko. Hays, mabuti naman.

Napataas ako ng kilay nang bigla niya akong hinarangan sa dinadaan ko. "Wait, paano kung tayong dalawa na lang ang gumala?"

"Parang date?" Shucks! Ba't ko naitanong 'yan? It's obviously na hindi 'yong magiging date kasi hindi naman kami. Gosh.

"Wala akong sinasabi. Pero pwede rin 'yan idea mo, pwede natin i-consider ito as our first date. Game?" Binigyan niya ako ng nakakalokong nginit but I just rolled my eyes. Anong klase pretending 'to?

"Ayoko. Tara na, uwi na tayo." Nilagpasan ko siya at pinagpatuloy ulit ang paglalakad pero napatigil ulit ako nang sabihin niya ang magic word.

"My treat."

"O siya tara na. Gutom na rin naman ako." Hindi ko na siya hinintay pang magsalita dahil hinila ko agad 'yong kaliwa niyang kamay palabas dito sa loob ng programa. Sa tabi kasi nito ay meron maliit na perya at may mga tindahan ng mga street foods, which is my all time favorite merienda.

-

"Hotdong or Isaw?" Tanong niya sa akin.

"No need to ask me about that. Shempre both." Ngumisi lang siya at humarap na ulit sa tindera.

"Oh, dalawang hotdog at Isaw 'yan." Inaabot niya sa akin 'yong hawak niyang hotdog at isaw habang kumakain na rin siya ng katulad nito.

Pagkabigay niya sa akin no'n ay naisipan kong i-sawsaw ito sa hot sauce. Hindi naman siguro maanghang iyon kasi wala akong masyadong makitang sili na nakahalo sa loob nito.

"Are you sure?" I just nodded at him.

Confident kong kinagat 'yong hotdog ngunit halos maluha ako dahil sa sobrang anghang nito. I though it just has a little bit spicy pero sobrang anghang pala. Huhu. Ang sakit sa dila.

"I need tubig, Oliver. Bilis!!" Agad naman siyang bumili ng tubig sa malapit na tindahan mula sa amin. Agad din naman siyang nakabalik at ini-abot sa akin 'yong hawak niyang bottled water. Jusko, mamatay yata ko sa anghang nito.

Hindi mapigilan ang pagtawa ni Oliver habang pinapanood akong umiinom ng tubig. Bwiset. Napahiya pa ako sa kanya. "Sabi ko naman sa 'yo, eh. Ang kulit mo talaga."

Hindi ko na siya pinansin pa dahil nakafocus lang ako sa pag-inom ng tubig.

-

Marami na kaming nalibot ni Oliver na mga tindahan ng mga street foods. Sa katunayan nga, tapos na kaming kumain ng shomai, barbecue, empanada, shawarma, hotdog, isaw, fries and etc. but I still didn't feel full kasi parang kulang pa ng burger.

"Bili naman tayo ng burger." Masaya kong sabi sa kanya. Minsan niya lang akong ilibre kaya lulubusin ko na kasi sayang naman.

"Anong klaseng t'yan ang meron ka at until now ay hindi ka pa rin nabubusog? Samantalang ako busog na."

"E di ako na lang kakain tapos ikaw bibili."

"Naks, ang talino. Sige na nga. Tara na."

-

Pagkabigay niya sa akin no'n burger ay umupo muna kami sa upuan na malapit sa amin.

"Gusto mo ng hot sauce?" Matawa-tawa niyang tanong sa akin. Nang-aasar na naman siya.

"Ha. Ha. Ha. So funny." Sarcastic kong tawa sa kanya.

"Haha, kain na."

Sinimulan ko nang kainin 'yong burger na hawak ko. Nang nasa kalahati na ako ng kinakain ko ay hindi ko mapigilan hindi mapatingin kay Oliver dahil pansin kong parang hindi na niya inalis ang tingin niya sa akin, simula no'n kumain ako. So weird, so awkward.

"W-why?"

"Huh? Wala. Bilisan mo ngang kumain para makauwi na tayo."

Mas lalo akong naganahan kumain nang itinuon na niya na lang ang tingin niya sa ibang direksyon.

-

"Let's go home." Pang-aaya ko sa kanya. Ngayon ko lang naramdaman na busog na ako. Nakakapagod din palang kumain.

"Ayaw mong sumakay sa mga rides?" Tanong niya.

"Ayoko, baka magsuka lang ako." Sagot ko.

"Courosel?"

"Luh. Hindi na ako bata."

"Ah I knew it! Come with me!" Masaya niyang saad sabay hila sa kamay ko. Dinala niya ako sa mga booth ng mga shooting balloons. "How about here?"

"Ayoko rin."

"E di ayaw mo. Basta ako, maglalaro ako."

"Psh. As if naman na may matataman ka d'yan sa mga lobo na 'yan?"

Hindi niya na lang ako pinansin dahil sa halip ay lumapit siya lalaki na nag-aayos dito para magbayad. Tsk. Magsasayang lang siya ng pera e, kung ikinakain na lang namin iyon.

-

"Ganito raw 'yong mechanics: kailangan ko raw matamaan ng tatlong beses 'yong mga gold balloons na nakakalat para makuha ko 'yong prize na teddy bear." Pagpapaliwanag niya habang hawak-hawak 'yong limang arrows. Luh? Imposibleng matamaan niya 'yong mga gold balloons na 'yon ng tatlong beses, lalo na't ang lalayo ng agwat nito sa isa't isa. Hay naku.

"Hindi mo naman kaya 'yan. Imposible."

"Trust me, kukunin ko 'yong teddy bear na 'yon para sa 'yo." Tinuro niya 'yong pink na teddy bear na nakadisplay. "I'll start."

Pumuwesto na siya kung saan niya unang tatamaan 'yong isang gold balloon. Tumingin muna siya sa akin at kumindat ng bahagya bago nagsimula. Gosh. Bakit parang kinakabahan naman ako bigla?

Nagulat ako nang agad niyang natamaan 'yong isang gold balloon na nasa bandang gitna. Sa pangalawang pagkakataon ay wala siyang nataman, maging sa pangatlo. He only have 2 arrows left. At sakto na 'yon para tamaan pa 'yong mga gold balloons na kailangan pa. Jusko, impossible na 'yan, kapag sumablay pa siya ng isa ay hindi na niya makukuha 'yong prize.

Ramdam kong medyo naiinis na siya dahil sa pagkunot nito ng noo. Masyado kasing ma-confident na akala'y napakagaling sa pagtarget ng mga lobo. Mapapahiya ka pa tuloy.

Pagbato niya no'n pang-apat na arrow ay saktong tumama ito sa gold balloon. My gosh, may pag-asa pa. Napagtanto ko na sayang din pala 'yong teddy bear kapag hindi niya nakuha. Mas mabuti na siguro'y i-cheer ko siya kahit sa isipan lang.

"Go Oliver!"

"Go Oliver!"

"Go Oliver!"

Tulad ng inaasahan ko ay tumingin muna siya sa akin bago itama 'yong last arrow na hawak niya. Kapag talaga 'yan ay hindi tumama, mapapahiya ka talaga. Itinapat niyang mabuti 'yong arrow na hawak niya bago niya ito ibinato. Parang nag-slow motion ang paligid ko habang hinihintay na tusukin no'n arrow 'yong gold balloon. Bahagya ako napanganga nang tumama nga ito dito.

"Congratulation po!" Masayang pagbati no'n lalaki sabay abot kay Oliver no'n teddy bear. Ramdam kong humarap na siya sa akin ngunit nakatitig pa rin ako sa huling gold balloon na tinamaan niya. Hindi pa rin ako makapaniwala.

"Oh sa 'yo 'to! Sabi ko naman sa 'yo e, makukuha ko 'to."

"You really did it? How?"

"Oo nga. Haha. Alam ko kasi na nasa tabi lang 'yong lakas ko kaya nakuha ko 'to." Tumingin lang ako sa hawak niyang pink teddy bear habang ibinibigay niya na sa akin ito. "Huwag nang pakipot." Kinuha niya 'yong kamay ko at inilagay sa teddy bear na hawak niya.

Bigla akong kinabahan dahil ramdam ko 'yong kamay ni Oliver na nakahawak din sa teddy bear. Don't Jamilla. 'Yan kaba mo, it's just nothing, huwag mong bigyan ng meaning. Hays. Tumingin ako sa ibang direksyon at hindi hinayaan mahalata niya na kinikilig ako sa paghawak niya ng kamay ko. Gosh. I know this is just a normal thing.

"Ah-ano. N-Nagutom ako bigla. Ibili mo naman ako ng cotton candy?" Tuluyan kong kinuha 'yong teddy bear kaya nakawala na 'yong kamay niya rito. Gosh! Gabi na ngayon, malamig ang paligid pero bakit ako pinagpapawisan?

"Tara."

-

We're already got home, pagkabukas ko ng pinto ay kapansin-pansin ang katahimikan dito. Mukhang wala pa sila Claire, Jess at Aivin dito.

Agad akong tumakbo papunta sa kwarto namin dahil hindi ko na yata kaya pang sumabay kay Oliver na umakyat sa hagdan. Bakit kasi ang lakas niya magpakilig kahit sa simpleng bagay lang? Teddy bear lang naman ito pero bakit gano'n?

"Jamilla!" Bubuksan ko na sana 'yong pinto ng kwarto naming mga babae ngunit tinawag ako ni Oliver. Ramdam ko 'yong pagpapawis ng mukha ko.

"Bakit?"

"Thank you sa pagpeprentend na girlfriend kita kahit ngayon gabi lang." Nakangiti niyang pagpapasalamat.

"You're welcome. Thank you rin sa mga libre mo at maging dito sa teddy bear. Pasok na ko sa loob ha. Bye." Sunod-sunod ko pasasalamat din sa kanya. Pagkasara ko no'n pinto ay sumandal muna ako rito para huminga nang malalim. 2 days more left Jamilla na makakasama mo si Oliver. Kaya pa ba?

"Nangyari sa 'yo? Bakit parang hinabol ka ng aso d'yan sa kalye?" Nagulat ako nang biglang may nagtanong sa akin. Nakita ko sila Claire at Jess na nakaupo sa kama habang nagtatakang nakatingin sa akin.

"Nakakabwiset kayo! Bakit niyo kami tinaguan ni Oliver?!"

"We're just supporting your lovelife. Girl." Sagot sa akin ni Jess. Sinamaan ko sila ng tingin at humakbang papalapit sa kaniya.

"Hello? Hindi ko siya gusto and I guess hindi niya rin ako gusto. So don't do this again. Hindi nakakatuwa." Pinatong ko muna sa lamesa 'yong cotton candy at teddy bear. Kumuha muna ako ng pangpalit bago pumasok sa loob ng banyo para maligo muna dahil sa lagkit ng katawan ko na gawa ng pawis ko.

-

Pagkalabas ko, agad akong napakunot ng noo dahil nakita kong hawak-hawak ni Claire 'yong teddy bear ko at kinakain ni Jess 'yong cotton candy ko. Gosh! Dapat pala isinama ko na lang sa banyo 'yong mga 'yon para hindi nila napakialaman.

"Bakit niyo hawak 'yan? Akin 'yan." Humakbang ako papunta sa kanila para kunin iyon ngunit inilayo nila ito sa akin. Gosh.

"Tinitingnan lang namin kung gaano ka-sweet sa 'yo si Oliver. Aminin mo kinilig ka sa trip na ginawa namin sa 'yo 'no?" Tanong ni Jess sa akin kaya napakunot bigla ang noo ko.

"Huh? Shempre hindi."

"Hindi ka kinilig no'n nanalo si Oliver sa laro at ibinigay sa 'yo 'tong prize na teddy bear?"

"Hell no."

"Kaya pala ibinaling mo ang tingin mo sa ibang direksyon nang hawakan ni Oliver ang kamay po para ibigay sa iyo ito." Saad ni Claire. Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Paano niyang nalaman na tumingin ako sa ibang direksyon. Wait? Pinanapanood ba nila kami ni Oliver kanina. Oh my gosh.

"Nandoon kayo?" Gulat kong tanong.

"Yeah. Nasa malayo kami habang pinapanood ang bawat galaw o pupuntahan niyong dalawa kanina at nanotice namin na tatlong beses kayong nagkahawak ng mga kamay." Sagot ni Jess. Tama nga siya. So paano pa ako makakapag-deny kung bawat galaw ko ay nakikita nila. Jusko. Kailangan ko na bang aminin. "So Girl, aminin mo na kinikilig ka kay Oliver."

"Ok, fine. Kinilig ako sa kanya but slight lang." Sisigaw na sana ni Claire ngunit inunahan ko na siya para takpan ang bibig niya. "'Wag. Baka may makarinig."

Dahan-dahan kong inilayo ang palad ko mula sa bibig niya. "Pahingang cotton candy. Mukhang matamis eh." Saad niya sabay kuha ng cotton candy kay Jess. Sa inaarte niya, alam kong aasarin na ako niyan.

"Inamin ko na. Okay na ba?"

"Nope. Mas bongga, 'pag sa kanya mo inamin 'yan." Pinandilatan ko siya ng mga mata dahil sa sinabi niya. "Joke lang." Saad niya habang tuloy lang sa pagkain ng cotton candy.

"Just make sure na hindi ito makakarating kay Oliver."

"Shempre hindi. Kami pa ba." Sagot ni Jess. Sa tono ng pagsagot niya, wala akong tiwala. Hays. Kinakabahan ako dahil baka bukas madulas sila at masabi nila 'yan. Nakakapangsisi tuloy, dapat pala i-dineny ko na lang talaga. Jusko. Makakatulog pa ba ako nito?

-

Umaga na ngayon kaya nasa banyo na ako para ayasin muna ang sarili bago bumaba. Ginising na kasi kami ni Tita Bella, baka raw lumamig 'yong mga pagkain na inihanda niya, akala ko nga na kami na lang 'yong maghahanda ng mga pagkain namin kasi alam namin na si Tita Bella ay busy sa pagluluto ng mga handa nila ngayon piyesta.

Pagkatapos kong mag-ayos ay agad akong bumaba para kumain na. Halos napanganga ako nang makitang ang daming pagkain sa lamesa. Meron hotdogs, hams, eggs, pandesal, rice, tocino, sandwich na ham and cheese, kape at gatas. Hindi ko inakala na ang dami palang pagkain na niluto ni Tita Bella. Ang galing naman niya, nakuha niya pa kaming ipaghanda ng ganitong kadame kahit meron siyang ginagawa na mas mahalaga.

Napansin kong nakaupo na si Oliver, Aivin at Jess. Ngunit si Claire ay nasa itaas pa dahil kagagising pa lang. Tumingin sa akin si Jess at binigyan ako ng nakakalokong ngiti. Pinanglakihan ko siya ng mga mata. Subukan niya lang sabihin kay Oliver 'yon, lagot talaga siya sa akin.

Umupo na rin ako sa tabi ni Jess.

"Good Morning Jamilla." Bati sa akin ni Oliver. Ang awkward ko tuloy ngayon sa kanya.

"Good Morning din." Bati kong pabalik.

"Aysus." Bulong sa akin ni Jess. Hindi ko na lang siya pinansin sa halip ay nagsimula na para kumain.

-

"JAMILLA!" Claire screaming my name while she was stepping down at the stairs. Anong problema niya?

"What?"

"You and Oliver are now trending again at twitter. Pang 4 spot kayo ngayon araw." Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya. Nagkatinginan kami ni Oliver but he doesn't even had any reactions in his face. Samantalang ako ay hindi makapaniwala.

"Meron daw isang vlogger na nag-post sa youtube na umamin ka raw Oliver na magjowa na raw kayong dalawa. Take note, nakaakbay ka raw kay Jamilla habang umaamin ka." Napatakip ako ng bibig.

Isa lang ang hinala ko kung sinong vlogger iyon, Si Messa. Gosh, hindi manlang ako nag-iisip na baka i-post niya iyon sa youtube. Hala, anong gagawin ko na halos marami na nakakaalam na girlfriend ako ni Oliver. Ang t*ng* ko talaga.