webnovel

Broken Trust | Completed

"I don't believe in promises but when you came into my life, I gambled. Eventually, natauhan akong mali pala na itinaya ko nang buong-buo ang tiwala ko sa iyo." -Jamilla Pagdating sa mga lalaki, may trust issues si Jamilla Mae Aravello dahil sa pag-iwan ng tatay niya sa kanilang pamilya noon. But when Oliver Ethan Lee came into her life, isinugal niya ang tiwala niya dahil sa pag-aakala niyang matinong lalaki si Oliver base sa isang sikat na istoryang binasa niya na isinulat nito, which entitled of I Catch Your Heart. Oliver is a famous mysterious author in the Philippines, at ang istoryang isinulat niya ay ang kinaadikan ni Jamilla. Isang istoryang totoong nangyari kay Oliver with his past girlfriend, named Angel. Naputol lang iyon dahil sa hindi inaasahan pangyayari na dahilan ng pagkamatay ng girlfriend niya. Masakit at nahirapan si Oliver para tanggapin iyon. However, when he met Jamilla. Ang kasiyahang hinahanap niya katulad noon sa past-girlfriend niya ay sa dalaga niya natagpuan. Pipilitin niyang magmahal muli at kalimutan si Angel. Bagong istorya ang isusulat niya kasama si Jamilla pero mabilis din natapos ito dahil sa maling nagawa niyang hindi niya ginustong mangyari. Dahil sa maling nagawa niya, puno ng pagsisisi ang dala-dala niya sa huli. - Follow me on Wattpad: Nick_Black02 Mas active po ako doon kaysa dito. Doon naka-published lahat ng stories ko po. :)))))

Nick_Black02 · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
71 Chs

Chapter 26

Chapter 26: Boyfriend?!

Nang pagkatapos namin kumain ng tanghalian ay naisipan nilang libutin ang buong bahay namin. At dahil I'm one of the owner of this house, they make me as their tour guide. Ang dami nilang alam, ayaw na lang libutin itong bahay namin nang sarili na lang nila, hindi 'yon kailangan ko pa silang i-tour. Arte.

Nang pagkarating namin sa favorite spot ni Mama sa bahay na ito, which is 'yon Garden, I'm too suprise when I saw how vivid and tidy the flowers is. Last time na nagbakasyon kami dito ay wala ng mga bulaklak at mga cactus na natira dito, halos lahat ay nasira na dahil hindi na naaalagaan ni Mama. Pero nagulat ako nang nagkaroon muli, at mas nagulat ako nang makitang lahat ng paboritong bulalak ni Mama is all already here.

Kung makikita niya 'to, I'm pretty sure she's super happy pero hindi ko alam kung magiging masaya din siya kapag nalaman niyang si Papa ang may gawa ng lahat na ito.

-

Nang pagkatapos namin maglibot ay tinawag ako ni Tita Bella para raw gumawa ng Puto Cheese, pumayag na ako kasi besides sa wala akong magawa rito sa bahay ay gusto ko rin tumulong sa kanila.

"Where are you going?" Papalabas na sana ako ng bahay nang biglang sumulpot si Oliver sa harapan ko. Nakita ko siyang may hawak na kape, siguro nanghingi siya ng hot water kay Tita.

"Gagawa ng puto." Sagot ko at nilagpasan ko na siya sa paglalakad.

-

Everyone look so busy today when I came here in my Tita bella's house, halos lahat sa kanila ay may ginagawa, miski sa labas o sa loob ng bahay. Itong bahay kasi ni Tita Bella ay pinag-o-orderan ng mga pagkain, katulad ng mga pansit, pansit malabon, pansit palabok, shan hai, lumpiang gulay, puto and ect. Dahil fiesta na bukas ay maraming um-order sa kanila, siguro mamayang gabi ay sobrang pagod na pagod si Tita.

Habang papasok na ako sa bahay ni Tita Bella ay halos nasa akin ang tingin ng mga tao na nagluluto or kahit mga bata. There's something wrong with me? May dumi pa ako sa katawan?

Pumunta na ako sa kusina at hindi na pinansin ang mga tao na nakatingin sa akin. Weird.

"Ikaw na ba ang anak ni Milla?" Tanong ni Kuya Remy. Trabahador siya ni Tita Bella kaya kilala ko siya.

"Opo." Magalang kong sagot.

"Eh 'yan kasama mo? Sino 'yan?" Huh? May nakikita ba siya na hindi ko nakikita? Wala naman akong kasama. Nakakapagtaka.

"Sino po?"

"'Yan nasa likod mo." Agad akong tumingin sa likuran ko. Nagulat ako nang makitang nandoon si Oliver. Gosh, he followed me here. Bahagya niya akong binigyan ng nakakalokong ngiti.

"Anong ginagawa mo rito?"

"I just want to help you." Sabi niya sabay higop ng kape na hawak niya.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo."

"Iha, sino nga 'yan bagong salta na 'yan?" Napatingin ulit ako kay Kuya Remy.

"Si Oliver po. Kaibigan ko po."

"Hello po." Nakipagkamay naman si Oliver at tinanggap naman ito ni kuya Remy.

"Alam niyo, d'yan din kami nagsimula ng asawa ko, kaibigan lang daw kami tapos hanggang nagustuhan na namin ang isa't isa."

"Hindi po mangyayari sa amin 'yon." Sabat ko.

"Aysus, malay mo kayo rin pala ang magkakatuluyan. O s'ya magluluto pa ako ng pansit. Maiwan ko na kayo d'yan." Naglakad na siya palabas ng bahay ni Tita. Jusko, kahit lumipas pa maraming kalamidad na mangyayari, never kong magugustuhan si Oliver and I guess gano'n din siya sa akin.

Pagkatingin ko sa lamesa kung saan ako gagawa ng puto ay lahat ng ingredients and materials na kakailanganin ko ay nandito na.

Nang pagkaupo namin sa upuan ay nagsimula na ulit akong asarin ni Oliver. Bakit kasi sinabi pa ni Kuya Remy 'yon? Gosh! Baka hindi na naman ako tigilan ng Mokong na 'to.

"Ang lupit ni Sir 'no? nahulaan na niya agad ang future natin dal'wa." Did he know what he was saying? Hays. Nang-iinit ang ulo ko. Jusko.

"Look, It would never be happened."

"Sabi nga ni Sir, malay mo."

"Gosh! Just leave me alone here, ginugulo mo lang ako eh."

"Sige, titigil na ako." Sabi niya sabay yuko sa lamesa. Good boy. Mabuti't madali siyang kausap ngayon.

-

Nang matapos kong gumawa ng puto ay tinulungan ako ni Oliver na ilagay lahat ng iyon sa steamer, actually maraming puto ang nagawa namin kaya tatlong steamer ang kakailanganin.

I started to steam the puto for 10 minutes in a low heat, kaya ngayon ay nakaupo lang kami ni Oliver at naghihintay. Sa totoo lang, ang kulit nga niya kanina, pinipilit ko siyang bumalik sa resthouse namin pero ayaw niya talaga.

"Alam mo, nakaabot na tayo dito sa Laguna, hindi mo pa rin sinasagot 'yon tanong ko."

"Huh? Ang alin?" Wala naman siyang tinatanong sa akin sa Manila. Nakaka-confuse naman.

"Kung paano ka natutong mag-bake?"

"Ay, oo nga 'no. Ganito kasi 'yon, tinuruan ako ni Papa when I was 5 years old." Nanglaki bigla ang mga mata niya, siguro nagulat. Mukha bang kagulat-gulat 'yon sinbi ko? Tsk.

"Ang aga naman."

"Oo, pero hindi ibig sabihin no'n ay agad akong natuto. Pinag-workshops pa ako ni Mama every summer and at the same time nanonood din ako ng tutorial videos, sobrang nakakatulong talaga 'yon sa akin. Sa katunayan nga, gusto kong magpatayo ng bakery shop someday tapos matitikman ng maraming tao 'yong sarili kong gawa. Hays, I can't wait to catch it up." Masaya kong papaliwanag sa kanya, baking is my first love kaya kapag ito ang pinag-uusapan, buhay na buhay talaga ang mga dugo ko sa katawan.

"Tapos, ako 'yong unang customer mo?"

"Sige ba!"

Nang pagkatapos kong magsalita ay sakto naman na tumunog ang timer na sinet ko kanina, ibig sabihin no'n ay tapos na ang 10 minutes.

Dahan-dahan kong tinanggal 'yon takip ng steamer. Inilayo ko muna ang mukha ko dahil sa usok na nilalabas nito and after that, Oliver's helping me to remove the puto from it and put it on the tray.

Pagkatapos, we have to wait a couple of minutes para hinatayin maging cool 'yong puto before removing from the silicone cup.

-

I guess it's already 5:30 nang matapos kami sa ginagawa namin. Kaya ngayon ay naglalakad na kami pabalik ng bahay.

"Anong kinakain mo?" Tanong ko sa kanya.

"Puto, obviously."

"Kumuha ka?!"

"Oo, ang sarap ng gawa mo eh. You want some? 4 ang kimuha ko." Ang lakas ng loob niya. Mabuti't hindi 'yon bilang ni Tita.

"Ang kapal ng mukha mo pero pahingi." Saad ko at kumuha ng isa sa kamay niya. Bahagya akong napangiti ng matikman ko ang lasa nito. Tama nga si Oliver, masarap nga. "Pahingi pa!" Kukuha ulit sana ako sa kamay niya ngunit bigla niya itong inilayo sa akin.

"Ayoko!" Mas lalo niyang inilayo ang kamay niya mula sa akin ngunit pilit ko rin naman itong inaabot.

"Ang damot mo!" Sigaw ko sa kanya. Napasimangot na lamang ako nang kainin niya lahat ng puto na hawak niya. Hays, nakakabwiset eh. Iniwan ko siya at naglakad na muli papuntang bahay.

Nang pagbukas ko ng pinto ay sakto naman palabas na sila Claire, Jess at Aivin. Pansin ko rin na they are all wearing a jackets at halata sa kanila na paaalis sila.

"Where are you Guys going?" I asked.

"Manonood kami ng program ngayon sa baranggay, sasama kayo? Sabay na lang kayong dalawa ni Oliver. Mauuna na kami eh." Saad ni Aivin. Gosh! Hindi manlang nila kami sinabihan ni Oliver nang maaga para binilisan ko na lang ang paggagawa ng puto at nakapagbihis na. Anong trip nila?

"Sige, una na kayo."

"Bye bes! Had fun later with that guy!" Sabi ni Claire. So weird.

-

"Asaan na ba kasi sila?" Raklamo ko habang naglilibot kami ni Oliver dito sa programa na sinasabi ni Aivin. Kanina ko pa sila tinetext but I didn't receive any reply with them. Argh! Bwiset! Kung prank man 'to hindi nakakatuwa.

"Oh my gosh!! Jamilla ikaw ba 'yan?!" Rinig kong sigaw ng parang isang bakla? Hinanap ko kung saan nanggaling 'yon. Natagpuan kong papalapit na sa akin si Jemervie. He's my elemetery friends here. Aw, nakakatuwa lang kasi kilala niya pa ako.

"Bakla ka! Ang ganda ng kutis ng skin mo. Anong ginagamit mo?" Luh? Hindi manlang nag-hello muna bago punain 'yon balat ko. Jusko.

"Regular soap lang naman."

"Talaga?! 'Bat 'yong akin hindi flawless at hindi young looking skin katulad ng sa 'yo? So unfrair!" Maarte niyang reklamo.

"You don't have to feel envious with my skin. If fact, the important is you are still beautiful but... in your own little way."

"Wow! Straight english. Pero teka nga lang? Grabe ka sa akin, in your own little way talaga?!"

"Joke lang 'yon, beh! Maganda ka 'no. And look at your body, so sexy!" Lantad na lantad na talaga itong si Jemervie, kahit hindi siya tunay na babae ay nag-cra-crop top pa rin siya. Hays, isa ito sa nagustuhan ko sa kanya, sobrang maconfiedence talaga niya, unlike me, may times na may confidence ako sa sarili ko but most of the times ay nawawalan.

"Well sexy talaga ako, Ipasa mo na sa akin ng korona! Dali!" Nagkunyari akong may hawak na korono at bahagyang nilagay sa ulo niya. Loka-loka talaga siya.

"Hahahaha." Sabay namin tawa dahil sa ginagawa niya.

"Wait, let's take a selfie." Saad ko at kinuha ang phone ko sa purse ko. Gusto kong magkaroon kami ng pictures together para pandating ng panahon ay makakapag-throwback ako with him.

Lagpas sampu rin ang shots ng selfies naginawa namin bago tumagil, ito kasing si Jemervie iba't ibang post ang ginawa.

"Oh my gosh! Sino siya?" Napatingin ako sa tinuro niya. At napagtanto ko na si Oliver pala ang tinutukoy niya.

"He's Oliver my-"

"Her boyfriend." Malamig na singit ni Oliver sa amin. What did he say? Boyfriend?

"Huh? No, no! He-" Itatama ko na sana 'yon sinabi ni Oliver ngunit tinakpan niya ang bibig ko, hindi lang tinakpan kundi umakbay pa siya sa akin bago tinakpan ang bibig ko. Gosh! Para-paraan lang yata siya para lang maakbayan ako. But infairness, ang bango ng kili-kili niya.

"Ay, ikaw pala 'yong bagong salta na pinagguguluhan ng mga dalagang kababaihan dito sa baranggay namin. Ang gwapo mo pala sa malapitan. Can I add you and accept me as your friend at your facebook account?" Malanding tanong ni Jemervie, as if naman na-i-aacept siya ni Oliver. According kay Claire, 100+ nga lang daw ang friends ni Oliver sa Facebook. Tapos i-aacept pa siya? Isang himala na lang kapag nangyari 'yon.

Speaking of Facebook, hindi pa rin ako nakakapagbukas until now. Hehe, hindi ko trip dahil ang toxic minsan doon and at the same time ayokong malaman 'yong mga issues between me and Oliver. Hays.

"Of course, I will accept you." Weh?

"Oh my gosh! Thank you." Yayakapin niya na sana si Oliver ngunit syempre pinigilan niya ito.

"Stop! No one's can hug me, except Jamilla." What the heck? Anong klaseng trip 'tong ginagawa niya? Ayokong makulong sa trip niyang ito.

"Ay, sorry. Nakalimutan ko. Thank you Oliver and sa 'yo din, Jamilla. Bye!" Umalis na siya sa harapan namin kaya inalis na rin ni Oliver ang kamay niya sa bibig ko.

I frowned. "What did you say recently?!"

"Look, I'm so sorry kung nabigla ka but I badly need your help. Alam mo naman gwapo 'tong kaibigan mo at sikat pa." Tumigil muna siya at huminga nang malalim."Pwedeng mag-pretend ka ng girlfriend kita? Fo this night lang naman. Can I?"

"What? Alam mo na naman siguro ang sagot ko kaya no need to answer that." Ngumiti siya nang mapalad.

"It's a yes?"

"No!"

"Yes, it's a Yes!"

"No nga kasi!"

"Please na! Nakita mo naman kamuntikan na ako yakapin no'n kaibigan mo. Ayoko ng maulit." Napatingin ako sa kanya.Tama nga siya. Wala naman sigurong mawawala sa akin kapag pumayag ako, pero ang sensitive naman, tanging hug lang naman 'yon, ayaw niya pang ibigay. Selfish naman.

"It's just a hug! And hindi naman big deal 'yon."

"Gusto ko ang taong mahal ko ang unang makakayakap sa akin." Mas lalong lumalim ng tingin ko sa kanya. Don't assume Jamilla na ikaw 'yon. Argh!

"Hindi ka pa ba nayayakap ni Angel? 'Di ba mahal mo 'yon?"

"She's my first love and we're just too young for doing that, kaya hindi ko rin siyang nagawang yakapin at mahalikan." Pagpapaliwag niya.

"Ang OA naman nito," bulong ko sa sarili. "Family mo? Impossible naman kung hindi ka pa nila nayayakap?"

"Except them, syempre iba 'yong love ko sa kanila at 'yong love ko sa babaeng papakasalan ko."

"Sige na nga. Pumapayag na ako."

"Alright!" Nagulat ako sa sunod na nangyari, naramdaman ko na lang na nakahawak ang kamay niya sa likuran ko habang nakadikit ang katawan ko sa kanya. Gosh! Niyakap niya 'ko. Akala ko ba taong mahal niya ang gusto niyang unang makayakap sa kanya pero bakit niya ako niyayakap ngayon?

Naramdaman kong bahagya niyang inilayo ang katawan niya sa akin. "Sorry, sorry. Nabigla ako. Sorry talaga." Paulit-ulit niyang apologize sa akin.

Hindi na ako nakaimik pa dahil hanggang ngayon ay gulat pa rin sa ginawa niya. Pero mas lalo akong nagulat ng kunin niya ang isa kong kamay at bahagya itong hinila.

Napahawak ako bigla sa parte ng dibdib ko kung nasaan ang puso ko, sobrang bilis ng tibok nito ngayon. Tibok na kakaiba at minsan ko lang maramdaman. I know this is not a love, this is just an infatuation. Swear.