webnovel

Broken Trust | Completed

"I don't believe in promises but when you came into my life, I gambled. Eventually, natauhan akong mali pala na itinaya ko nang buong-buo ang tiwala ko sa iyo." -Jamilla Pagdating sa mga lalaki, may trust issues si Jamilla Mae Aravello dahil sa pag-iwan ng tatay niya sa kanilang pamilya noon. But when Oliver Ethan Lee came into her life, isinugal niya ang tiwala niya dahil sa pag-aakala niyang matinong lalaki si Oliver base sa isang sikat na istoryang binasa niya na isinulat nito, which entitled of I Catch Your Heart. Oliver is a famous mysterious author in the Philippines, at ang istoryang isinulat niya ay ang kinaadikan ni Jamilla. Isang istoryang totoong nangyari kay Oliver with his past girlfriend, named Angel. Naputol lang iyon dahil sa hindi inaasahan pangyayari na dahilan ng pagkamatay ng girlfriend niya. Masakit at nahirapan si Oliver para tanggapin iyon. However, when he met Jamilla. Ang kasiyahang hinahanap niya katulad noon sa past-girlfriend niya ay sa dalaga niya natagpuan. Pipilitin niyang magmahal muli at kalimutan si Angel. Bagong istorya ang isusulat niya kasama si Jamilla pero mabilis din natapos ito dahil sa maling nagawa niyang hindi niya ginustong mangyari. Dahil sa maling nagawa niya, puno ng pagsisisi ang dala-dala niya sa huli. - Follow me on Wattpad: Nick_Black02 Mas active po ako doon kaysa dito. Doon naka-published lahat ng stories ko po. :)))))

Nick_Black02 · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
71 Chs

Chapter 25

Chapter 25: Welcome to Baranggay Matino

Disclaimer: Wala pong Baranggay sa Laguna na ang Pangalan ay Matino, sa madaling salita, ako mismo ang nagbigay ng pangalan na ito at tanging kathang-isip lang ang maaari kong isulat tungkol sa baranggay na ito. 🙂

-

Thursday na, wala naman kakaibang nangyari sa mga araw na lumipas. Si Oliver ay kina-career na talaga ang ang pagsundo sa akin tuwing umaga at ang paghatid naman sa akin tuwing hapon sa bahay, until now, hindi ko pa rin alam kung anong purpose, kung bakit ginagawa niya 'yon. Ang swerte nga niya kasi every morning ay nakakalibre siya ng breakfast kila Mama.

Aside from that, akala ko tumigil na si Rence sa pagiging secret admirer ko pero hindi pa pala, kasi no'n tuesday ay nagparamdam at nagbigay na naman siya ng mga pagkain, nagulat nga ako kahapon kasi binigyan niya ako ng mga stuffs. Sinabihan ko siya na huwag na niya ulit gagawin iyon, kuntento na ako sa mga pagkain na binibigay niya sa akin, nakakabusog pa kaysa naman sa mga materyal na bagay na baka ma-stock lang sa bahay. Mabuti't pumayag siya.

Halos lahat kami ng magkakaibigan ay nandito na sa tapat ng bahay nila Claire, dito raw kami magkita-kita sabi ni Aivin. Actually, dahil hindi alam ni Oliver ang bahay ni Claire ay pumunta pa siya sa amin para sabay na raw kami pumunta rito.

We were just waiting for Jess para makaalis na kami papuntang Laguna.

Mabuti nga at pinayagan ako nila Mama at Kuya na pumunta sa Laguna kahit na two days akong hindi makakapasok at kahit hindi ko sila makakasama. To be honest, tuwing bakasyon na pumupunta kami do'n ay kinakabahan ako kasi tuwing nakikita ko ang bahay namin do'n, I've always remember the bad memories na binuo ng tatay ko. Do'n kasi nabuo ang pamilya namin at do'n din nasira.

"Ayan na si Jess!" Sigaw ni Aivin. "So, let's go?"

"Let's go!" Sigaw naming tatlong mga babae pwera lang kay Oliver na pinapanood lang kami. Hahawakan ko na sana 'yong dalawang bag na dala ko para bitbitin papuntang kotse ngunit bigla itong inagaw sa akin ni Oliver.

"Ako na magdadala." Cold niyang saad at pumunta na sa kotse.

"Yie, napaka-gentlemen naman ni kuya Oliver." Tinanggil ako ni Jess sa braso bilang pang-aasar.

"Sira." Saad ko at nagsimula na rin maglakad papasok ng kotse.

'Yon kotse na sasakyan namin ay ihahatid lang kami hanggang terminal ng bus. Sinabi na rin namin kay Aivin na kung pwede ito na lang gamitin namin papuntang Laguna ngunit sabi niya ay wala raw mapapaparadahan sa bahay at bawal naman sa kalsada iparada. Kaya commute na lang ang gagawin namin ngayon.

-

Nang pagkarating namin sa Terminal ay nagpaalam na agad kami sa driver ng kotse ni Claire. Kotse kasi niya 'yon ginamit namin.

"Sigurado ka ba talaga na ikaw na lang ang magdadala ng mga bag ko?" Tanong ko kay Oliver, may dala rin kasi siyang sariling bag.

"You don't have to worry about me."

"Hindi ako sa 'yo nag-aalala, kundi sa mga bag ko, baka kasi mailaglag mo po. Ang assuming mo naman eh. D'yan ka na nga!" Sumabay ako kila Claire maglakad at iniwan si Oliver sa likuran namin. Rinig ko pa siyang may binulong pero hindi ko na ito pinansin pa.

"Sungit. Psh."

-

We're so very thankful dahil walang masyadong pila 'yon bus na papuntang Laguna. Hays, mabuti naman at hindi ako ma-ha-hagard.

Nang pagkapasok namin sa loob ng bus ay agad akong umupo sa tabi ng bintana. Nagulat ako dahil bigla rin umupo sa tabi ko si Oliver, pero hindi ko na lang ito pinahalata sa kanya.

"Pwede ko na ba makuha 'yan mga bag ko? Para ako na lang humawak?" Tanong ko sa kanya. Hindi na lang niya ako sinagot bagkus ay ibinigay na niya sa akin 'yon mga bag ko.

Hindi pa umaandar ang bus ay nakaramdam na agad ako ng antok. Almost 2 hours rin naman ang biyahe namin kaya naisipan kong isandal ang ulo ko sa bintana para do'n itulog muna ang sarili ko. Maaga kasi ako nagising kanina, kaya ngayon ako ay inaantok.

-

"Tigel Girl, wake up." Napamulat ako mula sa balikat ni Oliver. Wait? Pagkakaalam ko sa bintana ako sumandal at hindi sa balikat niya? Paanong nangyari 'yon? "Ayusin mo na sarili mo. Sabi ni Aivin, malapit na raw tayo. And kung nagatataka ka kung bakit ka nasa balikat ko, inilagay kita, baka kasi mauntog 'yan ulo mo 'pag biglang nag-preno." Concern? Eh?

Aksidente kong nahawakan ang tabi ng labi ko. Bigla akong kinabahan dahil naramdaman kong may basa rito. Omg! Tumulo yata 'yong laway ko habang natutulog. I immediately look at Oliver's sholder and it's made me more shocked. Nakita kong may basa rin dito. Gosh! Tumulo 'yon laway ko sa balikat ni Oliver. Sana'y hindi niya ito mapansin dahil sobrang nakakahiya. Nakapakababoy ng ginawa mo Jamilla. Jusko.

Nang pagkababa namin ay tahimik lang akong nakasunod sa kanila habang dala-dala ni Oliver ang mga bag ko. Kinakabahan pa rin kasi ako na baka may makapansin ng basa na nasa damit sa may balikat ni Oliver. Gusto ko man tanggalin 'yon but I don't have powers to do that. Naku. Bakit kasi tumulo pa 'yon laway ko?

-

As usual, kahit sa tricycle ay katabi ko pa rin si Oliver. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niyang makisama sa mga kaibigan ko. Hindi 'yon lagi na lang siya nasa tabi ko.

Nang pagkarating namin sa baranggay Matino ay bumungad na agad sa amin ang napagandang mga pandiritas. Buhay na buhay ang mga kulay nito.

Medyo nawala na ang kaba ko nang mapansin kong natuyo na ang laway na nasa balikat ni Oliver. Hays, sobra akong kinabahan do'n. Mabuti naman at nawala.

-

"Tita Bella!" Sigaw ko kay Tita Bella nang pgkarating namin at bahagyang kumaway rito, kumaway rin naman siyang pabalik.

Siya ay nanay ni Aivin at dahil kabit-bahay lang namin siya ay close na kami ever since.

"Ang laki na talaga ng pinagbago ng ganda mo, Jamilla." Nang pagkalapit namin rito ay ito agad ang sinabi niya sa akin.

"Luh. Hindi po." Nahihiya kong saad.

"Ito na ba ang mga bago niyong kaibigan?" Tanong niya sa amin ni Aivin. We nodded at her as our answer.

"Ang gaganda naman nitong mga bata na ito." Pagpuri niya kila Claire at Jess. Weh? Maganda raw? Haha.

"Actually, tita. Nililigawan po ng anak niyo 'yon isa d'yan." Bigla naman kunwaring inayos ni Claire ang buhok niya at bahagyang kunwaring inubo. Para-paraan lang para mapansin ni Tita.

"Alin? Ito?" Turo niya kay Jess.

"Ay hindi po, 'yon isa po." Tinuro ko si Claire gamit ang daliri ko. Si Tita talaga, nagpapansin na si Claire eh.

"Ikaw Aivin, maganda talaga ang pinili mo ah."

"Hindi lang siya maganda, masaya rin kasama." Tugon ni Aivin kay Tita Bella. Kita kay Claire kung paano ito magpigil ng kilig dahil sa sinabi ni Aivin. Namumula kasi ang mga pisngi nito.

"Naku, naku. Iha, 'pag sinagot mo 'tong anak ko, huwag na huwag ka magbibigay ng rason para magselos 'yan. Sobrang seloso pa naman nito. At lagi mo siyang babatiin ng good morning or good evening dahil minsan nag-o-over think na 'yan na kesyo baka galit ka raw." Hindi maipaliwanag ang mukha ni Aivin ngayon. Siguro nahihiya siya sa mga sinasabi ng nanay niya.

"Ma!" Suway niya sa rito.

"Oh, bakit? Talaga naman, ah?"

"Huwag niyo na po sabihin sa kanila." Hindi na ito pinansin ni Tita dahil dumako bigla ang tingin niya kay Oliver.

"Sino naman 'tong gwapong tisoy na 'to?"

"Boyfriend po ni Jamilla." Sabat ni Jess. Nilakihan ko siya ng mga mata but she just give me a crazy smile. Batukan ko kaya 'tong babaeng 'to. Bakit hindi manlang siya nahiya kay Tita Bella? Hindi ko inaasahan na sasabihin niya 'yon dahil nga mahiyain siyang tao.

"Huh? Talaga?" Gulat na tanong sa akin ni Tita.

"Hindi po totoo 'yon." Depensa ko. Jess, lagot ka sa akin mamaya, babatukan kita.

"Gwapo naman ito ha at mukhang mabait." Tita, tulad nga po ng sabi mo, mukha lang na mabait siya. Kaya ibig-sabihin hindi po totoo ang unang impression mo kay Oliver. "At bagay naman kayo." Dagdag niya pa. Luh. Jusko.

"Thank you po." Pasasalamat ni Oliver kay Tita.

"O s'ya, maglilinis pa ako. Do'n na lang kayo matulog mamayang gabi sa bahay nila Jamilla, dahil maluwag do'n." Naglakad na siya paalis sa amin at pumasok na sa loob ng bahay nila kaya naman agad kong pinagsabihan itong si Jess.

"Walanghiya ka Jess. Baka anong isipin ni Tita eh." Reklamo ko.

"What I want to mean for is Boy na friend. Depende na lang kung anong gustong isipin ng Tita mo."

"E di, dapat 'yon 'yong sinabi mo!"

"Haha, chill ka lang." Saad naman ni Claire.

"Huwag kang defensive, Girl. Baka mahalata ng katabi mo."

"Ewa—"

"May bahay pala kayo rito." Biglang salita ni Oliver. May advantage talaga everytime na sumisingit siya sa usapan namin kasi nagagawa niyang mapatahimik sila.

"Oo.. That is." Tinuro ko 'yong bahay namin gamit ang daliri ko. Nagsimula na kong maglakad at nakasunod naman sila sa akin. 'Yon bahay namin dito ay hindi gano'n kaliit ngunit hindi rin gano'n kalaki, pero may second floor siya.

Habang papalapit kami, unti-unti kong na ulit naaalala 'yong pag-iwan ng papa ko sa amin, 'yong pag-iyak ni Mama gabi-gabi, 'yong dating saya na nararamdaman ng isang pamilya na sinira ng isang tatay. This house is very important to my mom and to my dad as well. Pinag-ipunan talaga nila ito, mabuti nga, kasi kahit gano'n 'yon nangyari ay hindi pa rin nila itong naisipan ibenta.

"Are you you okay?" Usisa sa akin ni Oliver. I just nodded at him and gave my deep smile. Hindi ko kayang ngumiti nang totoo sa ngayon.

Pagkapasok namin ay agad nilang nilibot ang kanilang mga paningin.

Nagulat ako nang makitang may mga sapatos na nakalagay sa sahig, sa tabi ng pintuan. Kanino 'tong mga 'to?

"Guys, punta muna tayo sa magiging kwarto natin." Saad ko at nagsimula nang umakyat sa hagdan.

Nang pagkarating namin sa dating room ko ay agad namin inilapag ang mga bag namin sa kama ko. Hindi naman namin dinala nila Mama 'yong mga mabibigat na gamit dito sa Manila kaya kahit paano ay may gagamitin pa rin kami dito.

"Saan matutulog sila Oliver?" Tanong sa akin ni Claire.

"Oo nga pala, dito ka ba sa bahay namin matutulog Aivin?"

"Yes." Sagot niya.

"Do'n na lang kayo sa kwarto ni kuya before." Nakangiti kong saad. Kaya lumabas na sila sa kwarto namin at pumunta sa kabilang kwarto. Isang pader lang naman agwat ng layo ng kwarto nila sa amin eh.

"Girls, sandali lang, kukuha lang ako ng kumot." Um-oo sila sa akin bago ako lumabas ng kwarto. Inaayos kasi nila 'yong mga damit nila at mga gamit na dala nila.

Dahil nasa kabinet ng dating kwarto nila Mama 'yon mga kumot ay pumunta ako rito. Nang pagbukas ko sa kabinet ay bigla akong napanganga dahil sa nakikita ko. Bakit may mga damit dito na panglalaki? Wala naman akong natatandaan na may mga damit kaming iniwan dito. Paanong nagkaroon?

Agad akong kumuha ng kumot at agad ko rin itong binigay sa mga kaibigan ko. Hindi na ako nagdalawang-isip pa para pumunta kay Tita Bella. I was so very confused right now and I want to get the answer behind it. Nandito ba si Papa?

"Tita Bella!" Tawag ko kay tita sa labas ng bahay nila at agad din naman siyang lumabas.

"Kanino po 'yong mga damit na nasa kwarto nila Mama? At 'yong mga sapatos po?" Napapakagat ako ng lower lip dahil sa kaba, ang lakas ng pakiramdam ko na kay Papa lahat ng iyon.

"Uhm.. Ineng, kasi halos araw-araw dumadalaw rito ang Papa mo."

"B-bakit daw po?"

"Gusto niya raw mapanatili ang linis ng bahay niyo para kahit dito manlang ay makabawi siya sa inyo." Pero hindi na kami rito nakatira at mukhang wala na rin kaming balak pang tumara rito. Hindi niya kailangan bumawi pa sa amin dahil wala ng saysay para gawin niya 'yon.

"Alam mo tuwing pumupunta siya rito, lagi niyang sinasabi sa akin na nagsisisi raw siya kung bakit niya kayo iniwan, kung bakit niya nagawang saktan kayo at kung bakit pinili niyang magkaroon ng bagong pamilya. Jamilla.. Mahal pa rin kayo ng Papa mo, pero hindi niya alam kung paano niya maiiparamdam sa inyo." Anong dapat kong i-react? Nasaktan kami nila Mama no'n iniwan niya kami pero alam kong masakit din sa part niya na ginawa niya 'yon. Kung nagsisisi man siya at kung gusto man niyang bumalik ulit sa pamilya namin ay 'wag na, kasi we're now okay already, at ayokong maramdaman din ng bago niyang pamilya ang sakit ng naramdaman namin noon.

Tulad ng nasa isip ko ay hindi ko inaasahan na itinanong din ito sa akin ni Tita Bella.

"'Pag bumalik ba ulit ang Papa mo, tatanggapin niyo pa ba?" Mga ilan segundo pa ang lumpias bago ako nakasagot sa kanya.

"Hindi na po." Nakangiti kong sagot sabay naglakad ulit pabalik sa bahay namin.