webnovel

Broken Trust | Completed

"I don't believe in promises but when you came into my life, I gambled. Eventually, natauhan akong mali pala na itinaya ko nang buong-buo ang tiwala ko sa iyo." -Jamilla Pagdating sa mga lalaki, may trust issues si Jamilla Mae Aravello dahil sa pag-iwan ng tatay niya sa kanilang pamilya noon. But when Oliver Ethan Lee came into her life, isinugal niya ang tiwala niya dahil sa pag-aakala niyang matinong lalaki si Oliver base sa isang sikat na istoryang binasa niya na isinulat nito, which entitled of I Catch Your Heart. Oliver is a famous mysterious author in the Philippines, at ang istoryang isinulat niya ay ang kinaadikan ni Jamilla. Isang istoryang totoong nangyari kay Oliver with his past girlfriend, named Angel. Naputol lang iyon dahil sa hindi inaasahan pangyayari na dahilan ng pagkamatay ng girlfriend niya. Masakit at nahirapan si Oliver para tanggapin iyon. However, when he met Jamilla. Ang kasiyahang hinahanap niya katulad noon sa past-girlfriend niya ay sa dalaga niya natagpuan. Pipilitin niyang magmahal muli at kalimutan si Angel. Bagong istorya ang isusulat niya kasama si Jamilla pero mabilis din natapos ito dahil sa maling nagawa niyang hindi niya ginustong mangyari. Dahil sa maling nagawa niya, puno ng pagsisisi ang dala-dala niya sa huli. - Follow me on Wattpad: Nick_Black02 Mas active po ako doon kaysa dito. Doon naka-published lahat ng stories ko po. :)))))

Nick_Black02 · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
71 Chs

Chapter 18

Chapter 18: Is it a Good News or a Bad News?

Simula no'n nangyari kanina hindi ko na kinausap pa si Oliver though he was talking to me but still, hindi ko pa rin siya pinanapansin, parang nga siyang baliw salita nang salita pero hindi aware na ayoko siyang kausapin.

Kapag naiisip ko talaga 'yong nangyari kanina ay hindi ko maiwasan mangdiri, hindi ko magsisisi ang sarili ko kasi that's my first direct kiss at 'pag sinabing first na nangyari sa buhay mo ay parang nagiging memorable na ito sa isipan mo, I had no choice, so kailangan ko talagang tiisin. Bakit kasi sa kanya pa?

By the way, umalis na 'yong mga kaibigan ko at umalis na 'yong walang hiyang Oliver na iyon. Ang kakapal pa nga ng mga mukha nila, iniwan ako pagkatapos ko sila busugin, ni-isa sa kanila wala manlang nag-volunteer na tulungan ako sa paghuhugas ng mga plato at ng mga pinaggamitan ko. I don't even really feel if they're my true friends or they just want to mess up with me?

-

Inis akong nakarating ngayon sa harap ng bahay ng bago namin neighbor, they do not have a gate so straight ahead.

Kahit inis pa rin ako I still followed my mom's command, imbes na siya ang magbigay nitong banana bread ay ako pa rin pala. She told me, she's can't be able to do this because she's not feeling well, kaya ngayon inis akong nandito. Ayoko naman kasi tumanggi kay mama, kasi magulang ko 'yon, kailangan kong i-respeto 'yong rason niya.

I started to knock and some moments may nagbukas na sa akin. Bigla ako napapikit dahil sa lalaking kaharap ko ngayon. Gosh! He has no wearing a shirt. Ano bang klaseng tao 'to? Hindi muna nagdamit bago buksan itong pinto nila. Sad'yang gusto pang ibalandra 'yong katawan niya sa akin. Kadiri! Ba't ba ang didiri ng mga lalaki ngayon?!

"Wala ka bang pambili ng damit or you just want to show me your body. Aba! 'Wag bastos, boy!" Sigurado ako kung sa ibang babae ito nangyari, halos iluluwa na nila ang kanilang mga mata at siguradong they will gonna salivate, duh! unlike me na sobrang nangdidiri.

"Sorry." Rinig kong saad niya. Naramdaman kong pumasok ulit siya sa loob, siguro para suotin 'yong damit niya."You can now open your eyes again."

Minulat ko na ang mga mata ko. Inirapan ko siya at hinawi ang magandang kong bangs. Nakisali pa kasing itong taong 'to sa inis ko ngayon.

"Sa susunod, before you open your main door just make sure you are wearing a shirt. Nakakabastos kasi, kung sa ibang babae nagagawa mo 'yan pwes 'wag mo 'kong idamay sa kanila? Okay?" Madiin kong sabi. "'Di ako katulad nila na madadaan lang sa mga katawan, wala akong interest sa mga gan'yan 'no." Dagdag ko pa. Sorry siya, hindi maganda ang araw ko ngayon kaya madadamay pa siya sa init ng ulo ko.

He nodded then he speaks. "Prince Alvarez nga pala pangalan ko." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Bakit siya nagpapakilala?

"What? Sorry? Even your name, I'm not interested, too." Hay naku. Gusto ko man maging nice sa kanya kaso parang 'di ko magagawa 'yon.

"Pero ako interesado sa 'yo. Ano pangalan mo?" He said then he nictitate to me. Is this kalandian niya? Masyado siyang mabilis, hindi siguro uso sa kanya ang salitang 'mahiya'. Ang init-init na nga ng ulo ko mas lalo pa niya pinapaiinit.

"Hey? I'm just came here to give this food for your family bilang pag-welcome sa inyo hindi para magpakilala sa 'yo. 'Andyan ba sila? Ibibigay ko lang ito. After no'n ay uuwi na ulit ako." Sumilip-silip ako sa loob ng bahay nila para hanapin ang pamilya niya pero ni-anino wala akong makita. Baka siya lang mag-isa ang nakatira dito.

"Wala akong kasama rito." Tumigil ako sa pagsilip dahil sa sinabi niya. Tama nga ako, siya lang.

"Ah okay, ito oh, pinabibigay ni Mama." Inilahad ko sa kanya ang hawak ko ngunit hindi niya ito pinansin at mas lalo akong tinitigan nang deresto.

"Ano kasi pangalan mo?" Pangungulit pa niya.

"Why do you want to know my name? Give me a reason."

"P-para naman m-magkaroon ako ng k-kakilala dito. Bago pa lang ako rito, eh." Pabulol-bulol niyang saad. May point naman siya but based on the way he answered, I'm wasn't convinced. Para kasing hindi totoo.

"Hindi mo 'ko nakumbinsido, so still I do not give to you my name. Alam mo kung ako sa 'yo, kukunin ko na itong banana bread kasi bagay na bagay ito sa 'yo, nakakapagbigay ito ng hiya sa katawan." Tiningnan niya lang ng ilan segundo 'yong banana bread na hawak ko bago ulit siya tumingin sa akin at nagsalita. Psh. Wala ba talaga siyang balak kunin ito? Utang na loob kunin na niya para makauwi't makapagbasa na 'ko. Nakakabawas siyang oras ko, eh.

"I will not take it until you say your name first." Ngumiti siya sa akin nang pang-aasar. Kung iniisip niya na naasar ako sa sinabi niya, pwes mali siya, hindi ako naasar dahil meron biglang nag-pop sa utak ko para barahin siya.

"Gano'n?" Ngumiti rin ako nang pabalik sa kanya kahit sa utak ko ay nililibing ko na siya ng buhay. Nakakainis kasi talaga, I must be now at home and relaxing with reading a book while drinking hot chocolate. But I'm in reality, so nandito pa rin ako at nakikipagtalo pa sa kanya. Gosh.

"Oo, gano'n. Kaya you should to tell me your name first."

"Ah kung gano'n, e di pulutin mo rito sa lapag." Binaba ko 'yong banana bread at nilagay ito sa lapag, hindi naman siya madudumihan since nakaplato siya. Thanks to you Oliver, ginaya ko lang ang ginawa mo sa akin yesterday na nilagay sa lapag 'yon phone ko.

I started to walk back in our house but after a few steps I turn around again at him 'cause I forgot to say welcome.

"Welcome here in our subdivision. Nawa ay maging masaya ka." Tumalikod na muli ako at ipinagpatuloy ang paglalakad. Narinig ko pa siyang nagsalita ng 'Ang taray naman, nagtatanong lang ng pangalan.' Pero wala akong pake at umarteng walang narinig. Uwing-uwi na kasi talaga ako.

Pasalamat siya at iyon ang una kong naisip gawin sa banana bread na 'yon, kung nagkataon lang na hindi iyon ang una kong naisip ay siguradong pinalamon ko na sa mukha niya. Kahit ba na parang nag-aksaya ako ng pagkain. Wala akong pake, at least sa kanya ko nailabas ang galit ko.

-

Halos ilan oras rin ako nagbasa ngayon. Proudly, natapos ko na rin ang story ni Oliver but sadly, sobrang tragic talaga no'n ending, although sinabi na sa akin ni Oliver 'yon kaso hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na hindi umiyak. Tumutusok talaga sa puso ko, eh. 'Yong parang tinutusok ng karayom 'yong puso mo para maiyak ka pa lalo. Gano'n, grabe talaga.

I really admired him for making this story even though sobrang hirap isulat nito para sa kanya lalo na't 'yong ending scene, hindi niya alam kung kailan namatay 'yong past girlfriend niya kaya hindi niya rin alam na iyong na pala 'yong ending nitong libro. Paano kaya niya nagawa 'tong ending? Umiiyak kaya siya? I think so.

Tanging panalangin ko lang sa kanya ay sana bumalik na ulit siya sa dati, based sa nabasa ko ay sobra talaga siyang makulit at ma-effort na tao, hindi 'yong ngayon na ang cold-cold niya.

Sinarado ko na ang libro na hawak ko at niyakap ko ito ng mahigpit. Pinunasan ko na rin ang mukha ko dahil sa luha ko na bumasa rito.

-

"Jamillaaaaa! Bessssssy!!" Isang nakakabinging tawag ang narinig ko nang makarating ako sa school namin. Nakakabwiset! Kailangan pa bang isigaw 'yong pangalan ko, nakakahiya tuloy sa mga nadaan. Kung ano ikinahiya ni Jess ay s'ya naman ikin-ligalig nitong si Claire. "Kanina pa ako naghihintay sa 'yo." Lumapit siya sa akin.

"Why?" Humarap siya sa akin at ngumiti nang pagkalaki-laki. Sa ngiti pa lang niya I know she will tell me something that beautiful or should I say good news. Sana.

"Bes! Si Daenice! Remeber her? 'Yong nakasagutan mo last week?" I will never forget her even more disaster will come. Hindi-hindi ko talaga makakalimutan 'yong mukha niya, umuusok niyang ilong, nanglilisik na mga mata na akala niya'y nakakatakot siyang tingnan, pati na rin 'yong lumalaki niyang mga tenga na konti na lang may lalabas nang apoy. Mas lalong hindi ko makakalimutan 'yong insecure niyang bunganga at ang pagiging Jollibee niya kay Oliver, bida-bida, eh. Kakarating lang niya lang dito ay kumapit agad siya sa braso ni Oliver. Kahit ba na hindi ko nakita pero sinabi naman sa akin ni Oliver.

Isang araw pa lang siya nandirito pero feeling niya boss na siya, oh well, gusto niya pala maging bida kaya she's always making a mess. Paano pa kaya 'pag dumaan pa ang mga araw, siguro hindi ko na mabibilang sa mga daliri ko ang nagawa niyang away na kasama lagi ako, KUNG hindi ako mapapaalis sa school na 'to. Remember, apo siya no'n may-ari kaya malaki 'yong chances na ma-kick out ako.

"Of course, her insecurities behind her. Tsk, I'll not forget it. Ang baho kasi niya." Nag-formed ako ng cross-arm at bahagyang umirap. When I remember what happened clash between me and Daenice, umiinit na agad ang ulo ko, alam kong isang beses pa lang iyon nangyari pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong hindi mainis sa kanya. Pakiramdam ko kasi may kasunod pang pag-aaway. Plus, apo pa ng may ari ng school ang ang uma-away sa akin. What a coincidence.

"Makaganyan ka akala mo, hindi ka takot na mapaalis dito sa school na 'to."

"Hindi. Ako. Natatakot. Kung gusto ni Daenice ako mapaalis, e 'di Go! Magsumbong siya sa lolo niya tutal do'n lang naman siya kumakapit." Inis kong saad at umarte na parang hindi ako natatakot. Yes, I admit na natatakot ako pero mas-matimbang pa rin sa akin na hindi natatakot lalo na't wala naman akong ginawang masama kasi siya ang unang humamon ng away.

"Aww.. Okay? I see. Halata sa mukha mo na hindi ka talaga natatakot."

"Bakit mo ba kasi in-open up pa si Daenice?"

"Hmm.. Actually tungkol sa kanya 'yong gusto kong sabihin sa 'yo."

"Ano?"

"Wala na siya." Seryoso at may kasamang lungkot niyang sabi kaya walang ano-ano ay biglang lumaki ang mga mata ko. Hindi ito pwede, nag-promise ako sa kanya na ikukulong ko pa siya sa kabaong tapos ngayon hindi pala ako ang makakagawa no'n dahil nauna na pala siya. Naku, natakot 'ata kaya nauna na pumunta sa kabaong.

"Patay na siya?!" Biglang tinakpan ni Claire ang aking bibig nang mapansin niyang nakuha ko ang atensiyon ng mga estudyanteng nadaan. Napalakas pala ang pagkakasabi ko. Eh, sino ba naman ang kasing hindi magugulat na 'yong nakaaway mo last week ay ngayon ay patay na.

"Manahimik ka nga! Hindi siya patay. Okay?" She again removed his hand from my mouth.

"Grabe kasi 'yong reaction ng mukha mo kaya akala ko ay patay na siya." Tingnan niya ako nang naka-poker face.

"'Yong sinasabi ko kasi ang paniwalaan mo not my face. Ang slow mo kasi lagi, Bes." Maarte niyang saad.

"Hep Hep.. alam kong slow ako pero 'wag mo nang sabihin pa." Nakasimagot kong saad. "Straight to the point. Pa'nong wala na siya? Umalis na ba siya rito? Or baka naman nag-transfer siya ng ibang school nang kusa kasi natatakot na siya sa akin. Psh. I'm not getting started yet but she's already left. Baduy!" Bakit gano'n? Akala ko siya na 'yong makakatikim ng una't huli kong sampal. Nakakabwiset naman.

"Sira, hindi siya kusang umalis. Lolo niya ang kusang nagpaalis sa kanya rito." My eyes are almost formed as a round. Walang parte sa isipan ko ang naniniwala sa sinabi niya dahil dapat ako 'yong mapapaalis at hindi si Daenice. 'Di ko talaga maintindihan, siya 'yong apo at dapat siya 'yong mag-i-stay pa rito at ako'y isang ordinaryong estudyante lamang dito so it should be me.

Teka nga lang, let me clear kung may connection ba sa pag-aaway namin last friday ito kung bakit siya pinaalis ng lolo niya or baka meron pa siyang ginawang kalokohan that time.

"Bakit daw?"

"Ganito 'yon. Nagsumbong kasi siya sa lolo niya na sinampal mo raw siya and to think about it na ikaw ang kinampihan ng lolo niya kasi mas pinaniwalaan nito 'yong Cctv Camera sa area na pinag-awayan niyo. Daenice had no idea about it, so napatunayan na nagsisinungaling siya."

"Dahil lang do'n? Ang babaw naman ng lolo niya."

"Yes. Kasi si Daenice ay bida ng mga rambulan sa maraming schools kaya hindi siya matanggap-tanggap para pag-aralin pa roon. Her lolo had no choice, kaya pinapasok na niya lang dito kahit ba na gano'n ang ugali ni Daenice. Tapos sabi pa raw ng lolo niya na 'pag nakagawa ng isang gulo o away si Daenice dito ay authomatic iki-kick out siya. Kaya ngayon wala na siya. Dinala raw siya sa London para do'n na lang daq pag-aralin. So, now you're free. Wala nang aaway sa 'yo." Masaya niyang saad. I don't know if I must be happy or sad. Kaka-monday lang ito agad ang bungad sa akin. Nakakainis naman akala ko siya na ang makakaaway ko, 'yon pala ay mawawala rin siya. Hays. Pero 'di bale na at least wala ng magiging Jollibee kay Oliver.

"Ba't ang chismosa mo?" Matawa-tawa kong tanong kay Claire.

"Ano ka ba! Hindi ako chismosa sad'yan I couldn't control my ears so I heard everything what's students chitchat. Lalo na't kasama ka rito."

"Weh?"

"Oo nga! But wait, Bes. You have to see this." Kinuha niya ang bag niya at may kinuha rito sa loob nito. Ano naman ipapakita niya sa akin? "Here!"

Binigay niya sa akin ang isang papel na red at napansin kong may nakasulat dito. Walang gana ko itong binasa.

We're Not Yet Over Jamilla. Hindi mo alam kung kailan ulit ako makakabalik, sisiguraduhin kong pagbalik ko ay mawawalan ka at mapupunta sa akin!

~Daenice Fildon

Should I scared? Siguro paghahandaan niya ito ng sobra-sobra. No'n friday kasi ay kulang pa siya sa prepared. I don't have to worry, kasi alam kong matatalo at matatalo lang siya. 99.99% Sure.

Bahagya akong natawa.

"Hindi ka natatakot? Natatawa ka, eh." Claire asked me.

"Yes, Hindi dapat ako matakot."