webnovel

Broken Trust | Completed

"I don't believe in promises but when you came into my life, I gambled. Eventually, natauhan akong mali pala na itinaya ko nang buong-buo ang tiwala ko sa iyo." -Jamilla Pagdating sa mga lalaki, may trust issues si Jamilla Mae Aravello dahil sa pag-iwan ng tatay niya sa kanilang pamilya noon. But when Oliver Ethan Lee came into her life, isinugal niya ang tiwala niya dahil sa pag-aakala niyang matinong lalaki si Oliver base sa isang sikat na istoryang binasa niya na isinulat nito, which entitled of I Catch Your Heart. Oliver is a famous mysterious author in the Philippines, at ang istoryang isinulat niya ay ang kinaadikan ni Jamilla. Isang istoryang totoong nangyari kay Oliver with his past girlfriend, named Angel. Naputol lang iyon dahil sa hindi inaasahan pangyayari na dahilan ng pagkamatay ng girlfriend niya. Masakit at nahirapan si Oliver para tanggapin iyon. However, when he met Jamilla. Ang kasiyahang hinahanap niya katulad noon sa past-girlfriend niya ay sa dalaga niya natagpuan. Pipilitin niyang magmahal muli at kalimutan si Angel. Bagong istorya ang isusulat niya kasama si Jamilla pero mabilis din natapos ito dahil sa maling nagawa niyang hindi niya ginustong mangyari. Dahil sa maling nagawa niya, puno ng pagsisisi ang dala-dala niya sa huli. - Follow me on Wattpad: Nick_Black02 Mas active po ako doon kaysa dito. Doon naka-published lahat ng stories ko po. :)))))

Nick_Black02 · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
71 Chs

Chapter 14

Chapter 14: I'm dead

Successful naman ang booksigning ni Oliver ngayon, walang naging problema at walang gulong naganap pero 'yong sistema ko sa loob ng katawan ko ay do'n lang nagkaroon nang matinding problema.

Alam ko sa sarili ko na dapat hindi ko ginawa iyon paglapit kay Oliver para ibigay 'yong bottled water niya, dahil nga natatakot akong maging bida na naman ng issue, kaso huli nang maisip ko na mali pala 'yong ginawa ko, so ngayon? anong magagawa ko? I cannot get it back then, nangyari na ang ayaw kong mangyari. All I have to do is to accept the fact that anytime may lalabas na issues between me and Oliver kaya kailangan ko rin maging handa kasi alam ko rin na may mga bashers din na darating. Nararamdaman ko maya-maya lang mag-hi-hysterical na ako. Huhu! Nakakagigil talaga!

Almost 2 hours rin 'yong booksigning ni mokong pero halos hindi ko na ito namalayan dahil sa gulo ng utak ko kanina, imagine, that time I was thinking of what kind of issues will Oliver's readers do. Do'n lang ako naka-focus. Nakakainis! Kung hindi lang ako tinawag ni Oliver kanina para umalis na do'n, hindi na 'ko titigil kakaisip.

Lahat ng ito ay kasalanan ni Maria, If she didn't give to me her obligation I am not acting like this. 'Pag nakita ko pa 'yong mukha niya kung saan-saan, magdasal na siya kasi lolokohin ko siya na malapit na ang kamatayan niya at kailangan niyang patayin 'yong co-workers niya which is si Ellive para hindi siya mamatay agad, hindi pa lang iyan ang maaabot niya sa akin, papaliguan ko pa siya nang kumukulong potion ng x2 ng kabobohan para naman mas lalo siyang maging bobo at uto-uto! Argh! Kainis talaga, this is such a crazy day! Patay ka talaga sa akin Maria! Magtago ka na. Gosh.

"Hey? Are you listening to me?" Bumalik na ulit ang diwa ko nang biglang magsalita si Oliver. Pati pa naman ang isip ko ay hindi na magawang magfocus sa mga nangyayari ngayon. Kasama ko pa pala siya

"Ha? Sorry? Can you repeat it again?" Pakiusap ko sa kanya. Nagsasalita na pala siya nang hindi ko namamalayan. Ano na tenga? Pati pa naman ikaw ay naapektuhan na rin?

Anyways, nasa loob pa rin kami ng mall ni Oliver, naglalakad-lakad kami but I don't even know kung saan kami pupunta, wala akong balak tanungin siya kasi alam kong wala rin siyang balak sagutin ako and at the same time wala akong ganang magtanong sa kanya.

I want to act in a normal way, kaso hindi ko pa rin maiwasan mag-isip kung gaanong kalaking issue ang mangyayari, siguro ngayon may fiesta na sa social media about me and Oliver, marami na naman maiinggit sa akin katulad ni Daenice, I swear.

"Nakikinig ka ba talaga?" Tanong ulit sa akin ni Oliver. Wait? Nagsalita na ba ulit siya? Hala!

Gulat akong tumingin sa kanya at halata ko naman ang pagtataka ang namumuo sa mukha niya. Ba't kasi hindi ko narinig 'yong sinabi niya? Nakakahiya na kung magtatanong pa ulit ako, but there's nothing bad, magtatanong lang naman ulit ako ah? Hindi naman matutuyo laway niya 'pag nagsalita siya.

"Pwedeng pakiulit?" Nahihiya kong tanong. Susubukan kong nang hindi na isipin 'yong nangyari kanina, sana universe ay makaya ko 'yon.

"Iniisip mo pa rin ba 'yong nangyari kanina?" Imbes na sagutin niya 'ko, tanong ang ibinigay niya sa akin. Kung kailan ready na talaga akong malaman kung ano ang sinabi niya saka niya naman akong tinanong ng iba.

"Oo? Naiinis pa rin kasi talaga ako, eh." Patanong kong sagot nang ikinadahilan ng pagtawa niya though I couldn't see his face all over, may suot pa rin kasi siyang mask, pero halata sa mga mata niya na natatawa siya. Pero bobo rin ito eh, siya lang may mask samantalang ako wala, sikat na rin kaya ako. Heller?

"Haha May paglabas pa kasi! Ayaw raw maging sikat kaya ayaw tumabi sa akin kanina, pero bakit lumabas ka at nagpakita sa mga readers ko?" Akala ko nakalimutan na niya 'yong kanina, since hindi niya na 'ko inaasar. Dapat pala 'hindi' na lang ang sinagot ko sa kanya.

"Nagpag-utusan lang naman po ako sa mga oras na 'yan. Nakakainis kasi 'yon mga staff kanina, ayaw pa nilang ibigay sa 'yo 'yong bottled water mo kasi raw kesyo ang gwapo-gwapo mo raw, mamatay raw sila dahil sa kagwapuhan mo, na nahihiya daw sila. Hell, kaya ako ang nautusan." Pagdadahilan ko.

"You will make me believe on what you say. Ano 'yon? Isang sabi lang nila pumayag ka na agad samantalang ako ginawa ko na lahat kaso ayaw mo talaga." I need more breath right now dahil alam kong mapapahaba ang pag-e-explain na magagawa ko sa kanya.

"Kasi ganito 'yon." Panimula ko. Whoo! Tinatamad akong magpaliwanag, e. Nakakatamad kaya. "'Yong dalawang bobong staff do'n ay hinulaan ko ng mga name nila, eh dahil nga bobo sila they didn't know that they're wearing a name plate kaya mas madali kong nalaman ang mga pangalan nila, Oliver kung makikita mo lang 'yong mga mukha nila, matatawa ka talaga, manghang-mangha. Madali sila maloloko if ever na mauto sila ng ibang tao, 'di ba?"

"Sabagay. Then?" He chuckled.

"Tapos nakalimutan pa nilang ibigay 'yong tubig mo dahil sa kalokohan ko. Mabuti't may dumating na isa pang staff at ipinaalala iyong pinapautos sa kanila. Dahil nga nahihiya sila sa iyo, ipinasuyo nila sa akin. Kaya pumunta na agad ako sa 'yo kasi—" Bigla siyang sumabat kaya napatigil ako sa pagsasalita. Bastos 'to ah, 'di pa 'ko tapos magsalita, eh.

"Kasi hindi mo lang ako matiis at gusto mo na agad akong makita?" Tanong niya at ramdam kong ngimisi siya.

"Hell no." Depensa ko. Anong tingin niya sa akin, miss ko agad siya? Kadiri.

"Baka kasi mahawaan nila ako sa kabobohan nila kaya mas pini—"

Naputol na naman ang sasabihin ko dahil na naman sa kanya. Bakit kasi ayaw niya muna akong patapusin bago siya mag-assume 'di ba?

"Huwag ka nang magpaliwag. Idadamay mo pa 'yong mga mababait na staff eh, ayaw mo pang i-direct to the point na miss mo na agad ako."  Pa-cool niyang saad at may kasamang ngisi. Iyan na nga ba sinasabi ko eh, tuluyan na nga siyang nag-aasume, mas pinaniwalaan niya pa 'yong sarili niya kaysa sa akin. Hello? Ako kaya naka-encounter sa mga bobong staff na 'yon at hindi ikaw.

Kasalanan talaga ito Maria eh, kung 'di niya ako inutusan, hindi magiging assumero 'tong mokong na 'to! Ah! Kakalbuhin ko talaga 'yon babaeng 'yon! Sisiguraduhin kong mawawala lahat nang buhok niya kahit saan.

I looked at him with disgusting look. "Wow naman Oliver! Kahit dumaan man ang libong taon, hindi ko pa rin ma-mimiss 'yan mukha mong katulad ng pwet ni Spongebob!" I yelled. I don't care kung ang ingay ko dito at nakakahiya sa mga taong nakakasalubong namin basta ang kailangan kong gawin ay mapatunayan na totoo 'yon mga sinasabi ko at mali iyon inaakala niya.

"Ahh, kaya pala everytime when I smiled at you, 'di ka makatingin nang maayos." Pinanglakihan ko siya nang mga mata dahil sa gulat. Tanging masasabi ko lang ngayon sa isip ko ay ang 'OMG'. Nahahalata na ba niya na napopogian ako sa kanya habang ngumingiti siya? Gano'n na ba ka-obvious? Jusko, 'wag kasi siya ngumiti para hindi ako ma-distract sa mga ngiti niya. Isip ng palusot, Jamilla! Isip.

"Kapal ng mukha mo! Hindi, ah!" Pagtanggi ko. Naramdaman kong ngumisi siya dahil sa sinabi ko. Universe, please give me a miracle right now. Sana maniwala siya kahit impossible. Ito lang ang wish ko for this day. Please, Universe.

"Hindi raw pero tumitingin sa ibang direksiyon at bigla-bigla na na lang namumula." Tuloy niyang pang-aasar sa akin. Hindi ba talaga siya titigil? Mamatay na 'ko sa hiya ah, siguro mamaya may burol na sa bahay. Huhu.

Binilisan ko ang paglalakad ko at hinayaan siyang sumunod sa akin, nakakainis talaga, x10 na 'ata 'tong inis kong 'to. Mga ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko, narinig ko agad siyang nagsalita nang ikinadahilan nang paglabas nang mga usok sa tenga ko! Psh! Ayoko na.

"Iniwasan 'yon sinabi ko. So? Totoo ngang nadidistract ka sa kagwapuhan ko?" Pa'no ba kami nakapunta sa topic na 'to? Hindi ko lang narinig 'yong sinabi niya kanina ah, napahaba na, hanggang napunta kami rito. Jusko.

"Pwede ba tumigil ka na?! Nakakainis ka na, ah!" Napa-face palm na lamang ako. "Ano ba kasi 'yong sasabihin mo kanina?" Pag-iiba ko ng usapan. Konting pasensiya na lang ang natitira sa akin ngayon kaya sumakay ka na sa tanong ko kung hindi, sapak na ang maaabot mo sa akin.

Napansin kong ngumisi na naman siya, hobby niyang ngumisi ngayon. Anong meron? Smirk day ba? Ba't walang nag-inform sa 'kin?

"Don't change the topic." Psh. Napasapo ako ng noo dahil sa sinabi niya.

"Sabihin mo na kasi. Gutom na 'ko. Aba! Kung pinapakain mo na ako ngayon 'di ba? Hindi 'yong iniinis mo 'ko!" Reklamo ko. Kahit hindi pa ako gutom, sinabi ko na iyan kasi nagbabaka sakali ako na ito na ang butas para tumigil na siya sa pang-aasar niya sa akin.

"May patago ka? Wala rin akong pera ngayon, eh. Bayaran mo na lang 'yong mga rules na hindi mo nasunod, para may makain tayo." May toyo pala 'tong tao na 'to eh or should I say HAYOP!

Sinama-sama niya 'ko dito tapos ako pa 'yong magbabayad ng pagkain namin? Psh. Never akong papayag dito 'no.

"'Yoko nga! Dapat ikaw magpapakain sa akin, sinama-sama mo 'ko dito eh!" Reklamo ko. Pang-ilan reklamo ko na ba ito? 'Di ko na mabilang.

"Ayan nga 'yon gusto kong sabihin sa 'yo kanina kaso 'di mo ko marinig. Gibit talaga ako ngayon eh, doon na lang kita papakainin sa condo ko kung ayaw mo 'kong sundin, bubusugin kita do'n." Sabi niya sabay ngisi.

"Bastos 'to ah!" Bigla siyang tumingin sa akin nang may pagtataka.

"Anong bastos do'n? Napakagreen-minded mo." Tatawa-tawa niyang saad. Hala! Patay na Jamilla! Saka ko lang narealize na mali pala 'yon sinabi ko. Lagot na. Lesson Lern: Mag-isip muna bago magsalita. Iba na iniisip nito panigurado. Inosente kaya ako. T'saka, It's wrong how he way to told me what he want to say, dapat kasi nililinaw.  

Kasalanan talaga ito ng kabobohan ni Maria eh, naging bobo na rin tuloy ako pero hindi katulad no'n kanya, malala na siya, eh.

"Akala ko kasi, nevermind. But wait? Do'n tayo sa condo mo kakain?!" Alam kong parang late reaction ako. You don't have to tell me about that, Oliver. Subukan mo lang, sisipain kita.

"Kakasabi ko lang 'di ba?" Pilosopo niyang saad. So I feel na kailangan ko nang mag-react ngayon.

"What?!" Gulat kong sabi.

"Late reaction. Tss." Cold niyang sabi.

Papayag na ba ako sa condo niya kami kakain o hindi?

'Pag pumayag ako sa kanya na sa condo niya kami kakain, walang mababawas sa pera ko, kung dito naman kami kakain sa Mall, siguradong uubusin niya pera ko. Ano susundin ko?

"Sige na nga, sa Condo mo na lang tayo kumain." Wala naman masama 'pag sumama ako sa kanya. I have a trust on him naman, eh. Alam kong hindi naman niya 'ko babastusin.