webnovel

3

Sa paguwi ko papuntang bahay sa dasmarinas, cavite. Syempre hinarap ko muna ang sagiksik ng mabigat na trapik ng molino sa intersection na puro ungol ng mga busina mula kotse

Hanggang truck kasama mo pa yung init ng araw kaya nagvan ako para komportable ang byahe ko kahit anong trapik pang mangyari kahit papaano matutulog muna ako.

Sa pagbukas ng aking mata sa kanan ay nakikita ko na malapit na ako sa dasma 3 kayat gumising na ako at hinihintay ang byahe papunta doon para makababa na ako ng maayos.

Sa pagsuyong papara ng van ay nakaalis na ako sa pampasaherong sinakyan ko ay naglakad ako papasok sa subdivision. Dasma 3 ay isang murang mamamayan ng cavite na karamihan ay mahihirap at may natutugunan ang pang araw araw na buhay kaya't puro empleyado itong mamamayan kung saan may kanya kanyang hanapbuhay para maitustos sa pamilya. Habang naglalakad ako sa aking tahanan ay di ko alam ang kakainin ko ngayong hapon at magiging hapunan ko ngayong araw, dahil mag isa naman ako ay matutulog muna ako at bibili na lang ng lutong bahay malapit sa tinitirhan ko.

Bago pa lang ako aakyat sa bahay ko ay sa baba nun ay ang computer shop ni kuya Armando, sya ang una kong computer shop na pinuntahan ko nung bata pa ako. Sa simulang 5 pc hanggang 30 pc ngayon ay napakalaking bagay ni kuya Armand sa buhay ng aking pagiging manlalaro.

"Sylvester!!"

"Kuya Armand! Kamusta po?" Sa paglapit sakin ay giniyak niya ang aking kamay at yumakap sakin.

"Lintek! Ang laki ng pinagbago mo aah, ok lang naman ako. Napaasenso ko yung computer shop, pero syempre hinhintay ka ng mga player doon na magpakita at tumapak ulit sa shop sa pagtagal ng mga taon. Ikaw naman, kamusta ka na?"

"Ito okay lang kuya, pagod lang sa eskwela."

"Oh kaya pala nakaganyan ngayon, sige magpahinga ka muna mamaya na lang tayo magkwentuhan kasi ako naman bantay ngayong gabi kaya kwentuhan mo na lang ako ha?"

"Opo kuya at salamat doon sa bahay na pinaparenta nyo ngayon kaya may tinitirhan pa ako, tsaka nga pala kuya yung advance ko ay ibibigay ko na para wala akong problema sa hanggang bagong taon kong renta sa taas po."

"Walang anuman din yon, di ka na naiba samin. Mamaya natin pagusapan yang advance, oo nga pala magluluto nga pala si Dio mamaya sa bahay. Sumabay ka na samin maghapunan."

"Opo pupunta ako pero Luh si ate Dio magluluto? Anong okasyon?"

"Nandito ka na kasi kaya magluluto yun, alam mo naman na crush ka nun eh hahah."

"Grabe paano nya na nalaman na nandito na ako, eh di nga nagpapakita masyado o may nakakakilala sakin ngayon."

Nagkamot sa batok si kuya Armand "kasi nadulas ako kay Dio kanina na nagrerenta ka muna dahil nga magisa ka nga at mas mura yung renta ko kaya laking tuwa naman nung kapatid ko na nandito ka nga daw kaya magluluto sya."

Tumawa ako, "hahaha! Sige magdadala ako ng kanin para naman may ambag ako sa hapunan ninyo"

"Aba pwede yan pero wag ka na magambag, may papagawa sana ako sayo."

Pagtataka kong tanong "Ano po yun kuya?"

"Ano sana maibibigay akong bigas sayo, ikaw naman magsaing na lang. Iba kasi ang bigas namin ngayon di ko alam ang tantiya ng bigas kaya ang pangit ng kanin kinalalabasan"

Lol "Anu ba naman yan!!"

" Sige na oh, pinagalitan na ako ni Dio ng mga nakalipas na mga araw eh hahaha. "

" kawawa ka naman oh, dalhin mo lang agad yung bigas sa taas at tuturo ko sayo pagkatapos ng hapunan. "

" Actually, nandoon na sa taas. Gagawin mo na lang talaga. "

"Ang lakas! No choice talaga ako kuya?"

" Syempre Landlord mo ako eh hahaha. Salamat Vester."

" Opo kuya , kita kits na lang mamayang hapunan. "

Nung napaalamanan na kami at papunta na ako sa taas ay binuksan ko na yung pinto at inaayos ko yung sapatos ko sa shoe rack sa tabi ng pinto pagpasok ko at nakita ko muli ang bago kong tinitirhan.

Ang bahay na nirerentahan ko ay ang bahay na makikita mo sa pangatlong kanto malapit sa bridge na may intersection ng tatlong street na makikita mo ang computer shop ni kuya Armand at ang bahay na nirerentahan ay nasa taas lang nitong bahay. 3 palapag kasi ang bahay, una ay ang computer shop sunod ang pinapaayos ni kuya armand para sa expansion nya at apartment na ang pinakamataas na palapag.

Sa pagaayos ng gamit ko ay nalibot ko ang bahay. Sa gitna ng kwarto ay ang malaking kama at cabinet na nasa tabi nito, sa tabi nun ay ang mga bloke ng kahon na hindi ko pa naayos. Nakita ko na yung bigas ni kuya armand na nakaplastic container malapit sa lababo sa derechong dulo ng apartment. Mula sa kintatayuan ko pumunta na ako sa higaan at tinignan ko yung oras.

"05:10pm" sabi ko habang nakatingin pa rin sa relo, gusto kong magpahinga at umiglip ngayon dahil sa pagod ko sa byahe. Binuksan ko yung fan para kompartableng makaidlip.

Nagising na ako na madilim na paligid at hindi ko pa nabubuksan ang ilaw kaya pumunta agad ako sa pintuan ko dahil malapit doon ang buksanan ng ilaw, Nung lumiwanag ang paligid. Ay inaayos ko na yung bigas, tinignan kung anong bigas itong dala sakin ni kuya Armand kung bakit sya hirap.

Kaya naman pala, yung bigas eh hindi pangtamad. Naradaman ko nung hinawakan ko yung bigas dahil hindi sya ordinaryong bigas na nabibili mo sa bigasan at ito kailangan mo muna babaran saglit bago mo isaing , bago ko muna ibabad ay hinugasan ko muna yung bigas at ilang minutong babad tapos hinanap ko muna yung rice cooker ko dahil tinatamad akong magkalan habang nakatengga yung binababad ko. Sinala ko muna yung bigas at nilgayan ng bagong tubig pero ngayon tantyado at ilagay doon sa lalagyanan para isaing ng rice cooker.

Naligo na ako at nagayos na ako ng sarili hanggang naluto na ang kanin, Nung binuksan ko ay ang bango at ang puti ng bigas. Kay sarap tignan ng kanin pero mamaya na lang kasi dadalhin ko ito kanila ate Dio sa bahay nila.

Ang bahay nina kuya ay nasa tapat lamang ng computer shop. Simpleng bahay lang naman, isang palapag na bahay na may gate sa harap. Karamihan kasi ng bahay dito ay di gaano kalawak ang bahay pero sa kanya ay tatlong beses ang laki kaysa sa ibang bahay at naamoy ko na sa labas ang bango ng pagkain, lintek pustero at caldereta. Dalawang putahe ngayong gabi, tuwang tuwa nga si Ate Dio.

Pagkatok ko sa gate nila ay sinalubong na ako ni kuya Armand.

" Nandito ka na! at yung niluto mong kanin din! , patingin nga. "

" Di ko pa nga nakikita eh, pabukas nga. " pagsisinungaling kong sabi, sinasakyan ko yung trip nya.

pagtingin namin dalawa sa niluto kong kanin.

" Nyeta Vester, pakituro mo sakin paano mo to ginawa para naman masarap naman ang kanin namin sa mga susunod. " mangha nyang tinig habang nakatingin doon sa kanin.

" Sige po, pero pasok na tayo kuya. ang bango ng ulam eh. "

" Oo nga eh, iba talaga si Dio magluto. hinihintay ka na kang namin pumunta at saktong nakahanda na sa lamesa kaya bilisan na makaupo na tayo doon sa dining table. "

pagkapasok ko sa bahay ay nakikitamo na agad yung salas kusina at mga pinto ng mga kwarto kaya umupo na kami sa dining.

Si kuya Armand kasi lagi akong kasamang kumain dati kahit pa nun bat pa kami kumbaga para ko nang kapatid kasi puro kulitan at tawanan kapag nagsama kami, hanggang ngayon na 32 na sya at ako'y 26 na eh parang di nawala. matipunong lalaki sya na parisukat na mukha, malaking mata at makapal na kilay mapaghinalaan mong sundalo kahit hindi naman.

Nakita ko na si Dio na nilalabas na yun caldereta papuntang dining table para ilagay yun.

Si Dio ay kumbaga nga eh kababata ko na, lagi lang talga kami pinagtatambal ni Kuya kaya natutukso kaming dalawa na may namamagitan sa amin. Laking pinagbago nya, may kurba na yung katawan mahabang pulang buhok at gumanda sya kaysa dati. bilog ang mukha nya at singkit na namana sa nanay niya, kahit ganun na sya ngayon nakapajama pa rin sya at t-shirt. habit nya yung suot kapag hapunan, ang ganda kasi ng legs nya gusto ko sa tignan kaya medyo sumimangot ako.

"Oy! nakasimangot! haha" sabi ni kuya Armand, Nahalata kung saan nakatingin hehe.

"hay nako vester, di nagbago." sabi ni Dio

"hello ATE Dio! masarap ang ulam natin aah"

" Wag mo nga ako matawag na ATE. magkasing edad tayo no! " asar na tono nya

magkasing edad kami ni Dio pero pinangaasar ko lang talaga ang salitang ATE sa kanya.

nang makaupo na kami sa lamesa. takam na kami ni kuya Armand at pinagtatapik yung mga kamay naming dumudungaw na sa pagkain at sabi

"Oy! wag muna!, Di pa nagdadasal!"

tumawa kaming dalawa at sumunod kay Dio kaya ginawa na lang namin baka mabatukan pa.

habang nakain ay nagkamustahan na kaming 3 sa mga buhay namin.

maliban sa expansion ni kuya Armand sa comshop ay yung pinaparenta nya doon sa taas ay may 2 bagong magrerenta ng espasyo doon, 3 kwarto kasi iyon kaya mukhang may kapitbahay na daw ako sa susunod daw na 2 linggo mula ngayon. Maayos naman ang kalusugan ngayon ni Kuya at iniingatan na nya ang sarili dahil nga may sakit siya sa puso.

Dio naman ay supervisor na sya ng call center agency nya ngayon. maaga lang shift nya kaya nakasabay nya kami ngayon, ang nakakagulat lang ay single pa sya ngayon at ako naman si lintek di naniwala kaya nahatawan ako sa mukha at tumawa kami.

ang laking pagbabago sa buhay namin sa nakaplipas na mga taon, sa lahat nangyari mula noon ay napadistansya na ako ukol sa progreso ko sa buhay dahil nga college freshmen pa lang ako at sila may kanya kanya pinagkakaabalahan.

Ngayon ako naman magkwento para makahabol sa balita sa akin, kinuwento ko nga na freshman nga ako sa DLSU-D at si Dio tumawa na walang humpay eh paaano di nya maimahinasyon na ako ay isang estudyante na kahit si kuya napabuga ng tubig dahil sa tawa ng kapatid nya. Kung tutuusin dapat mainsulto ako pero naman kasing itong si Dio, yung tawa nya parang jeep na pinapaandar pa lang sa kung paano humataw ng halakhak. Eh paaano ako maiinsulto kung minsan lang ito masaya sa mga bagay bagay, medyo kasing suplada at poker face kaya nababansagang malamig ang puso.

ayun nga kinuwento ko yung 1st day ko ngayon araw at pinapayuhan ako tungkol sa college. Mukhang kakailanganin ko nga yun, ang tagal ko nang di nagaaral kaya maisisilid ko sa utak ko yung sinabi nila kung matino man sasabihin.

Nagliligpit na kaming pinagkainan. Si kuya, naghuhugas sa lababo habang ako nagaayos ng lamesa na kung saan kami kumain. Si Dio, nagpapahinga sa sala dahil sya na nagluto.

"Shift ko na mamaya, kwentuhan tayo doon" sabi ni kuya Armand

sumangayon lang ako.

"Dio sama ka? tambay tayo sa shift ni kuya?" sabi ko.

"Kailangan ko matulog, Maaga ako sa trabaho ko bukas. Sa susunod kapag may late Shift ako"

May natirang pang caldereta kaya ako na naglagay sa ref habang hinihintay ako ni Kuya sa labas.

nang papunta na ako ay nakita nya ako at niyaya na ako papuntang comshop.May nakalimutan akong gawin kaya bago muna ako lumabas, bumalik ulit ako sa kusina at kumuha muna ako ng baso.

kinuha ko din yung powdered milk nila, asukal at tubig. kinuha ko rin yung maliit nilang fry pan. naglagay ako ng 10 kutsara ng asukal at ganoon din karaming tubig din, binuksan ko yung kalan at tinunaw magkasama. nang magsama ang dalawa, kinuha ko yung bottle jar at nilagay ko doon. may malamig na container ng tubig doon sa ref doon mga 500 ml ang laman kaya doon ako naglagay ng gatas at hinalo doon, tapos yung baso ay pinuno ko ng yelo, 3 kutsarang ginawa ko kanina at yung gatas na hinalo kanina. May natira pa sa container kaya nilagay ko na lang sa ref at kinuha yung baso tska nilagay sa lamesa. Nakapatong ang baso sa nakalapat ng tissue para kung magtulo ay di maglawa ang ilalim sa basa.

Ngumiti sakin si kuya at lumabas, magpaalam na ako kay Dio pero paglingon ko ay nakita ko sya nakatingin sakin na may hawak ng basong ginawa ko. Paborito nya kasing gawain na mag gatas bago matulog, bilang pasasalamat sa pagluto nya.

"Nandito ka na nga Vester, akala ko makakalimutan mo." sabi nya

"Yea, nandito na nga ako. tska paano ko malilimutan eh matagal ko ng ginagawa, nakasanayan na eh. Iniwan ko lang yung pan sa kalan, mainit pa kasi. Sige, bye bye!"

"Bye bye din! Goodnight!" sabi ni dio at iniinom na yung gatas.

Pagkalabas namin ay sinara nya ang gate, ngiting gago pagtingin sakin tapos hinablot yung ulo hanggang nandoon yung ulo ko sa kili-kili nya at yun kabilang kamay nya ay kinuskos para bang kinukutusan ako ng paulit-ulit.

"KUYA, ang sakit!!" sabi kong nabubulol dahil sa ginagawa nya

"tangina mo! ligawan mo na kasi yung kapatid ko, di ka magsisi"

tuloy nya parin sa akin habang nagsasalita sya.

tinawanan ko na lang at tuloy-tuloy pa rin ang kulitan naming dalawa habang si Kuya pinipilit akong ligawan si Dio.

Sa tagal at pagdaan ng taon, ngayon ko lang ulit to nakasama at saya ng pakiramdam ko. May mga bagay talaga na nagbago pero di matatanggal ang nakasanayan.

kung may mga bagay ako bibigyan na meron ako ay ibibigay ko sa kanilang magkapatid dahil silang dalawa ang taong sa simula hanggang ngayon ay nandito pa rin. Ang hirap na kung wala sila ay di ko na alam kung saan ako ngayon.

Pagpunta namin dalawa sa comshop ay nagsigawan ang lahat at sabi nila ng malakas na may tao sa pintuan, bintana at sa nasa labas.

"Vester!!"

Oo nga, tumanda lang kami at may mga bagay na nakasanayan na. :)