webnovel

Pagkatapos (27)

Éditeur: LiberReverieGroup

Naglakad si Xu Jiamu papunta sa bintana at habang nakadungaw sa

kalangitan, muli siyang nagsalita ng mabagal, "Gusto ko ng ikasal."

Walang bakas ng lungkot o kahit anong emosyon sa boses ni Xu Jiamu nang

magsalita ito, pero noong sandaling maproseso ni Lu Jinnian ang sinabi ng

kapatid, sobrang nagulat siya, na para bang tinamaan siya ng malakas na

kidlat.

Kaya literal na natigilan siya ng tatlong minuto bago muling magtanong,

"Kanino ka naman magpapakasal?! Ilang beses na kitang kinakausap tungkol

dito, pero lagi ka namang umiiwas. Bakit bigla mong naisip magasawa? May

nangyari ba…"

"Walang nangyari." Kagaya niya, kalmado lang ang boses ni Lu Jinnian

habang nanguusisa, pero sa hindi malaman na kadahilanan, bigloa siyang

naging emosyunal at nagpatuloy, "Hindi ko pa alam kung kanino… Pero

ayoko ng maging magisa…"

'Ayoko ng maging magisa…' Napaka simpleng mga salita na may napaka

bigat na kahulugan… Muli, hindi nanaman nakapagsalita si Lu Jinnian…

Sigurado nagulat nanaman… Pero sa pagkakataong ito, hindi na hinintay ni

Xu Jiamu na makasagot ang kapatid at muli siyang nagpatuloy. "Osige Bro,

may mga kailangan pa kong gawin. Kita nalang tayo mamaya."

At dali-dali niyang pinindot ang 'End Call'

Hindi niya alam kung bakit… Pero napansin niya nalang na nanginig ang

kanyang mga daliri, kung kailan nagumpisa? Hindi niya alam…

Naglakad siya pabalik sakanyang upuan at habang hawak ang kanyang

phone, bigla siyang natulala sa kawalan…. Ano bang nangyayari sakanya?

Pakiramdam niya para siyang buhay na patay…. Hindi naman ganito ang Xu

Jiamu na pinangrap niyang maging....

Pagkalipas ng mahigit tatlumpung minuto, hinang hina siyang yumuko sa

kanyang lamesa, at nang sandaling ipikit niya ang kanyang mga mata,

tuluyan ng tumulo ang luhang ilang araw niya ng kinikimkim…

-

Eight thirty maguumpisa ang party, kaya alas siyete palang ay nag'out na si

Xu Jiamu para makapagbihis muna sa Mian Xiu Garden. May naging

'trademark' na siya sa tuwing pumupunta sa mga events, kaya habang

namimili siya sa changing room, walang pagdadalawang isip siyang kumuha

ng isang kulay blue na suit, pero nang sandaling marealize niya ang ginawa

niya, bigla siyang natigilan.

Hindi niya naman talaga gusto ang blue noon… Two years ago, nagumpisa si

Song Xiangsi sa pagaartista, at dahil sa pambihira nitong talento sa pag'arte,

nanalo ito kaagad bilang best actress. Tandang tanda niya na maayos pa ang

lahat sakanila noon, kaya kahit wala silang 'label', binigyan siya nito ng isang

VIP pass. Natural, malaking event ito para kay Song Xiangsi kaya sinamahan

niya ito sa isang patahian para makapagpasadya ito ng gown. Bandang huli,

na'enganyo rin siyang magsukat, at dahil nakasanayan na, pumili siya ng

kulay puting suit, pero pagkakuha niya nito, sinabi nito sakanya na mas

gwapo siyang tignan sa blue, kaya mula 'nun, kahit saan siya magpunta, iba-

iba man ang design, gusto niya blue lang ang isusuot niya.

Bigla siyang natigilan, at nang sandaling mahimasmasan, dali-dali niyang

binalik ang kinuha niyang blue suit at pinalitan ng isang itim na itim na suit.

Mula sa araw na 'to, gusto niya ng tapusin ang lahat ng ginagawa niya na

may koneksyon kay Song Xiangsi…

Eksaktong eight thirty nang makarating si Xu Jiamu sa labas ng China World

Hotel.

Hindi niya na hinintay na pagbuksan siya ng car attendant, at dali-dali siyang

bumaba, pero wala pang dalawang segundo siyang nakaapak sa sahig nang

bigla siyang natigilan sa nakita niyang napaka pamilyar na anino.

Dali-dali, lumingon siya at doon niya nakita si Song Xiangsi, na buhat buhat si

Little Red Bean, habang nakatayo sa gilid ng kalsada at pumapara ng taxi.

Touch activated ang pintuan ng kanyang sasakyan, at dahil isasara niya

palang sana ito, literal na naipit ang daliri niya sa pagitan nito, pero imbes na

uminda ay nanatili siya sakanyang kinatatayuan, na para bang wala siyang

nararamdaman na kahit anong sakit ,habang nakatitig kay Song Xiangsi at

Little Red Bean. Hindi nagtagal, may humintong taxi sa harapan ng mga ito,

at saktong pagkaalis ng sasakyan, may lumapit din sakanyang bell boy na

magalang na nagtanong, "Mr. Xu? Ano pong maitutulong ko sainyo?"