webnovel

Pagkatapos (17)

Éditeur: LiberReverieGroup

At para hindi makawala, niyakap ni Xu Jiamu ng sobrang higpit si Song Xiangsi. Sa

totoo lang, hindi maintindihan niya kung bakit kahit paulit-ulit na siyang tinataboy nito ay

gustong-gusto niya pa ring pagdiinan ang sarili niya…. Gusto niya lang naman

magpaliwanag at pakinggan ang dahilan nito….Kaya dahan-dahan siyang yumuko at

habang nakatitig ng diretso sa mga mata ni Song Xiangsi, emosyunal siyang nagsalita,

"Xiangsi, pwede bang wag kang ganyan? Magusap naman tayo. Please?"

Kailan pa kinausap ng dating Xu Jiamu si Song Xiangsi ng ganito?

Tandang-tanda niya na sa tuwing magagalit siya, imbes na suyuin ay sasabayan din

siya ng galit ng dating Xu Jiamu.

Pero ang Xu Jiamu na katapat niya ngayon…. Sobrang emosyunal at mukhang

handang magmakaawa…

'Bakit niya ba 'to ginagawa? Ibig sabihin, gusto niya na bang?...'.

Malayong malayo ang sinasabi ng utak at puso ni Song Xiangsi… Alam niya kung

anong dapat niyang gawin… Pero sa yakap nito… At sa pakiusap na wag muna siyang

umalis… Bakit lumalambot siya kaagad?

Tanggap niyang si Xu Jiamu ang kahinaan niya, kaya nga sa tuwing nasasaktan siya

nito, buong puso niya itong pinapatawad…. Pero bandang huli, binalewala lang siya nito

at nakipag engage sa iba…

Alam ng Diyos kung ilang beses siyang umasa…. Kaya ngayon, ayaw niya ng maulit ulit

ang mga pinagdaanan niya noong minsang bumigay siya sa pakiusap nitong wag

umalis.

Kaya, Song Xiangsi, nakikiusap ako sayo, wag kang bibigay. Sa pagkakataong ito, hindi

ka umuwi ng Beijing para makipag ayos kay Xu Jiamu. Nandito ka para sa papa mo at

kapag gumaling na siya, babalik ka na sa America. Tahimik na ang buhay mo ngayon.

Alam kong nalulungkot ka pa rin sa tuwing naiisip mo siya, pero alam kong alam mo rin

na mas mapayapa na ang buhay mo ngayon… Pakiusap… wag mo ng saktan ulit ang

sarili mo….

Tama… At kung patatagalin niya pa ito, lalo lang siyang maguguluhan….Kaya bigla

niyang hinawakan ng mahigpit si Xu Jiamu at ngumisi, na para bang nandidiri siya rito.

"Mr. Xu, anong ibig sabihin nito? Gusto mong bagaan ang apoy? Kung tama ang

naalala ko, ang sabi mo sa akin, three years ago na wala na tayong kaugnayan sa isa't-

isa!

"Kaya, Mr. Xu, naniniwala ako na wala na tayong ugnayan. Isa pa, wala lang naman

ako sayo diba? At wala ka lang din sa akin!"

Pero lalo lang hinigpitan ni Xu Jiamu ang pagkakayakap niya…

"Ay mali pala." Muli, tinitigan ni Song Xiangsi ng masama si Xu Jiamu, at nagpatuloy,

"Sa loob ng tatlong taon, wala lang ako para sayo, at ganun ka rin naman sa akin! Kasi

nga, business lang ang lahat ng nangyari sa atin. Ngayong pareho na tayong bayad sa

isa't-isa, tapos na rin tayo."

"Yan ba talaga ang sinasabi ng puso mo?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Xu Jiamu.

"Eh ano pa ba? Kasi kung hindi ganito ang sinasabi ng puso ko, bakit pinalaglag ko

yung anak mo…"

Pero bago pa man matapos sa pagsasalita si Song Xiangsi, naramdaman niya na bigla

siyang binitawan ni Xu Jiamu, na halatang dismayado sa naging sagot niya.

Sa totoo lang, ang buong akala niya ay magwawala ito kagaya ng ginawa nito three

years ago, pero laking gulat niya na naglakad lang ito papunta sa bintana, at nagsalita

ng walang emosyon ngunit wala ring kahit anong bakas ng tensyon, "Sige umalis ka na.

Tungkol sa kontrata mo, pakisabi nalang sa manager mo na pumasok muna sandali

para mapagusapan namin."

Ilang sandali pang nanatili si Song Xiangsi sakanyang kinauupuan, bago siya tahimik na

tumayo at maglakad papunta sa pintuan.

Ganun din si Xu Jiamu…hindi na siya na ulit nagsalita at nanatili lang sakanyang

kinatatayuan hanggang sa marinig niyang isinarado nito ang pintuan.

Noong sandaling 'yun, literal na nanghina ang buo niyang katawan. Gusto niyang

umiyak at ibuhos ang lahat ng galit, pero bago niya pa 'to magawa, narinig niya na

muling nagbukas ang pintuan na sinundan pa ng boses ng manager nito. "Chief Xu,

yung tungkol pos a kontrata…."

"Ipapadala ko nalang sayo mamaya yung kontrata," Walang emosyon niyang sagot sa

manager, na nasa kalagitnaan palang ng pagsasalita.

"Okay. Kung wala na po kayong kailangan, mauna na po ako. Bye, Chief Xu."