webnovel

Mapayapa at masasayang mga araw (9)

Éditeur: LiberReverieGroup

Atat na atat si Lu Jinnian na makita si Qiao Anhao kaya hindi pa man din

nakakahinto ang sasakyan niya, binuksan niya na ang pituan at dali-daling

naglakad papunta sa sasakyan na nasa harapan nila ngunit kagaya niya,

mabilis ding kumilos si Xu Jiamu kaya bago pa siya makarating, nakalabas na

ito na buhat si Qiao Anhao. Wala itong sinayang na oras at nagmamadali itong

tumakbo papunta sa A&E habang si Qiao Anxia naman ay nilock muna ang

sasakyan bago sumunod.

Biglang natigilan si Lu Jinnian pero hindi pa rin siya nagpaawat at sumunod pa

rin siya sa dalawa.

Maraming tao sa loob ng ospital kaya agad nilang dinala si Qiao Anhao sa

operating room.

Bakas sa itsura ni Xu Jiamu ang kaba habang nakaupo sa waiting room,

samantalang si Qiao Anxia naman ay sobrang aligaga at hindi mapalagay

sakayang kinauupuan kaya ilang beses siyang tumayo.

Naiirita si Xu Jiamu dahil pagpapabalik balik ni Qiao Anxia hanggang sa hindi

niya na talaga kinaya kaya tinignan niya ito at sinabi, "Qiao Anxia, pwede

bang umupo at tumahik ka muna kahit sadali?"

"Xu Jiamu, nakaratay doon ang asawa mo, hindi ka ba nagaalala kahit

kaunti?" Pasinghal na sagot ni Qiao Anxia.

Hindi sumagot si Xu Jiamu pero itinaas niya ang kanyang kamay bilang

sensyas na wala siyang pakielam sa sinasabi ni Qiao Anxia.

Tumingin ang assistant kay Lu Jinnian, na nakadungaw sa isang bintana na

halos limang metro ang layo mula sakanya, nang bigla niyang marinig ang

dalawang salita na siabi ni Qiao Anxia –"asawa mo."

Sobrang tahimik ni Lu Jinnian na para bang wala itong narinig. Nakadungaw

lang ito sa bintana pero napansin niya na nagpipigil ito ng kamao at sa

sobrang gigil, makikita na namumuti na ang mga bukong ng kamay nito.

Makalipas ang halos kalahating oras, may lumabas na doktor mula sa

operating room.

Si Qiao Anxia ang unang tumakbo papalapit rito. "Kamusta ang kapatid ko?"

Nagmamadali ring tumayo si Xu Jiamu mula sakanyang kinauupuan at

naglakad papunta sa doktor.

Samantalang si Lu Jinnian naman ay hindi umalis sakanyang kinatatayuan at

tinigan niya lang ang dalawa.

Tinanggal ng doktor ang mask at sinabi, "Mabuti naman ang lagay ng

pasyente. Siguro kulang lang siya sa pahinga kaya nagkasakit siya noong

naexpose siya sa lamig. Mataas ang lagnat niya ngayon at mababa ang blood

pressure niya kaya siya hinimatay kanina. Swineruhan nanamin siya."

Hindi nagtagal, muling nagsalita ang doktor, "Kung mayroon sainyo ang

pwedeng bumaba, pumunta muna kayo sa patient registration para sa

overnight stay."

Tumingin si Lu Jinnian sa kanyang assistant, na agad namang naintindihan

ang gusto niyang ipahiwatig at dali-daling lumapit kina Qiao Axia at Xu Jiamu.

"Miss Da Qiao, Mr. Xu, ako na po."

Hindi naman tumanggi ang dalawa at tumungo lang. Agad na kinuha ng

assistant ang form pero noong pababa na siya, biglang nagaw sakanya ni Lu

Jinnian ang papel at walang pasabing nagdire-diretsong bumaba ng

hagdanan.

Pagkabalik ni Lu Jinnian, nailipat na si Qiao Anhao sa isang private room. Sa

putikan ito nahimatay kaya sobrang dumi ng damit nito nang isugod sa ospital

pero ngayon, nakapagpalit na ito ng damit at mahimbing ng natutulog habang

nakaswero. Nasa loob rin ng kwarto si Xu Jiamu na pinupunasan ang

maduming sa buhok at mukha ni Qiao Anhao gamit ang isang malinis na

bimpo.

Matagal na nakatayo si Lu Jinnian habang pinagmamasdan ang dalawa pero

dahil hindi niya kayang pumasok, binigyan niya nalang ang kanyang assistant

ng pera pambayad sa mga naging gastos sa ospital bago siya tuluyang umalis

ng magisa.

Gabi na noong nakabalik si Lu Jinnian na may dalang maraming plastic.

Napalitan na ng plaster ang karayom sa kamay ni Qiao Anhao at kasalukuyan

na itong natutulog ng mahimbing.

Nang matanggap nina Xu Jiamu, Qiao Anxia at ng assistant ang tawag ni Lu

Jinnian, dali-daling silang bumyahe kaya buong magdamag silang mga gising.

Isa pa, marami silang ginawa sa ospital kaya bandang huli, hindi na talaga

nila kinaya ang pagod kaya nakatulog na rin sila.