webnovel

Mapayapa at masasayang mga araw (10)

Éditeur: LiberReverieGroup

Natutulog si Xu Jiamu sa gilid ng kama habang sina Qiao Anxia at ang

assistant naman ay magkahiwalay na nahihimbing sa sofa at sa upuan.

Maingat na inilapag ni Lu Jinnian sa lamesa ang mga pinamili niya para hindi

niya maistorbo ang mga natutulog bago siya dahan-dahang naglakad palapit

kay Qiao Anhao para kapain kung nilalagnat pa ito.

Pumunta siya sa CR para kumuha ng bimpo na binasa niya ng malamig na

tubig. Pagkatapos niya itong pigain, agad siyang bumalik para ipatong ito sa

noo ni Qiao Anhao.

Medyo guminhawa ang pakiramdam ni Qiao Anhao nang maramdaman niya

malamig na bimpo at hindi nagtagal, unti-unting kumalma ang nakakunot

niyang mga kilay.

Walang balak si Lu Jinnian na iwanan si Qiao Anhao at nanatili lang siya

nakatayo sa gilid habang nakatitig sa malambing nitong mga mata. Makalipas

ang ilang sandali, unti-unti niyang iniangat ang kanyang kamay para himasin

ang buhok nito.

Mula noong bumalik siya para kumuha ng bimpo, hindi pa siya

nakakapagpunas ng kanyang kamay kaya nang sandaling hawakan niya si

Qiao Anhao, halatang nagustuhan nito ang malamig na pakiramdam panlaban

sa mainit nitong katawan.

Hindi niya mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan niya ang maamo

nitong mukha. Gamit ang kannyang hinlalaki, dahan-dahan niyang hinimas

ang pisngi nito, pero noong sandali ring iyon, napatingin siya kay Xu Jiamu

na natutulog ng mahimbing sa gilid ng kama kaya bigla siyang natigilan. Agad

niyang inalis ang kanyang kamay at naglakad papalayo.

Nanatiling tulog sina Xu Jiamu, Qiao Anxia at ang assistant hanggang sa may

dumating na nurse na may dalang pagkain.

Habang kumakain sila, chineck ng nurse ang temperature ni Qiao Anhao.

Hanggang ngayon, nilalagnat pa rin ito kaya muli itong niligyan ng

panibagong swero.

Alas otso na ng gabi noong natapos silang kumain. Nang makita ni Xu Jiamu

ang pagod na pagod at inaantok na mukha ni Qiao Anxia kasabay pa ng

sitwasyon nila sa maliit na kwarto ng ospital, may naisip siyang magandang

ideya na agad niyang minugkahi, "Bakit kaya hindi nalang kayo maghanap ng

hotel para mas makapagpahinga kayo, ako ng bahala dito."

Gustong gustong magpaiwan ni Lu Jinnian sa ospital, pero ano namang

karapatan niyang alagaan si Qiao Anhao kung nandoon naman si Xu Jiamu?

Pinagmasdan niya ang kalmadong mukha ni Qiao Anhao na kasalukuyang

natutulog ng mahimbing at makalipas ang ilang sandali, tumungo siya at

sinabi, "Sige."

Bago siya umalis, itinuro niya muna ang plastic na may laman ng mga binili

niya noong lumabas siya kanina. "Mga damit yan para sakanya."

"Mm" Tumungo si Xu Jiamu at sinabi, "Sige."

Matapos niyang masabi ang kanyang bilin, muli niyang sinilip si Qiao Anhao

at tuluya na siyang naglakad palabas pintuan.

-

Nakahanap ang assistant ng hotel na malapit sa ospital kaya agad siyang

nagpareserve ng tatlong kwarto.

Nakadungaw si Lu Jinnian sa bintana habang tuloy-tuloysa paghithit ng

sigarilyo. Matapos niyang maubos ang ikatlong stick, doon niya lang napansin

na wala ng laman ang kaha. Sinubukan niyang humiga sa kama pero kahit

anong gawin niya, hindi talaga siya makatulog kaya bandang huli, naisipan

niyang magbihis at lumabas muna ng kwarto.

Pumunta siya sa isang tindahan na malapit lang sa hotel para bumili ng isang

kaha ng sigarilyo. Pagkalabas niya, agad siyang nagsindi ng isang stick at

hinihithit ito habang nakatayo sa isang gilid ng kalsadang hindi pamilyar

sakanya.

Medyo maalinsangan ang simoy ng hangin pero hindi maikakaila na talagang

mapayapa ang maliit na bayan lalo na noong sumapit na ang gabi. Walang

mga sasakyan sa kalsada at nakasarado na ang mga tindahan na nasa

magkabilang gilid pero may mga paisa-isa namang motorsiklo na humaharurot

ng takbo.

Medyo matagal na nakatayo si Lu Jinnian hanggang sa maisipan niyang

maglakad pabalik sa ospital.

Pagkarating niya sa in-patirnt's block, hindi niya nakalimutang patayin at

itapon ang sigarilyong hawak niya.

Sobrang tahimik ng buong pasilyo at tanging mga yabag lang ng kanyang

mga paa ang maririnig noong mga oras na iyon.

Huminto siya sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Qiao Anhao pero hindi siya

pumasok sa loob, bagkus, sumandal siya pader at mula sa isang bintana,

pinagmasdan niya ng maigi si Xu Jiamu na kasalukuyang nakaupo sa gilid ng

kama habang inaayos ang swero ni Qiao Anhao.

Hindi niya na kayang makita ang nangyayari sa harapan niya kaya tumingala

siya at tinitigan ang ilaw sa kisame hanggang sa maramdaman niya na

parang natutuyo na ang mga mata niya at medyo dumilim na ang kanyang

paningin. Noong mga oras na iyon, wala siyang ibang maramdaman kundi

matinding selos.