webnovel

Mahabang panahong walang pagkikita, mahal ko (16)

Éditeur: LiberReverieGroup

Hindi inaasahan ni Qiao Anhao na galit pa rin sakanya si Lu Jinnian pagkalipas

ng mahabang panahon pero ngayon na muli niya itong nakita, determinado

talaga siyang humingi ng tawad at magpaliwanag.

Hindi niya naisip na sa susunod pala nilang pagkikita ay hindi siya papansinin

nito na parang hindi sila magkakilala. At higit sa lahat, hindi manlang siya

nagawang tignan nito…

Pagkatapos umalis ni Lu Jinnian, isang minuto pang nakatayo si Qiao Anhao

sa harap ng puntod ng nanay nito bago siya mahimasmasan at tumakbo para

habulin ito.

Mataas ang takong na kanyang suot kaya hindi niya kayang tumakbo ng

mabilis at ang sementeryo ay nasa ibabaw ng bundok na may mahabang

hagdanan pababa. Noong nasa kalagitnaan na siya ng pagtakbo, malayo na si

Lu Jinnian at kahit ano pang gawin niya para bumilis ay hindi niya talaga ito

mahabol.

Pero wala siyang balak na sumuko, lalo na ngayon na hinintay niya ito ng

napaka tagal!

Napakagat si Qiao Anhao at nagdesisyon ng maghubad ng kanyang sapatos.

Pinulot niya ito at tumakbo pababa ng hagdanan ng walang ibang pansapin sa

paa kundi ang suot niya lang na medyas.

Masyadong mabilis ang paglalakad ni Lu Jinnian, samantalang si Qiao Anhao

naman ay pinipilit na magmadaling tumakbo pababa. Hindi nagtagal, biglang

nawala ang anino ni Lu Jinnian na sinusundan ni Qiao Anhao kaya kinabahan

siya at lalo niya pang binilisan ang kanyang pagtakbo ng hindi dinadaing ang

nararamdaman niya sakanyang paa.

May mga maliliit na graba na nagkalat sa hagdanan at sa sobrang

pagmamadali ni Qiao Anhao ay hindi niya namalayan na nakaapak siya ng isa.

"Ah!" napasigaw siya sa sobrang sakit pero pinilit niyang huwag itong indahin.

Nang makarating siya sa baba, wala siyang makitang Lu Jinnian. Hindi niya

naiwasang malungkot hanggang sa naisip niyang siguradong may dalai tong

sasakyan na nalamang ay nakaparada sa paanan ng bundok kaya muli siyang

tumakbo pababa at wala siyang kahit anong balak na sumuko.

Noong makarating na siya sa paanan ng bundok, sobrang hinihingal na siya at

basang basang na ng pawis ang kanyang buong katawan. Ibinaba niya ang

kanyang sapatos para muli sana itong suotin pero may bigla siyang nakitang

ilaw na sigurado siyang mula sa isang sasakyan. Agad niyang iniangat ang

kanyang ulo at napangiti siya nang makita niya ang sasakyan ni Lu Jinnian.

Sobrang layo ng pagitan nila, pero bakit nandito pa ito ngayon? Nagaalala ba

ito sakanya?

Siguradong nasa puso pa rin siya ni Lu Jinnian!

Imbes na suotin, iniwan ni Qiao Anhao ang kanyang mga sapatos at tumakbo

papalapit sa sasakyan ni Lu Jinnian.

Pero noong halos limang metro nalang ang layo niya, bigla namang inapakan

ni Lu Jinnian ang accelerator at kumaripas ng takbo palabas ng sementeryo.

Dali daling sumakay si Qiao Anhao sa sasakyang dala niya at nagmaneho

palabas ng sementeryo. Nakita niyang pumasok si Lu Jinnian sa siyudad kaya

hindi siya nagdalawang isip na sundan ito.

Mula sa sementeryo hanggang sa kalagitnaan ng siyudad, masasabing mabilis

na ang pagpapatakbo ni Qiao Anhao pero di hamak na mas mabilis pa rin si Lu

Jinnian kaya sobrang nahirapan siyang habulin ito.