webnovel

Lihim na karamay (19)

Éditeur: LiberReverieGroup

Ilang beses ng tinawagan ni Qiao Anhao si Xu Jiamu pero hindi talaga ito sumasagot kaya bandang huli, sumuko nalang siya at tinext nalang ito na mauuna na siyang umalis bago siya maglakad papunta sa gilid ng kalsada para maghintay ng taxi.

Kasalukuyan siyang nakatayo sa puso ng siyudad kung saan puro mayayaman lang ang pumupunta at siguradong may dalang mga sasakyan ang mga taong dumadayo rito kaya madalang dumaan ang mga taxi rito.

Nagmamadaling naglakad si Lu Jinnian papunta sa main hall habang sinusuot ang kanyang jacket pero nang silipin niya ang buong paligid, hindi niya makita si Qiao Anhao kaya tumakbo siya palabas para magpatuloy sa paghahanap.

Kilala siya ng security guard kaya nilapitan siya nito para batiin, "Mr. Lu."

Hindi pinansin ni Lu Jinnian ang bumati sakanya at nagpatuloy lang sa paghahanap. Medyo hinihingal na siya dahil takbo lang siya ng takbo hanggang sa makarating na siya sa kalsada. Makailang beses siyang huminga ng malalim bago mapatingin sa entrance at sa wakas, nakita niya na rin si Qiao Anhao na nakatayo sa ilalim ng poste ng ilaw na halos dalawang daang metro ang layo mula sa entrance.

Nakasuot ito ng isang light blue na dress na may floral pattern. Habang tinititigan ni Lu Jinnian si Qiao Anhao, unti-unting kumakalma ang kanyang mga mata. Walang pagaalinlangan siyang naglakad papunta rito hanggang sa hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na lalo pang bilisan ang kanyang paglalakad para malapitan niya na ito kaagad.

Pero parang binibiro siya ng tadhana dahil noong halos isang daang metro nalang ang layo niya mula rito, sakto namang may biglang humintong taxi sa harapan ito. Halata sa itsura ni Qiao Anhao ang labis na kaligayahan kaya sabik na sabik itong pumasok, at sa isnag iglap, muli nanaman itong nawala.

Biglang natigilan si Lu Jinnian at natulala nalang siya sa direksyon kung saan ito kanina nakatayo.

Kanina, nagkaroon siya ng kaunting pagasa noong sinabi sakanya ng kanyang assistant na kailangan ni Qiao Anhao ng masasabayan pero sa mga oras na ito, muli nanaman itong nawala.

Hindi nagtagal, umihip ang malamig na simoy ng hangin pero nanatili pa rin si Lu Jinnian sa kanyang kinatatayuan habang pinakikinggan ang mga humaharurot na sasakyan. Ilang sandali ang nakalipas at napagdesisyunan niyang maglakad nalang pabalik ng may mabigat na puso, pero bago siya tuluyang makapasok sa Royal Palace, muli siyang natigilan at napasilip sa paradahan ng mga sasakyan na nasa tabi lang ng gusali.

Dali-dali niyang pinuntahan ang kanyang sasakyan at nagmaniobra pabalik ng Mian Xiu Garden.

Dumaan siya sa pinakamabilis na ruta pabalik ng Mian Xiu Garden kaya pagkalagpas niya sa bahay ni Xu Jiamu, saktong kararating lang din ni Qiao Anhao. Nakita niyang nakayuko ito habang kumukuha sa bag nito ng pambayad para sa taxi.

Dali-daling inapakan ni Lu Jinnian ang kanyag preno.

Pagkatapos magbayad ni Qiao Anhao sa taxi, agad itong naglakad papasok ng bakuran at hindi nagtagal, nagbukas na ang mga ilaw sa loob ng katabing mansyon.

Hinintay lang ni Lu Jinnian a makaalis ang taxi bago niya iabante ang kanyang sasakyan para itapat sakanyang mansyon at sa manyson ni Xu Jiamu.

-

Medyo matagal ding nasa labas si Qiao Anhao kaya medyo nagugutom na siya noong sandaling makauwi siya. Agad niyang kinuha ang dumplings sa ref para madefrost na ito bago niya lutuin. Hindi niya rin nakalimutang ibabad ang kanyang chopsticks sa planggana.

Pagkatapos niyang kumain, nagshower lang siya ng mabilisan at dumiretso na rin siya kaagad sakanyang kama. Dahil hindi pa siya masyadong inaantok, sinilip niya muna ang kanyang Weibo, at mga bandang ala una niya na pinatay ang mga ilaw.