webnovel

Labintatlong taon kitang minahal (25)

Éditeur: LiberReverieGroup

Hinintay muna ni Han Ruchu na parehong makalabas ang mayordoma at ang katulong sakanyang kwarto bago niya itigil ang pagpapanggap na nanghihina. Maya-maya lang ay bigla niyang iniangat ang kanyang baba at nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatingin sa bintana.

Kung hindi niya pa nakita ang phone ni Qiao Anhao habang kinakausap niya ito ay hindi niya malalaman na ang babaeng yun ay makikipagdinner pala kay Lu Jinnian mamayang gabi. O baka nga umaasta na ang mga ito bilang asawa ng isa't-isa.

Ngayon ay Chinese Valentines day…. So ibig sabihin, may relasyon talaga ang dalawa?

Dahil ipinagdiinan sakanya ni Lu Jinnian kung gaano siya kawalang puso sa ginawa niyang pagpatay sa anak nito, paano niya naman hahayang palampasin nalang ang mga nangyari? Paano niya hahayang mamuhay ng mapayapa ang isang bastardo, na una palang ay hindi na dapat ipinanganak?

Hindi siya hinayaang sumaya ni Lu Jinnian, maging ang kanyang anak ay kinalaban din nito, kaya paano niya ito hahayaang maging masaya!

Mahal ni Lu Jinnian si Qiao Anhao, hindi ba? Pwes… mararanasan nito ngayon ang pakiramdam na hindi siputin ng taong pinakamamahal nito sa mismong araw pa ng Valentines Day…

Habang iniisip ni Han Ruchu ang masama niyang plano, hindi niya napigilan ang kanyang sarili na ngumisi at bakas sakanyang mga mata ang napakatinding galit. Hindi nagtagal, kinuha niya ang telepono at tumawag sa isang numero. Nagpanggap siya na kinakabahan habang nagsasalita. "Anxia? Ako ito, si Aunt Xu mo… Naaksidente si Qiao Qiao. Habang paakyat siya ng hagdanan, nagkabanggaan sila ni Aunt Yun kaya nalaglag siya…Dinala na siya ni Jiamu sa ospital…mm..sobrang nagaalala rin ako. Mukhang malala ang nangyari. I'm sorry kung naaksidente pa siya rito…" 

-

Ang suit na binili ng assistant ay ang pinaka bagong design ng Armani na kulay sky blue.

Medyo maputla si Lu Jinnian kaya noong suot niya na ang suit, lalo pa siyang nagmukhang matangkad at gwapo na parang isang prinsipe na palabas ng palasyo nito.

Alas sais imedya palang, ibig sabihin ay may isang oras pa bago ang nakatakda nilang dinner ni Qiao Anhao. Pero dahil masyado siyang excited, nakarating na siya kaagad sa entrance ng Lijing Pavilion noong oras na 'yun. 

Para siguraduhing romantic at mapayapa ang gagawin niyang confession, hindi biro ang ginastos niya para makuha ang top floor. Pagklabas niya ng elevator, sumalubong sakanya ang napakatahimik na Pavilion ng Lijing.

Sinamahan ng managaer si Lu Jinnian sa isang private room na hinanda nito para sakanya. Pagkabukas ng wooden door, agad siyang dumiretso sa bintana. Hinawi niya ang mga kurtina at tumambad sakanya ang napakagandang tanawin na madudungaw sa isang floor-to-ceiling na bintana.

Sobrang ganda ng panahon ngayong Chinese Valentines. Ang kalangitan ay punong puno ng mga bituin kasabay pa ng maliwang na ilaw mula sa buwan. Matatanaw rin mula sa venue ang mga napakatingkad na mga ilaw ng forbidden city. Isa pa, lalo pang gumanda ang kapaligiran dahil sa mga kandila na tila sumasayaw kasabay ng hangin at ang halimuyak ng mga mababangong bulaklak na kaninang umaga lang binili. 

Umalis din kaagad ang manager nitong ihatid si Lu Jinnian. Naglakad siya papunta sa terrace at bilang pagsunod sa common etiquette na sa kaliwa ang lalaki at sa kanan naman ang babae, umupo siya sa upuan na nasa kaliwa na may katabing European marble, na may nakapatong na Chinese bellflowers at tila sumasayaw na mga kandila. Habang nakatitig sa bakanteng upuan na nasa kanyang harapan, sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso.

Hindi nagtagal, sinilip niya ang oras. Six forty three palang. May forty seven minutes pa bago dumating si Qiao Anhao.

Ipinikit ni Lu Jinnian ang kanyang mga mata para kalmahin ang kanyang sarili habang iniisip niya kung ano mga sasabihin niya. Hindi mapakali ang kanyang mga kamay na nakapatong sakanyang mga binti at sa sobrang kaba, halos magputukan na ang bukong ng kanyang mga kamay noong ikinuyom niya ang ito.

Noong nakita ng assistant, na nakatayo sa gilid, ang labis na pagkakaba ni Lu Jinnian, wala siyang ibang gustong gawin kundi ang pagaanin ang loob nito kaya lumapit siya at sinabi, "Mr. Lu, napaka romantic talaga ng plinano mong setting."