webnovel

Kasal (11)

Éditeur: LiberReverieGroup

Ang pinaka magandang pangako na pwedeng maibigay ng isang lalaki sa isang

babae ay ang pagpapakasal, at ganun din sa isang babae, ang pinaka

magandang paraan para maipahayag ang pagtitiwala nito sa isang lalaki ay sa

pamamagitan rin ng pagpapakasal.

Ang pagpapakasal na siguro talaga ang pinaka magandang bagay na pwedeng

maranasan ng isang tao sa mundong ito.

At handang ibigay ni Qiao Anhao ang napakagandang bagay na ito para lang

makumbinsi si Lu Jinnian na talagang siya nito.

Kung talagang handa nitong ipagkatiwala sakanya ang mga natitirang araw

ngbuhay nito, ang ibig sabihin lang ay gusto nitong talagang makipagbalikan.

Habang iniisip ito ni Lu Jinnian, magkahalong saya at lungkot ang bumalot

sakanyang mga mata.

Bandang huli, talo pa rin talaga siya pagdating kay Qiao Anhao.

Sa tuwing sinusubukang tumawid ni Qiao Anhao sa linya niya, handa siyang

babaan ito palagi para maabot nito…

Pero sino nga bang dapat niyang sisihin?

Bukod kay Qiao Anhao, wala na siyang ibang minahal.

-

Alas tres na ng hapon noong makalapag ang eroplanong sinakyan nila sa

Beijing International Airport.

Dahil winter ngayon sa Beijing, napakalakas ng hangin at kahit tirik na tirik ang

araw ay sobrang nkakaginaw pa rin.

Nag'taxi lang si Lu Jinnian noong pumunta siya sa America, kaya wala siyang

naiwang sasakyan sa airport. Dahil dito, kinailangan nilang pumila sa hintayan

ng taxi.

Pagkasakay na pagkasakay nila ay nagtanong kaagad ang driver, "Saan po tayo

pupunta?"

Walang pagdadalawang isip na sumagot si Lu Jinnian, "Civil Affairs Bureau."

"Sige." Base sa paraan ng pananalita ng driver, halatang lokal na residente

talaga ito ng lugar.

Pero, hindi pa man din sila nakakalayo ay biglang nagsalita si Qiao Anhao,

"Mister, pwede bang sa Jindian street tayo."

"Ah? Hindi sa Civil Affairs Bureau?" Naguguluhang tanong ng driver.

Biglang lumungkot ang itsura ni Lu Jinnian.

Dali daling namang nagpaliwanag si Qiao Anhao, "Hindi ko kasi dala ang

identification book ko."

Dahil sa paliwanag ni Qiao Anhao, muling nanumbalik ang saya sa sa mukha ni

Lu Jinnian at hindi pa man din ito tapos magsalita ay bigla siyang tumingin sa

driver. "Jindian street."

Kakaumpisa palang ng bagong taon kaya wala pa masyadong taong dumadayo

sa siyudad na nagresulta sa di hamak na kakaunting sasakyang bumabyahe.

Dahil dito, wala pa man ding kalahating oras ay nakarating na sila kaagad sa

pupuntahan nila.

Binayaran ni Lu Jinnian ang driver at sabay silang sumakay sa elevator para

puntahan ang bagong apartment ni Qiao Anhao.

Nang makarating na sila sa unit, mabilisang binuksan ni Qiao Anhao ang pintuan

at hindi pa man din siya nakakapagpalit ng sapatos ay nagmamadali siyang

tumakbo papunta sakanyang tulugan.

Inilapag ni Lu Jinnian ang kanyang maleta sa may bandang pintuan at

pinagmasdan ang apartment nito – may nakapatong sa dining table na isang

plastic ng tinake out na pagkain, habang ang sofa naman nito ay puno ng mga

underwear at magasin. Biglang kumunot ang kanyang noo at naglakad papasok

para sana pagligpitan ito, pero noong sandaling makalapit siya sa coffee table,

napansin niya na may nakapatong dito naisang kaha ng sigarilyo at isang

pirasong papel.

Medyo matagal din siyang natigilan damputin ang mga ito.

Una niyang binuksan ang papel: tumambad sakanya ang isang napaka pamilyar

pamilyar na sulat kamay.

Nabasag na ang porcelain doll…

Hindi nagtagal ay binuksan niya naman ang isamg kaha ng sigarilyo at binilang

ang laman nito. Mayroon itong labing-walong sticks… sigurado siya na ito ang

kaha na naiwanan niya sa set ng 'Heaven's Sword'.

'Yun ang kauna unahang pagkakataon na bumalik siya ng Beijing sa apat na

buwan siyang nawala.

Noong araw na 'yun, umuwi lang siya para magbigay galang sa death

anniversary ng kanyang nanay. Sa totoo lang, wala talaga siyang balak na

makita si Qiao Anhao kaya pagkatapos niyang dumalaw sa puntod, kumuha siya

kaaad ng ticket paalis ng Jiangxi.

Noong gabi ring iyon, gusto niya na talagang umaalis kaagad pero bigla niyang

narinig na sumisigaw ito.

Habang inaalala ni Lu Jinnian ang mga nangyari noong gabing iyon, may narinig

siyang yabag ng mga paa kaya dali dali niyang ibinalik sa coffee table ang kaha

ng sigarilyo at ang kasama nitong papel. Pagkatalikod niya, nakita niyang

tumakbo siya Qiao Anhao palabas ng tulugan habang hawak ang identification

book nito.