webnovel

Divorce (13)

Éditeur: LiberReverieGroup

Nanatiling tahimik si Lu Jinnian

Ang kanyang assistant ay muling nagsalita. "Mr. Lu, magiinvest ka ba sa isang family drama?"

Hindi pa rin nagsasalita si Lu Jinnian.

Sa oras na ito, ang kanyang assistant ay nanatiling tahimik din, sumusulyap sa kanya sa pamamagitan ng salamin sa likuran paminsan-minsan

Sumimangot si Lu Jinnian, ang kanyang ekspresyon ay hindi malungkot, sa halip ay isang pagpapahiwatig ng mahirap na kalagayan... Ano ang eksaktong sinabi ni Ms. Qiao Anxia kay Mr. Lu?

Ang assistant ay nagsimulang makaramdam ng kakaiba, ngunit tulad ng pagwasak niya sa kanyang utak para makahanap ng sagot, Si Lu Jinnian ay biglang nagtanong, "Mayroon bang isang panukala sa Hong Kong sa makalawa?"

"Mayroon, Mr. Lu." Ang paksa ay mabilis na nagbago, ang assistant ay halos hindi ito nakuha. Sandaling tumigil, idinagdag niya, "Si Mr. Wang ay pupunta sa Hong Kong ngayong gabi para sa kontrata."

Sa isang mahinang tinig, sinabi ni Lu Jinnian, "Ipagbigay alam sa kanya na hindi niya kailangang pumunta."

"Ha?" tanong ng assistant.

Lamang pagkatapos, idinagdag ni Lu Jinnian, "Magbook ka ng dalawang tiket patungong Hong Kong, tayo ay aalis upang ayusin ang panukala."

Si Lu Jinnian ay dapat aalis para sa panukala, ngunit kahapon ng hapon, ipinilit niya ito kay Mr. Wang. Ngayon, habang si Mr. Wang ay nasa airport na, biglang nagbago ang isip niya…

Sa walang katiyakan ay tumawag ang assistant kay Mr. Wang.

Pagkatapos ng kanilang tawagan, ibinooked niya ang kanyang flayt tikets. "Ito ay sa alas-11 ng gabi, aabot tayo kapag pumunta na tayo sa paliparan ngayon. Kukunin ko na ang hotel sa Hong Kong upang maiayos ang ating mga damit."

Maliwag na isinagot ni Lu Jinnian "Oo". Nang maglaon, ang kanyang telepono ay tumunog, at tumingin siya sa iskrin, napagtatanto niya na ito'y isang mensahe mula kay Qiao Anhao. [Nagtatrabaho pa rin?]

Binuksan ni Lu Jinnian ang kanyang telepono. Sasagot na sana ngunit nagdalawang isip ito; binura niya ang mensahe at ibinaliktad ang telepono sa tabi niya.

-

Nang bumalik si Qiao Anhao sa Mian Xiu Garden, ito ay alas-10 na ng gabi. Siya ay dapat na maghahapunan kasama si Lu Jinnian, ngunit hindi ito nakipag-ugnayan sa kanya. Siya ay tumingin sa kanyang telepono at nagpadala ng mensahe, [Nagtatrabaho pa rin?]

Pagkalipas ng halos isang minuto, hindi pa rin tumugon si Lu Jinnian. Ito ang unang pagkakataon na hindi siya sumagot sa kanya. Dati, kahit na siya ay maraming ginagawa, siya ay tumutugon agad kahit na ito'y sumapit na ng gabi, kaya taimtim na pinaniwalaan ni Qiao Anhao na abala lang siya. Matapos tanggalin ang kanyang mga damit, pumasok siya sa banyo.

Nang siya'y lumabas, diretso siyang tumungo sa kanyang telepono, ngunit hindi pa rin tumugon si Lu Jinnian. Inilagay niya ito pabalik, pumunta siya sa kanyang lamesa at pinatuyo ang kanyang buhok.

Malapit nang mag alas-11 ng gabi, kaya kahit na nagtatrabaho siya, dapat ay patapos na siya, kaya tumakbo siya pabalik ng kanyang kuwarto upang magpalit ng damit. Napatitig sa kanyang malaking hanay ng mga damit bago mapagdesisyunan ang isang maliwanang na kulay ng dilaw na bestida. Siya ay nagpaikot-ikot sa harap ng salamin, at nang makuntento, siya ay nagmadaling lumabas ng kuwarto at tumungo sa kanyang telepono, ngunit wala pa ring mensahe mula kay Lu Jinnian. Siya ay nagpadala ng tandang pananong na mensahe.

Nang si Lu Jinnian at ang kanyang assistant ay dumadaan sa isang masuring seguridad, Tinanggal ni Lu Jinnian ang lahat ng laman ng kanyang bulsa at inilagay ito sa nakalaan na basket.