webnovel

Breaking The Last Rule

"I love you and I don't care if I might break their last rule..." Xiana and L are labelmates. Walang araw na hindi sila nag-away at nagbangayan. Bully si L. Tagasaway naman itong si Xiana. Hindi nakakapalag si L sa mga pambabasag na ginagawa ni Xiana sa mga trip nya. Until destiny uses 1hundred Days show and pairs them up. Pinaniwala ni L si Xiana na dapat siya nitong suyuin at ligawan para mapapayag nyang pirmahan ang kontrata. If not, problema na ito ng babae. Walang palag na napasunod sya ni L sa mga trip nito. Nandyan ang inuutus utusan siya, pinagsasayaw at halos gawin ng alila. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Nang magkaalaman na ng totoo, ayun, world war 3 na...

envieve · Général
Pas assez d’évaluations
32 Chs

Chapter 5

~**~

C H A P T E R F I V E

BOSS L

Lutuan mo ako ng fried chicken at ng mga ka-grupo ko. Nasa main dance studio kami. Bilisan mo, Slave.

"Ang kapaaaaal!" gigil ngunit mahinang sabi ko. Kasama ko sa kwarto ang kambal na ngayon ay mga natutulog na ng mahimbing.

It's 10:28PM. Patulog na ako nang tumunog ang phone ko at bumungad lang naman ang text ng unggoy. Sinave niya ang number niya kanina nung nasa kotse kami galing GSB building pabalik sa gusali ng entertainment namin. I was texting PD na wag ng mag-abala at tumuloy sa rooftop ng GSB dahil alam kong busy siya at pabalik na naman kami sa Big Hit Ent. Building nang agawin sa akin ni Lian ang phone ko. He saved his number and tinawagan para ma-save niya ang number ko sa phone niya. Hindi na ako magugulat kung "Slave" ang pinangalan niya sa contact ko sa Phonebook niya.

My phone beep again.

BOSS L

Di ka kikilos? Narinig mo naman ang sinabi ni PD kanina, diba? Kailangan pirmado na ang dalawang kontrata bago ang official contract signing. And it will happen NEXT WEEK.

Inihilamos ko ang palad ko sa mukha. Padabog akong tumayo kaya nahulog ang phone ko sa sahig na nakalimutan kong nilapag ko nga pala sa lap ko.

Nakagawa ito ng ingay.

"Gising ka pa, 'my?' tanong ni Jisoo at binuksan ang lamp na nasa bedside table niya.

I looked up to see Misoo. Natutulog siya sa itaas ng double deck at si Jisoo naman ang nasa ibaba.

"Uh, eh, magluluto ako."

"Magpa-deliver ka nalang para hindi ka na magluto," nakapikit na sabi niya.

Napaisip ako. Right! Bakit naman ako mag-aaksaya ng panahon para lutuan si Lian?

"Salamat, Jisoo."

Sinagot niya ako ng mahihinang hilik.

Nang dumating ang mga pina-deliver kong pagkain sa KFC, nilipat ko ang pagkain sa lunch box para magmukhang luto ko. Noon pa man, rich kids na ang lahat ng miyembro ng Pentagon at naisip ko na hindi sila kumakain sa fast food chain kundi sa mga sosyaling restaurant kaya hindi nila malalaman na nagpa-deliver lang ako. Lalo na si Lian? May pagka-engot din ang unggoy na yun minsan.

Nilagay ko sa bag ang siyam na lunch box at nagtungo na sa 10th floor kung nasaan ang Main Dance Studio. In every dorm, there's a practice room. Ngunit ang Main Dance Studio ang palaging ginagamit kapag vi-videohan ang dance practice version ng dance music ng anumang grupo o collaboration ng dalawa o higit pang grupo. Ito kasi ang pinakamalaki at may logo ng Big Hit Ent., na sadyang ipinapakita sa Dance Practice videos na ina-upload sa Youtube ng mismong agency.

In Pentagon's case, nire-renovate ang practice room nila. Nalaman ko yun kay Thunder pagkarating ko sa Main Dance Studio.

"Salamat, Xiana. Pasensya na kung inistorbo ka ni L." Jaden, the leader.

Mga nakaupo kami sa sahig. Nasa pagitan niya ako at ni L. I am surrounded by nine cute guys!

"Yeah." Inakbayan niya ako. Inalis ko naman. "Salamat sa effort mo... effort mong magpa-deliver."

Napatingin ako kay Lian sunod sa lahat ng miyembro ng Pentagon. Kina Jaden, Thunder, Blue, Aki, Marc, Lance, Troy at Darrel.

Kaswal ang mga tinginan nila na taliwas sa inaasahan kong magugulat sila.

"Paano mo nalamang favorite namin ang KFC chicken?" kwestyon ni Blue.

"Ah... ano eh..." Napahawak ako sa batok ko at yumuko habang nag-iisip ng idadahilan.

"Tinatanong pa ba yan? Alam niyo namang close na close kami ni Xiana." Muli ay inakbayan niya ako at hinila palapit sa kanya. "Diba?"

Ngumiwi ako at inirapan siya. Hindi ko naman alam ang tungkol sa bagay na 'yun. Di ko nga alam na kumakain pala sila sa fast food eh. Sadyang nagkataon lang. At mabuti na rin kasi hindi nakakapanghinayang dahil paborito nila.

"Akala ko makakatikim na ako ng luto mo, Xiana. Sabi kasi ni L ipagluluto mo kami." Dahil sa sinabi ni Troy, nakaramdam ako ng konsensya. Nag-e-expect pala sila ng luto ko...

"Pero ayos lang," tila pangbawi ni Aki. "Gabi na rin naman. Salamat, Xiana." Ngumiti siya ng matamis.

Napangiti tuloy ako.

"Binibida ka kaya ni L dito kanina." Napatingin ako kay Darrel nang magsalita siya. "Masarap ka daw magluto."

"Di nga? Sinabi ko 'yon?"

"Maang-maangan pa, L!" sabi ni Marc bago ako kinausap. "Next time sana luto mo na yung dalhin mo sa amin para matikman namin."

"Para lang malaman niyo, ako ang unang makakatikim ng luto ni Xiana." Hinarap ako ni Lian. "Ipagluluto mo rin ako balang araw!"

"And so?"

Kinurot niya ng mariin ang magkabilang pisngi ko. Napapikit ako sa sakit. "Mukha ka talagang baboy!"

Kinailangan ko pang kurutin ng madiin ang mga kamay niya para mabitawan ako.

"Pucha, nagsugat. Tignan mo!" Pinakita niya sa akin ang kamay niyang namumula at may kaunting dugo.

"Gusto mo dagdagan ko 'yan ha?"

"Edi dagdagan mo!" sabi niya sabay pinanggigilan na naman ang pisngi ko.

Bago ko siya masuntok, nakatakbo na siya palayo. Siyempre, hinabol ko siya.

"L, AKIN NALANG YUNG PAGKAIN MO AH!" narinig ko pang sigaw ni Aki.

"IYONG IYO NA DI NAMAN LUTO NI ATE XIANA YAN," pasigaw na tugon ni Lian habang tumatakbo.

Pagdating sa hallway, tumigil ako sa pagtakbo para hubarin ang bedroom slippers ko. Binato ko ang isa kay Lian.

Sapul!

Hinawakan niya ang ulo niya kung saan siya tinamaan, tumigil sa pagtakbo at nilingon ako. "Binabato mo ko ha. Teka nga." Pinulot niya ang tsinelas ko at tumakbo palapit sa akin.

Tingin niya sa'kin matatakot ako sa kanya? Ha. Buong tapang kong hinintay na makalapit siya.

"Oh, bakit ha?" maangas na sabi ko. Taas noo pa.

"Bakit mo ko binato?" Binitawan niya ang tsinelas ko at kinurot na naman niya ang pisngi ko.

"Aray! Ang sakit sakit mo mangurot, Lian!" reklamo ko. Halos magkanda bale bale na ang leeg ko sa pagpaling para mabitawan niya ang pisngi ko pero walang nangyari. Kaya sinipa ko na siya sa tuhod.

Ayun. Nabitawan niya ang pisngi ko.

Kukurutin ko rin sana siya sa pisngi niya ng sooooobrang diin para makabawi ngunit mabilis niyang nahawakan ang wrist ko. Ganun din sa isa.

"Bitawan mo ko! Bitawan mo ko!" paulit ulit na sabi ko habang nakikipaglaban sa kanya. Gustung gusto ko siyang sapakin sa mukha kaso hindi umaabot dahil nga sa hawak niya ako.

"Hindi mo ako bibitawan ha?" sabi ko na may pagbabanta.

"At bakit naman kita bibitawan?" Lalo pang nang-asar ang unggoy.

"Kainis ka!"

Lalo akong nanggigil na saktan siya. Lalo namang humihigpit ang pagkakahawak niya sa akin para pigilan ako.

Sabay kaming napalingon ni Lian nang may narinig kaming nagmura.

Si PD. Pulang pula na naman ang mukha sa galit.

"GABING GABI NA NAGHAHARUTAN PA KAYONG DALAWA?" singhal niya saamin. "Xiana, bakit nandito ka sa palapag ng Pentagon? May oras kayo ng tulog. Hindi ba dapat nasa dorm ka na ngayon at natutulog na?"

"Ito po kasi eh." Tinulak ko si Lian. Nagawa ko yun kasi maluwag na ang pagkakahawak niya sa akin. "Inutusan akong dalhan sila ng pagkain."

"Nagpauto ka naman sa lalaking yan?"

Sasabihin ko pa sana na dahil iyon sa instruction na kailangan ko siyang ligawan, at dahil mabait si Lian, ginagawa niya akong sunud sunuran sakanya. Ngunit sumingit si Lian sa usapan.

"Ikaw, PD. Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras ng gabi?"

"Aba't... kung makapagsalita ka parang tatay kita ah. Nagpunta ako dito para itanong sa'yo ng personal kung napapirmahan mo na ba dito kay Xiana yung kontrata?"

"Opo, napirmahan ko na," ako na ang sumagot. "Pero, PD, bakit pansin ko si Lian lang ang palagi niyong tinatanong tungkol dyan?"

Bumuka ang bibig ni PD para sumagot subalit...

"PD, babalik na daw si Xiana sa dorm niya. Kailangan na niyang matulog, diba?"

Tumango si PD. "Matulog ka ng mahimbing, hija. L, ihatid mo hanggang dorm nila tutal ikaw naman ang nagpapunta sa kanya dito."

"Wag na 'no!" mabilis na tanggi ko. "Kayang kaya kong bumalik sa dorm mag-isa."

"Talaga! Akala mo naman sasamahan talaga kita? Manigas ka!"

Nagpalit kami ng deathly glare sa isa't isa ni Lian. Hanggang sa sawayin kami ni PD.

"Tama na 'yan. 'Yang ganyang ugali niyo wag niyong dadalhin sa 1hundred Days sinasabi ko sainyo."

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad.

"May naiwan ka."

Natigilan ako. At napapikit ng tama ang sinabi ni Lian. Naiwan ko ang isang kapares ng bedroom slippers ko.

Umikot ako at nakitang hawak hawak niya. Binato niya yun papunta sa akin. Nasalo ko naman.

Pagtalikod ko ulit, sumigaw na naman si Lian na may naiwan pa ako.

Lumingon ako at tinanong kung ano.

"Puso ko," nakangiting sabi niya habang tinuturo ang kaliwang dibdib where his heart is located. "What?" tanong niya matapos kaming salitan na tingnan ni PD.

Parehas kasi kami ni PD kung tumingin kay Lian. Nakangiwi na para bang nakakadiri ang sinabi ni Lian. Well, ang korni naman kasi!