webnovel

Breaking The Last Rule

"I love you and I don't care if I might break their last rule..." Xiana and L are labelmates. Walang araw na hindi sila nag-away at nagbangayan. Bully si L. Tagasaway naman itong si Xiana. Hindi nakakapalag si L sa mga pambabasag na ginagawa ni Xiana sa mga trip nya. Until destiny uses 1hundred Days show and pairs them up. Pinaniwala ni L si Xiana na dapat siya nitong suyuin at ligawan para mapapayag nyang pirmahan ang kontrata. If not, problema na ito ng babae. Walang palag na napasunod sya ni L sa mga trip nito. Nandyan ang inuutus utusan siya, pinagsasayaw at halos gawin ng alila. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Nang magkaalaman na ng totoo, ayun, world war 3 na...

envieve · Général
Pas assez d’évaluations
32 Chs

Chapter 3

**

C H A P T E R T H R E E

"Baka naman masunog na 'yang papel sa sama ng tingin mo." Boses ni Danna.

"Chini-check ko lang ng maigi kung si Lian nga ba talaga itong nasa kontrata."

Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Mia. Kinuha niya ang papel na hawak ko. "Liander Maniego. Ito naman ang tunay na pangalan ni L, hindi ba?"

"Baka ibang Liander 'yan, ano sa tingin mo?" Obviously, umaasa akong hindi si Lian ang ka-partner ko sa 1hundred Days. Mas prefer ko pang manirahan kasama ang taga-ibang agency wag lang siya. Wag na wag lang siya. Living with him under the same roof will be a disastrous one.

"May nakasulat na ngang, Liander Maniego "L" of Pentagon, pumapag-asa ka pa rin na hindi siya?"

Bumuntong hininga ako at naupo sa kama. "Ayaw ko siyang partner. Masakit sa ulo ang batang 'yun."

Tumawa si Danna habang binabalik sa folder ang contract.

"Sweet niyo nga ni L eh."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Don't say bad words, Danna."

Tinawag ako ni Jisoo kaya tumakbo ako palabas ng kwarto.

"Ano yun?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Aalis na ko, 'my!" Niyakap niya ako.

"Ikaw talaga, Jisoo. Akala ko kung ano na."

Nang nakayakap sa akin, nagpunta kami sa kusina. May apat na lunch box na nakahanda doon. Ang fried rice with beef na gustung gusto ng kambal, Tuna sandwich na suggestion ni Mia at Caesar salad na gusto ni Danna. The last two were on a diet kaya ayun ang pinabaon ko sa kanila.

"Nasa labas na si Misoo. Tara!" Hinila ako ni Jisoo. Inabot ko agad ang lunch box para kay Misoo.

Sa living room naabutan ko si Mia-ng ngiti ngiti habang nakaharap sa phone niya. Paniguradong kausap na naman niya si Lindo. "Hoy, Mia, wag ka masyadong kiligin sa Lindo na 'yan. Wala akong tiwala dyan!" sabi ko habang nagpapadala sa pangangaladkad sa akin ni Jisoo.

"Ano na namang ginagawa mo dito?" tanong ko kay Lian.

Naabutan ko na naman siyang nasa labas ng pinto pagkalabas namin ni Jisoo. Siya ang kausap ni Misoo.

Binigay ko kay Misoo ang baon niya habang nakatitig ng masama kay Lian. Maganda ang umaga ko until nakita ko na naman ang pagmumukha ng unggoy. Di pa ako nakaka-move on sa ginawa niyang pagpapahirap sa akin kahapon. Si Manager at Mr. Perez nga hindi ako inuutusan. Tapos siya, pinagpabalik pabalik ako sa park at cafeteria? Napakalayo pa naman ng distansya. Kaasar eh.

"Ikaw gumagawa ng baon nila?" tanong niya, hindi pinansin ang tanong ko.

"Yes! At siya mismo ang nagluluto ng mga baon namin," proud na sabi ni Jisoo.

"Euw, Jisoo. Ang childish mo talaga!" reklamo ni Misoo. "You're already eighteen!"

"No! I'm only eighteen!"

Nagbangayan na ang kambal.

Pumeke ng ubo si Lian kaya tumahimik ang dalawa.

"Ako ba? Wala?" kaswal na tanong ni Lian.

"Bakit, sino ka ba sa tingin mo?"

Tumawa siya ng mahina, yun bang pa-humble? Tapos yumuko then tumingin uli sa akin. "Ako lang naman si L, ang pinaka-gwapo sa Pentagon."

Nag-thumbs up sa kanya si Misoo in a way na sumasang-ayon siya sa sinabi nito.

"Makaalis na nga." Hinawakan ko sa braso ang kambal at hinila paalis nang pigilan ako ni Lian.

"Teka, sasabay ako sainyo. Sayang naman ang effort kong umakyat dito sa floor niyo."

"Sino ba kasing nagsabing sumabay ka?"

"Ako. Ikaw kasi magbibitbit nito." Hinubad niya ang strap ng shoulder bag niya at sinukbit sa isang balikat ko.

Grabe, ang bigat!

"Ang kapal mo. Bakit ko bibitbitin 'yan ha?" sabi ko at hinagis sa kanya pabalik ang bag niya.

"Ate Xiana, gusto mo ako na ang magbitbit ng bag mo?" offer ni Misoo pagkalabas namin ng elevator. Nasa Ground na kami ng building at papalabas na.

Nginitian ko siya. "Keri ko na."

"Pero kasi mukhang ang bigat ng bag ni Kuya L."

"Wag na wag mong tinatawag na kuya 'yang monggoloyd na 'yan," bulong ko habang pinanlilisikan ng tingin ang malapad na likod ni Lian. Nauuna siyang maglakad sa amin ng kambal.

"Naririnig kita, Slave."

I stop on my track. "You call me what?"

Nang hinarap niya ako, nang-iinsultong ngiti ang bumungad sa akin. "You are my slave. Got a problem with that?"

Napabuga ako ng hangin. Maghintay hintay ka lang, makakabawi din ako sa'yong unggoy ka.

"Ba't mo ba kinakawawa yung 'my ko? Di ka ba natatakot na sapakin ka niya?" Niyakap ako ni Jisoo.

"Siya? Kinakawawa ko?" Tumawa si Lian ng malakas. "Oo, tama ka. Kinakawawa ko nga siya," bigla ay naging seryoso na sabi niya.

Hinawakan ko sa strap ang bag niya at ihahampas na sana sa mukha niya nang...

"Yung contract! Yung contract!" banta niya.

At wala na akong ibang nagawa kundi ang mapatili sa labis na pagkainis.

After school, dumiretso ako sa GSB Network building dahil may special number ang UNQS sa isang live show. Apat na grupo ang magpe-perform, actually. Aside for my group, kabilang ang Ladies Rule, Dark B at Pentagon. Yeah right, makikita ko na naman ang pagmumukha ng unggoy. 

Gusto nga nun na magsabay kaming pumunta sa studio eh. Tinakasan ko lang. Baka kasi kung ano na naman ang iutos sa'kin ng unggoy na 'yun. Feel na feel niya ang pagti-take advantage ng instruction ng 1hundred Days na I must court him. At sa pagsunod ko daw sa kanya, sa paninilbihan ko sa kanya, doon ko raw naipapakita ang panliligaw ko sa kanya. Tsk. Whatever. 

Nakahiga ako sa reclining chair habang nakangiwing pinagmamasdan si Mia. Para kasi siyang luka luka kung makangiti habang nagtitipa sa phone niya. Ang kambal ay nakikipagkwentuhan sa mga make-up artist habang si Danna naman nagpaalam sa akin kanina na pupunta sa kabilang dressing room kung nasaan ang kaibigan niyang si Arah, na leader ng Ladies Rule.

 Katatapos lang ng special number namin. Pangalawa kami sa nagperform. Ang una ay ang Ladies Rule. Sumunod sa amin ay ang Dark B at ang huli ay ang Pentagon na kasalukuyang nagpe-perform ngayon. 

"Saan ka pupunta?" tanong ko kay Mia pagkatayo niya sa isa sa mga upuan na nakapaharap sa salamin. 

Nilingon niya ako. "CR." 

Pag-alis niya, tumayo ako para pumalit sa kinauupuan niya kanina. Napansin ko ang phone niya na nasa counter kung saan nakalagay ang sangkatutak na make-ups. Hindi ko na sana papansinin ang phone niya nang umilaw ito. May nag-text. Di ko sinasadyang mabasa ko ang text ng isang lapastangan. 

Lindo: Excited na akong makama ka. 

Sinabi ko nga ba't...! 

Humarap ako sa salamin na may tig tatlong bumbilya sa magkabilang gilid. Nakita ko ang paniningkit ng mga mata ko sa pagkainis. Ramdam kong lahat ng dugo ko ay umaakyat sa ulo ko. Kumukulo. I stormed out the dressing room. Narinig ko pang tinawag ako ni Jisoo ngunit hindi ko siya nagawang lingunin. 

Sa hallway may nasalubong akong tatlong babae at isang lalake. Natigilan sila sa pagdadaldalan at sinundan nila ako ng tingin. At nang malagpasan ko sila, narinig ko silang nagchikahan. 

"Totoo kaya yung bali-balita na sila ni L ang susunod na participant ng 1hundred Days?"

"Kyaaah. Ngayon palang kinikilig na ako. Magmimistulang RomCom ang episode nila kung sakali." 

"Ako din kinikilig! Dati ko pa sila shini-ship." 

"Pa-picture kaya tayo?" 

"Wag na. Mukhang badtrip eh. Next time nalang." 

Sa dulo ng hallway, natanaw ko ang Dark B. Mga nagtatawanan sila habang nagki-kwentuhan. Agad kong hinanap ang lapastangang si Lindo. Ayun! Nakatingin siya sa hawak na phone habang umiinom ng tubig. Pakiramdam ko si San Goku ako na biglang umapoy. Kinuyom ko ang mga palad ko at sinugod si Lindo.