webnovel

Breaking The Last Rule

"I love you and I don't care if I might break their last rule..." Xiana and L are labelmates. Walang araw na hindi sila nag-away at nagbangayan. Bully si L. Tagasaway naman itong si Xiana. Hindi nakakapalag si L sa mga pambabasag na ginagawa ni Xiana sa mga trip nya. Until destiny uses 1hundred Days show and pairs them up. Pinaniwala ni L si Xiana na dapat siya nitong suyuin at ligawan para mapapayag nyang pirmahan ang kontrata. If not, problema na ito ng babae. Walang palag na napasunod sya ni L sa mga trip nito. Nandyan ang inuutus utusan siya, pinagsasayaw at halos gawin ng alila. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Nang magkaalaman na ng totoo, ayun, world war 3 na...

envieve · Général
Pas assez d’évaluations
32 Chs

Chapter 27

~**~

C H A P T E R T W E N T Y S E V E N

We won again as the Best Female Group Of The Year. But I didn't feel happy, satisfied and proud. Instead, I was feeling down... and hurt. Puro pilit na ngiti ang pinapakita ko sa camera. Gosh. It's really hard to smile and pretend that everything's okay when it's really not.

Pagkatapos ng ceremony, with the staffs of 1hundred Days, bumiyahe na kami pabalik sa Tagaytay. Nagsolo bumiyahe si Lian at hindi siya sumabay sa limousine.

Wala namang sinabi si Direk BS at hinayaan nalang siya. Medyo maingay ang 1hundred Days team. Ako lang ang tahimik.

Pagkadating na pagkadating namin sa bahay, agad kong tinanong ang mga households kung dumating na ba si Lian. Na-disappoint ako ng sagutin nila ako na wala pa siya.

Dumiretso ako sa kwarto kung saan natutulog si Baby Timo. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.

Nag-aalala ako para kay Lian. And I just found myself staring at his contact number on my phone. Nakatitig lang ako. Nagdadalawang isip kung tatawagan ko ba siya o hindi.

In the end, I chose not to. Kahit kating kati na akong malaman kung nasaan siya sa ganitong oras at bakit hindi pa siya nakakauwi. Naisip ko rin na tawagan kahit isa lang sa mga ka-grupo niya para tanungin kung kasama ba siya pero pinili kong huwag nalang.

Ang hirap. Ang hirap hirap.

~**~

Kinabukasan paggising ko, kahit nagugutom na ako, hindi ako lumabas ng kwarto. Why? Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Lian. I've hurted him.

To entertain myself, I browsed internet. Just as I expected, maraming lumabas na articles, photos and videos about what happened last night.

Ang pinaka-trending na lumabas ay ang pagsasalita ng Big Hint Entertainment tungkol sa naganap. Sa kanila na mismo nanggaling na "hindi totoo" at ginawa lang iyon ni Lian para i-promote ang episode namin sa 1hundred Days.

Since sa company na nanggaling, marami ang naniwala. Samu't sari ang comments ng netizens. May mga positibo at may mga negatibo.

May kumatok sa pinto ng kwarto. Sa gulat, nabitawan ko ang phone ko. Ang lakas ng katok, na dahilan para magising si Baby Timo.

Iniyakap ko kay Baby Timo at ang unan saka ako tumayo at binuksan ang pinto.

"Kanina ka pa ba gising?" bungad na sabi ni Sunny.

"Ha? Hindi ah. Kagigising ko lang." Umarte ako na naghihikab tapos nagkusot kusot ng mata. Limang oras na ata akong gising mula sa tatlong oras ko lang na tulog.

"Nagtext ba sayo si Lian? Or tumawag?"

"Bakit?" Napaayos ako ng tayo at sumeryoso.

"Hindi pa kasi bumabalik dito. Nagsolo pa kasi kagabi. Iniisip namin baka naligaw yun."

Imposible naman atang maligaw yun. I knew Lian. Matandain siya sa mga lugar.

"Lahat na kami tinawagan at tinext siya pero kahit sino sa amin wala siyang ni-replyan. At walang maka-dial sa kanya. In-inform na namin ang PD niyo about this.

Ang sabi niya baka daw nagliwaliw lang. Kapag hapon na wala pa rin, tawagan daw ulit siya. Siya na ang magpapahanap."

Tumakbo ako pabalik sa may kama at kinuha doon ang phone ko. I immediately dialed his phone number.

Pangalawang ring sinagot niya agad.

"Hello, Lian?"

Tumingin sa akin si Sunny.

"Nasaan ka? Hello?" Lumabas ako ng kwarto. Natigilan ako nung makita ko si Lian. Naka-plain white shirt siya at jeans. He looked so tired. Para ngang hindi natulog eh.

Tiningnan niya ako pabalik. Seryoso. Pagkatapos, tumingin siya sa phone niya at binaba ang tawag. Tinapunan niya muna ako ng tingin bago pinihit ang pinto ng kwarto. Papasok na siya nang pigilan ko.

"Ganyan lang? Hindi ka manlang magpapaliwanag kung bakit ngayon ka lang? Ni hindi ka manlang nagsabi! Nag-aalala lahat ng tao dito sa'yo, Lian! Pinag-alala mo 'ko ng husto kagabi pa!"

Tumingin siya sa akin at ngumisi. "Bakit ba nag-aalala ang isang tao? Kasi mahal niya? O maalalahanin lang talaga siya?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Pagpasok niya sa kwarto niya, saka ko lang napansin na pinapanood pala kami ng buong 1hundred Days team.

May isa pa akong nahuli na vini-video-han kami gamit ang phone niya. Nang mapansin rin siya ni Direk BS ay sinaway siya nito.

Even if Lian and I were not okay, the show must go on. Kasalukuyan kaming nanghuhuli ng isda ngayon. Kanina pa kami tahimik. At kanina pa kami walang nahuhuling isda.

Siguro kung live ie-air ang part na ito, maraming viewers ang aantukin at magrereklamo dahil napaka-boring.

Bigla akong may naisip kaya naman napangiti akong mag-isa.

Tiningnan ako ni Lian. Pagtingin ko sa kanya, nakataas ang isa niyang kilay na para bang nagtatanong kung bakit ako natawa mag-isa.

"Akalain mo yun? Kaya pala natin maging tahimik. Ngayon lang ata nangyari 'to," sabi ko habang nakatingin sa dagat. Tiningnan ko siya. Wala siyang imik. Nakatingin lang din siya sa dagat. "Hays. Bakit ba wala tayong mahuli?" Kung anu ano na ang sinasabi ko mabasag lang ang katahimikan.

Matapos ang ilang sandaling katahimikan, sa wakas nagsalita siya.

"Nasa loob lang ako ng kotse magdamag. Umiinom."

Pilit akong tumawa. "Grabe ka naman mag-celebrate. Nagsosolo. Congrats nga pala."

He looked at me seriously. "Tingin mo talaga ayun ang dahilan?"

Napalunok ako. Mukhang parehas kami ng iniisip.

"Uhm, Lian..."

He smiled but didn't reach his eyes. "Wag kang mag-alala. Para sa'yo, hindi ako magsasalita." Tapos tumingin siya sa 1hundred Days team. And I get what he means. "Susundin ko kung anong gusto mo. Kahit ang sakit." Humina ang pagkakasabi niya sa huli tapos umiwas ng tingin.

Ayan na naman. Gusto ko na naman umiyak. Gusto ko siyang yakapin dahil ayokong nakikita siyang nahihirapan.

Biglang bumigat ang hawak kong panghuli ng isda. Sa sobrang pagka-excite ko na makahuli at sa takot kong makawala pa yun, nag-lean forward ako.

Lalong bumigat, ramdam ko ang paglangoy niya sa ilalim ng tubig. Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko. Mabuti at nahawakan agad ako ni Lian.

Napatingin ako sakanya. Ang lapit ng mukha niya sa akin. Bakas sa mukha niya ang pag-alala. And I instantly feel like crying as I stared into his eyes. His eyes says it all. Kitang kita ko sa mga mata niya na mahal niya ako. I wanna stare at it forever.