webnovel

Breaking The Last Rule

"I love you and I don't care if I might break their last rule..." Xiana and L are labelmates. Walang araw na hindi sila nag-away at nagbangayan. Bully si L. Tagasaway naman itong si Xiana. Hindi nakakapalag si L sa mga pambabasag na ginagawa ni Xiana sa mga trip nya. Until destiny uses 1hundred Days show and pairs them up. Pinaniwala ni L si Xiana na dapat siya nitong suyuin at ligawan para mapapayag nyang pirmahan ang kontrata. If not, problema na ito ng babae. Walang palag na napasunod sya ni L sa mga trip nito. Nandyan ang inuutus utusan siya, pinagsasayaw at halos gawin ng alila. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Nang magkaalaman na ng totoo, ayun, world war 3 na...

envieve · Général
Pas assez d’évaluations
32 Chs

Chapter 1

~**~

C H A P T E R O N E

"Class dismissed," anunsyo ng Professor ko sa Rizal subject at nauna na siyang lumabas ng classroom.

Nilagay ko ang shoulder bag ko sa ibabaw ng desk at doon ko pinatong ang ulo ko. Pumikit ako. Unti-unti humihina ang ingay ng mga kaklase ko hanggang sa tuluyan na itong nawala.

Mabilis akong nakatulog.

At mabilis rin akong nagising.

Paanong hindi? May naglakas loob kasing sumipa ng paa ng desk ko kung kaya't naalog ang ulo ko.

"Pashnea," galit na sabi ko at tumingala para singhalan ang paepal. "Inistorbo mo tulog ko ha." Kinuha ko ang bag ko at ibabato sana sa kanya nang umatras siya at pinigilan ako.

"Subukan mo! Magugusot itong contract. Ikaw rin," aniya habang nakataas ang isang papel.

Nanlaki ang mga mata ko dahil nakita ko ang logo ng 1hundred Days show sa pinakaitaas ng papel, sa center part.

"Anong ibig sabihin nyan?" kunot noong tanong ko. Binaba ko ang bag ko sa desk.

Humila ng monoblock chair si Lian at naupo sa tapat ko. Nagulat ako nang mabilis niyang hablutin ang bag ko at inihagis sa kung saan.

"Anak ka talaga ng tupa!" Napatayo ako at aambahan siya ng suntok ngunit iniharang na naman niya ang papel.

"Mapupunit itong kontrata, sige! Alam mo ang consequence kapag napunit ito."

Napabuga nalang ako ng hangin at muling umupo. Imbes na sa upuan ako mapapaupo, sa sahig ang bagsak ko. Paano? Sinipa ni Lian ang upuan ko. Talaga naman!!

Sasapakin ko na talaga dapat siya pero ipinangharang na naman niya ang papel. Hinihingal ako sa pagkainis. Nakakagigil na siya ha. Mahablot ko lang talaga yung papel, ilalayo ko agad sa kanya yan nang makita niya ang hinahanap niya!

Tinukod ko ang mga palad ko sa desk at yumuko habang pinanlilisikan ng tingin si Lian. "Ano bang kailangan mo?"

"Pirmahan mo daw sabi ni PD. Ikaw ang napili ni Direk BS na female participant para sa 1hundred Days."

"Ako talaga?" di makapaniwalang sabi ko habang tinuturo ang sarili.

"Basahin mo kaya." Inabot niya sa akin ang papel. At nung kukunin ko na, binitawan niya kaya dahan dahang bumagsak ang papel sa desk.

Sumama ang tingin ko. Anumang klase ng pananakit ang gusto kong gawin sa mokong, pinigilan ko ang sarili at binasa ang contract. Namilog ang mga mata ko pagkakita sa buo kong pangalan. Xiera Enilfo was chosen to be a female participant of 1hundred Days.

I double check the seal, the logo and the signature of Direk Babe Sweet. Hindi mukhang fake. Lalong lalo na yung seal at ang pirma ni Direk BS na handwritten pa.

"Anong gagawin ko dito?"

Lian almost rolled his eyes. "Pirmahan mo dyan sa baba. Hanapin mo yung may Participants' Signature na may mahabang guhit sa itaas. Kahit di mo na isulat yung buo mong pangalan basta pirmahan mo. Tapos!"

Inirapan ko siya. Hindi naman ayun ang ibig kong sabihin sa tanong ko.

"Parang di naman kapani-paniwala. Dito ang signing? Hindi sa isang conference room? Bakit wala si Direk BS? Bakit walang mga tao at unggoy lang ang kaharap ko?"

"Ang gwapo naman ng unggoy na yun," sabi niya. "Ako ang inutusan ni PD na papirmahan sa'yo. Nagmamadali nga, eh. Pirmahan mo na nang maibigay ko na sa kanya 'yan."

"Sino naman ang partner ko dito?"

"Ang daming tanong. Pirmahan mo nalang!" Naglabas siya ng ballpen mula sa bulsa ng blazer niya at inabot sa akin.

Kahit naguguluhan, pinirmahan ko ang nasabing kontrata.

"Ayan na, Lian. Himala sumunod ka kay PD. Sa tigas ng mukha mong 'yan?"

Makapal mukha ni Lian. Miski si Mr. Perez, our Producer Director, na nagpasikat sa kanya ay pinagti-tripan niya. Para siyang sutil na anak ni PD kung titingnan. Sakit sa ulo. Pasaway.

"Liander ang pangalan ko. Wag mo ngang gawing pangbabae. L is much better."

L is his stage name.

"Wala kang paki sa kung anong itatawag ko sa'yo. Lian."

***

Be You. Be Unique.

Yan ang tag line ng UNQS, my group. I am the leader and the oldest in our group. We're living in a dorm, at Big Hit's building.

"Danna, don't deal with your haters. Just tell me kapag namersonal na sila. Ako na mismo aaway sa kanila. At ikaw Mia, mag-ingat ka kung makikipagdate. Baka mamaya may makakita sa inyo. Nasaan na yung kambal?" Sa wakas natapos na rin akong magsuot ng uniform. Tinatamad akong magsuklay kaya tinali ko nalang ang buhok ko into a bun.

"Nasa labas. Nakikipagharutan kay L," sagot ni Mia habang pinapatuyo ang buhok gamit ang blower.

"Huh?"

"Sinusundo ka na ng boyfriend mo," biro ni Danna.

"In his dreams. Bye. Papasok na ako. Ingat kayo pagpasok mamaya." Niyakap ko sila isa isa bago ako lumabas ng dorm.

May kinikwento si Lian kina Misoo at Jisoo, ang kambal sa UNQS at pinakabata. Tawa ng tawa ang kambal na halatang nag-eenjoy sa kwento ni Lian.

"Kambal!" tawag ko sa kanila.

Nilingon nila ako. Tumakbo si Jisoo papunta sa akin at niyakap ako sa bewang. Sa kambal, si Jisoo talaga ang pinakamalambing sa akin. 'My' pa nga ang tawag sa akin nyan. Short for "mommy".

"Kamusta yung mga naiinggit sa inyo sa school?" tanong ko sa kambal.

Eighteen years old palang sila at nasa higher school. May grupo daw sa school nila na naiinggit sakanila kaya tinatarayan sila.

"Ayun, naiinggit pa din," tugon ni Misoo.

"Wag niyo nalang patulan. Don't stoop down on their levels. Basta kapag sinaktan kayo at binully, isumbong niyo agad sa akin. Ako sasabunot sa kanila para panot."

Tumawa ang kambal.

"Yes, 'my!"

"Ano, tapos mo na bang pakainin ang mga anak mo? Tapos ka na bang magbilin na umuwi agad dahil may rehearsal kayo mamaya? Tapos mo na ba silang pagsabihan lahat?"

Nakalimutan ko na nandito nga rin pala si Lian.

"Anong ginagawa mo dito sa floor namin?"

"Sinusundo ka. Sabay na tayong papasok," kaswal na sabi niya.

"No, thanks. Kasabay ko ang kambal."

"Sumabay ka na sa kanya, 'my, Pag-uusapan niyo ang tungkol sa 1hundred Days."

Napatingin ako kay Jisoo. Tapos kay Lian. "Don't tell me... ikaw ang partner ko?"