webnovel

Breaking The Last Rule

"I love you and I don't care if I might break their last rule..." Xiana and L are labelmates. Walang araw na hindi sila nag-away at nagbangayan. Bully si L. Tagasaway naman itong si Xiana. Hindi nakakapalag si L sa mga pambabasag na ginagawa ni Xiana sa mga trip nya. Until destiny uses 1hundred Days show and pairs them up. Pinaniwala ni L si Xiana na dapat siya nitong suyuin at ligawan para mapapayag nyang pirmahan ang kontrata. If not, problema na ito ng babae. Walang palag na napasunod sya ni L sa mga trip nito. Nandyan ang inuutus utusan siya, pinagsasayaw at halos gawin ng alila. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Nang magkaalaman na ng totoo, ayun, world war 3 na...

envieve · Général
Pas assez d’évaluations
32 Chs

Chapter 15

C H A P T E R  F I F T E E N

~**~

Hating gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Nakailang gulong na ako sa kama pero hindi manlang ako tinablan kahit na kaunting antok.

Sa buong buhay ko ngayon lang ako nainggit ng ganito. Inggit na inggit ako kay Ainon simula ng pumayag akong sumama kay Lian sa party. Kung iniisip niyong ang bag ang dahilan, nagkakamali kayo. Wala na akong pakialam sa bag na yun. Mas madaling solusyunan ang bagay na yon kaysa sa nararamdaman ko ngayon.

Pinanood ko ang bawat kilos ni Lian kanina towards Ainon. He really was gentleman towards her. Ipinaghihila pa niya ito ng upuan bago umupo. Ako ipinaghihila niya rin naman ng upuan pero para sumalampak sa sahig. Todo alalay siya rito na akala mo naman nag-aaral palang maglakad. Pero sa akin halos magsubsob ako sa kakatulak niya sa akin.

Naiinggit ako sa kung paano ang trato niya kay Ainon kumpara sa akin. Babaeng babae ang turing niya dito. Samantalang sa akin... minsan ba naisip niya na babae rin ako?

Kasalukuyan akong nasa bingit ng kama habang malalim na nag-iisip. Muntik na akong mahulog dahil sa gulat nang biglang umikot ang salamin at iniluwa si Lian. Karga niya si Baby Timo.

Nanlaki ang mga mata ko pagkakita sa kanya. Iniisip ko lang siya kanina kanina lang pero ngayon nasa harapan ko na siya.

Umupo ako at inayos ang sarili ko. "Anong ginagawa mo dito? May nangyari ba kay Baby Timo?"

Napatayo ako sa pag-aalala at nilapitan ang bata.

"Mommy," sabi ni Baby Timo at nagpabuhat sa akin.

"Kanina ka pa hinahanap. Gusto ka daw niyang katabi matulog," seryosong sabi ni Lian. Hindi ko alam kung dahil ba sa antok o trip niya lang talaga magseryoso ngayon.

Bumalik ako sa kama kasama si Baby Timo at humiga.

"Daddy!" tawag ni Baby Timo kay Lian na paalis na sana.

"Bakit, baby?" tanong ni Lian pagkalingon. Tumingin siya saakin saglit.

"Dito ka." Tinapik ni Baby Timo ang gilid niya. Pinapahiga niya si Lian sa kabilang side.

Tiningnan ako ni Lian na para bang nagpapaalam kung pwede siyang humiga sa kama.

"Well, malaki naman itong kama," sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya. Hinaplos ko ang buhok ni Baby Timo pero ang totoo sinusundan kong tingin si Lian sa gilid ng mata ko.

Nagbounce ang kama nung sumampa siya. Humiga siya sa tabi ni Baby Timo tapos tumitig sa akin. Nailang ako kaya umiwas ako ng tingin.

I kissed Baby Timo on his forehead then said, "Good night, baby. Sweet dreams."

"Yes, sweet dreams, baby." Nakatingin sa akin si Lian habang sinasabi niya iyon.

Hindi tuloy ako sigurado kung para ba kay Baby Timo iyon o sa akin. Waah. Erase, erase! Nag-a-assume na naman ako.

Niyakap ko si Baby Timo at pinagmasdan. Naalala ko yung araw na unang beses niya akong tinawag na mommy.

"Call me "Ate", ok?" sabi ko sa kanya.

Naluha ang bata at sinabing wala siyang mommy. Naawa ako sa kanya at hinayaan siyang tawagin akong mommy. Minsan nga tinatanong ko sa sarili ko kung bakit may mga nanay na pinapabayaan ang mga anak nila. Kung masakit sa kanila na iwanan ang anak nila, mas masakit para sa bata ang lumaking walang magulang.

Niyakap ko pa lalo si Baby Timo at hinalikan sa pisngi.

Pagtingin ko kay Lian, nakapikit na ito. Kaya naman malaya ko na siyang natitigan.

May mga tanong na gustung gusto kong malaman.

Kailan kaya nagsimula 'tong nararamdaman ko para sa'yo?

Gusto mo din ba ako?

As if on cue, dumilat ang mga mata ni Lian. His beautiful eyes smile and so do mine. We stare each other like we're having a sweet conversation. The moment I looked at his eyes, I already knew the answer on my first que.

The first time we stared at each other like this, I already fell under your charm.

***

Nagising ako na hindi na si Baby Timo ang kayakap ko. Kundi si Lian na! Napangiti ako tapos kinuha ko ang isa niyang braso at iniyakap sa akin. Mas lalong comfortable!

Bigla kong naalala si Baby Timo kaya napamulat ako ng mata. Napabalikwas ako ng bangon at natatarantang hinanap siya. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko siyang nakadapa sa carpet at mag-isang naglalaro.

"Ayos ka lang?" tanong ni Lian na nakapikit pa.

"Maiwan ko muna kayo ni Baby Timo may pupuntahan lang ako." Tatayo na ako sa kama ngunit hinawakan ako sa kamay ni Lian para pigilan.

"30th day natin ngayon, aalis ka?" Nakabukas na ang mga mata niyang pupungay pungay. Aw, ang gwapo talaga ng baby ko!

"Bibisitahin ko lang ang mommy ko. Ilang linggo ko nang hindi nabibisita yun malaki na tampo niya sa'kin."

Lian released my hand. "Samahan ka pa ba namin ni Baby Timo?"

"Hindi na. May TV guesting kayong Pentagon diba?"

Paglabas ko ng hidden room, 1hundred Days team ang bumungad sa akin.

"Happy 30th day, XL couple!" bati ng karamihan sa team.

Si Direk BS at si Sunny masama ang tingin sa salamin ng hidden room.

"Si Lian ba yung nakita ko sa kama?" Naniningkit ang mga mata ni Sunny.

Malamang nung inikot ko ang isa sa tatlong salamin, nasilip nila ang loob ng hidden room, nakita ang kama kung saan komportableng nakahiga si Lian.

"Ah.. eh..." Tapusin ko nalang kaya yung limang vowels?

"Bakit gulo gulo ang buhok mo?" may halong malisyang tanong ni Sunny.

"Kagigising ko lang."

"Nagtabi kayong matulog?" Hindi ko alam kung galit si Direk BS or what..

"Opo. Pero di naman namin nilabag yung famous rule ninyo." Sweetness is fine. But sex is forbidden.

Tumawa ng malakas si Sunny. "Masyado ka namang defensive, Xiana!"

Napanganga ako. Defensive? Eh kita ko sa mga mata nila ang iniisip nila. Tss.

"Pupunta po muna ako sa mommy ko," paalam ko kay Direk BS.

Tumango naman siya as a sign na pumapayag siya. Kaya nagpunta na ako sa kwarto ko para maligo at mag-ayos.