webnovel

Chapter 5

"Why are you quiet, Emerald?" biglang tanong ni Sir Troy habang nagmamaneho. Nakita ko pa sa peripheral vision kong saglit siyang sumulyap sa akin bago ibalik ang atensiyon sa daan.

"Nabigla lang po siguro ako sir. Daddy niyo pala 'yung boss namin. Ibig sabihin kayo rin ang may-ari ng restaurant na pinagta-trabahuhan ko," nasabi ko na lang ng matauhan ako. Masyado siguro akong na-overwhelm lalo na't ngayon ko lang rin nakita ang daddy niya na boss ko pala sa loob ng dalawang buwan kong pagta-trabaho sa restaurant. Ibig sabihin gano'n sila kayaman.

"Hotel and restaurant 'niya'. I do not own anything, it was all his," aniya. "Forget it. How's your feeling anyway?" pag-iiba niya ng topic.

"Okay naman po ako sir. Baka po kung anong isipin ng daddy niyo dahil umalis ako doon sa restaurant kahit oras ng trabaho ko. Baka tanggalin nila—"

"Have you eaten your dinner?" tanong niya kaya hindi ko natuloy ang sasabihin ko. Napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan siyang nagmamaneho dahil hindi niya pinansin ang ipinag aalala ko. "Don't look at me like that, Emerald," nakangising wika niya ng hindi tumitingin sa akin. "Ang akin lang, you have to think of yourself first. Even if you work hard the whole day, hindi ka patatayuan ng monumento. Health first," pagpapatuloy niya.

Hindi na lang ako umimik pa. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang siya kung mag-alala sa akin gayong hindi pa naman kami gano'n lubos na magkakilala. Atsaka hindi naman ako totoong may sakit. Sadyang mabigat lang ang pakiramdam ko ngayong araw dahil sa mga nangyari kanina sa loob ng court room. Nalungkot na naman ako ng maalala kong muli si tatay.

"See. You look tired," agad akong napatingin sa kanya ng sabihin niya iyon. "2 regular burgers with chicken and spaghetti," sabi niya sa crew kaya napatingin ako sa labas. Sa sobrang tulala ko hindi ko namalayang nag drive thru pala siya.

"Drinks niyo po sir?" tanong ng crew na wagas ang nginitian habang nakatitig kay sir Troy.

Same, ate. Same.

"Coke zero," diretsong sagot ni Sir Troy habang hinuhugot ang wallet sa bulsa ng jeans. Akala ko ay kukuha siya ng cash pero card ang dinukot niya sa mukhang mamahaling wallet at ini-swipe ito sa card terminal.

Agad naman niyang minaniobra paalis ng McDonald drive thru ang kotse niya ng makumpleto ang orders. Akala ko ay didiretso na kami sa bahay pero agad akong nagtaka ng ihinto niya ang kanyang sasakyan sa may gilid ng kalsada.

"Mahaba pa ang biyahe natin at mukhang aabutin tayo ng traffic. Mabuti pang kumain ka muna," sabi niya habang inaabot ang in-order kanina sa may back seat.

"Pero sir—"

"I'll eat with you, don't worry. You refused to eat with me the last time I invited you kaya bawal ng humindi ngayon especially that you're not feeling well," putol niya sa dapat na sasabihin ko.

Palihim ko na lamang siyang pinagmasdan habang inaasikaso niya ang kakainin namin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Ganito ba talaga siya sa mga staff nila o parte pa rin ito ng guilty na nararamdaman niya dahil sa nangyari nung nakaraang araw sa hotel nila?

Wala akong nagawa kung hindi ang kumain dahil pinilit niya ako. Magkahalong hiya at kilig ang nararamdaman ko. Pero mas lamang pa rin ang hiya lalo na't hindi maalis sa isip kong anak siya ng boss ko at sa parehong trabaho ko pa.

Ayaw pa sanang umalis ni Sir Troy ng maihatid niya ako sa bahay. Nakita na naman niya kasi si Japet na nag-iinom sa gilid ng bahay habang nagpapasaring na naman sa pambabasted ko sa kanya.

"Call me if something happens," paulit-ulit na paalala niya.

"Opo sir, promise," nasagot ko na lang.

"You sure you're already okay?"

Tumango na lang ako sa kanya atsaka ko siya binigyan ng ngiti para maniwala siyang ayos lang ako. Nasa tapat siya ng pinto ng bahay habang ako ay nasa loob na habang hawak ang door knob at nakaharap sa kanya. Sinamaan niya pa ng tingin si Japet bago siya muling sumakay ng kotse niya at pinaharurot ito paalis.

"Ma'am excuse me po," natigil sa pagsasalita ang professor namin ng sumulpot ang guard sa may tapat ng pinto ng aming room. Buong klase ay nasa kanya na ang atensiyon.

"Yes kuya?" nakangiting baling sa kanya ng aming professor.

"Ms. Emerald Valenzuela daw po, may delivery po sa labas."

Agad na kumunot ang aking noo ng marinig ko ang aking pangalan. "Hindi po ako nagpa-deliver kuya. Baka po nagkakamali kayo," mahinahong sabi ko.

"Hindi ma'am. Emerald Valenzuela po talaga ang nakalagay na pangalan e."

"Sige na Emerald, puntahan mo na. 'Tsaka mo na alalahanin kung sinong nagpadala sa'yo," sulsol sa akin ni Aila at dahil nahihiya na rin ako sa naantala naming klase ay nagpaalam ako sa aming professor para puntahan ang delivery daw na para sa akin.

"Ano pong dineliver kuya?" nagtataka pa ring tanong ko habang nakasunod ako kay kuyang guwardiya patungong guard house sa may gilid ng main gate ng aming university.

"Pagkain ma'am. Mukhang galing sa mamahaling restaurant."

"Kilala niyo po kung sinong nag-deliver?"

"Ay, hindi ko natanong sa kasama ko ma'am. Basta pagdating ko kanina nandoon na 'yung pagkain tapos may pangalan niyo lang na nakalagay sa note," nakangiting pahayag niya kaya napatango na lang ako habang sinusundan pa rin siya. "Baka po galing sa boyfriend niyo ma'am?"

"Ay, kuya. Wala po akong boyfriend. Wala pang nagkakamali," natatawang sagot sa kanya.

Galing Sapori Unici ang pagkain na dineliver para sa akin. Napangiti na lang ako habang napapailing kasi malamang ay si Mon ang nagdeliver no'n. Pasta at lasagna kasi ang paborito ko doon sa restaurant na iyon na pinagtatrabahuhan ko. Libre kasi sa aming mga crew ang meals doon at iyon ang palagi kong pinipili para kainin. Minsan naman ay inuuwi ko para kay tatay.

Agad akong bumalik sa klase dala dala ang pasta at lasagna na may kasama pang garlic bread. Hindi ko iyon kakainin dahil ipapasalubong ko iyon kay tatay, saktong sakto kasi dadalaw ako sa kanya ngayon.

Mamaya ko na lang siguro pasasalamatan si Mon dahil magkikita rin naman kami sa trabaho.

Isang subject lang kami ngayong araw kaya maaga ang uwian ko at may oras pa para dumalaw kay tatay bago ako pumasok sa una kong trabaho. Dumiretso ako kung saan nakakulong si tatay at kahit na pigilan ko ang sariling huwag umiyak sa tuwing nakikita si tatay ay hindi ko magawa. Masakit pa rin para sa akin na makita siya sa lugar na ito. Malaki rin ang ipinayat niya simula ng makulong siya.

"Hindi ba't sinabi ko na sa'yong huwag mo na muna akong dalawin dito? Mag-focus ka na muna sa pag-aaral mo anak at malapit ka ng makatapos," aniya gamit ang sign language.

Agad kong pinunasan ang aking mga luha atsaka umiling sa kanya ng nakangiti. "'Tay, alam mo namang ikaw ang inspirasyon ko sa pag-aaral 'di ba? Paano ako makakapag-focus sa pag-aaral kung hindi ko kayo nakikita?" sagot ko sa kanya.

"Ayos lang naman ako dito anak kaya huwag mo na akong alalahanin. Asikasuhin mo ang pag-aaral mo. Patawarin mo si tatay anak, ha. Wala ako sa tabi mo, wala akong magawa para matulungan ka sa mga gastusin mo sa pag-aaral mo."

"'Tay, matalino 'tong anak niyo, 'di ba? Scholar ako kaya wala kayong dapat alalahanin sa akin. Basta 'tay, ipinapangako ko sa inyong gagawin ko ang lahat para mapawalang sala kayo."

"Wala tayong laban, anak. Mayaman sila at mas makapangyarihan."

"'Tay, ano ba! Bakit ganyan kayo mag-isip. Ilalaban ko kayo kaya sana kayo rin lumaban para sa akin. Ilalabas ko kayo dito at lilinisin natin ang pangalan mo kaya ipangako niyo sa aking aalagaan niyo ang sarili niyo, okay?" umiiyak na sabi ko atsaka ko hinawakan ang kanyang mga kamay. Napangiti ako ng marahan siyang tumango sa akin. Tumayo ako at umikot para puntahan siya sa puwesto niya atsaka ko siya niyakap ng mahigpit.

Huwag kang mag-alala tay, gagawin ko ang lahat para sa'yo. Kapit lang.

Alas siyete eksakto ng makarating ako sa restaurant. Ramdam ko na ang pagod dahil ilang kuwarto ang nilinisan ko kanina sa hotel. Hinanap ng mga mata ko si Sir Troy pero hindi ko siya nakita o napansin man lang kaya nagbaka-sakali akong nandito siya sa restaurant dahil pag-aari din naman nila ito ngunit wala rin. Marahil ay busy siguro o baka na kay Maegan.

"Kanina ka pa palinga-linga. Sino bang hinahanap mo?"

Napapitlag ako ng sumulpot si Mon sa gilid ko na nakatingin din sa direksiyon kung saan ako nakatingin. Inismiran ko lang siya at ipinagpatuloy ang paglilinis ng table. "Wala, doon ka na nga Mon. Baka makita pa tayo ng manager at sabihing nagdadaldalan lang tayo," sabi ko pa sa kanya ng hindi nakatingin dahil abala ako sa pagliligpit ng pinagkainan ng kaaalis lang na magkasintahang customers.

"Nagtatanong lang naman e," akmang iiwan niya na ako doon ng may maalala ako.

"Mon, salamat pala sa pasta atsaka sa lasagna. Talagang sinamahan mo pa ng garlic bread ah. Hayaan mo sa susunod ako naman manlilibre sa'yo," nakangiting usal ko sa kanya na ikinakunot ng kanyang noon.

"Nagpadala ako? Sa'yo?" nagtatakang tanong niya habang nakaturo pa siya sa sarili niya.

"Oo. Nag-abala ka pa ngang ihatid kanina sa university e."

"Wala akong hinahatid kanina Emerald."

"Sus, dedeny pa."

"Seryoso—ah, alam ko na," aniya na parang may napagtanto. "Kaya naman pala nandito si Sir Troy kanina."

"Si Sir Troy? Anong kinalaman niya doon?" natatawang tanong ko habang napapailing.

"Pasta, lasagna at garlic bread ba kamo?" tanong niya kaya binalingan ko siya atsaka tumango. "Dumaan kanina si Sir Troy dito kanina at nagtanong-tanong kung ano ang paborito mong kinakain dito. Nag-take out siya ng pasta, lasagna at gralic bread. 'Yung natanggap mo kamo," matabang na sabi niya.

"Imposible," halos pabulong na sabi ko atsaka ipinagpatuloy ang pagpupunas ng lamesa ng mailagay ko na ang mga pinagkainan sa tray. Bakit naman gagawin ni Sir Troy 'yun?

"Puwede mo siyang tanungin kung gusto mo. Tutal naman ay mukhang malapit na kayo sa isa't isa."

"Ano bang pinagsasabi mo Mon? Anak siya ng boss natin. Baka gano'n lang talaga nila kung itrato ang mga nagtatrabaho sa kanila."

"Lalake ako Emerald at hindi iyon ang nakikita ko," pagkasabi niya no'n ay kinuha niya 'yung tray na pinaglagyan ko ng mga pinagkainan ng customers atsaka siya nag-martsa patungong kusina.

Napailing na lang ako atsaka binalingan 'yung kabilang table para ligpitin ng tawagin ako ng manager.

"Emerald, ipinapatawag ka ni Mr. Santillan. Dumiretso ka na lang sa office niya," ma-awtoridad na sabi sa akin ng mnager kaya agad akong kinabahan.

"S-sinong Santillan po Ma'am? 'Yung tatay po ba o 'yung anak?" nauutal utal na tanong ko.

"'Yung pinaka-boss," tipid na sagot niya bago ako tinalikuran.

Pagkarating ko sa tapat ng office ni Mr. Santillan ay nag-ayos muna ako ng sarili. Ayaw kumalma ng puso ko sa sobrang kaba. Kanina ko pa iniisip kung may nagawa ba akong masama o mali para ipatawag ako. Hindi kaya dahil ito sa nangyari noong nakaraang araw kung saan bigla na lang ako hinatak ni Sir Troy palabas kahit oras ng trabaho? Magpapaliwanag na lang siguro ako ng maayos at makikiusap na huwag akong tanggalin kung doon man hahantong itong pag-uusap namin. Mahihirapan na akong makahanap ng trabaho na may ganito kagandang benefits.

Bahala na, sa isip isip ko. Huminga muna ako ng malalim bago ko kinatok ang pinto.

"Come in," rinig kong sabi ng boses sa loob. Marahan kong pinihit ang door knob at naabutan ko ang boss namin na abala sa pagbabasa ng kung anumang dokumento. "Sit down," aniya kaya marahan akong yumuko at umupo sa upuan na nasa harap ng kanyang mesa. Iginala ko ang aking tingin sa paligid. Dumako ang atensiyon ko sa naka-display sa kanyang mesa—ang scales of justice. Kasunod no'n ay ang pangalan niyang naka-imprenta sa transparent glass na nakalagay sa tabi ng scales of justice.

Atty. Lucas Santillan

Pamilyar at matunog ang pangalan na ito sa mundo ng mga abogado.

Agad akong napatingin sa kanya ng ma-realize na isa sa mga tinitingala at premyadong abogado ang kaharap ko ngayon. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksiyon ko. Madalas ko ng naririnig ang kanyang pangalan sa mga balita pero hindi ko akalaing boss ko pala ang nagmamay-ari ng napakabigat na pangalang iyon. Bakit ba hindi ako nagtanong tanong man lang sa mga kasamahan kong naunang pumasok dito? Bakit ngayon ko lang ito nalaman? Gano'n ba siya ka-pribadong tao dahil ni isa ay wala man lang nagbabanggit ng kanyang pangalan dito?

Bukod sa pagtatrabaho sa isang sikat na law firm sa bansa, isa rin pala siyang businessman sa hotel and restaurant industry. Gaano kaya sila kayaman?

"It's nice to meet you, Ms. Valenzuela," paunang pahayag niya dahilan para lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib. Wala na siyang hawak na mga dokumento at nasa akin na ang kanyang atensiyon.

"M-magandang araw po, Sir—Attorney," pagtatama ko sa aking sarili.

"I'll stop beating around the bush so I'm going to tell you bakit kita ipinatawag dito," aniya kaya napalunok ako habang lakas loob akong nakatitig sa kanyang mga mata at naghihintay ng susunod niyang sabihin. "I hired an investigator to investigate you." Agad na napakunot ang aking noo sa kanyang sinabi. "I just found out that your father was detained due to murder," pahayag niya kaya napalunok ako at nagpipigil sa pag-iyak. Hindi pa rin ako sanay hanggang ngayon kapag naririnig ang paratang na iyon kay tatay.

"Napagbintangan lang po ang tatay ko," mariin ngunit may pag galang kong sabi.

"That's the signature line of every criminal, hija."

"Pero totoo pong walang kasalanan ang tatay ko."

"At ano ang ebidensiya mo para masabi mong walang kasalanan ang iyong ama?"

Natigil ako sa tanong niyang iyon. Oo nga. Ano nga ba ang ebidensiyang pinanghahawakan ko para mapatunayang walang kasalanan si tatay? Wala. Wala kasi mas pinanigan ng batas ang mas mataas.

"Mabuting tao po ang tatay ko. Matulungin at mapagmahal sa kanyang kapwa."

"But that's not enough to clean his name."

Hindi na ako nakasagot at napayuko na lamang. Pigil na pigil ko pa rin ang aking sarili sa pagluha. Kailangan kong maging matapang na kahit dito man lang ay maipagtanggol ko ang aking tatay.

"I'll help you," aniya kaya kunot noo akong bumaling sa kanyang muli.

"T-tutulungan niyo po ako?" pag-uulit ko dahil baka mali lang ako ng pagkakarinig.

"I'll help you in one condition."

Agad na nabuhayan ang aking loob at para akong nakakita ng liwanag sa mga narinig ko kaya hindi ko na sasayangin ang pambihirang pagkakataon na ito. "K-kahit ano po. Kahit ano po attorney. Gagawin ko po lahat para sa tatay ko. Kaya ko pong gawin lahat," maluha-luhang sabi ko.

"My son, Troy," sandali siyang huminto sa pagsasalita para huminga ng malalim ng banggitin ang pangalan ng kanyang anak.

"P-po?"

"The reason why I put up my company is because of him. I want him to manage it for his future. You know, being one of the top lawyers in this country isn't as easy as what everyone thinks. I woke up with death threats, I ate my meals with death treats and I sleep at night with death threats," pagkukuwento niya kaya lalo akong nagtaka sa nais niyang iparating. "I mean, who knows if I'll die later? Or tomorrow? I'm not afraid to die but you know what I'm afraid of? Leaving my son Troy in this situation."

Gusto kong magtanong kung anong sitwasyon ang kanyang tinutukoy pero tinablan ako ng hiya. Baka isipin pa niyang nangingialam ako sa buhay nila. Pero mukhang napansin niya iyon kaya muli siyang nagsalita. "Troy became a rebel when his mom divorced me. He became unresponsible, a happy go lucky guy who doesn't care about his future. And he started building walls between us. And your mission...is to break those walls," aniya pa.

Updates every Saturdays and Sundays.

jeng_pidscreators' thoughts