-*-*-*-*-*-*-
Tahimik na nakaupo sa kanyang upuan si Charlotte. Iniisip niya pa rin hanggang ngayon ang kanilang mga papel na nireject ni Maam Estrella. Hindi siya makakapayag na mauwi sa wala ang kanyang pinaghirapan nandahil lang sa isang mababaw na rason. Pagkatapos niyang pagpuyatan ang assignment na iyon? Di bale, naniniwala siyang ang bawat problema ay may solusyon. Walang sukuan! Aja! Fighting!
Tlok. Tlok. Tlok.
Napatigil siya sa pag-iisip dahil may naririnig siyang mga yapak. Sa tunog palang ng takong na humahampas sa sahig ng kanilang classroom, alam na niyang si Maam Olivia iyon- ang sexy nilang guro sa MAPEH na mukhang Bratz na nag-anyong tao at pinatino.
Pakembot-kembot itong naglakad papunta sa teacher's table na nasa harapan at pagkatapos ay inilapag ang dala-dalang mga gamit. Kapansin-pansin ang kulay pula niyang mga labi na bumagay sa simple niyang make-up. Kahanga-hanga ang paraan niya ng pagdadala sa sarili. Dalagang pilipina siya kung kumilos, at balingkinitan rin ang katawan kaya hindi halata na mayroon na siyang tatlong anak.
"Good morning cless." panimulang bati niya sa lahat habang inilalabas ang puti niyang ngipin at ang kanyang dimple. Medyo slang talaga siya magsalita ng English at laging nakangiti.
Sinagot naman ng mga estudyante ang pagbati at naupo.
"So, today, we will be talking about Visual Arts. Anong alam niyo tungkol sa visual arts? What comes into your mind when I say, visual arts? Yes, Mr. Catapay?"
Tumayo si Ryan at sumagot. "Ahh, kapag po visual arts, parang arts na 2D? Iyong sa mga drawing lang po at papel. Yun po."
"Hmm. Some more? Anyone?"
Napansin nina Andy at Ark na tulala si Sigmund. Nakakatawa dahil mukha siyang tanga. At dahil loko-loko ang kambal, itinuro nila ang nananahimik na si Sigmund. "Si Sigmund daw maam!"
"Ha?" Inosenteng sabi ni Sigmund na mukhang nabigla.
"What is visual arts for you, Mr. Yanson?"
"Uhmm.." Tumingin pa siya sa kisame habang nag-iisip. Wala siya sa wisyo ngayon. Tinatamaan na siya ng antok dahil sa pagpupuyat kagabi. Tinapos niya pa ang assignment nila ni Andy.
"Bilis! One !" Binilangan siya ni Julian.
"Two!" At nakiduet na rin si Blue.
"Uhmm..Ahhhhhh." Parang natataranta naman si Sigmund.
"Three!"
"Shhh!" Sinuway sila ni Vanny. Hirap na hirap na nga ito sa pag-iisip ng maisasagot at pagkatapos ay masyado pa nilang dinidistract ang tao. Parang gusto silang kutusan ni Vanny, kung hindi lang talaga niya kailangang magpasensya bilang class president.
Ang totoo, magaling naman talaga si Sigmund sa mga public speaking katulad nalang ng mga recitations, at reportings. Pero pressure ang kahinaan niya. Kapag nakakaramdam siya ng pressure ay natataranta siya at nauutal-utal.
Alam naman iyon ng buong klase, kaso talagang mga trippers ang grupo nila Julian, Blue, Andy, at Ark. Ginagamit nila ang impormasyon iyon para gawing katuwaan ang isang tao, at ang malas na main target palagi ay si Sigmund. Bakit siya? Dahil masyado siyang mabait. Dahil masyado siyang maasahan. Masyado siyang matulungin at inosente. Ang mga ganoong klase ng tao ang madaling kawawain.
Nakakaramdam naman ng awa ang mga kaklase niya- kabilang na roon si Charlotte. Sa buong tatlong taon nilang magkakasama sa classroom, naging mabait siyang kaklase. Laging tumutulong, madaling lapitan, maaasahan.
Pinagsabihan naman sila kaagad ng guro. "If someone is speaking, have some manners and respect."
"Sorry maam." sabi nina Julian at Blue. At ang lokong kambal, pasikretong tinawanan ang dalawa.
Syempre, dahil hindi papahuli sina Julian at Blue, gumanti rin sila sa pamamagitan ng pabulong na pagmumura.
"Tangina niyo." "Pakyu."
Parang gustong bigyan ni Charlotte ng boxing gloves ang dalawa.
Nagpatuloy ang discussion hanggang sa tumunog na ang bell. Naghabilin na lamang si Maam Olivia na magdala ng Drawing Book, lapis, at eraser para sa susunod nilang activity.
"Ano ba naman! ang mga scratch papers, tinatapon sa basurahan, hindi iniipit sa upuan! Para na tayong pabrika ng papel dito ha." Highblood nanaman si Ryan. Napakaraming lilinisin sa kanilang classroom. Nagmamadali pa naman siyang makauwi sa bahay nila para makatulong na sa mga gawaing bahay, pero mukhang malabo na iyon. Hindi niya pwedeng iwan ang classroom nila ng ganito lang.
Ilang cleaners na ang nagdaan pero wala man lang may naglinis nang matino. Maka-erase ng blackboard at makapagwalis lang ay okay na? Lalayas na kaagad? Hindi pwede iyan kay Ryan.
Sa wakas ay natapos na rin ang kanilang last period. Oras na para magsilinis ang mga mga nakatokang cleaners sa araw na ito pero lumayas muna si Charlotte papuntang Science Department- ang faculty room ng mga science teachers.Hindi na siya nagpaalam dahil beshy-wap naman sila ng leader nila.
Habang naglalakad papunta sa Science Department, napansin ni Charlotte ang isang batang lalake na nakaupo sa labas ng room nila. First year yata. Nakatitig siya kina Andy at Ark habang kausap si Sigmund sa Heroes' park. Nagkibit-balikat na lamang siya at hinayaan iyon. Baka kapatid lang ng isa sa mga kaklase niya.
Marangal, Mabait, Mahinhin na estudyante, ON.
Malakas ang kabog ng diddib niya. Ito na ang paghuhukom. Dalangin niya, sana ay tanggapin ito ng kanyang guro.
Tatanggapin kaya niya? Ang sagot, sa pagbabalik ng, The Buzz! Charot lang. Idinadaan na lamang niya sa pagbibiro sa kanyang isip ang kabang nararamdaman.
"Good Afternoon po maam. Andyan po ba si Maam Estrella?" tanong niya sa isang teacher.
"Maam Sherry? May naghahanap sa'yo."
"Yes, Charlotte? Ano yun?"
"Uhmm," kungyari nahihiya niyang wika. Sinusubukan niyang magmukhang magalang at humble hangga't maari. "Ipapasa ko sana po ulit yung output namin. Sorry po maam. Nire-write na po namin yan. Ayos na. "
Para naman siyang nabunutan ng tinik nang tanggapin ni Maam Estrella ang kanilang mga papel. Laking pasasalamat niya kahit na mayroon ng minus five ang bawat papel. Ang mahalaga, tinanggap iyon ni maam. At least hindi itlog ang score nila sa activity at nabigyan ng hustisya ang kanyang eyebags.
Ang mga loveletters! Mabuti na lamang at naalala niya ngayon. Pinuntahan niya sina Andy at Ark para ibigay ang mga sulat at card. As usual ay tinanggap naman ito ng dalawa. Pagkatapos gawin ang mga dapat gawin, masaya niyang binalikan ang naiwang tungkulin bilang isang cleaner.
"Saan ka nanaman ba galing, Charlotte Diane Escovidal? Bakit ngayon ka lang sumulpot?"
"Hehe. Peace beshywap! Labyu" sabi niya habang nakapeace-sign at nakanguso. "Nanggaling ako sa Science Department. Nagpasa ako ng activities namin."
"Yuck. Tumigil ka nga diyan! Di kita type! Magwalis ka nalang sa Heroes' Park. Bunutan mo na rin ng mga damo."
"Ang OA! Hahaha." Tinawanan na lamang niya ang kaibigan. Alam naman niyang hindi showy si Ryan. Hindi naman ito bakla pero ayaw niya lang magpakisss o magpahug man lang sa kahit na sino.
Kumuha siya ng walis tingting at dustpan saka pumunta sa Heroes' Park na tinatambayan kanina lamang nina Andy at Ark. Mukhang nakauwi na ang mga ito.
Sinimulan niyang walisin ang mga kapiraso ng papel na nakakalat sa damuhan. Mga stationary ito na pinunit at may heart na disenyo. Pakanta-kanta pa siya dahil sa ganda ng mood niya ngayon.
But it only took one bomb to wipe away her smile, to erase her happiness.
Napatigil siya sa pagwawalis. Pinulot niya ang mga piraso at pinakatitigan ito nang matagal.
Parang tumigil ang mundo niya.
Ito ang...
Ang mga sulat... Hindi... Huwag mong sabihing pati ang mga regalo...
Ang mga sulat na iyon ay hindi lang basta sulat. Corny kung corny pero espesyal ang mga iyon dahil isinulat ito nang buong puso. Ginugulan ng effort at oras. Pinagkagastusan at pinag-isipan. Pero itinapon? Pinunit?
Panghihinayang. Galit. Sakit. Iyan lang nararamdaman niya sa ngayon.