webnovel

Chapter 3

Behind Shelves | Hairclip

  Lumipas ang mga araw at sa tingin ko ay mas naging mas maayos na dahil bukod sa hindi kona nakikita pa muli ang lalaking nakilala ko sa library ay mas naging maayos na rin ang pagsusulat ko.

  Naumpisahan ko na din ang unang kabanata at sa tingin ko ay magiging patok naman ito para sa mga kabataan. Sana nga.

  "Hoyyyy!!!"

  Napatalon naman ako sa kinauupuan ko at nasulatan ko ang papel dahil sa kung sino ang nanggulat saken.

  "Oyyy ano ba Ateeeee naman!!" Naiinis na tugon ko bago hinampas si ate sa balikat, tumawa naman ito at sumilip sa ginagawa ko.

  "Kanina kapa kasi tinatawag na kumain na, naghihintay si mama at si papa sa baba. Tara!" She then held my hand and pull me to walk.

  Nagpahila naman ako at huminga ng malalim. Umuwi pala si papa, meaning sermon na naman.

  Binitawan na ni ate ang kamay ko nang kami ay nasa lamesa na. Puno ng pagkain, puro mga paborito ni papa; adobo, kaldereta saka giniling.

  Kung makapaghanda kala mo may fiesta. Teka ano nga ba meron??

  "Hala anong meron? Bakit andami namang ulam..." Tanong ko habang hinihila ang upuan. Kumuha ako ng plato at kutsara, sinalinan ang plato ko ng pagkain bago tumingin sa kanila.

  "Ano kaba, Selene! Syempre umuwi ang papa mo kaya dapat natin siyang paghandaan, o siya kumain na kayo." Nakangiting sabi ni mama at nakita ko kung paano nito lagyan ng mga pagkain ang pinggan ni papa.

  Sumama naman ang pakiramdam ko sa kung paano asikasuhin ni mama si papa. Tahimik naman akong kumain at hindi na nakisama sa mga kwentuhan nila.

  "So Sherlyn, how's your grades? Are you doing your best in your school?" Bahagya naman akong napatikhim ng marinig ang tanong ni papa. Naging tahimik ang hapagkainan dahil hinihintay na sumagot si ate.

"U-uhm...Yes, Pa. I am doing good naman po. I'm the top 2 in the class this sem and....and probably the top 1 for the second sem, I'll try my very best." Halatang kinakabahan si ate sa kanyang pagsagot.

Agad namang nagsalubong ang mga kilay ni papa sa narinig. Itinigil nito ang pagkain at ibinaba ang kutasara at tinidor bago ipinagdikit ang mga kamay at tinitigan si ate.

"Top 2? I'm sure someone is distracting you. Top 2 is not enough. Do your best, Sherlyn. Kapag nalaman kong nagboboyfriend ka, mananagot ka saken." Lumingon naman si papa kay mama at hinalikan ito sa pisnge.

"I need to finished some paper works, hon. Thanks for the food, it's fantastic." Pagkatapos non ay nilisan na ni papa ang hapagkainan.

"Busog na po ako, mauna na rin po ako, Ma." Sumunod naman si ate at pumunta sa sariling kwarto nito.

Naiwan naman kamingdalawa ni mama na tulala sa mga pagkain sa lamesa, maya-maya naman ay narinig kong bumuntong hininga si mama.

"Selene, I'm sorry about that. Pagod lang siguro talaga ang papa mo. Tapusin mona yang pagkain mo para mahugasan at maliit kona." Ani mama bago tumayo ay ligpitin ang pinggan nila ate at papa.

"Ha? Hindi po kayo kakain?" Nagkibit-balikat naman ito at hindi na sinagot ang tanong ko.

"Ma, naman. Kumain po kayo...subuan ko pa po ba kayo? Yieee." Pagbibiro ko at inilapit ang kutsarang may pagkain sa bunganga ni mama.

"Airplane...Airplane~" Parehas naman kaming tumawa ng malakas. Kinain naman ni mama ang sinubo ko rito at ngumiti.

"Ako nadin po ang maghuhugas at magliligpit dito, Ma. Magpahinga na po kayo." Aangal pa sana si mama pero hinalikan ko na lamang ang pisngi nito at marahang itinulak papalayo.

"Sige na, Ma. Goodnight poooo!" Malambing na saad ko. Hindi narin nakaangal pa si mama at pumasok nadin sa kwarto nila papa.

Napabuntong hininga naman ako at tinitigan ang lababo at lamesa na puno ng mga hugasin.

Bakit nga ba kasi inako kopa ang gawain?

"Hayyyyyy, natapos rin." Humiga ako sa kama ko nang matapos kona ang mga gawain ko. Tumitig ako sa kisame at sa hindi inaasahang pagkakataon ay lumabas ang pagmumukha ni David.

David is my childhood friend. Kasama ko siya sa lahat, sa bawat laro ko at kahit sa school ay magkaklase pa kami. Friends din ang mga magulang namin, sobrang close namin pero umalis sila papuntang ibang bansa at nawalan din kami ng connection sa kanila.

Bigla ko namang naalala yung hairclip na ibinigay sa akin ni David bago sila umalis.

"Saan kona ba nilagay yon?" Mabilis ko namang hinanap iyon sa mga cabinet at bags ko.

"Yonnn!!" Nang mahanap ko na ito ay pumunta ako sa harap ng salamin at tinitigan ang aking sarili.

Simple lang naman akong babae, hindi naman nerd hindi rin chic be like girl. Simple din naman ako manamit at syempre sobrang bait kopa pero bakit ganon parang may kulang parin.

Siguro ngiti.

"Sino niloloko mo, Selene ahahaha." Kahit kasi gaano ko itago, hindi kaya ng labi kong magkunwari. Lahat nakakasal, lahat nakakatakot, nakakainis, nakakabahala.

Inipit ko sa buhok ko ang hairclip at pagkatapos ay sinuklay ko ang maiksi kong buhok bago tumayo ng tuwid at may ngiti sa salamin.

Kung tutuusin napakaganda ko naman eh, sadyang wala lang talaga akong alam sa pag-aayos.

"Ahhhh!!" Ewan ko ba bakit ang drama ko na naman. Siguro dahil naiisip ko na naman si David.

Nahiga ako muli sa kama ko at isinara ang mga mata, marahan kong hinawi-hawi ang hairclip sa buhok ko at inalala ang mga masasayang panahon noong andito pa si David.....

"Oy, Korekong!! Tayo diyann HAHAHA."

"Ang sama mong, kolokoy ka!! Susumbong kita kay mama at ate!!"

"Sige lang, samahan pa kita eh!! Lampa lampa, Korekong lampa~"

Napakasama talaga sa akin ng Korekong na iyon. Minsan naman napakabait, ahh! Ewan ko. Biopilar ata siya.

Teka biopilar bayon?

Bioflu ata, hindi! Gamot yon eh

Basta Biopilar yung paiba-iba yung mood o ugali.

Hinipan ko naman ang tuhod kong nagasgasan. Nagtatakbuhan kasi kami ni David at nadapa ako, tinawanan lang ako ng korekong.

'Dba napakasama talagang kaibigan!?

"Tara." Napatingala naman ako ng may nagsalita. Nakita ko si David na tila ba naawa na saking kalagayan. Inalok nito ang kamay nito pero hindi ko tinanggap.

"Ano ka chiiks? Ayoko nga."

"Tara na nga, gagamutin natin yan lalagyan ko ng alcohol para gumaling agad."

Mabilis ko naman siyang sinipa gamit ang isa kong paa na walang sugat. Napa-Aray ito at tumawa ng malakas.

"Ang sama mo talagaaaa!!"

"Biro lang, Korekong. Tara na nga gagamutin natin."

"Ayoko, wag moko kakausapin!"

"Okay. Pagaling ka ha."

Tignan mo, hindi man lang humingi ng tawad. Laking gulat ko naman ng may iwan itong hairclip sa paanan ko bago umalis.

"Hindi ko man lang nasabing gusto kita. Tss! madaya, makatulog na nga." Ipinikit kona ang mga mata ko at natulog. Hinihiling na mas maging maganda sana ang bukas ko.