webnovel

Begin, Again: Highschool Series #1

Highschool Series#1 A second chance of love. Synopsis: What if the person who left you back then, return? And you didn't expect that he will become your fiancee. What you gonna do? You can take the risk to give him a chance or other wise? ~ Let's see how Maeve Montarde handle this kind of situation. TheQueenWrites Date Started: December 17, 2020 Date Finished: XXX

_TheQueenWrites_ · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
5 Chs

III: The Photo

CHAPTER THREE

"MAEVE, anong oras na? Hindi kaba papasok?" sigaw ni Kuya habang kinakatok ang pintuan nang kwarto ko.

Ilang linggo na rin ang nakalipas simula noong magsimula ang klase. Pakiramdam ko sobrang sama lagi ng pakiramdam ko tuwing gigising ako sa umaga, simula kasi noong nag usap kami ni Tryton ay gabi gabi na akong umiiyak. Niisa sa mga kaibigan o pamilya ko ay wala pa akong sinasabihan ng nararamdam o hinanakit na meron ako, alam kong bata pa ko para sa mga ganitong bagay pero anong magagawa ko? Pag si kupido na ang pumana, wala kanang magagawa kundi sundin ito.

"Maeve, isa pa!" sigaw nanaman ni Kuya.

"Teka lang, maliligo na." sagot ko.

Bago ako tumayo ng higaan ko ay umunat unat muna ako ng katawan. Sobrang sakit nang ulo at mata ko. Humihikab akong tumayo at dumeretso sa banyo. Humarap ako sa may malaking salamin, pinagmasdan kong mabuti ang mukha ko.

"Maganda naman ako, pero bakit niya ba kasi ako iniwanan?!" inis na tanong ko sa sarili ko sa salamin. Kitang kita ko ang reflection ko at halatang halata na maaga talaga iyong mga mata ko.

Nagmadali akong maligo, wala pang bente minutos nang matapos ako. Pinatuyo ko lang ang buhok sa blower at saka ko tinakpan ng concealer ang eyebag ko. Nang matapos ako ay agad na akong bumaba sa kusina para kumain ng agahan.

"How's your sleep, baby?" maya mayang tanong ni Mommy habang nag aayos ng breakfast.

"Hmm, okay lang." matipid na sagot ko, hindi na ako komportable sa mga ganito ni Mommy dahil pakiramdam ko sa tuwing magiging malambing sila saakin ni Dad ay ipapaalala nanaman nila saakin iyong sinabi nila saakin few weeks ago.

"Next weekend, we have a visitor. You must need to prepare baby, huh?" halatang naeexcite ang tono ni mommy.

"Ok, I'm done." sabi ko, kahit ang totoo naman ay hindi pa ko nakakain. Nagmadali akong lumabas ng bahay at dumeretso sa garage kung saan naghihintay roon si Mang Tope.

Alam kong nabastusan kayo sa inasal ko sa harap ng mommy, pero anong magagawa ko? Masisisi niyo ba ako kung alam ko na agad kung anong ibig sabihin niya sa sinabi niyang iyon? Alam ko namang mga business partner lang nila iyon.

"Good morning, hija" bati saakin ni Mang Tope.

"Morning, Mang Tope." bati ko sakaniya sabay pasok sa loob ng sasakyan.

Habang nasa biyahe kami ay agad kong kinuha ang cellphone ko at tumingin ng mga new items na isenend nanaman ni Kuya. May ipapagawa kasi siyang coffee cup para saaming dalawa, ako kasi ang taga pili ng mga gagamitin.

Habang abala ay hindi ko namalayang nag pop up pala ang group chat nina Zyrine at Ynnah.

POWER POP GIRLS

JUNE 23 6:35 AM

Ynnah

@Maeve Montarde,

hindi mo magugustuhan ang

nakita ko bakla!

Zyrine

So true. I saw it too.

Ynnah

Sent a photo..

seen by Ynnah and Zyrine.

Nang lumabas ang litraro ay agad lumukot ang mukha ko. Nanginig ang kamay ko maging ang mga kalamnan ko sa sobrang galit.

"Mang Tope, pakidalian po ang pagmamaniho." pagpipigil na sabi ko rito.

"Traffic hija, pasensya na." hindi na ako muling nagsalita pa.

Bumaling ako sa litrato na ipinasa ni Ynnah sa group chat. Paulit ulit kong pinalaki ang mukha ng babae. Doon ko lang napansin na sa PUP nag aaral ang babaeng kayakapan ni Tryton sa harap ng campus namin.

Nang makarating kami sa tapat ng Louisville Academy ay nagmadali akong bumaba ng kotse. Hinanap ng paningin ko sina Tryton at ang babaeng kayakapan niya, pero bigo akong makita sila. Huli na ata ako sa eksena!

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko bago ako pumasok ng campus. Baka kasi kung hindi ko papakalmahin ay baka masampal ko ng pagkalakas lakas si Tryton. Kaya niya ba ko iniwanan dahil may bago pala talaga siya?!

"Miss Montarde, ano't nakasalubong ng kilay mo sa buong klase!?" lumapit sa gawi ko si Miss Celeste ang teacher namin Chemistry. "Stand up!"

Wala ako sa sariling tumayo, lutang ang isip ko at hindi ko talaga naintindihan ang mga pinagsasabi ni Miss Celeste.

"Can water stay liquid below zero degrees Celsius?" tanong nito.

"Yes, Miss?"

"How?!"

"Hmm." ungot ko habang nag iisip ng isasagot ko. Nabasa ko ito noong nakaraan, pero hindi ko matandaan iyong exact na answer. Damned!

"Hurry up!!"

"Ano Miss, the pressure should be high. As the pressure increase the freezing point got decreased. So the water remains at liquid up to that point." nauutal na sabi ko.

"Okay, good. Sit down." tinaasan ako nito ng kilay. "Who wants to add their answer, anyone?" dagdag nito.

Iwinaglit ko muna ang mga nararamdam ko sa mga oras na ito, nagiging distracted na kasi ako lately at ayaw ko namang masira ang grades ko dahil sa Tryton na 'yon. Dapat ipamukha ko sakaniya iyong ginawa niyang pag iwan at ipapamukha ko sakaniyang naka moved on na ako.

"Uy, bakla nakita mo ba iyong ipinasa ko kanina?" maya mayang tanong ni Ynnah habang nakapila kami sa may cafeteria.

Sinamaan ko ito ng mukha. "Pwede ba 'wag mo munang ipaalala, please lang."

"Pero aminin mo curious ka kung sino iyong babae?" natatawang dagdag nito.

"Ynnah, baka ikaw? Putak ka ng putak!" hinampas ni Zy ang braso ni Ynnah.

"Ano ba Zy, namumuro kana!" sigaw nito habang hinihimas ang braso.

Gaya ng dati, um-order lang ako ng chicken spaghetti, nuggets, sandwich at tubig saka ako dumiretso sa kahera at nagbayad.

"Doon tayo sa tambayan natin dati." inginuso iyon ni Zy.

Tahimik kaming kumain ng lunch, hindi na kasi muling nagsalita pa si Ynnah dahil sa tuwing magsasalita ito ay agad itong binabara ni Zyrine. Nakakatawa silang panoorin dahil para talaga silang aso't pusa. Si Zyrine ang aso at si Ynnah naman ang pusa.

Actually, maganda silang pareho. Si Zyrine ang pinaka maganda saming tatlo kung ano ang papipiliin, simple at walang arte kasi, siya rin ang panlaban namin sa mga pageant dahil sa ganda hubog ng katawan. Samantalang si Ynnah naman ay medyo maliit, siya ang maliit saming tatlo pero siya ang pinakamadaldal at matinis ang boses. Maganda rin ang hubog ng tawan nito, pero sobrang ligalig. Unang kita mo sakaniya ay parang anghel, pero pag nakasama mo na may demonyo naman pala.

"Look, si Tryton he's with girl!" ani Zy habang nakanguso sa likuran ko.

"Walangjo! Oo nga, dali tignan mo."

Napabuntong hininga ako at pinilit pakalmahin ang sarili. Tiniis kong hindi lumingon and thanks God I did it.

"Maeve, are you alright?" nagulat ako ng bigla akong tabihan ni Zyrine.

"Yes, do I look upset?" biro ko.

"Wow 'teh? Ano moved on kana pala ganern?" sawsaw naman ni Ynnah.

"Alam n'yo, masakit na nga iyong sa picture ko lang makita ano nalang sa personal, diba?" malalim akong humugot ng hininga. "Hindi porket hindi ko sila nilingon, ibig sabihin moved on na ako."

"Ang lalim no'n bakla!" sabi ni Ynnah at saka tumabi saakin, pinagigitnaan na nila ko ni Zy.

"Kami ang bouncer simula ngayon, Maeve." natatawang dagdag ni Ynnah. "Take note, magagandang bouncer."

"Time will come, and your wounds will heal to cherish." sabi ni Zy bago yumakap saakin at nakiyakap narin si Ynnah.

Sa totoo lang, they're my crying shoulder. Hindi ko man sila nakasamang lumaki, but they are both show me what is the real meaning of friendship.

Nang mahimasmasan kami pare-pareho ay bigla kaming nagtawanan sa mga nangyaring kadramahan. Tahimik kaming bumalik ng classroom. Habang naglalakad sa hallway ay nag aasaran nanaman sina Ynnah at Zyrine. Kahit sandali lang nawaglit sa isipan ko sina Tryton at iyong babaeng hindi ko pa naman nakikita.

"Hey." nagulat kaming tatlo nang may lumapit saamin na lalaki.

"I'm Drake Asis." nakangiti itong tumingin saakin saka inilahad ang kamay nito sa harapan ko. Lumingon ako sa dalawang kaibigan ko na halatang pinipigilang tumawa at ngumuso na kamayan ko ang lalaking nasa harapan ko. Walang gana kong tinignan ang kamay nito saka ako humarap sakaniya. Ngumiti akong ng pilit saka ko hinila sina Ynnah at Zyrine papalayo.

Rinig na rinig ko ang pagbubulungan ng ibang estudyante pero hindi ko na iyon pinakinggan.

"Oy, ba't mo naman pinayiha si Koyah" malanding tono ni Ynnah.

"He is not my type! Pwede ..."

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng bigla kong mabunggo si Tryton. Tumapon ang juice na hawak nito sa uniform nya at sa uniform ko.

"Omygad!" singhal ko

"Omygad talaga!" sigaw ng dalawa.

"I'm sorry, Maeve. I didn't saw you." biglang pinagpagan nito ang sarili.

"God! Tryton, anong ginawa mo!?" gigil na sigaw ko.

"Hindi ko naman sinasadya." anito nahalatang may nginig sakaniyang boses.

"Ito tissue, Maeve." abot saakin ni Zyrine. "Tara punta na tayo sa banyo, pinagtitinginan na tayo ng mga estudyante rito." dagdag nito

Sinamaan ko ng mukha si Tryton bago bumaling ng tingin sa dalawa. "Ako ng bahala I can handle it, mauna na kayong pumasok." pilit akong ngumiti sa harapan ng mga kaibigan ko.

"Sigurado ka?" tanong ni Ynnah.

"Oo, mauna na kayo. Baka magtaka si Mister Camposano, mas okay na ako iyong malate para isang paliwanagan lang." giit ko, hindi na sila muling tumutol pa.

Iniwanan nila akong nakatayo sa harap ni Tryton. "I'm sorry." pag uulit nito.

Pigil na pigil akong ilabas ang galit ko dahil madami ang nakatingin, ayaw kong masira ang imagine ko dahil mag rereflect iyon sa apelyido namin at panigurado ako pag gumawa ako ng eksena ay maaapektuhan nito ang kompanya namin.

"It's okay." sabi ko sabay talikod.

Dumeretso ako sa locker room at doon kumuha ng pamalit. Padabog akong lumabas ng locker room at dumiretso sa shower room para maglinis ng katawan pero laging gulat ko ng maabutan ko si Tryton sa labas nito.

"What are you doing here?!" inis na tanong ko.

"I'm sorry, Mave." parang piniga ang puso ko sa tono niyang iyon.

"Paulit-ulit nalang Try, nakakarindi na." pangdidiin ko.

Papasok na sana ako sa shower room ng bigla nitong hinila ang braso ko. "Iniiwasan mo ba ako?" deretso niya akong tinitigan sa mukha.

"Hindi!" diretsong sagot ko.

"Bakit pakiramdam ko, oo?" nangunot noo ito.

"Pakiramdam mo lang iyon kasi, feeler ka!" hinila ko ang braso ko sa kamay nito saka dumeretso sa loob ng shower room.

Naglinis ako ng sarili ko, saka tumingin sa malaking salamin. Napabuntong hininga ako dahil kung ano ano nanaman ang pumapasok sa isipan ko.

To be continued...