webnovel

Because it's You

BlacXtar · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
3 Chs

“University”

Cayni

Pinili kong umagap nang pasok, hindi din naman maganda para sa isang Prof na bago palang ay late agad. At isa pang rason dahil gusto kung maunahan ang mga estudyante ko.

"You're early, Miss Monte Caves!" One of my co teacher greet me. Sa palagay ko ay nasa mid 40's na ito. Ngumiti naman siya sakin pero ramdam kong strict siyang tao lalo na sa mga estudyante niya.

"Yes ma'am." I smile back with a bow. Inayus ko na ang mga gamit ko at syaka lumabas nang teacher's office.

Dahil malapit lang naman dito ang bahay ko ay kinaya naman ito nang bike ko. Ganoon din ang ginagawa ko kapag papasok sa Cafè, bina-bike ko lang to dahil malapit naman. Mabuti nalang nakahanap ako ng apartment na malapit sa pareho kong trabaho.

Pag labas ko ng opisina ay tumungo na ako sa kasunod na building. Masyadong malawak ang universidad na ito, at talagang nakakamangha ang ganda. Parang sa mga kdrama ko lamang nakikita ang mga ito noon pero ngayun ay dito na ako nag tatrabaho kaya makikita ko ang mga ito araw-araw.

Senior students pa naman ang handle ko kaya medyo nakakaramdam ako ng kaba, sabi nila madami daw sutil dito lalo na ang mga upper year. Kung baga sa Pilipinas ay 3rd year na ang mga ito. Hindi ko naman gustong magkaroon ng masungit o striktong empresyun sa mga estudyante ko pero kung kakailanganin para igalang nila ako ay gagawin ko.

Pag pasok ko sa kwarto ay wala pang tao. Malaki ito at imbes na pantay lang ang sahig ay pataas ang mga upuan na para bang auditorium. Kitang kita ako ng lahat kapag pumuwesto ako agad sa harapan. Kulay puti din ang board at marker ang kailangang gamitin para sa pagsusulat imbes na chock. May maliit na podium sa gitna kung saan siguro dapat pumwesto ang mga mag tuturo.

Pero pinili ko munang umupo sa First row na inuupuan din ng mga students. I use my phone para di ako mabagot pag-aantay. Maya maya pa ay nag sisipasukan na ang mga tao. Free style nga lang ang mga nag aaral dito at I must say mga naka civilian clothes lang. Walang required uniform just like sa mga Prof pero merun naman mga palatuntunan sa mga dapat at bawal isuot.

Gaya ng inaasahan ay hindi ako napapansin ng mga estudyante, bukod sa hindi naman nalalayo ang edad ko sa kanila ay baka dahil busy din sila sa mga gadget nila at ang iba ay sa pakikipag kwentuhan sa mga kaibigan nila.

Mayroon pang 30 minutes bago mag simula ang klase kaya nag patuloy ako sa pag gamit nang cellphone ko. Sa oras na matapos ang 30 minutes ay mag sisimula na ako.

Siguro naman ngayun ay kompleto na sila at maari na ako magsimula, natapos na din naman ang 30 minutes na palugit ko kaya naman mag sisimula na ako. Tumayo ako sa kinauupuan ko at kinuha ko ang bag ko. Tumayo ako sa podium at pinag masdan ang nga estudyante ko na nakatingin sakin habang ang ilan ay patuloy sa paggamit ng gadget nila.

"Ahhm miss, wa..what are.. you..doing there? My.. our teacher.. well be... Here soon..." A young girl from the front try to warn me kahit pa nihihirapan siya mag English. Maybe she can sense na hindi ako Korean kaya sinubukan niya akong kausapin using English language. I love her effort.

"Let her! I don't think she's even in a right room!" Pag tataray naman ng isang babae. So legit pala ang pagkakaroon ng mean girls sa college? Wala kasi sa course ko noon eh.

"But there's a possibility that Mrs. Lee Hando is our prof and she's scary." Pag-aalala ule nang babae sakin. But the mean girl just rolled her eyes.

"Good Morning students. My name is Miss Cayni Monte Caves." I write my name on the white board at syaka ko sila muli nilingon. Pinatong ko na sa ibabaw ng podium ang bag ko.

"Wait! Is she our new prof?" Nagtatakang tanong ng isang lalaki sa likuran. Kanina pa sila nag sasalita using their Natives language. Dapat by now marunong-runong na sila mag English at may basic skills na sila pero bakit ayaw nila subukan? Is it because they're so afraid of their previous prof that they don't remember anything or learn anything from them?

Yun din ang dahilan kaya ayaw kong maging masungit, kasi minsa sa sobrang takot sayo ng estudyante mo wala na sila natatandaan kundi ang matakot sayo.

"I have some rules and regulations in my class and if you follow it all, we will never have any problem at all." I continue.

"I'll bet that she doesn't know how to speak our language!"

"Why this university hired a foreign teacher?"

"Tsk what a waste of time and money!" Ngayun lahat na sila maingay at inuuna ang pagrereklamo kesa ang makinig muna sakin. Kinuha ko ang class card sa bag ko. Kailangan ko muna silang makilala para malaman ko kung paano ko sila makakasundo.

"Mr. Park Jihon?" I started to call. Natahimik naman sila pero halatang wala pa din silang tiwala sakin.

"What you freaking woman!" He raise his hands pero kinailangan nya pa muna akong bastusin. Kasunod nang pagtatawanan ng ibang estudyante. This is not gonna be easy.

"Shut up everyone!" Sigaw ko. Hindi ko alam kong nagulat sila sa sigaw ko o sa fact na nakakapag salita ako ng language nila dahil lahat sila natahimik.

"I will respect you all, but you have to respect me first! I'm here to teach you and you are here to learn!" Now I got their attention. Hindi sila masasamang bata, sadyang may kanya kanya lang siguro silang dahilan kung bakit kailangan nilang mag mukhang malalakas at matatapang, that's what I can sense from them.

I continue to call their name para sa attendance and also para makilala ko sila. Sumasagot na mana sila ng tama at tumahimik naman sila lahat matapos kong magalit.

Sa ngayun ay wala pa namang absent sa kanila sana lang ay magtagal ang ganitong attendance.

"Do you want me to start the class or do you want to know me first?" I ask them politely. Kalmado na din na mana ako at nakakangiti na.

"We like... To know you ... First, Ma'am!" Sinubukan ule mag English ni Miss Go Nami. Siya yung babae din kanina na concern sakin.

"Are you sure?" Tanung ko.

"Yes!" Sabay sabay na sagot naman ng mga estudyante ko.

Pinakilala ko ang sarili ko sa kanila at kagaya ng ibang prof na nakilala ko noon ay nag kwento ako ng kung ano-ano tungkol sakin kasabay ng pag sasabi ko nang mga rules and regulation sa klaseng ito. 

"My 1st rule is that you should speak only English in my class. In that way you will practice speaking it properly. I know some of you still can't speak English that much. I don't care if you have wrong grammar as long as I understand you. Just try it, Okay?" alam ko din naman na kapag nag sasalita ako minsa ay hindi din tama ang grammar ko and I believe as long as nag kakaintindihan kayo ng kausap mo ay sapat na iyo. 

"Now, I can now let you all go to prepare for your next class. Tomorrow we will start our discussion." Habang inaayus ko ang mga gamit ko ay hinahayaan ko nang mag labasan ang mga estudyante ko. Ikinagulat ko naman na halos lahat sila ay dumaan sa harapan ko imbes na sa likurang pinto para mag paalam sakin. I couldn't believe na nakuha ko ang loob nila ng ganon kabilis. Siguro dahil na din sa alam nilang naiintindihan ko sila at dahil halos kaedad ko lang sila. 

To be honest hindi ko gustong maging teacher pero dahil gipit kami sa pera ay ito na ang kursong kinuha ko at pinilit ko na lang na makakuha agad ng trabaho dito sa Korea at dito mag turo. 

Matapos ang tatlo ko pang klase ay napag desisyunan ko nang umuwi. Salamat naman at lahat ata ng klase ko ay mababait naman ang mga estudyante ko at lahat naman ay nakasundo ko kaagad. Hindi ko akalain na ganito lang magiging kadali yon because I expected the worst scenario. 

Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa coffee shop ni Sohee. I park may bike kung saan ko sya usually pinaparada kapag weekend. Natanaw ko na kaagad ang kakambal ni Sohee na si Heeso sa counter. Pumasok na ako as the customer this time pero kung kakailanganin nila ang tulong for this night ay papayag naman akong tumulong basta ba may sahod ako. 

Nang makita ako ni Heeso ay ngumisi agad siya sakin. Lumapit na ako sa counter para umorder. 

"What is your order ma'am?" natatawang tanung sakin ni Heeso. Dahil halos mag kaugali sila ni Sohee ay naging mag ka vibes na din kami at naging mag kaibigan. 

"One ice americano please." I said while laughing. Madami naman ang customer pero ako lang ang nasa counter for now dahil lahat ay nasa kanya-kanyang napiling upuan na ang iba. 

"Right away ma'am. Next costumer please." he said kaya naman napa tabi ako sa gilid upang habang nag aantay ako sa order ko ay makaka-order na ang nasa likuran ko na hindi ko napansin na merun na pala. 

"C'mon Heeso you act always like you don't know me!" pamilyar sakin ang boses na yun pero pinili kong wag lumingon dahil baka naman katunog lamang. Lumabas na si Sohee upang gawin ang order ko at agad na ngumiti siya sakin nang makita ako. 

"I'm glad na dumaan ka dito Cayni!" natutuwa talaga ko kapag nag-tatagalog siya lalo na at hindi yun niintindihan ng kakambal niya. "Oh Jaehyun, you're with her?" nanlaki ang mata ko kay Sohee kasabay nang paglingon ko sa katabi kong costumer. Nagulat din ito ng sabay kami mapalingon sa isa't isa. 

"Oh!" gulat na reaksyun nito sakin na may kasama pang pag turo sakin. 

"I didn't know she's here." aniya. Ngumiti lang ako sa kanya at muling lumingon sa kaibigan ko.

"Kape ko?" tanong ko sa kanya. Nahihilo talaga ko sa kagwapuhan ni Jaehyun kaya kailangan kong iwasang tignan ang mukha niya. 

"Nag mamadali kaba?" tanong nito sakin. 

"Gusto mo ata ako na gumawa sa kape ko ah. Pag ganon libre na yan tamo!" pananakot ko sa kaibigan ko. 

"I'll treat you then." muli akong napalingon sa lalaki sa tabi ko. Masyado siyang malapit sakin na nag tatama na ang mga braso namin kaya naman medyo lumayo ako. 

"Nah' it's okay. I was just joking!" at tumawa ako ng pilit kaya nag tunog awkward ang tawa ko.

"Pareho pa kayong Ice americano. Here's your order." inabot samin ni Sohee ang kape namin at ang card lamang ni Jaehyun ang kinuha niya. Pilit ko namang inabot ang pera ko pero hindi tinanggap ni Sohee. 

"Jaehyun's treat, remember?" usal nang kaibigan ko habang naguguluhan naman samin ang kakambal niya. 

"Sige na don na kayo at may costumer pa kami." pinagtabuyan na kami ni Sohee at ang nakakagulat ay isa nalang ang available na table. 

"Is it okay if we share the same table?" he ask me. Hindi ko naman alam kong pano tatanggi kaya tumango nalang ako. Natatakot akong maging close sana sa lalaking ito dahil sobrang gwapo niya at natatakot akong baka pa-fall ang isang to at alam na alam kong mahuhulog ako agad. 

"So, galing ka sa other work mo?" akala ko ay uupo na siya sa hinila niyang bangko pero iginiya niya ito sakin at agad ko na lamang inupuan ito bago siya umupo sa tapat kong bangko. 

"Ah, oo eh." nahihiya kong sagot. Humigop na lamang ako ng kape ko at tumingin sa labas. 

"You look afraid and uncomfortable with me. I can leave if you want." dagli akong napalingon sa kanya. 

"Naku, hindi ah. Okay lang na diyan ka umupo." Natataranta kong pigil sa kanya. Sa totoo lang naman ay siya ang costumer at isa pa nilibre niya ako ng kape tapos nakakahiya naman na aalis siya dahil halatang naiilang ako sa kanya. 

"Hindi naman ako sa uncomfortable sayo... takot lang ako sa gwapo." binulong ko yung dulo at sabay inom a kape ko. 

"You think I'm gwapo?" nabigla ako na narinig pala niya yung binulong ko sa sarili ko kaya naman uminit agad ng pisngi ko. 

"Huh? Sino nag sabi?" pag dadahilan ko. Alam kong hindi ako magaling mag sinungaling pero baka naman makalusot. 

"Nakinig kaya kita. Sabi mo takot ka sa gwapo." ngayun nag-iba na ang tuno niya. Tunog nang aasar na siya ngayun at lalo lang akong nahihiya sa sarili ko. 

"Pero diko naman sinabing takot ako sayo." bawi ko. Natahimik siya at unti-unting nawala ang ngisi sa labi niya.

"Kung sa bagay." aniya habang napapakamot sa batok. Medyo nag smile naman siya ulit. 

"Joke lang, gwapo ka naman talaga!" pag bawi ko. Hindi ko naman hahayaan na e-down ang confidence niya at isiping hindi siya gwapo. I rather say the truth kesa makasira ng tiwala sa sarili ng ibang tao. 

"Really?" bakit naman nag tatanung pa siya? Hindi ba siya mahilig tumingin sa salamin at hindi niya alam na gwapo siya?

"So, you're really afraid of me?" muli niyang tanung. 

tumango nalang ako at hinayaan siyang tumawa dahil sa reaksyun ko.