webnovel

Chapter 14

RILEY POV

"Sir may meeting po kayo in five minutes. Sambit ko kay Sir. Lucas.

Nandito kame ngayon sa opisina niya.

Tumango lamang si Sir. Lucas at tumayo na din to. Lumabas eto ng kwarto at tinungo ang conference room para sa meeting na aattenand niya. Samantalang ako naman ay sumunod lamang sa kanya at ng makapasok na kame ay agad agad namang nag sipag tayuan ang mga taong naka upo doon upang batiin si Sir. Lucas.

"Good after noon Mr. Anderson. Bati ng mga taong naka upo dito.

Hindi umimik si Sir. Lucas at diretsong umupo lang eto sa gitna at sumunod naman ako sa kanya at tumayo sa gilid neto.

"Wala naman na tayong hihintayin diba? Malamig na tanong ni Sir. Lucas.

Tumango naman ang mga taong nakaupo at inumpisahan na din ni Sir. Lucas ang meeting. Lumipas ang thirty minutes at natapos din ang meeting na eto.

"Slave. Tawag saken ni Sir. Lucas.

"Yes po sir? Tanong ko dito ng makalapit ako sa kanya.

"May appointment paba ako? Tanong neto saken habang inaayos ang papeles na nasa lamesa niya.

Chineck ko ang hawak kong tablet at may nabasa pa akong dinner na nakalagay don.

"Meron po kay Ms. Syndra De Carpio ang fiance niyo po mamayang eight pm. Sambit ko dito.

Hindi umimik si Sir. Lucas at umalis na ako sa harap niya upang bumalik sa pwesto ko.

"Syndra pala pangalan ng fiance niya. Bulong ko sa sarili ko.

"Slave. Muling tawag neto saken kaya lumingon ako at lumapit sa kanya.

"Yes sir may kailangan ka po? Tanong ko dito.

"Sumama ka saken mamaya sa dinner. Malamig na sambit neto saken.

"Y-yes sir. Sagot ko naman dito.

Alam kong slave lang ako pero nasasaktan na talaga ako sa mga oras na yon. Kailangan ko paba makita ulet ang fiance niya?

~FAST FORWARD~

Kasalukuyan nameng tinatahak ang restaurant kung saan nag hihintay ang fiance niya at medyo late na kame ng ten minutes.

"This way Mr. Anderson. Sambit ng waiter na nag assist samen.

Sinundan lang namen ang waiter at narating din agad namen ang isang kwarto at binuksan naman agad eto ng waiter.

"Salamat po. Ako na lang nag pasalamat sa waiter dahil hindi naman ugali ni Lucas mag pasalamat.

Ngumiti lang saken eto at tuluyan na kameng pumasok, pag pasok namen bumungad samen ang isang magandang babae at mukhang masayang masaya na pumunta kame.

"Akala ko hindi kana darating. Malambing na sambit neto.

Hindi umimik si Sir. Lucas at diretsong umupo lang eto sa bakanteng upuan at ako naman ay sumunod lang at naka tayo sa likudan niya.

"Bakit kasama yan? Takang tanong ng babaeng to at turo saken.

"Hindi ka naman aabalahin ng slave ko. Malamig na sambit neto.

Nakita kong tinarayan ako ng babae at tumingin muli kay Sir. Lucas.

"So ilang days na lang at magaganap na ang engagement party natin anong klaseng venue gusto mo? Tanong ng babae kay Sir Lucas.

"Anything is fine. Maiksing sagot naman neto.

Parang hindi nagustuhan ng babae ang sagot ni Sir. Lucas pero kita ko dito na pinilit niya na lang ngumiti.

"Order muna tayo. Sambit ng babae.

"Hindi ako gutom. Malamig naman na sagot ni Sir.Lucas.

Hindi ko alam bakit ganito niya patunguhan ang babaeng eto eh fiance niya to tapos magiging asawa niya na soon.

"Ganon ba, wine? Gusto mo ng wine? Tanong ng babae.

"No, thanks. Sagot ulet ni Sir. Lucas.

Tila kumunot na ang noo ng babae at lahat ng inooffer niya dito at tinatanggihan lang ni Sir. Lucas.

"A-anong gusto mo? Pekeng ngiting tanong ng babae dito.

"Wala. Maiksing sagot naman ni Sir. Lucas.

"Ano ba kailangan mo at kailangan mo pa ako istorbohin? Malamig na tanong ni Lucas dito.

"G-gusto lang kita makasamang kumain lalo na at malapit na tayo maging mag asawa. Pabebeng sambit ng babaeng eto.

Hindi ko alam pero naiirita ako sa babaeng to at ang arte arte ang galing pa umacting hindi naman bagay sa kanya.

"Yun lang? Malamig na tanong ni Sir. Lucas.

"O-oo. Pabebeng sagot naman ng babae.

Tumayo si Sir. Lucas at tinignan ang babaeng naka upo sa harap niya.

"Ayoko mag aksaya ng oras sa walang kwentang bagay. Sambit neto at umalis na sa harap ng babae.

Tila nagulat ang babae sa sinabi niya at tumayo din eto sabay hawak sa kamay ni Sir. Lucas. Ako naman ay pinapanood lang silang dalawa at para akong nanonood ng live drama.

"A-ano bang problema mo? Ikakasal na tayo tapos ganyan mo ako itrato?! Galit na tanong neto kay Sir. Lucas.

Binawi ni Sir. Lucas ang kamay niya at humarap sa babae at tinignan eto ng isang malamig na tingin.

"Ikaw ang may gusto neto at hindi ako. Wag kang umasa na itra-trato kita bilang asawa. Malamig na sambit ni Sir. Lucas na siyang kinagulat ng babaeng to.

"O-oo ako ang may gusto neto! Siguro tama nga ang sabi nila! Hindi ka pa rin nakaka move on kay Sofia! Galit na sigaw neto kay Sir. Lucas.

Biglang hinawakan ni Sir. Lucas ang kamay ng babae at tila nasasaktan naman ang babae sa pagkahawak niya dito.

"A-aray b-bitawan mo ako! Nasasaktang sambit ng babae dito.

"Wala kang karapatang banggitin sa harap ko ang pangalan ng taong yan. Madiin na sambit ni Sir. Lucas dito.

Ngumisi naman ang babae at tila may balak pang asarin si Sir. Lucas kahit na nasasaktan na eto.

"So totoo nga? Naka ngising sambit ng babae dito.

Tinignan ng masama ni Sir. Lucas ang babae at binitawan ang kamay neto.

"Totoo man yan o hindi wala ka ng pakelam don. Madiing sambit ni Sir. Lucas at tumalikod na eto.

"Matagal ng patay yun Lucas gumising ka nga! Sigaw na sambit ng babae.

Tila napahinto si Sir. Lucas ng marinig niya yun at muling lumingon eto sa babae.

"S-sir t-tama na po yan. Awat ko.

Baka kasi biglang sapakin ni Sir. Lucas etong babae.

"Ikaw sino ka din ba?! Baka naman parausan ka netong lalaking to kaya sunod ka ng sunod sa kanya! Nagulat ako ng sigawan ako ng babae at dinuro ako neto.

Pero mas lalo akong nagulat ng biglang sampalin ni Sir. Lucas ang babae at dahilan eto upang mapa upo siya sa sahig.

"Wag na wag mong pagsasalitaan ng ganyan ang taong mahal ko! Galit na sigaw ni Sir. Lucas.

Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang salitang yon at para akong nabingi na hindi ko mapaliwanag. Dahan dahan kong tinignan si Sir. Lucas at nakita ko sa mukha niya ang gulat ng gawin niya at sabihin niya ang mga bagay na iyon.