webnovel

Executioner Phantom Lady

Chapter 4

^Bridgette's Part^

May sasabihin daw ang principal namin na si ma'am Rales, sus lagi naman may ganun always naman kahit wala naman ako

pakialam sa mga sinasabi ng matandang principal na to.

Wala man lang kasi syang sense of humor kapag nagsasalita sa harapan kaya ang boring makinig sakanya eh ngayon andito

lang ako naka-upo sa bleachers mag-isa oo mag-isa ako kahit may mga katabi naman akong mga babae na hindi naman sakin

nakikipagka-ibigan, ewan ko ba sa mga classmates ko at mukang ayaw nila akong maging kaibigan, haaay palibhasa kasi last

2nd year transfer din ako dito sa school na to na NFA, parang bigas lang nu (NEW FORTLAND ACADEMY),  duon kasi ako sa

dati kong school na inayawan ko dahil din sa wala akong naging kaibigan hay ewan ko ba bakit pati dito wala din akong

friends what's wrong with my attitude? F*ck who cares!

I'm beautiful on my way

Because God no mistakes

I'm on the right track

Baby I was born this way… =))

Iniisip kasi ng mga babaeng to porke maganda ako at maraming binasted na mga lalaki na palagay ko bf nila o crush nila

akala nila malandi na ako ayaw pa ba nila na tinangihan ko sila ay naku masyado kasi silang judgemental hindi muna nila

ako kilalanin. Nakakabadtrip lang kapag naiisip ko sana hindi nalang ako pinanganak na maganda kung wala naman akong

kaibigan. Dahil aanhin ko naman ang ganda kung ganito naman ako at mag-isa hay. Sigh….

While nakikinig ako bigla kong natignan sa di ina-asahang pagkakataon si Shawn nandun sya nakatayo sa kabilang side sa may

malapit sa pasukan nitong gym natanaw nya ako at ngumiti sya sakin, tumingin ako sa likod baka kasi hindi ako yung

nginingitian nya eh pero wala naman tao dun sa likod ko na nakatingin sakanya sa halip may kausap yung nasa likod ko tapos

lumingon uli ako sakanya na nakasmile sya sakin biglang nalaglag yata yung puso ko sa pagwingked nya pa gosh

what the heaven is that?

Napayuko nalang ako sakanya at ng tignan ko sya ngumiti nalang ako ng weak smile nahihiya kasi ako eh, na parang kinikilig

sa mga tingin at ngiti nyang yun harrrghg naman oh…

Kaso bigla naman na syang iwas ng tingin dahil mukang may tinignan na sya sa di kalayuan at napansin ko nga yung babaeng

tinignan nya si Camillke tsk. Oo sya na nga ang taong mahal nya halata naman sakanya haaay buntong hininga parang biglang

tinusok ng maraming karayum yung puso ko biglang kumirot.

Ouch! Ha.

Sana karayum na may anestisya nalang yung tumusok eh ng hindi ko maramdaman yung ganitong feeling. Nilapitan nya si

Camillke at napansin ko may kasama si Camillke kilala ko sya, hmm sya yung kaklase ko ah kilala nya ba si Camillke? Alam

ko bago lang yung lalaking lampa na yun.

Lampa kasi muka syang lampang ewan, hindi naman sya mukang gusgusin pero bakit parang muka syang lampa kahapon pa nawalan

sya ng pera dahil sa katangahan nya, kaya ako nalang nagbayad ng pagkain nya, tsaka kasi para din naman makabawi nasapul ko

sya sa muka bull's-eye eh. Pag na-aalala ko talaga nakakatawa eh hahaha.

******   ******

Tapos na ang walang kakwentang kwentang sinabi ng principal namin tungkol sa school regulations, events at kung ano-ano

pang mga bagay tungkol sa curriculum ng eskwelahan hahay ewan ko.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa room namin magrecess time na din kasi kapag nakapunta na kami sa may room malapit

lang kasi yung canteen namin dun eh bawat year level kasi may kanya-kanyang canteen.

Habang naglalakad ako sa may likod at wala man lang kakwentuhan dahil mukang wala naman gusto maki-pag kaibigan sakin eh

andito ako loner at sa wakas may tumabi sakin at nagsalita sya eto na yun nararamdaman ko na…

"hi Bridgette" napalingon naman ako banda sa kaliwa ko kasi nasa kaliwa lang yung tunog ng boses nya.

"hell-- -" di ko na natuloy yung sasabihin ko na hello dahil nagulat ako sa tumabi sakin habang naglalakad yawa naman sya

pa putek!

"Dina?! Anong kailangan mo ha?"

"sumunod ka sakin may pag-uusapan tayo" tapos tumungo na sya palayo sakin at naglakad na parang sinasabi ng likod nya

habang tinitignan ko sya palayo na sumunod daw ako. Haixt talaga oh walang dala tong babaeng to ah.

Kaya pinasya ko nalang na sumunod may pag-uusapan daw kami eh malay natin ito na ang umpisa ng legacy na magiging

magkaibigan kami nitong babaeng sumabunot sakin nung nakaraan.

Nasa may likod na yata kami ng room ng mga 1st year yata to at walang mga istudyante dito malamang nagrecess na sila.

Humarap sakin si Dina at tsaka sya nagslita sakin na diretso ang mga mata nyang nakatingin sa maganda kong muka.

"mag sabi ka ng totoo sakin sa mga itatanong ko"

"ano ba yun ha? At kailangan dito pa tayo sige umpisahan mo yang interview mo"

"nilandi mo ba si Russel ha?"

"anong pinag-sasabi mo baliw ka ba ha? Mali ka ng iniisip mo tungkol sakin Dina"

Nasabi ko na ba na classmates ko sya last 3rd year kami, bf nya yung sinasabi nyang Russel hay ewan ko kung bakit nya

sinasabi sakin to eh di ko nga enertentain yung palikero nyang bf na malandi dahil ako nilalandi nun.

"wag ka ng mag-maang maangan Bridge tignan mo nga to"

Pinakita nya sakin yung cp nya wow ang galing iphone hmm ano yan china made haha jokes!

Nanglaki ang mata ko sa nakita ko kasi sa picture naka-akbay sakin si Russel. O__O

What the hell is that?

"huh? Ano yan nagkakamali ka lang ng pagkakaintindi sa nakikita mo dyan girl kaya din't be so stupid"

"kitang kita mo na malandi ka talaga"

"hindi ako malandi yang bf mo ang malandi oo natatandaan ko na umakbay sya sakin dahil MANYAKIS yang bf mo kaya umakbay

sakin at alam mo ba ang ginawa ko dyan itinulak ko pa nga sya eh yan lang ang nakita mo hindi ang totoong pangyayari kaya

pwede ba wag mo ng ipakita pa sakin yan idelete mo na nga yan ang SAGWA!"

"SINUNGALING! Ka! kitang kita na malandi kang babae ka your such a horny whore!"

"SIRA ULO KA PALA EH KITANG KITA MO NA NGA ANG BF MO ANG MALANDI NAGBUBULAG-BULAGAN KA PA TAPOS AKO ANG TINATANONG MO

BAKIT HINDI ANG BF MO ANG TANUNGIN MO HINDI AKO BALIW! SINO BA ANG UMAKBAY AKO BA HA KITA MONG SYA YAN OH SYA ANG UMAKBAY

SAKIN WAG KANG SIRA GAMITIN MONG MAIGE YANG MATA MO BAGO KA PA MABULAG!!" di naman ovbius na sumisigaw na ko nu panu

nakaka hb yung sinasabi nya nakakainis ang sarap kumalbo ng tao!

"WAG KA NG MAG-PALIWANAG PA DAPAT KANG TURUAN NG LEKSYON! Gals labas na!"

At may mga lumabas nga na mga nilalang na zombie na niluwa ng lupa na nagsilabasan 2 silang babae at kilala ko sila, sila

din yung nakara-ang linggo f*cking crap! BLACK EYED PIECE! YUCK!

Dumikit sila kay Dina at si Dina nga yung nasa gitna ano to Charlies Angels lang sila ay hindi pala mas magandang tawagin

silang Zombie Ladies mas mukang may dating yun.

Nagpose ako ng parang pangkarate, medyo kinakabahan din ko dahil tatlo sila tumingin ako sa paligid pero walang mga tao,

walang ibang tutulung sakin dito kundi ang aking sarili ready na ko sa mga galos….

Na kanilang matatamo dahil sa pagsugod nila sakin haha ano akala nila magaling yata ako black belter kaya ako.

"Jade, Claire hawakan nyo sya at iharap nyo sya sakin" sabi ni Dina parang boss lang sya ng dalawang babaeng mga zombie

na to ah sya na gang leader.

Ready na ako talaga go for go na talaga wala na akong aatrasan at hindi ako tatakbo face to face, teeth to teeth, eye to eye,

basta wag lang mouth to mouth nakaderder.

Sumugud na sila sakin na patakbo ako naman pumikit muna na parang nagmemeditate.

"YAN UMPISAHAN MO NG MAGDASAL BABAE KA!" sabi ng isang babae na sumusugod sakin na hindi ko alam kung ano ang pangalan

either Jade lang o Claire but I don't even care.

Minulat ko ang mata ko at inumpisahan kong suntukin sa tyan yung isang babae.

"AHHHRG" habang hawak ng isang zombie yung sikmura nya

Tapos yung isang babae naman balak akong sabunutan nahawakan ko yung kamay nya at itinulak ko sya at tsaka ko sya tinadyakan

natamaan sya sa may pwet haha wawang slut napataob, tapos sumugod ulit yung sinikmuraan ko kaya ginamit ko na ang isang

special technic ko. Sinampal ko sya ng ubod ng lakas dahilan para magtwist yung muka nya ng right angel 90 degrees para

mapatingin sya sa may east.

"GOD!" napahawak sya sa may pisngi nya at susugod na naman, at nakalmot nya ako sa may braso ko takte talaga anong ginawa

nya sakin grrr!!!

Kaya lalo akong nagalit taguro 110 porsyento na ang ibibigay ko at tinandyakan ko sya sa sikmura gamit yung tuhod ko sa

madaling salita tinuhod ko sya at ayun bagsak sya sa semento at nananakit ang tyan namimilipit ang gaga.

Pasugod naman yung babaeng kanina ay natadyakan ko lang at napigilan ko sya ng iforward ko yung dalawang kamay ko at

nahawakan ko banda yung dibdib nya.

"wow ang laki ha" pinisil ko yun tapos nang-galaiti sya.

"bitch gdtabianangs ka!"

Tapos nagwild sya at bahagya nyang nahagip ang muka ko ng sampal nya kaya naman napa 55degree sa twist ang muka ko.

"WALANG HIYA KANG BABAE KA" galit na ako at kaya naman nangigil ako at sinutok ko sya sa muka nya tinamaan sya sa pisngi at

mukang na-alog yung pagmumuka nya. Nangaray sya sa sakit at napaupo sa semento sa palagay ko nahilo ang loka haha mali

sila ng kanilang kinalaban.

"oh ano bagsak na ang dalawa mong alipores halika at bibigyan din kita"

"F&CK YOU MOTHERf*CJFR!" tapos sumugod sya sakin na tumatakbo tapos ang sumunod na pangyayari sa ganda ng entrance nya ay

napunta sa isang parang tangang execution nya pwede bang pumalakpak muna kayo bago nyo sabihin natawa kasi ako eh

hahahahaha HAHAHAHA ;PD

.

.

.

.

.

.

"F&CK YOU MOTHERf*CJFR!" tumakbo sya sakin habang galit na galit ang muka ng malapit na sya sakin bigla syang natalisod

at nadapa dahil sa pagkadulas nyang yun bumagsak sya sa semento.

"HAHAHA LAMPA" sabi ko naman sakanya at tumayo n ulit sya na nanglilisik ang mga mata nya parang gaya ni Cassandra pero mas

mukang syang si Kurapika.

Lumapit sya at ako naman naka pormang karate pa din ng palapit na sya gagamitin ko na sana ang hadukent ko kaso na-alala ko

nga palang hindi ito street fighter na palabas nasa loob lang pala kami ng school naglalaban so SCHOOL FIGHTER na ba ang

tawag dito? Sa umatikabong labanan ng kampon ng kasamaan at kampon ng kagandahan hahaha….charot

Ginamit ko na ang Lucky punch ang ace kong natitira, boxing na pala to ang pinag-aralan kong suntok at timing isang napaka

fantastic na execution isang napakagandang kanan ang binitiwan ko na naglanding sa muka nya parang bumagsak sya sa canvass

este sa sementong gaya ni pacman. Ala Marques kasi yung ginamit kong istilo eh haha. =)

Bagsak sya dun at nananakit ang mga itsura ng tatlo na silang nakahandusay sa semento, kinuha ko ang cell phone ko hindi

to iphone pero may camera din at touch screen naman din to at tsaka ko sila vinideohan habang nagsasalita ako.

"ok narito po tayo sa isang ingkwentro kasama natin ang nagbabalitang si Bridgette ang inyong prinsesa, ang nakikita nyong

mga talunan na grupong zombie ladies ay tinalo ng hindi pa nakikilalang salarin, pero mapalad po ang cover ko na ito na

nasaksihan ko ang gumapi sa tatlong babaeng nakikita nyo sa inyong screen halina't pakinggan ninyo ang panayam ko sa kanya"

habang nakatutuk yung camera ng cp ko sakanila, na muka silang mga timawang talunan at masasakit ang mga katawan sa tinamo

nila sa pakikipaglaban sakin.

"miss anong pangalan mo? Isa ka bang superhero?" tanong ko saking sarili pero hindi ko kinukunan yung sarili ko.

"ah tawagin nyo nalang ako sa pangalang the executioner phanom lady oha diba ang astig" yan ang sabi ko na iniiba ko ang

tono ng boses ko sa isang cute na paraan haha.

At tsaka ko na tinigil yung pag camera sakanila dahil pupunta pa ko sa room ko nu magrecess pa ko eh takte badtrip pa din

ako sa sugat sa braso ko takteng kalmot yan!

Nilakaran ko yung tatlong babae hinakbangan ko sila isa tapos ng makarating ako kay Dina at hinawakan yung damit nyang

uniporme.

"ngayon Dina magtanda na kayo ng grupo mo dahil hindi lang yan ang matatangap nyo mula sakin kapag hindi kayo tumigil"

tsaka ko sila iniwan dun na ngumangawa at galit na galit ang mga pagmumuka nila sakin at dalian na din akong pumunta sa

may room namin, at tsaka ako pumunta ng canteen para bumili ng makakain pero gaya pa din ng ina-asahan kakain na naman ako

mag-isa magcecelebrate ako sa pagkapanalo ng laban ko sa tatlong babaeng ugok.

******   ******

Habang kumakain naiisip ko nalang bigla bigla si Shawn hay buntung hininga, tsk biglang kumirot ulit ah ng maisip ko ang

gusto nya na kasama nya dun sa gym si Camillke, wala naman ako galit sa babaeng yun pero bakit may feeling na naiingit ako

sakanya hmp =(

At may biglang lumapit yata sa harapan ko na isang lalaki at nagsalita. Nagulat ako syempre na may balak sakin na tumabi.

"pwede ba akong maki-upo?" hindi  ako lumingon at nagsalita ako ng diretso na parang galit yatang ewan, kasi badtrip pa

din kasi ako sa mga nangyari kanina at sa sugat ko pa tsk!.

"sigurado ka ba ha?" yan nalang ang naisagot ko sakanya

"oo maaari ba?"

At lumingon na ako sakanya na nakatingin ng masama at nakita ko ang isang lalaki sya nga….

Yung bago naming kaklase ano ba pangalan ng kumag na to?